logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

chapter 4

Slay
Irish Fhrixe pov
People do bad things, it couldn't deny. But the question is: why they're doing it? Kung ako ang tatanungin, bakit ako gumagawa ng masama... My answer is plain and simple. I chose to be a heedful daughter.
While we were on the road I couldn't stop myself to think. Hindi mawala sa isip ko ang aking nagawa, lalo't nasa tabi ko lamang ang ginawan ko nito. Ngiting aso ako nang madaan namin ang lugar ng pinagyarihan ng eksena kagabi. It was an excellent pretence I ever did.
**Flashback**
Kinapkap ko sa aking bulsa kung saan ang telepono kong tumutunog habang ang isa kong kamay ay nakahawak sa monobela ng sasakyan. Nang makita ko na si Gregorio ang tumatawag ay nahulaan ko na agad kung anong pakay niya sa akin.
"Where is he?" Tanong ko sa tumatawag. I inquiring in a very confident use those words. Tiyak naman kasi akong mag-uulat si Gregorio tungkol sa taong tinutukoy ko.
"Nasa Thamura pharmacy siya. Gagawin na ba namin ang plano?" Sagot ng nasa sa kabilang linya.
Speaking of plan, I dont know this will work... No, this should work! Pero kung hindi talaga ito gagana may plan b pa naman. It is more easily compare to my plan A. Kaya lang walang kahamon-hamon.
I smirked. "Gawin n'yo na ang plano, nasa malapit rin naman ako sa pharmacy na 'yan," sabi ko.
Kung hindi ako makapasok sa mansyon na iyon sa pamamagitan ng dahas, papasok ako sa pamamagitan ng pakikipag-pekeng-kaibigan sa'yo, Redeemer!
"Sige boss," Ani Gregorio.
I turned off the phone, then I stepped on the gas to make the car accelerate. Wala na itong urungan, I have to make it now!
Eksakto sa tiyempo ang pagdating ko. Nasa kalayuan palang ako nakita ko na si Redeemer na kinakaladkad ng mga tauhan ni Gregorio. Nang palapit nang palapit ako sa kanila pinaharorot ko ang sasakyan patungo sa dereksyon nila at pabigla kong inapakan ang brake sa kanilang gilid.
"Ano, tutunga ka lang diyan? Sakay na!" Sigaw ko dito.
Redeemer was just stood there while staring at me with utterly confuse. Tumikhim ako na kina-tauhan niya at agad na kanyang sinikmuran isa-isa ang dalawang nakahawak sa kanya kaya nabitawan siya ng mga ito. But out of his knowing, everything is just a plain show directed by me.
"M-maki-sakay ako ha!" Ani Redeemer.
Kinindatan ko lang siya saka pinagbuksan ng pinto. At pagpasok niya sa loob ng sasakyan pinaharorot ko agad ito. Napahawak si Redeemer sa gilid ng backrest na kinailing-iling ko. Kinagagalak kong ipagmaniho ka patungong impyerno!
"Ho-wooh!" Sigaw niya sa pagkabigla.
Mas pinabilisan ko pa ang pagpapatakbo, sa bilis nito para na kaming lumulutang sa hangin. At sa kaosyusuhan hindi ko napigilan na sumulyap sa kinalalagyan ni Redeemer para alamin ang naging reaksyon niya. Kitang-kita ko ang takot na namutawi sa kanyang mukha.
"Stop the car!" Bulyaw niya sa takot.
I braked the car sharply on a side of the road. May pagmamadali niyang binuksan ang pinto, ako naman ay taas-noong lumingon. What a cowardlyman!
"What's your problem, payatot?" Tanong ko habang diininan ang pagbigkas ng huling salita.
"Hindi nga ako mamamatay sa mga kidnapper na yun, mamamatay naman ako sa nervious." Reklamo niya. Bumaba siya, at naglakad pabalik.
Bumaba rin ako nang sasakyan. Egsakto ang aming pinagtigilan na lugar kung saan naka-standby si Gregorio. Itinaas ko ang aking isang kamay para bigyan ng sign siya na magready. At nang lumingon si Redeemer sa aking kinatatayuan ikinuyom ko ang aking palad para sa isang hudyat.
Isang kalampag ng baril ang aking narinig. Ngiting-aso ako nang makita si Redeemer na nakatingin sa kanyang braso. Alam kung doon siya natamaan dahil ako ang nag-utos sa bumaril sa kanya na sa braso lamang siya pata tamaan.
Lumitaw si Gregorio sa kanyang pinagtaguan. Dahan-dahan siyang humakbang sa likuran ni Redeemer at nang nasa tapat na siya tinampal niya ang batok nito kaya nawalan ito ng malay. Ganoon kadali kong isinilid si Redemeer sa'king mga plano.
Bravo! A very nice show! The director deserves an enormous compliment. I deserve an enormous compliment!
**End of Flashback**
Hininto ko ang aking kotse sa tapat ng mansyon, sa address na ibinigay ni Redeemer sa akin. Batid ko naman kung saan siya nakatira pero para makaiwas sa paghihinala hiningi ko nalang ito. Marahan akong tumingala sa mansyon na nasa aking harapan, unang nahagilap ng aking mga mata ay si Esmeralda na nakatayo sa terrace, nakatingin ito direksyon namin.
Nagbalik sa aking alimpatakan ang sinabi ni Francia sa'kin tungkol sa Esmeralda na'to. Sabi niya asal-hayop daw ang babaeng ito pero sa hitsura niya mukhang hindi naman. Maganda siya, hindi ko inasahan na ganito siya kaganda sa personal.
"Putot," intro ni Redeemer. "Thank you for everything."
Naagaw ni Redeemer ang atensiyon ko, agad akong tumingin sa dereksyon niya. And then in a glint of eyes my expression from mild it turns into fiery.
"Oh, hell! Don't call me putot!" I was blazing inside, "Meron akong pangalan, Irish fh- Barquin!"
Lihim akong napabuga ng hininga dahil sa kunting nerbiyos na naramdaman sa muntikang pagdulas ng aking dila. Lumabas ako ng sasakyan sabay sabi, "Irish Barquin," I sighed again. "That's my name." I added.
Sumunod na lumabas si Redeemer at humarap sa akin. May pilyong ngiti gumuhit sa mga labi niya kasunod ay bigla na lamang niyang isiniklop ang aking mga balakang, hinila niya ito patungo sa kanya kaya nasubsob ako sa dibdib niya.
"Sana magkikita pa tayong muli," yumapos siya sa akin. "Mamimis ko ang kayabangan mong yan."
Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ako ng pandinig ko O kung ano! Basta malinaw pa sa sikat ng araw ang lumbay na naaninag ko sa kanyang boses.
Ganoon nalang ang pagkailang na aking naramdaman habang magkayakao kami. Sa tindi nito nangibabaw ang kagustuhan kong kumawala sa kanya. Tinulak ko siya pero napakahigpit ng yakap niya sa akin kaya kalaunan ay akin na lamang siyang hinayaan.
"Ano ba, Redeemer? Bitiwan mo nga ako!" Matigas kong mando habang nakangiwi, "stop your over acting dra-"
"Fryck, where have you been!?" Sabat ng isang boses babae.
Si Redeemer na mismo ang bumitiw sa akin. Sabay kaming humarap sa babaeng nagtatanong. Mayroong malamlam na mukha si Esmeralda habang nagpasalin-salin ang kanyang paningin sa aming dalawa ni Redeemer.
"Mom, ahm..." Tanging naisagot ni Redeemer kang Esmeralda.
"Redeemer Fryck, saan ka ba galing? Nagkakagulo na pero ikaw nakikipagdate lang..." Tinapunan niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa. "At sa ganyang klaseng babae pa."
Halos umulbo ang buhok ko sa inis dahil sa huling mga salitang narinig. Pero imbis patulan si Esmeralda at ipakita dito kung ano talaga akong klaseng babae ay simpleng nginitian ko na lang siya.
"Mam, hindi kami nagdadate. Hinatid ko lang ang anak nyo, lampa eh!" Sagot ko na walang bahid na paggalang.
Kitang-kita ko ang rumehestro na pikon sa mukha ni Esmeralda sa pagsabat ko. Magsasalita pa Sana ako nang naunahan ako ng isang tili kaya itinukom ko nalang ang aking bibig.
"Fryck...!!" Tili ni Carrie habang palabas ng gate suot ay floral na dress, deretso siyang lumapit sa amin. "Alalang-alala ako sayo, younger brother. Alam mo ba, si kuya Gusion nabaril kagabi?"
Bahagyang nakagat ko ang aking dila dahil sa narinig. Nambilog naman ang mga mata ni Redeemer dahil sa kanyang narinig sabay pakawala ng mga katanungan.
"Si kuya nabaril, paano- saan? Is he okay?" He asked Carrie with fear.
"He was snipe at his office," there's a slight tremble in her voice. "Hindi ko Alam kung anong condition niya ngayon. Hindi pa kasi tumatawag si dad and Masha," ani Carrie.
Like that, be afraid of me.
"Ako rin muntik ng kidnappin, buti nalang dumating siya." Dagdag ni Redeemer sabay turo sa akin.
Nambilog sa gulat ang mga mata nina Carrie at Esmeralda na may kalahating takot ang biglang maaaninag sa kanilang pagmumukha.
"Oh my gosh! Ano bang nangyayari sa pamilya natin..." Ani Carrie.
"Buti pa pumasok na tayo. Not safe here," Mungkahi ni Esmeralda. Inabot niya ang kamay ni Redeemer at hinila niya ito papasok ng gate.
"What about me? Pababayaan n'yo na lang ba ako dito?" Naging tanong ko.
Naudlot ang kanilang paghakbang at napatingin sila sa akin.
"You can-"
"No Redeemer!" Tutol ni Esmeralda. "Hindi natin siya kilala!"
Esmeralda shot a baleful glimpse in my direction. Sinuklian ko rin siya ng malabong ngiwi bago inilayo ang paningin. Narinig ko Ang bahagyang niyang pagtawa ngunit wala akong naging paki.
"Hindi tayo puwede magpapasok ng kung sinu-sino sa bahay." Matigas niyang sabi.
"But mom...." Redeemer frowned." Iniligtas niya ako. Kahit ito na lang ang isusukli ko." Bumalik rin agad ang kanyang paningin sa kanyang ina.
"Still no-"
Napayuko kaming lahat ng biglang may umalingawngaw na isang putok ng baril. Kung sino man ang sniper na ito halatang si Carrie ang pinuntirya dahil sa kanyang dereksyon ang lipad ng bala, pero hindi naman siya nito natamaan.
"Ayaw ko pang mamatay...!" Tili ni Carrie. Walang preno-prenong tumakbo ito papuntang loob.
"Son, get inside! Faster!" Esmeralda shouted.
Umawang ang mga labi ko nang hinawakan ni Redeemer ang aking pulsunan saka hinila niya ako papasok sa tahanan nila.
"W-what are you doing, Redeemer? Di'ba sabi ng iyang ina hindi ako maaring-"
A pucker between my eyebrows was shown by unexpected. Hindi ko inasahan na susuwayin niya ang kanyang ina para sa akin. Kung ako ang nasa kalagayan niya kaya ko siyang iwan kung ito ang nais ni master kong gawin!
Pagdating namin sa living room humarap si Redeemer sa akin. Pinakawalan niya ang kamay ko habang nakatingin ako dito.
"Alangan naman pabayaan kitang mamatay! Kaya kong suwayin si mom kung alam kong hindi naman makakabuti ang gusto niya," Ani Redeemer.
Magkasalungat ang paniniwala namin ni Redeemer. Sapagkat ako, kayang-kaya kong sundin kahit anong nais ng aking ama. Wala akong pakialam kung ito man ay makakabuti o makakasama.
Pilit akong ngumiti. "Ganun ba." Tanging naisagot ko.
Pareho kaming napatingin sa labas ng pinto nang sunod-sunod ang putok na aming naririnig, halatang merong nangyayari na labanan roon.
"What we gonna do?" Carrie's voice was trembling. "A-ayaw ko pangmamatay!" Namumutla siya at nanginginig sa takot.
Nilapitan ni Redeemer ang kanyang kapatid at hinawakan niya ito sa bawat balikat. Nakaramdam ako ng kunting ilang sa kanilang kinikilos. Siguro nga dahil ito sa ngayon lang ako nahalo sa mga taong walang magawa sa ganitong sitwasyon kung hindi magtago.
"Don't worry ate, nandito ako para protektahan ka." Niyakap niya ang kapatid. "Pangako, proprotektahan kita."
Ang inakala ko mahihirapan akong tapusin ang misyon. Pero sa nakikita ko ngayon... Mukhang kabaliktaran. Kaunting pagbabanta parang bibigay na sila kay kamatayan. Tignan natin kung anong kayang gawin ng mga malalambot ang puso.
"Fryck, dalhin mo ang kapatid mo sa kwarto niya." Malumanay na utos ni Esmeralda sa anak.
Walang kahit kunting bahid ng pangamba ang kanyang naging reaksyon sa mga nangyayari, naka-numero kwatro pa nga itong nakaupo sa pang-isahan na sopa.
"Hindi ako makapukos sa pagpapakalma sa aking sarili dahil sa ingay niya!" Dagdag nito.
Kahit medyo mahina ang kanyang boses rinig ko kung paano niya diniin ang pagbigkas ng bawat salita. Kumalas si Redeemer sa pagkakayakap kang Carrie at inalalayan niya itong humakbang paakyat ng hagdanan.
Tuloy-tuloy ang barilan na nagaganap. Pero dahil sa bared wire security fence at de-remote na gate ay walang kahit isang nakapasok na kalaban sa loob ng tahanan ng mga Villarica. Kaya rin siguro kalmado lang si Esmeralda dahil alam niyang hinding hindi mapapasok ang mansyon.
Biglang huminto ang pag-ikot ng malaking ceiling fan sa living room. Ganoon na lang mangulubot ng noo ko nang marahan na tumayo si Esmeralda habang nasa ceiling fan ang kanyang paningin.
"T-this is not gonna happen! Open the generator, now!" Bulyaw niya sa kung sino man ang inuutusan niya.
Ang kalmadong Esmeralda kanina ay naging kabaliktaran ang ekspresiyon. Nangangatal siya at namumutla sa takot habang nagmamadaling nagtungo sa isang drawer, kumuha siya roon ng kalibre kurintay singko na baril. Umatras ako sa paghakbang hanggang sa napasandal ako sa pader. Umayos akong tumayo sa kinaruruonan habang nag-aabang sa susunod na gagawin ni Esmeralda.
Napangiting aso na lang ako nang makitang palabas ng habay si Esmeralda. Hawak niya ang isang baril, desididong-desidido siyang sumali sa barilan na nagaganap.
"Mom, don't!" Pigil ni Redeemer.
Nasa gitna ang anak ng hagdanan. Dali itong bumaba at kinuha ang baril na hawak ng kanyang ina na napatigil rin sa paglabas.
"Mommy, please.... Wag ka nang lumabas! Masyadong dilikado." Pagmamakaawa ng anak.
"Pero kailangan kitang protektahan..." Ani Esmeralda.
"Pero maaari kang malagay sa kapahama--"
"Ay, ang sweet n'yong mag-ina! Puwede ba akong sumali sa drama?"
Naputol ang sasabihin ni Redeemer dahil sa pagsabat ng isang armado na pumasok sa living room at tinutukan sila dito ng baril.
"Throw your gun!" Mando nito kang Redeemer.
Inagaw ni Esmeralda ang baril na hawak ng kanyang anak. At marahas niya itong itinutok sa nasa harap niya na kalaban.
"Go head! Shoot me!" Panunubok ni Esmeralda.
Pumulupot si Redeemer sa baywang ni Esmeralda. Para siyang batang nagtago sa likod ng kanyang ina dahil sa takot. Pity.
"Ano bang kailangan n'yo? Pera ba kailangan nyo? Ibibigay namin kahit magkano." Offer ni Redeemer dito.
Dahan-dahan akong dumapa sa sahig saka mahinahon na gumapang palapit sa kaaway. Bago ko pa ito ginawa tiyak akong hindi ako napansin nito dahil nakapukos ang kanyang pansin sa mag-ina at bukod doon ay nakatalikod siya sa akin.
"Hindi pera ang kailangan namin, kundi si Carrie. Kabayaran sa kinuha na buhay ng kanyang ama." Sagot ng armado.
Mas dumiin ang pagtutok niya ng baril sa mag-ina, parang nagbabanta itong kakalabitin na niya ang gatilyo.
Napahinto ako sa pag-gapang dahil sa aking narinig na sagot mula sa armado. I clenched my fist tightly when the thoughts run into my mind. I won't let any family members of Villarica will die killed by anybody. Ako lang dapat ang papatay sa kanilang lahat!
Itinuloy ko ang pag-gapang at nang nasa malapitan na ako nang armado agad na tumayo ako. Tinapik ko dalawang beses ang braso nito sabay ngumasngas.
Humarap ang armado sa akin at ganoon na lamang ang panglalaki ng kanyang mga mata ng makita ako. Agad niyang ibinaling sa akin ang panunutok ng baril na aking kinakagat-labi.
"Sino ka!?" Pabulyaw niyang tanong sa akin.
Maasim akong ngumiti. "You want to know who am I?" Kumurap ako at naging mabalasik ang titig ko sa kanya. "You should know this!"
Pagsabi ko ekperto kong inagaw sa kanya ang baril na hawak at itinutok ko ito sa kanya pabalik. Ngumisi ang armado, ngising minamaliit ang kakayahan ko. I smiled too, an evil way; showing that I can do more than snatching a fricking gun!
Kumindat siya. "Miss, kung ayaw mong masaktan bitiwan mo yan," Ani armado.
I pshawed. "Really, do you think I'm afraid?"
Namutawi ang matinding galit sa mukha ng aking kaharap. Kasunod ay buong puwersa niyang sinipa ang kamay kong may hawak na baril kaya nalaglag ko ito nang wala sa oras.
"You want body pain? Napakagat labi ako sa inis. "I'll give you." Pasimple kong inihagis ang baril na hawak.
"Ano bang ginagawa mo!? Pinatay mo na lang sana siya!" Si Redeemer.
"Oh, shut up Redeemer! Just go upstairs, bring your mom there." Inis kong sagot.
Sinunod rin agad ako ni Redeemer. Inalalayan niyang umakyat si Esmeralda sa hagdan. Hindi palang tuluyang nakalayo ang mga-ina siniyasan ko na ang kaaway na sugurin ako.
"let's start."
Mabalasik na sumugod ang armado sa akin at sunod-sunod na nagpakawala siya ng sipa at suntok. Pero bawat sipa at suntok niya'y walang kahirap-hirap ko itong sinagang. May pagkakataon na susuntukin sana ako ng armado sa mukha, buti na lang nasalo ko ang kamao niya.
"You're done?" I clenched my fist tightly. "Ako naman." Anas ko.
Binaliktad ko ang kamay niya at hindi ko tinantanan ng suntok ang kanyang mukha hanggang sa naging paurong na siyang humakbang, umaasang makailag sa kamao ko. Hindi pa ako nakuntinto sa mga sapok na aking ibinigay sa katunggali. Lumundag at nagpakawala ako nang head scissor, ito ang dahilan kung bakit nabulagta siya sa sahig na halos hindi na gumagalaw. Pero nakatitiyak akong buhay pa siya.
Umiling ako nang marinig ang unggol ng pagmamakaawa ng aking kalaban. umupo ako sa gilid niya at inilapit ko ang aking bibig sa kanyang tainga.
Umismid ako. "Miss pa rin ba ako?"
Tumalim ang mga mata ko habang may makulimlim na mukha.
"By the way, before I forget, I'm Irish Fhrixe Silvanna." Pagpapakilala ko. "I'm. A. Deadly. Assassin." Maangas kong bigkas. "Ikumusta mo na lang ako sa best friend kong si satanas sa empyerno sapagkat doon ngayon ang destination mo."
Pagsabi ko sa huling kataga umupo ako ng maayos sabay ang paglutang ng aking kamao sa eri, at sumalpok ito sa durog na mukha ng kaaway. Tumalsik pa sa aking mukha ang dugong binuga ng kanyang bunganga. I was been shocked, a bit. But latterly it turns into a dim face. Lalo na nang nahagip sa gilid ng aking mga mata si Redeemer na nakatayo sa gitna ng hagdanan. Mahina akong napamura habang pinupunasan ang aking mukha.
Pagkatapos ko pahiran ang dugong nasa mukha pasimple akong tumayo at nginitian si Redeemer nang kay tamis. Namumutla naman siya habang nambilog ang mga mata. Halatang nakita niya kung paano ko pinatay ang armado.
Marahas akong nagpakawala ng buntong-hininga. Bakit kasi hindi ako nag-iingat!
Itutuloy...

Bình Luận Sách (4)

  • avatar
    RiveraRechel

    it was good read to revenge for family na nawala sayo

    24/12/2022

      1
  • avatar
    Sophia Lorreine Ong

    i love your story^v^

    12/05/2022

      0
  • avatar
    VilliarelLouise Natasha

    ang ganda po ng story nyo!

    14/03/2022

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất