logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

UNPERFECT LIFE S1 CHAPTER 3

Charles POV..
Ohh shocks!!! Napabalikwas ako ng gising akala ko totoo na panaginip lang pala, nakahinga tuloy ako ng malalim. Pagtingin ko ng oras sa phone ko 10am na pala ng umaga. Paglingon ko sa kabilang kama nakita kong gising na si Sam at nakaupo sa kama ng nakatalikod sa akin. Nakatulala na naman yata kasi di niya napansin ang pagbalikwas na pag gising ko. Ano ba yan bakit ganun ang napanaginipan ko. Bumangon na ako sa kama at naramdaman kong may matig*s na medyo n*tibok pa sa ilalim. Pambihira yan, ano ba stop it, makapunta nalang nga sa CR ihi lang siguro ito. After ko umihi lum*mbot na din siya, hayst salamat ihi lang naman pala. Lumabas na ako ng CR at pagtingin ko kay Sam ay nakatulala pa din ito nakatingin sa pader. Kinuha ko ang damit namin nakasampay sa terrace ng hotel at hinagis ko ito sa ulo niya para maalimpungatan, tulog pa yata ei. Nagulat siya sa paghagis ko, akala niya siguro mag isa lang siya rito sa hotel. Tumingin lang siya sa akin ng nakangiti at isinuot na ang kaniyang kasuotan. Isinuot ko na din ang sa akin at iniabot ko sa kaniya ang phone niya. "ohh phone mo pre" Wika ko sabay abot sa kaniya. "salamat pre sa pagsama sa akin ahh, naabala pa kita." Wika niya ng nakangiti. "okay lang yon pre. ako lang naman best friend mo diba." Sagot ko naman. Tumayo na kaming parehas at lumabas na ng hotel, pagdating sa liabe ng hotel ay nagsuggest na si Sam na siya na daw ang magbayad kasi siya naman daw ang may atraso, nag agree nalang din ako kasi mapilit talaga siya. After namin mag check out ay deretso na kami ng parking lot. "Saan kana ngayon niyan pre? I'm sure na naghihintay sayo si Johnny sa Condo niyo." winika ko sa kaniya habang nakaupo na kami sa sasakyan at nagsi seatbelt. Nakita kong malungkot ang mukha niya, "bahala na pree." wika niya na makikita sa mukha niya na hindi rin alam ang gagawin. Nagstart na siya ng sasakyan at umalis na kami. walang imikan sa biyahe, sinusulyapan ko lang siya ng bahagya para di niya mapansin. Idinaan niya lang ako sa bahay namin at di na siya bumaba ng sasakyan para pumasok sa bahay. nagpaalam na siya at babalik na daw siya sa condo.
Sam POV..
Nasa isip ko pa din ang mga nangyare, hindi ko alam kung ano mga sasabihin ko ng mga oras na iyon. ang tanging naisip ko lang ay umalis at huminga. Masakit para sa akin na ang unang minahal ko ay siya ring unang mananakit sa akin. Ito ba ang parusa sa mga nagawa ng papa ko, ako ba ang magbabayad ng lahat. Sa sobrang sakit hindi ko mapigilang maluha. 
Nasa harap na ako ngayon ng pinto ng condo at hindi ko alam kung ano ang bubungad sa akin sa loob. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko kapag nakita ko siya, ang sakit. Akma ko ng bubuksan ang pinto ng bigla itong bumukas at nakita ko si Johnny. Niyakap niya ako ng mahigpit at umiiyak ,"bebs sorry, di ko sinasadya. please patawarin mo na ako pleasee...." paghingi ng patawad sa akin ni Johnny habang nakayap pa din sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko...
Narrator
Nakayakap ng mahigpit si Johnny kay Sam habang humihingi ng tawad, ngunit nakatayo lang si Sam na parang tuod at tumutulo ang luha nito. "Sa tingin mo ganun lang kadali yon Johnny!" wika ni Sam ng umiiyak. "Sorry!! Sorry!! Sorry!!" mga katagang tanging nasambit ni Johnny. "Johnny! hindi yon ganun kadali para humingi ka lang ng sorry sa akin, hindi ako m*nhid Johnny! tao ako hindi ako h*yop!" medyo pasigaw na bahagya ni Sam na sobra na ang iyak dahil di niya na mapigilan ito at tinanggal ang mga kamay ni Johnny sa pagkakayakap sa kaniya nito at pumasok siya loob ng kwarto at umupo sa sahig ng nakasandal sa kama at nakayuko habang umiiyak. Sumunod naman si Johnny ng umiiyak din at lumuhod sa harap ni Sam. "I'm really Sorry Bebs!!" Tanging mga katagang nasasambit ni Johnny. "Can you really think that your sorry can make us okay. Johnny!! hindi yon ganun, ano ba kasing nagawa ko sayo para lukohin mo ako. dapat kinausap mo nalang ako kung may mali na ba sa relation natin. pero johnny wala naman akong nakikitang mali ei. Binigay ko ang lahat para sayo. nagpakumbaba ako Johnny. I made myself down the whole time that we are together. Wala akong masamang ginawa sayo kasi naiisip ko ayokong maging katulad ng papa ko, but you make me fell the thing na ayaw kong maramdaman.!" Mahabang nasambit ni Sam ng umiiyak pa din. Hindi ko alam if ano nakain ni Sam at naging talkative siya this time. "I know that I'm wrong Bebs, I'm just a human nagkakamali din ako, And I'm really sorry for that.!" Mahinahong wika ni Johnny na humihikbi. "Johnny, I think we..."
Ano kaya ang mangyayare sa dalawa? abangan...
Sam POV..
I don't know if what I'm going to do in this situation. Hindi ko talaga alam kung ano ba ang sasabihin ko kay Johnny. Wala akong naiisip, yes I know to myself that I love him so much. Pero pakiramdam ko ako lang yon ei, I want to breath, I need to think properly but How can I do that. Gusto kong sabihin sa sarili kong okay lang ang lahat, na magiging okay din kami, but the other side of me still not okay.
Narrator
"I think we need to cool off!" Nakayukong Wika ni Sam habang sobrang iyak na naman. "huh? is that the solution that you have thought? No! ayoko, I'm going to stay here whatever it happens." Pagmamatigas na wika ni Johnny. This time parang si Johnny pa ang galit at parang si Sam ang may ginawang kasalanan. "Johnny I'm sorry, pero di ko pa kayang makasama ka for now, Kailangan kong huminga, kailangan kong space." wika ni Sam na umiiyak pa din. "but what about us Sam.. Hindi na ba natin aayusin to? Kung balak mo akong pauwiin sa amin, I'll insist to stay here." mariin na wika ni Johnny na hindi na umiiyak at siya pa ang galit. "Johnny! About us is still there but I need to scape to the feeling that I feel right now. At hindi ko iyon kayang gawin ng kasama ka. gusto ko muna mapag-isa." Pagpapaliwanag ni Sam na medyo naluluha nalang. "But I don't want to go home, I want to stay here." wika ni Johnny ng medyo mahinahon. "Okay no problem. Just stay here." wika ni Sam ng mahinahon. "then how about you. saan ka titira, sayo tong condo." wika ni Johnny. "sa bahay nalang muna ako, doon nalang muna ako. And don't worry I know naman na ayaw mong umuwe sa inyo. free ka dito, and I said lately that we still us, but we need to separate for a moment." Explanation ni Sam na naluluha pa din.
After ng convo nila ay nag umpisa ng mag impake ng kaunting mga damit si Sam sa maliit niyang maleta habang umiiyak pa din. Sobrang sakit talaga ang nararamdaman ni Sam sa nangyare. Palabas na si Sam ng pinto, habang si Johnny naman ay nakaupo sa Bed at walang expression sa mukha na nakatingin kay Sam na paalis na.
Are they still okay kaya or wala na talagang pag asa?
Sam POV
Nasa harap na ako ngayon ng gate ng bahay ni Mama. Parang wala yatang tao, kanina pa kasi ako nagbubusina ay walang lumalabas para buksan ang gate. Lumabas nalang ako ng car at ako nalang ang nag open ng gate para makapasok na ako. after ko ilagay sa garage ang car ay pumasok na ako sa bahay mayroon din naman kasi akong spare key ng bahay namin. Deretso na kaagad ako sa dati kong room. Walang natutulog sa Room dahil hindi pinapagamit ni mama sa dalawang kapatid ko ang room. Meron naman kasi silang own room. By the way we are three siblings and all boys, and I am the eldest son. Mom And Dad are already separated and they are divorse for more 10 years. Kaya si Mama nalang ang nagpalaki sa amin, but Dad always gave Mom a money for the support ng mga kapatid ko sa pag aaral. Si mama naman di kami pinagbabawalan na I-contact si Dad, but me and my second brother never contact our Dad, dahil may mga isip na kami nong mga panahong nangyare na naghiwalay sila ni Mama. Pero si Bunso always kinakausap si Dad kapag mayroong time si dad na kausapin siya sa CP. Very close kami ng mga kapatid ko at sumusunod sila sa mga sinasabi ko.
Even though malungkot ako ngayon, I want to introduce lang naman ng Family ko. By the way it's already 4:30 in the afternoon kaya balak ko nalang matulog...
Narrator
30 Mins bago nakatulog si Sam, dahil di mawala wala sa alala niya ang mga nangyare. 
Around 7pm na ng umuwe ang Mother ni Sam at mga kapatid. Galing pala sila ng mall at nag shopping. "Ma! andito ang car ni Kuya" wika ng bunsong kapatid pagkababa ng Car na dala nila. "yes!" wika ng pangalawang kapatid at tumakbo papasok ng bahay, sobrang excited na makita ang kuya. "Kuya Reyster wait!" wika ng bunso at nagtatakbo na din papasok. "Ui mag dahan dahan, yong mga pinamili niyo dalhin niyo" wika ng Mama nila, ngunit para lang silang walang narinig. napangiti nalang ang mama nila dahil alam niyang miss na miss na nila ang kuya nila dahil 1 month na itong di umuuwe sa kanila. Kaya nagpasuyo nalang sa driver at sa katulong na bitbitin ang mga pinamiling grocery at mga pinang shopping nila. 
Pagka pasok nilang magkapatid ng bahay ay deretso na kaagad sila sa kwarto ng kuya Sam nila. at nakita nila itong natutulog, tumalon sila sa kama nito at kani-kaniyang pwesto sa magkabilang side ng kuya nila. Nagising si Sam at wala na din siyang nagawa kundi yakapin nalang ang mga kapatid niya dahil namiss din niya ang mga ito. "kuya Sam Dito kana po ba ulit titira?" tanong ng bunso. "Syempre hindi Jester kasi may sariling bahay si kuya Sam" sagot ni Reyster sa kapatid nito. "Ay akala ko dito kana ulit titira kuya Sam." malungkot na wika ni Jester. "Naku naku kayo talagang dalawa hindi niyo na ako pinagsalita, kayo nalang yata ang mag uusap ei." pilyong wika ni Sam. "Pero bakit ka po andito kuya Sam?" tanong ni Reyster. "Oo nga po kuya Sam, kadalasan sa Mall lang tayo nagkikita at nagba bonding." Wika naman ni Jester. "bakit Ayaw niyo bang andito ako ngayon, Sige aalis nalang ako" Sagot ni Sam na nakangiti, upang di mabisto ang kalungkutan nito. "Syempre gusto naming andito ka kuya" sabay na wika ng dalawa sabay nagtawanan silang tatlo dahil sabay pa silang dalawa. 
"Sam andito si..."
Sino kaya ang dumating? Abangan....

Bình Luận Sách (138)

  • avatar
    China Myca

    uugg

    04/08

      0
  • avatar
    Rodielyn Romero Laure

    I really like the story super 🥰🥰👏👏but I'm excited to the S2

    23/07

      0
  • avatar
    Zhu Xu Dan IU

    the story was nice I really like it

    21/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất