logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 2

Pagbalik ni John, wala na ang masayang awrang kanina'y bumabalot sa kaniya. Kita iyon ni Ashley, malinaw na malinaw, pilit man niyang ikubli sa likod ng malapad niyang ngiti.
"Umiiyak ka ba?" nag-aalalang tanong ng binata. Agad siyang umupo sa tabi ng dalaga at tinitigan ng mabuti ang mukha ng kasintahan.
Nakangiting umiling si Ashley.
Ikinulong ni John ang magkabilang pisngi ni Ashley sa kaniyang mga palad. Gamit ang kaniyang hinlalaki, maingat niyang pinahid ang namuong luha sa ilalim ng mata ni Ashley. Ang pagdampi ng mainit na balat ni John sa kaniyang mukha ay naging hudyat upang sunod-sunod na tumulo ang mga luhang kanina niya pa pinipigil.
"Anong problema, Ash?"
Tinitigan lamang ni Ashley si John at ikinulong sa kaniyang mga bisig. Agad na nakabawi ang binata sa pagkagulat at yinakap din nang mahigpit ang kasintahan.
"Tell me, what's wrong?"
Umiling si Ashley, paulit-ulit.
"Nothing. Nothing. I'm just happy. Hindi lang ako makapaniwala na tatagal tayo ng tatlong taon."
Dahan-dahang humiwalay si John at hinawakan ang palad ni Ashley. Pinunasan niya ang mga luha ng dalaga gamit ang likod ng kaniyang hintuturo.
"I need you to come with me," nakangiti niyang turan.
Tumayo si John at tinulungan si Ashley. Pahakbang na sana siya ng maalala niyang may nais nga palang itanong si Ashley sa kaniya. Humarap siya sa dalaga.
"Ah! Ano nga pala iyong itatanong mo?"
Nakangiting umiling si Ashley. "Wala," tipid niyang sabi.
Nakapagpasiya na siya. Hangga't hindi sinasabi ni John na hindi siya ang mahal niya, kakapit siya. Hindi siya bibitaw. Isa pa, hindi pa naman kumpirmado, baka nagkataon lang ang lahat. Tinitigan niya ang mga kamay nilang magkahawak. Gumuhit ang mapait na ngiti sa kaniyang labi. Ibinaling niya ang mga mata sa likod ng ulo ni John.
'Panghahawakan ko ang mga pangako mo, John. Sana, sana, tuparin mo ang mga iyon.'
Sa mga taong kilala ni Ashley si John, iisang bagay lang ang sigurado siya, hinding-hindi siya tutulad sa kaniyang ama. Gagawin niya ang lahat, hindi lamang mangyari ang bagay na iyon.
Habang tinatahak nila ang maliit na pathway patungo sa kanilang secret place, umiilaw ang mga lampost at ang mga christmas lights na nakasabit sa mga halamang nakatanim sa magkabilang gilid ng daan. Hindi iyon agad napansin ni Ashley sa lalim ng kaniyang iniisip. Subalit, nang mapansin na niya iyon, gumuhit ang malapad na ngiti sa kaniyang labi, kasabay nito ang pagbalot ng kasiyahan at pagkamangha sa kaniyang mukha. Sa isang iglap, ang lahat ng kaniyang takot at agam-agam ay naglaho na parang bula.
Nagkatinginan sila ni John at sabay na napangiti.
Habang nakatingin siya sa masayang mukha ng kasintahan, sigurado na siya, nagkataon lamang ang lahat. Hindi niya gagawin iyon. Walang rason para gawin niya iyon. Mahal siya ni John at palagi niyang ipinaparamdam iyon sa lahat ng bagay na ginagawa niya. Pakiramdam niya ang sama niya, sapagkat pinagdudahan niya ang taong kailanman, hinding-hindi gagawin ang bagay na ikinakatakot niya.
Napasinghap siya ng makita ang ayos ng kanilang secret place. Maya-maya pa'y sunod-sunod na tumulo ang kaniyang mga luha dahil sa labis na kasiyahan.
Nakabitin sa sanga ng mga puno ang mga christmas lights na may kulay dilaw na ilaw, sa mga ito, nakatali ang mga larawan nilang dalawa gamit ang manipis na kulay pulang tela.
Dahan-dahan siyang naglakad palapit, pilit na pinapasadahan ng tingin ang lahat ng larawan. Sa hindi niya mawaring dahilan, nakaramdam siya ng takot, takot na mabilis ding nagapi ng kasiyahang kaniyang nadarama. Kasabay ng kaniyang paghakbang ay paglandas ng luha sa kaniyang mga pisngi.
Ang maliit na bahay kubo ay balot na balot ng mga ilaw. Sa ibaba, ay dagat ng lobo. Ang mesa sa gitna ay puno ng pagkain. Subalit, kapansin-pansin ang cake. Nakasabit sa pader ang mga letrang bumubuo sa mga katagang "Happy 3rd Anniversary! I love you!"
Sa tali ng mga helium balloons, nakadikit ang mga larawan nilang kuha habang ipinagdiriwang nila ang kanilang mga nagdaang monthsary at anniversary.
"Happy 3rd anniversary! I love you, Ash!"
Nakangiting humarap si Ashley kay John.
"Happy anniversary. I love you."
Yinakap niya nang mahigpit ang binata.
Habang abala sa pagkain si Ashley, napaigtad siya ng pahiran siya ni John ng icing sa labi. Pag-angat niya ng tingin, sumalubong ang mukha ni John, namalayan na lamang niyang magkalapat na ang kanilang mga labi. Hindi nakatakas sa kaniyang pandinig ang shutter sound. Nakangisi si John nang humilay ang kanilang mga labi
"This is the perfect wallpaper."
Ipinakita niya sa dalaga ang larawang kuha niya habang sila'y naghahalikan.
"John!"
Mabilis na kumuha ng icing si Ashley at pinahid ito sa ilong ng kasintahan. Agad siyang tumalikod at itinaas ang kamay niyang may hawak na cellphone.
"1, 2, 3! I love you!"
Napasinghap si Ashley ng maramdaman ang labi ni John sa kaniyang pisngi. Umupo si John pabalik na abot hanggang tainga ang ngiti.
"Mas better pa din itong picture ko."
"John!"
Muling kumuha ng icing si Ashley at pinahid ito sa magkabilang pisngi ni John.
"Ah, ganito pala gusto mo ah."
Nabalot ng malulutong nilang tawanan ang buong paligid. Naghabulan paikot sa bahay-kubo, nagbatuhan ng mga lobo. Nang mapagod, umupo sila sahig at kumuha ng sandamakmak ng mga litrato sa dagat ng mga lobong may iba't ibang kulay.
"Wacky!"
...
Naglatag ng tela si John sa damuhan sa labas ng kubo. Umupo si John at sumandal si Ashley sa kaniya habang nilalantakan ng dalaga ang cake. Yinakap niya ang kasintahan at sabay nilang pinagmasdan ang mga larawang nakatali sa mga nakabitin na mga christmas lights. Lumalalim na ang gabi. Lumalamig na ang hangin. Subalit, hindi iyon alintana ng dalawa.
Napaigtad si Ashley ng may maramdamang kung anong malamig sa kaniyang leeg. Kinapa niya ito at tiningnan. Isang kwintas na may silver pendant na hugis infinity symbol. Napangiti si Ashley, subalit agad iyong naglaho ng makita niya ang singsing na nasa kaniyang ikaapat na daliri. Singsing na pamilyar na pamilyar sa kaniya. Sunod-sunod na nagsibagsakan ang kaniyang mga luha. Iyon marahil ang rason ng takot na naramdaman niya kanina.
"Itong kwintas na ito ay simbolo ng wagas na pagmamahal ko sa iyo,Ash. Magpawalang-hanggan ikaw lang, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko ng buong puso. Pangako 'yon, Ashley."
Ang pasiya niya kaninang buo at sintigas ng bato ay unti-unting natitibag sa bawat katagang sinasambit ng binata. May ibig ipakahulugan ang mga iyon, alam niya, naiintindihan niya. Hinawakan niya ng mahigpit ang pendant at umayos ng upo. Humarap siya kay John. Nakita niya ang mga luha sa mata ng binata. Pilit siyang ngumiti at inilapat ang kaniyang labi sa labi ng kasintahan. Ibinuhos niya sa halik na iyon ang lahat ng emosyon sa kaniyang puso, pagmamahal, lungkot, takot at iba pa. Gusto niyang ipabatid sa binata ang nais niyang sabihin na hindi niya mabuo sa mga salita.
Nais niyang papaniwalain muli ang sarili gaya kanina na wala lang ang lahat, na tears of joy lang ang luha sa mga mata ni John, na praning lang siya at nag-iisip ng sobra-sobra, pero hindi na niya magawa dahil alam niya sa puso't isip niyang may iba si John, nagloko si John. Gusto niyang magtiwala pero hindi niya alam kung paano, gayong ang lahat ay kumikiling sa bagay na kinatatakutan niya.
Pareho silang luhaan ng humiwalay sa isa't isa matapos ang emosyonal na halikang iyon. Yinakap niya ng mahigpit si John. Hinihiling na sana, mali siya. O, kaya'y tumigil ang oras at habang-buhay silang ganito.
"What's wrong?" nag-aalalang tanong ni John. Humiwalay si Ashley at nakangiting umiling. Ikinukubli sa likod nito ang takot na nararamdaman niya. Takot na baka pagkatapos ng sandaling ito, hindi na siya ang yapos-yapos ng binata sa kaniyang mga bisig, na hindi na pangalan niya ang bukambibig ng kaniyang mga labi at hindi na siya ang may-ari ng puso ng binata.
Nais niyang komprotahin si John. Gusto niyang ibuhos sa binata ang galit na nararamdaman niya, pero hindi niya magawa.
"Nothing." Muli niyang yinapos si John nang mahigpit.
Sinong mag-aakala na ang pinakamasayang araw sa buhay niya'y siya ring magiging pinakamalungkot?
Sigurado si Ashley na ang singsing na suot ni John ay ang pares ng engagement ring ni Maia. Ikakasal na ang dalawa.
...
Wala sa sariling pumasok ng banyo si Ashley at binuksan ang shower. Tila ba hinigop ng tubig ang lahat ng natitira niyang lakas, bumigay ang kaniyang mga tuhod dahilan para sumalampak siya sa sahig. Hinayaan niyang bumuhos ang mga luhang kanina pa niya pinipigil. Humagulhol siya. Umiyak ng umiyak. Itiniklop niya ang mga binti at yinakap ito, ipinatong niya ang kaniyang baba sa tuhod kasabay ng mariin niyang pagpikit at pagkuyom ng kaniyang mga kamao.
"Alam mo ba, engage na si Maia?"
Napaangat ng ulo si Ashley ng marinig iyon. Kasalukuyan siyang nasa library at may hinahanap na libro. Sumilip siya sa espasyo sa pagitan ng mga aklat at nakita ang dalawang babaeng kaklase niya sa isang subject.
"Huh? Paano naman nangyari iyon? Wala naman siyang boyfriend, 'di ba? Arrange marriage?" tanong ng isa na napatigil sa pagkuha ng libro.
"Ang sabi nila buntis daw. Alam mo na mula sa mayamang pamilya, ayaw ng kahihiyan, ipipilit talaga ng magulang ni Maia ang sakal este kasal." Sabay silang tumawa at lumipat ng pwesto. Palihim silang sinundan ni Ashley.
"Sino kaya iyong fiancee niya?"
"Tungkol diyan, kwento ni Liesha, noong nakaraang linggo daw, nakita niya si Maia kasama ang mga magulang niya at ang Papa ni John at syempre si John sa isang mamahaling restaurant. Guess what kung ano ang pinag-uusapan nila?"
"Kasal?"
"Mismo!"
"So, si John ang fiancee ni Maia?"
"Malamang! Bobo ka ba?"
"Masamang magtanong? Kawawa naman si Ashley."
"Huh? What do you mean?"
"Hindi ba boyfriend niya si John?"
"Hindi!"
"Hindi ba?"
"Ano bang iniisip mo? Si John, Lenon, Ashley at Maia, sila iyong masasabi mong bestfr–"
Napaigtad ang dalawa dahil sa kalabog na umalingawngaw mula sa kabilang shelf. Mabilis silang sumilip dito. Lumuhod si Ashley patalikod sa dalawa at dali-daling pinulot ang mga aklat na nabitawan niya.
"Kailangan mo ng tulong, miss?"
Umiling siya.
"Sure ka?"
Nag-okay sign si Ashley habang tumatango. Nang mapulot niya lahat ng libro, nagmamadali siyang umalis.
Tulala at tila wala sa sariling naglalakad si Ashley sa hallway ng kanilang college building, ilang beses na siyang nakabunggo at nabunggo pero hindi niya alintana iyon.
"Ashley," masigla at puno ng sayang tawag ni Maia.
Agad siyang napahinto, hindi alam ang gagawin, tatakbo ba o haharapin ang kaibigan? Ngunit, bago pa man siya makapagpasiya, nakayakap na sa kaniyang braso si Maia.
"May sasabihin ako sa'yo," masayang wika ni Maia at itinaas ang kaniyang kamay na para bang may pinipigilan. Pinagmasdan niya ang mukha ni Ashley at napangiti.
"Engage na ako! Ikaw ang maid of honor ko ah."
"E-Engage?"
"Uhum!"
"Ka-Kanino?"
"Secret muna iyon sa ngayon. Basta, kilala mo siya. Kilalang-kilala. Tingnan mo itong singsing ko, ang ganda 'di ba? Dalawa lang ito sa buong mundo! Ako tsaka iyong fiancee ko lang ang meron, alam mo kung bakit? Kasi pina-customize ko talaga ito para sa amin lang dalawa."
...
Mapait na ngumiti si Ashley.
"Sinabi mo ba ang lahat nang iyon para makilala ko kung sino ang fiancee mo?"
Sinuklay niya paitaas ang kaniyang buhok at marahas na sinabunutan ang sarili.
"Ashley! Stop overthinking! Baka namamalikmata ka lang! Baka medyo hawig lang ang design. Tama! Ganoon lang 'yon! Ganoon lang 'yon!" Tumawa siya at tumingala, sinasalubong ang mga patak ng tubig.
"Tanga ka ba, Ashley? O, nagtatangatangahan? Hanggang kailan ka maniniwala sa sarili mong mga kasinungalingan?" pangaral niya sa sarili.
Nalulunod sa ingay ng mga patak ng tubig ang kaniyang mga paghikbi. Nanatili pa siya ng ilang minuto, paulit-ulit na sinisisi ang sarili, tinatanong sa kawalan kung ano ang kaniyang naging kasalanan. Hindi maipaliwanag ni Ashley ang sakit na nararamdaman. Ngayon lang niya ito naranasan. Pakiramdam niya, hinihiwa ng paulit-ulit ang kaniyang puso. Dahan-dahan siyang pinapatay ng sakit.
Nang makapagbihis ng pantulog, ibinagsak niya ang sarili sa kama at tumitig sa kisame. Kalmado na siya ngunit hindi niya pa rin maalis sa kaniyang isip ang kataksilang nalaman niya. Natawa siya sa isiping iyon. Kung tutuusin, silang dalawa ni John ang nagtaksil. Simula pa lang nang una, alam na nilang parehong gusto ni Maia si John. Hindi iyon sikreto. Batid iyon ng lahat.
Bumaling siya sa gilid at ipinikit ang mga mata.
"Karma ko ba 'to?"
Sa isiping iyon, nakatulog siya ng 'di niya namamalayan.
Nagising siya dahil sa malakas na tunog ng kaniyang teleponong nakapatong sa bedside table. Tinatamad niya itong inabot at pikit-matang sinagot ang tawag.
"Hello?" inaantok niyang wika. Subalit wala siyang nakuhang sagot. Tanging malakas na ihip na hangin lamang ang kaniyang naririnig mula sa kabilang linya.
"Hello," ulit niya. Ngunit gaya kanina, wala pa ding sagot. Inalis niya mula sa tenga ang kaniyang cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag. Kumunot ang kaniyang noo.
"Lenon? Non?"
"Ash."
Tuluyang nagising ang natutulog na diwa ng dalaga ng marinig ang basag na boses ng kaibigan.
"Ash, kailangan kita," humihikbing wika ni Lenon. "Kailangan ko ng taong magpapaniwala sa aking may silbi pa ako sa mundo. Kailangan ko ng taong magbibigay sa akin ng lakas para ipaglaban itong walang kwenta kong buhay. Ash, hindi ko na kaya. Pagod na pagod na ako."
"Lenon, nasaan ka? Hintayin mo ako diyan. Huwag kang gagawa ng kahit na ano. Darating ako. Pangako iyon. Please, please, hintayin mo ako, ah. Hintayin mo ako. Nasaan ka?" malumanay niyang saad.
"Sa rooftop ng hotel."
"Papunta na ako."
To be continued...
Memory Box:
"Iyong kubo sa liblib na parte ng parke? Ah, iyon ba? Pinagawa iyon ng isang lalaki, siguro mga nasa edad mo lang siya," turo niya kay John. "Nagmakawa talaga siya noon sa management tapos kinailangan niya pang hingin ang permiso ng city hall. Ewan ko kung anong pakikipag-usap ang ginawa niya, basta isang araw nagsimula siyang gawin iyon. No'ng tinanong ko siya kung para saan iyon, ang sabi niya, ireregalo niya sa kasintahan. Wala daw kasi silang lugar na para lang sa kanila. Plano din niyang magpropose doon. Naging saksi ako sa pagmamahalan nilang dalawa no'ng araw na magpo-propose na dapat siya, nakipaghiwalay ang kasintahan niya. Noong nagpunta ulit siya dito, nalaman kong ikinasal na sa iba ang babae. Sisirain niya dapat ang kubong iyon, kaya lang sa tingin ko hindi niya kinayang gawin. Marami silang alaala sa lugar na iyon, kaya sigurado niya magawa. Hinayaan na lang din iyon ng management, umaasang darating ang araw na magkakabalikan ang dalawa at magagampanan ng kubo na iyon ang rason kung bakit siya ginawa."
Nagkatinginan sina Ashley at John.
"Ang lungkot naman no'n," komento ni Ashley.
First monthsary nina John at Ashley, habang namamasyal sa parke ng siyudad, napadpad sila sa parteng hindi na masyadong pinupuntahan ng mga tao. Doon, nakita nila ang isang kubo. Nagtataka kung ba't may kubo doon, tinanong nila ang isa sa mga gwardya ng parke.

Bình Luận Sách (1)

  • avatar
    Johara Eve Villaverde

    nice

    21/01

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất