logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 2 Two: He

Hindi ko alam kung bakit pagkatapos ng nangyari kahapon, na muntik na akong mamatay, eh, dito pa rin ako dinala ng mga paa ko.
Also, hindi ako pinatulog ng konsensya ko kagabi dahil hindi man lang ako nagpasalamat sa tumulong sa akin. Instead, ang rude pa ng pag sagot ko sa kaniya.
"Bumalik ka."
Halos tumalon ang kaluluwa ko palabas ng katawan sa pagsulpot ng lalaki. Galing siya sa kanan at mukhang kanina pa siya nandito. Tumayo ako at bahagyang pinagpag ang likod ng pants saka siya hinarap.
"Hindi ka ba natatakot na maulit yung nangyari kahapon?"
"I've learned my lesson from what happened yesterday. Kaya ko na iwasan 'yon ngayon." Matigas kong sagot. "Ikaw, bakit nandito ka? hindi ba dapat nasa iskwela ka?"
Hindi ko alam kung bakit ko na sabi iyon gayon na hindi ako sigurado sa edad niya, pero mukha namang hindi lang kami nag kakalayo. But, I regretted it, maaari na ibalik niya sa akin ang tanong.
"Huminto na ako, last year."
Sagot niya na bahagyang ikinagulat ko. "I see.." I don't know why I felt bad for him but I hope he wouldn't ask me the same question.
"But why?" hindi ko maiwasang hindi mapaisip kung bakit. May parte sa isip ko na baka parehas kami ng situation. However, he didn't seem problematic but there's something about his presence, hindi ko lang masabi kung ano ang tamang term.
"Dahil gusto ko." He answered, casually. He turned around and started to walk away.
I hold my breath. "You know what. I also dropped out from college, and we moved here."
"Ahh, kasama mo pamilya mo?" he asked, na hindi lumilingon sa akin.
"Si Mama lang."
"Bakit dito n'yo naisipan lumipat?"
I shrugged as if nakikita niya ako. Nauuna siyang maglakad at hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon at kung bakit ko siya sinusundan. I actually don't feel any danger towards him, he seems nice and harmless.
"I don't know. Mama never mentioned about this place before. I somehow regretted, ngayon ko lang nalaman na may matutuluyan pala kami sa ganitong lugar. Edi sana matagal na kaming lumipat dito at hindi na nangyari 'yon kina—"
I caught off myself and regretted that I almost tell my story to this stranger. I paused a while and tried to cover the things I just said.
"I- I- I mean I like this place, yeah, I like here. Magulo kasi sa syudad, masyadong maingay." I hope he didn't notice how I stuttered. Inatake ako nang kaba nang matawa ito.
"Oh? Mas gusto ko sa syudad." He said and I scoffed.
"Kung iniisip mo na maganda mamuhay buhay sa syudad, it's only good for the elites. Even hardworking, ka na tao, kung ayaw sa 'yo ng society, ayaw nila sa 'yo, and worst is after pushing you to the hole they digged, walang tutulong sa 'yo lalo na kapag bagsak ka sa standard nila, they'll let and wait until you started to bury your own self." Napailing iling ako. "Tuwang-tuwa pa mga 'yon kapag may naga-gago silang tao."
"Tha's life. Sa tingin mo ba aangat ka kung hindi ka mapupunta sa ibaba? come to think of it, karamihan pababagsakin ka lalo na kapag may nakita silang potensyal sa 'yo. 'Yang mga 'yan, takot kasi sila malamangan. Kaya kaysa magpa apekto ka, bakit hindi mo hasain 'yong bagay na mananampal sa kanila?"
I couldn't but to burst into laugh. He just used the word mananampal and realized na may pagka-brutal din pala siya mag salita. Not realizing how comfortable am I right now.
"Okay, pero bakit mo muna ako hinila sa likod ng damit kahapon. Pwede naman sa braso, 'di ba? I almost die not because I might fall but because of suffocation." Walang preno kong sabi. I'm not mad, I know it's done, nangyari na, pero, he shouldn't did that.
He sighed, I was slightly shocked. "Akala ko kasi hindi kita mahahawakan." Aniya na may bahagyang pag tawa.
I scoffed.
"Why? I mean, multo ka?" It supposed to be a joke, pero wala akong narinig na kahit anong tawa. Bahagya akong nag-bend para silipin ang reaksyon niya na biglang napahinto sa paglalakad. "It's just a joke."
He turned around at ngayon ay magkaharap na kami. There's an expressionless on his face and I can't tell if he's mad or something. May na sabi ba akong mali? I panicked a little because he look too serious, wala akong makitang rason para seryosohin niya 'yong joke ko unless tinamaan siya..
"Wait."
"Wait, why?" nagtataka kong tanong. Pinagmasdan ko ang kamay niya na papunta sa ulo ko,
"Aagh!!" napa ngiwi ako sa sakit nang pitikin nito ang noo ko. Dinig ko pa ang tunog ng bungo ko laban sa buto ng daliri niya. "Problema mo?!"
Muling lumabas ang mapuputi niyang ngipin at natawa siguro sa reaksyon ko. "This ain't funny!" I thought he was harmless. Nagsisimula na akong isiping isa s'yang psychopath. He had this serious face a while ago and now, apura ngiti niya.
"Shaun."
"Ha?" salubong ang kilay ko na tanong. Narinig ko siya pero hindi agad iyon na-process ng utak ko.
"Shaun, ako si Shaun."
"So?" inirapan ko s'ya habang hawak ang noo. "Alina."
We reach the flat ground part, at sa tabi ng isang puno naka park naman ang bisikleta ko.
"Aren't you going home?" tanong ko nang ma pansin na nakatayo lang siya doon at pinapanood akong sumakay.
He smiled again and barely shook his head. "Masaya ako na nagustohan mo 'tong lugar, Alina."
Saktong pag upo ay napasinghal ako. "You should appreciate this place, huwag mo na tangkaing pumunta ng syudad. I swear, masisira buhay mo."
I heard him laughing again when I started to pedal.
"Alina!" Shaun shouted. Napahinto ako sa pag-padyak, itinukod sa lupa ang kaliwang paa at muli siyang nilingon. "Balik ka ha?"
I scoffed.
"I won't!" Sigaw ko pabalik saka itinuloy ang pagpadyak hanggang sa makauwi ako, I did not even realize that I was smirking the whole time.
It's been a while, a year, when someone made me laugh.

Bình Luận Sách (88)

  • avatar
    LaurenceLeya

    funny

    4h

      0
  • avatar
    MacaurogJasmine

    thank you ☺️☺️

    05/08

      0
  • avatar
    MagbanuaVichie Joy

    exciting

    31/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất