logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 4

“W-Wala akong ibang damit na dala bukod sa gown na suot-suot ko,” nahihiyang usal ko nang hindi gaanong kumikibo si Theros. Ang awkward tuloy.
“Then, I don't have a choice.”
Napasigaw ako sa gulat nang buong lakas niyang hilahin ang laylayan ng suot-suot kong gown. Rinig ko ang pagkapunit nito at akin ding nakita kung paano ito umikli at naging isang dress. Hindi pa siya nakuntento at dinagdagan pa ang paghila rito hanggang sa lagpas tuhod na lamang ang ikli nito.
“Nice,” rinig kong papuri niya sa kanyang ginawa. Impit akong ngumiti at patagong kinilig dahil dito.
“W-Wala akong heels. Naiwan ko kanina—what are you doing?” Tinignan ko kung paano niya tinanggal ang suot-suot na itim nitong denim jacket at isinabit sa magkabilang braso ko.
“Be right back.”
Hindi ko napigilang mas lalong umasa na interesado rin siya sa akin. Hindi niya ako tutulungan dito dahil lang siguro sa utos ng mokong na iyon. Alam kong may pakialam si Theros sa akin and that thought makes me adore him more.
Umayos ako ng upo nang makita ang paparating na si Theros dala-dala ang itim na boots. Saan niya naman iyan kinuha? Nag-abala pa talaga siya sa paghahanap ng masusuot ko.
“This is Kelly's,” tipid niyang sagot sa mga nagtatanong kong tingin. Yumoko siya at kusa itong isinuot sa mga paa ko na para bang isa akong prinsesa at siya ang aking prinsipe.
“You may go back now,” aniya at tumayo.
“T-Thank you, Theros. I owe you today.” Tumango lamang siya at nakapamulsang tumalikod. Aalis na ba siya?
“Sabay na tayo, Theros,” aya ko sa kanya na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nililingon.
“No, you go first. I need to talk with someone." Huh? Sinong someone kaya?
Mag-isa akong bumalik sa party and eyes were on me. Shining like a ruby. Tila ba kumukutikutitap ang aking balat sa tuwing natututukan ng ilaw. Tila ba porselanang bagong linis na kumikinang-kinang. You messed with the wrong person b*tches!
“Ang kapal talaga ng mukha mong bumalik 'no? Kasing kapal at tigas ng pader sa mansion na ito,” inirapan ako ni Lany; inggit siguro kasi halata namang mas maganda ako sa kanya.
“Pader ba kamo? Hmm, I agree, kasi nga mamahalin naman ako. Tumabi ka nga 'di ikaw ang may party, bisita ka lang din." Inirapan ko rin siya pabalik at nagtungo na sa kinaroroonan ni Kelly.
Nagdrama lang ako ng kaunti kanina. Ganyan ang mga bida, may pasabog. Kung inggit, pumikit sila. Ang asar ay laging talo.
Matapos maibigay ang regalo ko kay Kelly ay mag-isa akong kumain dahil kanina pa talaga ako nagugutom. Wala akong pakialam sa mga matang kanina pa nakasipat sa akin.
Nag-iba bigla ang musika hudyat na may sayawang magaganap. Tila may tama na rin ang iba; nasobrahan na sa alak. May sumagi sa akin kaya nagkalat sa mesa ang spaghetti na dapat ay isusubo ko na sana.
“Sorry, miss,” paumanhin ng nakatabig sa kamay ko na sinagot ko na lamang ng pagtango.
Pinunasan ko ang aking baba na siguro ay may bahid na ng ketchup subalit natigilan lamang ako sa paghila ng isang lalaking minsan ng nanligaw sa akin noon. Sapilitan niya akong hinila sa gitna at laking gulat ko sa sumunod niyang ginawa na kabastusan sa pagkababae ko.
He licked my chin like a perverted man. Pilit ko siyang itinutulak palayo pero hindi sapat ang pagpupumiglas ko sa lakas niya. “Stop it, Andrew!” Hindi pa siya nakuntento, sinubukan pa niya akong halikan sa aking leeg.
He completely lost his mind! Fvck it!
Walang pakialam ang lahat sapagkat may kanya-kanya silang ginagawa. I tried everything to stop him but he's just an evil; inevitable.
Rinig ko ang hiyawan ng lahat dahil sa dalawang sunod-sunod na kamaong tumama sa mukha ni Andrew. Tumingala ako sa lalaking kakarating lamang; habol ang hininga at nanggagalaiti. He creased his jaw and the next thing I knew, I was walking away with him, Theros.
“The fvck, Theros! You'll gonna regret this!” sigaw ni Andrew bago kami tuluyang nakalabas sa lugar na iyon.
“W-Why did you punched him? Baka pagalitan ka pa ng parents mo," bungad ko sa kanya nang tuluyan na siyang tumigil sa paglalakad. Halata ang galit sa mukha nito at ang pagiging misteryoso na hindi ko kayang basahin ang iniisip niya.
Why did he help me? Does he care?
“Use this.” Inilahad niya ang isang kulay asul niyang panyo para magamit ko sa pagpupunas.
“Theros, answer me. Why did you do that? D-Do you like me?” otomatiko kong natakpan ang aking labi gamit ang panyong ibinigay niya dahil sa mga salitang hindi ko na dapat inusisa.
“What? Look, my intention was to help you.” Feeling ko sa sagot niyang iyon, rejected na ako.
Lubos-lubusin ko na kaya?
“ Bakit mo ginamit 'yong keychain na ibinigay ko sa'yo kung ayaw mo pala sa akin?” I looked softly at Theros' cold dark eyes and my heart sank upon seeing his blank face. Still I patiently waited for his response.
“I bought it myself.”
Sa naging sagot niya, gusto ko na lamang maging aso. Gusto kong tumakbo palabas sa mansion na 'to para matakasan ang kahihiyang nararamdaman ko. I assumed things, an*mal na lang sana ako!
Ba't pa ako binigyan ng utak kung ganito rin pala ako ka bob*?!

Bình Luận Sách (17)

  • avatar
    SoreñoGhiana

    im so verry happiness for novelah end my wish is my roblox is may laman ng robux super super tuwa ko dahil ito ay aking nalaman natutunan ko lang ito sa tiktok at ito ay aking ginaya kaya sana ay ako ay mag tagumpay sana ay matupad aking wish na sanay mag karon narin ako ng robux sa roblox ayun lang ang aking gusto na wish sanay hindi ako mabigo sa aking ginawa sa na naman ay ito ay gumana sakin at mag karoon rin naman sana akong robux kahit 1.88M na robux tuwang tuwa nako dun sana ay matupad a

    15/01/2025

      0
  • avatar
    John Andre Galagnara

    opo

    03/08/2024

      0
  • avatar
    Alnaif SH

    wow

    27/04/2024

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất