logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

chapter 6

Convince
Irish Fhrixe's pov
Wala akong narinig na sagot mula kay Redeemer. Abalang-abala pa rin siya sa hawak niya na cellphone. Kung ano man ang kanyang ginagawa iyon ang hindi ko alam. Sa inis ko, walang galang kong inagaw ang cellphone na nasa kanyang kamay. Sinuri ko ito kung anong ginagawa niya at umawang ang bibig ko sa natuklasan. He was just playing a video game all the  time.
"Inuutusan kita pero hindi ka nakikinig dahil lamang sa Online game na'to!" Inis kong bulyaw sa kanya.
"Putot, kapag ako ma-defeat lagot ka sa akin," banta ni Redeemer.
I released a fake grin, showing that I was not afraid to him. Sino ba siya para katakutan ko? He is just a lean in my eyes, nothing else.
"Do you think... Takot ako sayo, payatot?" Wika ko sabay off sa cellphone.
"Bakit mo pinawer off? Ibalik mo yan sa akin." Iritable niyang sabi.
Napamaang si Redeemer na nakatingin sa akin. Hindi siya makapaniwala na ginawa ko iyon. Mapakla akong tumawa, katibayan na panalo ako sa laban na sinumulan niya. Inilahad niya ang kanyang palad sa harapan ngunit hindi ko ito pinansin. Kunwari kong sinuri ang kabuuan ng gadget na aking hawak kasunod ay ngumisi ako sabay ang sadyang paghulog dito.
"I'm sorry," I acted like it was unintentional. "Sinadya ko!"
No words came out from his mouth. Daling dinampot ni  Redeemer ang cellphone at power-on niya agad ito. Ngumisi naman ako habang nakatingin sa kanyang ginagawa. At the end who's the winner?
"Shit! Ba't mo nilaglag? Sinasabi ko sa'yo kapag-defeat ako sa laro na yun lagot ka sa akin," Pagbabanta ni Redeemer.
Ngiting tagumpay akong tumalikod Kay Redeemer, kabaliktran sa naging ekspresyon ng  mukha niya na parang natalo ng isang milyon. Sinimulan kong humakbang palayo, napatili na lamang ako nang biglang binuhat niya ako at inakyat sa hagdanan.
"Putchangyina! Ibaba mo ako kung ayaw mong makatikim ng upper cut!" Singhal ko.
Pinalo-palo ko ang kamay ni Redeemer sa inis habang nakakaramdam ng hindi kompurtable sa aking kalagayan. At ang akala ko matitinag siya sa mga palo ko, kabaliktaran ang nangyayari. Mas lalo panghumigpit ang pagkahawak niya sa akin.
"Wag kang malikot! Akala mo ba hindi ka mabigat?" Ani Redeemer sa malambing na boses.
"I command you, put me down!" Brusko kong utos.
Ibinaba ako ni Redeemer sa gitna ng hagdanan. At dahil lamang ng isang akyatan ang kinatatayuan ko kaya nagpantay ang aming mga mukha.
Matalim ko siyang tinitigan. "You know me, pumapatay ako ng tao. At kaya kitang patayin." Pagbabanta ko sa kanya.
Inaksyonan ko siyang itutulak pero parang may pumipigil sa akin na gawin ang binabalak ko. A broad smile shown on his lips then suddenly he became very serious.
"I know you cannot do that to me. Alam kong kaya mong pumatay, pero alam ko rin na may puso ka para sabakin." He smiled again, by a slight.  "Hindi nga lang mamon."
Napatawa ako sa tinuran ni Redeemer. Seryoso ba siya? Iniisip niya talaga na hindi ko siya kayang patayin! Pinagtaasan ako ng kilay ng kaharap na kina-tikom ko.
"Nagpapatawa ka ba, Redeemer? Talaga bang naniniwala kang hindi kita kayang patayin? Hindi ka takot sa akin?"
"Nope, at hindi ako naniniwala na kaya mo akong patayin." Pinang-gigilan niya ang aking pisngi. "Dahil isa ka lamang babaeng putot na kayang-kaya kong ibalintog." Masigla niyang sagot.
Natunaw ang aking demonyong ngiti sa kanyang mga sagot. Hindi ko inasahan na mayroong sasagot sa akin ng ganito na hindi man Lang nakatikim ng pasa. It is ridiculous!
"Nasaan mga gamit ko?" Tanong ko dito "kailangan ko ng umalis."
Pag-iba ko ng paksang pag-uusapan upang lumihis sa mga pinagsasabi niya. Hindi kayang iproseso ng utak ko ang mga nangyayari sa 'kin.
"Nasa kuwarto ko." He caught my hand. "Tara." Pagsabi niya'y hinila niya ako paitaas.
"Putangyina! Ang hirap naman." Reklamo ko habang nagsisintas ng sinusuot kong boots.
Ito ang unang beses na may taong pinagbantaan ko ng kanyang buhay na hindi nanginig at walang takot akong sinasagot-sagot at nagawa pa akong hawakan. Inilapag ni Redeemer ang cellphone at Susi ng kotse sa night stand at tinabihan akong umupo sa sahig.
"Let me. Ganito ang pagsisintas, panuorin mo ako." Mayabang niyang sabi.
Hiningi niya ang bootlace sa aking mga kamay. Kusa ko nalang rin itong ibinigay. Alam ko naman kasi kahit hindi ko ito ibigay ay sa huli maaagaw rin niya ito.
Bawat galaw ng kanyang mga kamay ay unti-unti akong napapangiti. Ang ganitong eksena kailanman hindi ko pinapangarap, kahit sa panaginip man. Dumako ang aking paningin sa kanyang mukha. Mayroon siyang munting ngiti, pero kahit munti lamang nagdulot pa rin ito ng paglantad ng kanyang dalawang malalim na dimple.
"Yan, tapos na." Ani Redeemer.
Nilahad niya ang kanyang patutok sa aking boots. Mabilis kong iniwaksi ang aking ngiti bago pa niya ito makita. Tumayo ako habang abot ang tingin sa malayo. Agad ring sunod na tumayo si Redeemer.
"Sigurado ka ba na uuwi ka? Puwede namang manatili ka dito sa bahay ko. Doon ka sa guest room matutulog," alok niya.
"Thank you na lang pero kailangan kong umuwi." Tanggi ko.
Agad akong lumabas ng silid, hanggang sa nakaalis na ako sa bahay niya.
Francia's point of view
Halos mapudpud na ang kuko ko sa kakapindot pero hindi pa rin ako sinasagot ni Irish. Dial ko ulit sa numero niya pero unattended pa rin ito. Nakuhyom ko ang aking kamao habang sagad na sagad na ang pagtitimpi na hindi mabalibag ang cellphone sa pader.
"Answer your phone. Buweset!" Mura ko sabay bitiw sa cellphone, buti't sa mga hita ko ito dumeretso.
Palaglag akong humiga sa kama. Sinapo ko ang aking ulong sumasakit sa kakaisip kung ano ng nangyayari kang Irish. Pumikit ako para palamigin ang aking ulo pero hindi ko namalayang unti-unti na akong nawalan ng ulirat.
*********
Patakbo kong tinungo ang kuwarto ni Alucard ng marinig ko ang hiyaw niya. Pagpasok ko dito agad kong nilapitan siyang nasa isang madilim na sulok. Nakaupo siya roon, sapu-sapo ang noo at tumatangis. Umupo ako sa gilid niya at hinawakan ang kanyang balikat saka niyakap siya.
"Alucard please, wala na tayong magagawa. Wala na sila! Ang kailangan lang nating gawin ngayon ay magmove-on. Just move on."
Tinulak niya ako kaya napabitiw ako sa kanya. "Naririnig mo ba ang pinagsasabi mo, Kathlyn? How could you say that? She's your friend!" Pinagtaasan niya ako ng boses.
"I know, but all is an accident. No one's fault." Nagsimulang tumulo ang aking mga luha. "Hindi kasalanan ng Papa mo, kahit ang mga pumatay."
Marahas niyang binaling sa 'kin ang kanyang paningin. Dali ko ring tinuyo ang aking mga luha.
"No one's fault?" Nag-aalab sa galit ang kanyang tinig. "Tama ka hindi kasalanan ng papa ko dahil alam natin kung sino talaga ang tunay na may sala." Ani alucard.
"Inamin na ni general Villarica, aksidente lang ang lahat, alucard. Akala lang ng nila na ama mo ang laman ng van. Bakit hindi nalang natin tanggapin ang katotohanan?"
"No! Hindi ko matatanggap ang pagkamatay ng mag-ina ko!" Tumayo siya at tumalikod sa akin. "Kailangan may managot sa kanilang pagkawala."
Pumihit siya paharap sa 'kin, hinawakan niya ang dalawa kong balikat. "Help me to get revenge." May  pagmamakaawa niyang sabi. "Isa kang military kaya madali lang sa'yo ang ipapagawa ko."
"A-anong gusto mong gawin ko?" Hindi ko napigilang magtanong.
Kumunot ang noo ko habang iniisip kung anong paghihiganti ang gusto niya. Tumalim ang mga titig niya sa akin. Talim na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko mula sa kanya.
I'm  Kathlyn Raz, a military agent. Ang misyon ko ay magsilbi sa bayan, pero iba yata ang nais ni Alucard para sa akin.
"Patayin mo ang kanyang mag-ina." Madiin niyang  ibinigkas ang bawat letra.
Patalikod akong napahakbang sa gulat dahil sa narinig kong mga salita mula mismo sa bibig ni Alucard, ang kilala kong pinakamabuting tao. Pero ngayon, para na siyang isang nilalang na walang habag. Siguro nga'y may katapusan rin ang kabutihan kung puso na ang nawakas.
Umiling-iling ako, sinyalis na hindi ako sang-ayon sa pinapagawa niya sa akin.  No way, hindi ako papatay ng enosenting tao. Hinding-hindi ito mangyayari.
"Hindi ako papatay ng enosenteng tao, lalo na ang bata," pagtanggi ko.
"Naaawa ka sa mag-ina na'yon? Noong pinatay nila ang mag-ina ko, naawa ba sila?" Sunod-sunod na tanong niya. "Kung talagang mahalaga ako sa'yo gagawin mo ang aking pinapagawa. Kung hindi naman kalimutan muna at wag ka nang magpapakita sa'kin." May bahid na pagpapapili ang kanyang boses.
Kung alam lamang niya kung gaano siya kahalaga sa akin, kung alam lamang niya ang nararamdaman ko para sa kanya hindi na niya ako papipiliin sapagkat alam niya ang magiging sagot ko. Umarangkada akong umupo sa kama, galing sa masamang panaginip. Hindi ko inasahan na mapapaginipan ko pa ang simula ng paghihiganti na sinimulan ko. Wala naman akong balak na humantong sa ganito ang lahat ngunit tadhana na ang nagpasya.
Binalingan ko ang orasan na nakapag-aral sa night stand. Alas nuyebe na ng hating gabi. Dali kong hinarap ang cellphone kong naibato ko sa pader kanina. Nang mahagilap ko na ito sunubukan ko uli na tawagan si Irish ngunit unattended pa rin ito.
Dial ko ulit. Ganoon pa rin, hindi sinasagot. "Where are you?" Naging tanong ko sa hangin.
Hindi ko hahayaan na susunod ka sa aking yapak. Hindi ko hahayaan na malalakaran mo ang landas na tinatahak ko. Ikaw lamang ang tamang naging disesyon ko sa aking nakaraan, kaya hindi ako papayag na magiging kagaya mo ako.
Naging palakad-lakad ako sa espasyo ng aking silid habang tinatawagan  si Irish, pero tulad kanina unattended pa rin.  Mula ng dumating siya sa Pilipinas naging sakit na talaga siya ng aking ulo. Ibabato ko sana ang cellphone na hawak  nang may marinig akong yabag sa labas ng kuwartong kinaruruonan. Dali akong kumuha ng baril sa drawer at marahan na humakbang palapit sa pinto.
Buntong-hininga muna ako para doon humugot ng lakas saka ko marahas na binuksan ang pinto. Dali-dali kong itinutok ang baril sa labas at sinuri ang bawat sulok nito pero wala akong nakitang tao. Nagkasalubong ang aking mga kilay nang makitang naka-awang ang pintuan ng dating kuwarto ni Irish. Maingat akong  humakbang papunta roon, sumandal muna ako sa gilid ng pintuan bago ko tinadyakan ang pinto.
"Papatayin mo ba ko?" Tanong ng babaeng nasa loob ng silid.
Binaba ko muna ang hawak. "Akala ko kung sino. Saan ka ba galing? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"
Naging malaking katanungan sa akin  kung saan siya nanggaling kaya hindi ako nakapag-pigil, inusisa ko siya. Hinubad ni Irish ang jacket na suot, pati ang sumbrero niya. Nanliit ang aking mga mata nang marinig ang sagot nito. lumapit ako sa kanya saka hinawakan ang kanyang balikat.
"Doing my mission, may angal?" Pag-aangas ko.
"Irish, stop this nonsense revenge, walang mapupuntahan ang lahat ng to."
Brusko niyang tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kanya. Nag-iwan muna siya ng nanlilisik na tingin bago tumalikod napayuko naman ako dahil dito. Batid ko, ginagawa niya ang lahat ng ito para maramdaman niya ang pagmamahal ng kanyang ama. I admire her courage.
"Oh, shut up Francia!" Irish shouted. "Nonsense? Sila ang dahilan kung bakit namatay ang  ina at kapatid ko! At alam mo kung bakit ko'to ginagawa!"
"Bear in mind, walang ama na kayang itulak ang sariling anak sa kumunoy," paalala ko.
Matapos ibigkas ang mga kataga, lumabas ako sa kanyang silid.  Umaasa akong nauunawaan niya ang ibig kong sabihin.
Irish Fhrixe's pov
Marahil tama si Francia, walang amang kayang itulak ang sariling anak sa kumunoy. Ngunit iba ang aking ama, buo ang kanyang paniniwala na kaya kong languyin ang kumunoy. At para sa kanya kakayanin ko. Hindi man ako perpektong anak pero sisiguraduhin ko na lahat ibibigay ko, lahat gagawin ko maging masaya lamang siya, ang aking pinakamamahal.
Bumuntonghininga muna ako saka humiga sa kama. Isinira ko ang aking mga pilikmata hanggang sa tuluyan akong nakatulog. Kinaumaghan, naglalakad ako papalapas ng pinto nang may naramdaman akong presence nang isang tao mula ito sa likuran ko. Nakilala ko agad kung sino siya dahil sa pabango niya.
"Saan ka na naman pupunta?" Tanong ni francia na nakatayo sa aking likuran.  May hawak siyang isang tasang kape.
"Hindi mo problema kung saan ako pupunta, Francia." Pilosopo kong sagot habang papalapit sa kanya. "Kung ako sayo tumahimik ka na lang at magtago dito sa lungga mo!" Maangas kong sagot.
Ipagpapatuloy ko na sana ang pag-alis ko nang biglang mahigpit siyang kumapit sa'king balikat. Tumingin ako sa kanyang kamay na nakahawak sa'kin habang nakakunot ang mukha.
"Nagmamakaawa ako, tumigil ka na. Lalo mong sinisira ang buhay mo." May pagsusumamong maaaninag sa kanyang boses. "Kung gusto mo talagang ipaghiganti ang mama at kambal mo ako nang gagawa."
Ngayon, malinaw na sa akin kung bakit gustong-gusto niya akong patigilin sa misyon ko na paghihiganti, dahil nais niya na siya ang gagawa nito para siya ang maging bida sa paningin ni master. Hindi ko hahayaan na magtagumpay siya binabalak niya. I never let her, kahit siya pa ang nagpalaki sa akin hindi parin ako maghihinayang na butasin ang noo niya.
"For what? Entro ko. "Para ikaw ang maging bida sa paningin ni master? I never let it happen."
"God Irish! Even once, wag mong isipin na kaagaw mo ako sayong ama, dahil hindi!"
Don't listen to her, she  is a fraudulent person. Tandaan, inagaw niya ang iyong ama sa'yong ina. Ngiting demonyo akong inimulastra ang aking mukha sa kanyang harap.
"Hindi ako naniniwala sa'yo dahil alam ko ang tungkol sa relasyon nyo. Alam ko ang lahat, tungkol sa anak n'yong namatay at pagiging kabit mo!" Bulyaw kong sagot.
Binunot ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at patapon ko itong binitawan. Wala rin siyang nagawa para dito, sadyang nanubig lamang ang kanyang mga mata.
"Hindi mo alam ang totoo kaya tumahimik ka!" Ani Francia. "Tandaan mo ang sasabihin kong to, walang amang kayang isabak ang anak sa gera na alam niya ang kahahantungan."
'Walang amang kayang isabak ang anak sa gera na alam niya ang  kahahantungan.'
'Walang amang kayang isabak ang anak sa gera na alam niya ang  kahahantungan.'
Parang sirang-plaka na paulit-ulit na umalingaw-ngaw ang mga katagang iyon sa 'king alimpatakan.
Itutuloy...

Bình Luận Sách (4)

  • avatar
    RiveraRechel

    it was good read to revenge for family na nawala sayo

    24/12/2022

      1
  • avatar
    Sophia Lorreine Ong

    i love your story^v^

    12/05/2022

      0
  • avatar
    VilliarelLouise Natasha

    ang ganda po ng story nyo!

    14/03/2022

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất