logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

chapter six

Skyler's point of view
"Boys! Nandito na ang sundo niyo!" sigaw ni manager. Isinukbit ko na ang travelling bag ko at nagmamadali akong pumunta sa sala kung saan naroon si manager.
"1 down, 4 to go! Carter, Storm, Jackson, Nathan!" tumingin si manager sa pambisig niyang relo. "Puyat pa. Alam niyo naman na maaga dapat kayo ngayon."
Patakbo ding pumunta si Nathan sa pwesto namin habang hatak hatak ang maleta niya habang ang gitara niya naman ay nakasukbit sa likod niya.
"Kahit kailan talaga ang babagal kumilos ng mga batang ito," reklamo ni manager. "2 down, 3 to go! Carter, Storm, Jackson!"
"I'm already here, manager." Tamad na tamad na sambit ni Jackson habang naglalakad papunta sa pwesto namin.
"3 down, 2 to go! Carter, Storm! Ang bagal niyo kumilos! Tagalan niyo pa lalo!"
Natawa kami dahil sa iritadong ekspresyon ni manager.
"Nagpupustahan pa ang dalawang iyon kung sino ang huling bababa." Umiling iling si Nathan.
"Kung nandito si Chaste ay malamang nakaladkad na pababa ang dalawang iyon." Natatawang sabi ni Jackson.
"3 do-"
"TARA NA!" Sabay na sabi ni Carter at Storm habang papalapit sa amin.
"Wala na b-"
"WALA NA PO KAMING NAIWAN, MANAGER!" Sabay sabay na sambit nila na para bang alam na nila ang susunod na sasabihin ni manager.
"Good ano pang hinihintay niyo? Kanina pa naghihintay ang driver ni Brandon."
Dali dali silang nag unahan lumabas ng bahay. Sigurado akong maguunahan ang mga iyan pumili ng pwesto nila sa sasakyan. Pagkalabas ko ay napansin ko ang isang pamilyar na sasakyan.
"RAIN ANDERSON?! What are you doing here?!/ SKYLER DAWSON?! What are you doing here?!" sabay na sambit namin habang nakaturo sa isa't isa.
"You first!/Ikaw muna!"
"Bakit kasama mo ang The Knights?"
"Uhm, personal assistant nila ako." Palusot ko.
"Personal assistant my ass. Hindi ako naniniwala. Skyler Dawson? P.A.? Bullshit, man!" Natatawang komento ni Rain.
"Composer namin si Skyler." Proud na sabi ni Storm.
Napa facepalm ako. Kahit kailan talaga! Hindi mapigil ang bibig ng chismosong ito.
"COMPOSER?!"
"Yepp! And lyricist too!" dugtong pa ni Storm.
"Huwag mong sabihing si Skyler ang tinutukoy mong tiwalag ng Ignatius?"
"Yepp again! Strauss Univers-"
Tinakpan ko ang bibig ni Storm bago pa ito makapagsalita ng kung ano ano.
"Owkay?? Storm sumakay ka na sa kotse ko. Ikaw, Skyler? Saan ka sasakay?"
Napatingin ako sa van ni Mr. Miller ngunit wala na ito. "Ang mga walang hiya!!!"
"Nakalimutan ka ng driver ni Mr. Miller. Akala siguro hindi ka belong sa amin." Humagalpak ng tawa si Storm.
Sinamaan ko ng tingin si Storm. "Fuck you, Storm!"
"Bilisan mo na, P.A." tumatawa pa rin ito na parang baliw.
"Shut up, fucker."
Ikinarga ko na ang mga bagahe ko sa compartment at naupo naman ako sa backseat dahil si Storm ang nakaupo sa passenger seat. Ilang oras ang biyahe papunta sa Strauss University. Mamaya maya pa ay biglang nagsisigaw si Storm na para bang unggoy na first time makakita ng tao.
"Rain! Sundan natin yung Veneno Roadster! Cool!" Turo nito sa unahan.
"Sige. Doon din naman ang daan natin papunta sa Strauss University."
"WOOOOAAAAAH!!!" muli nitong sigaw.
Napalingon ako sa direksyong tinuturo ni Storm. Tinutukoy niya ay ang kotse na nasa harapan ng Veneno Roadster na sinusundan namin.
"RAIN! Hindi ba Bentley Mulliner Bacalar iyon? Mukhang si Chaste na iyon!"
Binusinahan ni Storm ang kotse na nasa harapan namin. Mamaya maya pa ay sunod sunod na ang mura ni Rain.
"SHIT! SHIT! SHIT! NAWALAN TAYO NG PRENO!" deklara niya. Sunod sunod siyang bumusina.
"PUTANGINA! RAIN! HINDI DITO MAGTATAPOS ANG CAREER KO!" Sigaw ko.
"KUYA RAIN!!! MAHAL KO PA ANG BUHAY KO!!!!"
"MANAHIMIK NGA KAYO?!"
"PAANO KAMI TATAHIMIK?!?!" sabay na sigaw namin ni Storm.
Dahil pababa ang daan, bumulusok ang kotseng sinasakyan namin at bumangga kami sa likurang bahagi ng Bentley. Mabuti na lang at may safety bag ang sasakyan na ito kung hindi katapusan na talaga namin. Agad kong inispeksyon ang paligid. Tumingin ako sa bintana at napansin kong nakagilid ang Veneno na nasa unahan namin kanina. Mukhang mabilis niyang naitabi ang sasakyan niya kaya imbis na doon ay sa Bentley kami sumalpok. Mamaya maya pa ay nag overtake na ang Veneno at tuluyan na itong umalis.
"Ayos lang kayo?" tanong sa amin ni Rain. Pagkatapos ay bumaba na ito ng saksakyan at ganoon din kami.
Maswerte kami at wala kaming natamong pinsala sa katawan. Pinagmasdan namin ang sasakyan na nabunggo namin. Wasak na wasak ang likod nito tulad ng nangyari sa harapang bahagi ng sasakyan ni Rain.
"Tangina! Yari tayo kay Suarez!" Namumutlang pahayag ni Storm habang nakatitig pa rin sa pinsala ng kotseng nasa harapan namin.
"Sigurado ka bang kay Chaste ang sasakyan na yan? Sa pagkakaalam ko bawal ang sports car sa Strauss University." Sa pagkakataong ito ako naman ang namutla. Okay sana kung kay Chaste ang nabunggo namin pero sa ibang tao? Holyshit!
Narinig kong namatay ang makina ng kotseng nasa harap namin. Kaya sabay sabay kaming napalingon at nag abang sa kung sinong lalabas mula rito.
"Sana si Chaste!" sabi ko sa isip ko.
"Tangina! Sana si Chaste!!" sabi naman ni Storm.
Naestatwa ako nang makita ko kung sino ang lumabas mula dito. Kahit naka sunglass ito ay kilala ko kung sino ito. Punong puno ng otoridad ang awra nito. Isang matangkad na lalaki na nakasuot ng puting polo at itim na slacks. Nakasuot din ito ng mamahaling rolex ngunit hindi iyon ang napansin ko kung hindi ang kwintas nito na may insignia na tanging ang mga Strauss lang ang mayroon.
Lumapit ito sa amin mas lalo akong naestatwa nang ibaba niya ang sunglasses niya. Fuck! Hindi ko inakala na sa ganitong pagkakataon namin makikita si Xavier Strauss.
"Are you alright?" tanong nito. Sa kabila ng nakakatakot na presensiya niya ay napakalumanay ng malalim na boses nito.
"Look, man. I'm sorry." Sinalubong ito ni Rain. "I will pay for the damages."
"It's okay." Ngumiti ito at nilingon ang sasakyan namin. "Accidents do happen. Anong nangyari?"
"Nawalan kami ng preno." Inabot ni Rain ang calling card niya. "I insist paying for the damages."
"Mabuti na lang at hindi kotse ng kapatid ko ang nabangga niyo. Okay na para sa akin ang sorry." Ininspeksyon niya ang calling card na inabot ni Rain. "Rain Anderson?" Lumingon siya kay Rain at pagkatapos ay lumingon ito sa akin. "Then, you must be Storm Anderson of The Knights?"
"Mawalang galang na, ako si Storm. Ito naman si Sky." Singit ni Storm.
"Sorry, my bad." Mahina itong napatawa. "Hindi pa pala ako nakakapagpakilala. I'm Xavier Strauss. I believe, sa Strauss University ang punta niyo? Sumabay na kayo sa akin. Hintayin lang natin ang driver ko."
"Narinig mo iyon, Rain?! Umalis ka na. Kay Xavier na kami sasabay. Nabawasan kaluluwa ko dahil sayo." Pagmamaktol ni Storm.
Binatukan ni Rain si Storm. "Matagal nang ubos kaluluwa ko dahil sa iyo hindi naman ako nagreklamo. Paano ba yan, Xavier? Iwan ko na sa iyo ang batang ito."
"Kung makabilin ka kay Xavier, close kayo ha?"
"Hindi pero pakiramdam ko hindi tatalab ang mga kalokohan mo sa kanya."
Nagpalipat lipat lang ang tingin ko sa bangayan ng dalawang ito. Nabaling lang ang atensiyon ko sa iba nang marinig ko ang sigaw ni Chaste. Nakababa ang hood ng kotse nito kaya naman kitang kita ko ang pagkaway niya.
"HOOOOY! SKY, STORM, RAIN!" sigaw niya habang binubusinahan kami. Dahan dahan niyang inihinto ang kotse niya sa tapat namin. Pagkatapos ay bumaba ito mula sa sasakyan niya.
Chaste's point of view
Bumaba ako mula sa sasakyan ko at bumati naman ako kay Xavier. "Mr. Xavier, hola cómo estás (hi, how are you)?" Nakipagkamay ako sa kanya.
"Soy bueno. cómo sobre ti, mi estudiante favorito? (I'm good. How about you, my favorite student)?"
"Estoy bien, gracias. (I'm fine, thank you.)" Napatingin ako sa kotse nilang dalawa. "Damn! Kawawa naman yang Bentley Mulliner Bacalar pero mukhang mas kawawa yung may ari ng Lamborghini Urus." Natatawang komento ko.
Pagkalipas ng ilang sandali ay may humintong mga sasakyan sa harap namin. If I'm not mistaken, these are Raoul Strauss'. Bumaba ang butler ng mga Strauss.
"Monsieur Xavier, the cars are ready." He informed.
"Merci, Remington. Help them load their baggage."
"Oui, monsieur ," sagot ng butler nila.
"Chaste, mauna ka na sa university."
Iniwan ko na sila at nagmaneho na ako papunta sa university. Bago ako tuluyang makarating sa tapat ng gate ng university, napansin ko na mula sa malayo ang van ni Mr. Miller. Nasa labas ng sasakyan sina Nathan at Jackson. Nakababa ang hood ng sasakyan gamit ko kaya madali nila akong napansin. Huminto ako sa tapat nila.
"Chaste!" tawag ni Nathan sa pangalan ko.
"Kanina pa kayo dito?" Tanong ko sa kanila.
"Oo. Ang tagal nila Storm mukhang naligaw."
"Hindi sila naligaw. Nabangga lang naman nila ang kotse ni Xavier Strauss." Walang ganang sambit ko.
"WHAT?!"
"Sumakay na kayo sa van. Kasabay na nila Storm si Xavier papunta dito."
Bago pa sila makapagsalita ay muli ko nang pinaandar ang kotse ko. Bumukas nang kusa ang gate ng university nang palapit ang sasakyan ko dito. Tulad ng New York branch, napakaganda rin ng struktura ng mga gusali dito.
Iniwan ko sa valet ang kotse ko at dumiretso na agad ako opisina ng department head namin. Ilang beses na ako nakapunta dito sa Los Angeles branch kaya naman kabisado ko na ang mga pasikot sikot dito.
Binasa ko ang name plate na nakapatong sa lamesa niya. "Good morning, Mr. Christian Stewart."
"Good morning, you are?"
"Chaste Lucero Suarez."
Tumingin ito sa laptop niya at saka muling tumingin sa akin.
"Interesting. Underling ka ni Mr. River Strauss sa BM Entertainment right?"
"Yes, sir." Magalang na sagot ko.
"Chaste Lucero Suarez. The prodigy for New York branch. Bachelor in Music in Performance. Class 3, special section."
Base sa hitsura ni Mr. Stewart, mukhang nasa late 30's pa lamang ito.
Inabot niya sa akin ang isang booklet. "Here's your schedule. Nakapaloob din dito ang rules and regulations ng university. I'm sure you are already familiar with that." Inabot niya rin sa akin ang susi ng dorm room ko. "Music major din ang room mate mo."
"Thank you, Mr. Stewart."
"No problem."
Hindi ako nahirapan hanapin ang dorm room ko. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang napakalaking kwarto na para bang condo unit. May sala, may kusina, may dalawang kwarto na may tig-isang banyo. Punong puno din ng pagkain ang fridge at pantry.
Napatigil ako sa paglilibot ko nang makarinig ako ng kwarto. Bumungad sa akin si Xavier Strauss.
"Let's have a walk outside." Tumango lang ako bilang sagot.
Sumusunod lamang ako sa mga hakbang niya at nag aabang ako sa sasabihin niya. Si Xavier ang isa sa mga propesor ko sa New York Branch kaya naman kabisado ko ang mga habit niya. Sa tuwing nag aaya siyang maglakad lakad ang ibig sabihin nito ay may importante siya sasabihin.
"Gusto lang kitang makausap tungkol kay Aurora."
Nanlamig ang pakiramdam ko nang marinig ko ang pangalan niya. Mukhang tungkol na naman ito sa rumor na kumalat.
"Gusto kong personal na magpasalamat sa iyo dahil binantayan mo ang kapatid ko noong gabing iyon."
Kumuha ako ng sigarilyo mula sa bulsa ko at sinindihan ko iyon.
"Walang anuman."
"Alam kong wala akong karapatang husgahan ka dahil sa reputasyon mo bilang casanova..."
Mas lalo akong nanlamig sa sumunod niyang sinabi.
"...Please, Chaste. Lumayo ka kay Aurora."
"Mali ka ng iniisip, Xavier. Wala akong masamang intensyon kay Aurora. Yes, I kissed her. But not because I want to do the nasty to her. I kissed her because I have feelings for her and I can't help it."
"Feelings for her? Kung hindi ka sigurado sa nararamdaman mo, tumigil ka na. Hindi mo alam kung ano ang nangyari sa kanya matapos mo siyang iwan sa ere. You left her when she needed you the most."
Napahinto ako sa paglalakad at nabitawan ko ang hawak kong sigarilyo. "Alam mo kung anong mayroon sa amin ni Aurora noon?"
"Ang tanging hindi ko lang alam ay ang rason kung bakit nagawa mo siyang iwanan. Gusto kong marinig mula sa iyo mismo ang sagot, Chaste."
"Nagsisisi ako." Ang tanging lumabas mula sa bibig ko. Marami pa akong gustong sabihin ngunit wala akong lakas ng loob.
"Kahit baligtarin pa ang mundo, hindi pa rin magbabago ang katotohanan na iniwan ko siya, nasaktan ko siya, dahil sa pagiging makasarili ko. Gusto kong itama lahat ng pagkakamali ko. Kung pwede lang bumalik sa nakaraan, hindi ko siya iiwan. Hindi ko hahayaang harapin niyang mag isa ang mga problema niya."

Bình Luận Sách (17)

  • avatar
    Ling Oquiño

    nice

    19d

      0
  • avatar
    JAy-m Dizon

    good for the pipol

    07/08

      0
  • avatar
    Cheche Miranda

    nonbeh

    02/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất