logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter four

Skyler's point of view
Napakabilis ng panahon. Ilang buwan na akong nananatili sa dorm ng The Knights. Tanging sa pagrereview ko itinuon ang pansin ko nitong mga nagdaang araw. Habang tumatagal, mas lalo akong hindi mapakali dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na mensahe mula sa Strauss University. Natapos na din ang huling semester sa Ignatius University. Nakuha ko na ang lahat ng credentials ko. Ayaw kong mapanghinaan ng loob dahil tanging Strauss University lang ang pag-asa ko.
"Get ready, boys! Pinapatawag kayo ni Mr. Miller sa conference room ng BM Entertainment. Important announcement."
Halos kasabay lang naming na dumating si Chaste sa conference room.
"Here we go again," tamad na tamad na umupo si Chaste sa pwesto niya at ipinatong niya ang paa niya sa lamesa pinagkrus niya pa ang mga braaso niya sa harap niya. Wala pa si Mr. Miller sa conference area kaya nagagawa niya pa iyon.
*kick drum beat* *snares* *kick drum beat* *snares*
Napalingon kaming lahat sa direksyon ni Carter, ngumisi naman nang nakakaloko si Storm. "Sound check, sound check," umupo pa ito sa mismong conference table. Napa-facepalm na lang ako.
Bilib talaga ako sa talent ni Carter sa paggawa ng beat. Biruin mo? Nagagawa niyang drum set ang kahit anong mahawakan niya tulad na lang ng napili niya ngayon, ang mismong conference table, at gamit ang mga ballpen na nadampot niya kung saan bilang drum stick.
"Hintayin niyo ako dito," paalam ni Chaste. "Ako rin," umalis din si Jackson at sinundan ito ni Nathan. Pagbalik nila ay may dala dal ana itong kanya kanyang electric guitar at amplifier.
"SOUND CHECK!"
*bass drum beat* *snares* *bass drum beat* *snares*
"LET'S GOOOOO!!!~"
Now playing: Ferocious soul by The Knights
I've seen everything crash and fall into places
But nobody dares to care to talk about me
Their only concern was themselves and nothing else
They were everything I thought they would be
I'd rather waste my life living the way I want
Than living for those great pretenders, hypocrites
I'd rather waste my life living the way I want
Than living for those great pretenders, hypocrites
See what I've become, I'm not living in the shadows
Not anyone else's silhouette anymore
This is my ferocious soul's great retaliate
This is my ferocious soul's great retaliate
This world became better the time I freed myself
That is the time I fought for what I needed most
Now, I am myself because I am myself
I'd rather waste my life living the way I want
Than living for those great pretenders, hypocrites
I'd rather waste my life living the way I want
Than living for those great pretenders, hypocrites
See what I've become, I'm not living in shadows
Not anyone else's silhouette anymore
This is my ferocious soul's great retaliate
This is my ferocious soul's great retaliate
My ferocious soul mended my devastated world
See what I've become, I'm not living in shadows
Not anyone else's silhouette anymore
I am my ferocious soul
I am my ferocious soul
[[Author's note: The lyrics in this chapter are written by me. I hope you like it. Happy reading!!!]]]
Nang matapos ang kanta ay nakarinig kami ng mabagal na palakpak mula sa likod namin at tumambad sa amin ang nakangiting mukha ni Mr. Miller. Nagmadali kaming bumalik sa kanya kanya naming mga pwesto.
"What a great song, Knights!" Komento nito at pagkatapos ay umupo na siya saupuan na nasa dulo ng conference table.
"What's the crackin', Mr. Miller?" kaswal na tanong ni Chaste. Napaupo ako nang diretso. Hindi ko alam kung saan kumukuha ng lakas ng loob itong si Chaste. Kung kausapin niya si Mr. Miller ay parang tropa niya lang ito.
"Emocionado de saber? (Are you thrilled?)" Hindi ko naintindihan aang sinabi ni Mr. Miller dahil hindi naman ako nakakaintindi ng Spanish.
"Realmente no, (Not really)" kibit balikat na sambit ni Chaste.
"No estas emocionado? Todos ustedes estan inscritos en Strauss University, (Aren't you excited? You are all enrolled in Strauss University)" nakangising sambit ni Mr. Miller. Kahit hindi ko naintindihan ang sinabi niya, hindi ko maiwasang kabahan dahil sa pagngisi ni Chaste at nakatingin pa talaga siya sa akin. Para bang ipinapahiwatig nito na "Welcome to hell, Skyler."
"Hello? Pwede bang mag usap kayo nang naiintindihan naming lahat?" Reklamo ni Storm.
"Pardon me, Storm." Natatawang sagot ni Mr. Miller. "Isasalin ko sa lenggwaheng naiintindihan niyo ang sinabi ko kay Chaste," muling sumeryoso ang ekspresyon nito. "You are all enrolled in Strauss University."
"For real?!" Sabay sabay na sigaw naming lahat pwera kina Chaste at Jackson.
May bigla akong napagtanto.
"Hindi ba kailangan ng parental consent? Paano ako Mr. Miller? Kung sakali man na accepted ang application ko, hindi naman pipirma si dad sa consent."
Ngumiti si Mr. Miller at saka sinagot ang tanong ko. "I already told you. You are already enrolled. Of course, I pulled some strings to make that happen. Huwag kang mag alala, may kasunduan kami ni Sevan Dawson. Ako ang guardian mo hanggang sa matapos mo ang pag-aaral mo."
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "Paano niyo po siya napapayag?" kunot noong tanong ko.
"It's for you to find out." Kinalampag niya nang marahan ang lamesa kaya nakuha niyang muli ang atensyon ng lahat. "Questions?"
Walang umimik ni isa.
"Chaste, dahil ikaw palang ang naka-experience sa Strauss University, why don't you give them a heads up?"
Bumuntong hininga siya bago sumagot. "Just to be clear, I'm from the main branch. Hindi ko alam kung anong pinagkaiba ng pamamalakad ng mga admin sa main at sa Los Angeles branch. But one thing is for sure, the Strauss' doesn't give a fuck on your social status. Walang VIP treatment. Hindi naman sa tinatakot ko kayo o kung ano. Strauss University is a fuckin' hell. It is not your typical school of arts and music."
"By next month, lilipat na kayo sa campus dorms. Good luck."
Imbis na matakot ay mas lalo akong ginanahan dahil sa narinig ko. Matagal kong pinangarap na isulong ang music career ko. Kaya naman ngayon na abot-kamay ko na ito, hindi ko hahayaang masayang ang oportunidad na ito.
Chaste's point of view
Pagkatapos ng meeting ay nagpaalam na ako sa kanila. Imbis na dumiretso sa condo unit ko ay Naisipan kong umuwi sa amin para bumisita sa aking mamá at papá.
Nagmaneho ako patungo sa El Casa De Suarez. Ilang oras din ang biyahe mula sa BM Entertainment papunta dito. Unti unti nang nagiging pamilyar ang daanan tanda na malapit na akong makarating sa destinasyon ko kaya naman ibinaba ko na ang hood ng gamit kong BMW M6 convertible at binagalan ko ang takbo nito. Nakagawian ko na ito dahil mapapagalitan ako ni mamá kapag nahuli niya akong nagpapatakbo nang matulin. Bukod dito, masarap sa pakiramdam ang ihip ng hangin at masarap pakinggan ang mahinang pagaspas ng mga punong madadaanan.
"Seniorito Chaste! Hindi ka nagpasabi na uuwi ka pala ngayon," gulat na bungad sa akin ng guardiya nang ihinto ko ang kotse ko sa tapat ng gate namin.
"Mukhang gulat na gulat ka, Fernandez?" Nakangising pang-aasar ko sa kanya, "hindi ka ba masaya na nandito ang paborito niyong seniorito?"
"Wala naman kaming ibang pagpipilian. Ikaw lang ang nag-iisang seniorito dito sa El Casa De Suarez." Natatawang sagot niya.
Bumaba muna ako sandali upang kumustahin ang iba pang mga guwardiya. "Hindi niyo man lang ba ako aalukin ng iniinom ninyo?"
"SENIORITO?!"
Natawa lang ako sa reaksyon nila. Lumapit ako sa lamesa at nagsalin ako ng kape sa isang baso.
"Ngayon ko lang napasin, ang laki pala ng itinangkad mo, seniorito?" komento ni Reyes.
"Akala mo lang iyon. Matagal lang ako nawala kaya akala niyo may nagbago sa akin." Sumimsim ako ng kape. Napansin kong pamilyar ang lasa nito. "Nandito ba si Rain?"
"Kadadating lang ni Sir Rain, seniorito. May ibabalita daw siya kay seniora Charity."
"Paki bukas ng gate, Fernandez. Maiwan ko na kayo."
Mabilis kong inubos ang iniinom ko at agad agad akong bumalik sa kotse ko. Nagmaneho ako papasok sa loob. Malayo palang ay tanaw ko na ang bulto ng aking ina.
"Shit!"
Pagkahinto ko sa tapat ng bahay namin ay sinalubong ako ni mamá. Nakapamewang pa ito at salubong ang dalawang kilay. Nasa tabi niya ay nakangisi ang chismosong si Rain.
"Chaste Lucero! Buong akala ko ay wala ka nang balak magpakita dito. Ilang taon ka nang hindi tumatapak dito. Hindi mo man lang naisipang dalawin ako dito sa tuwing nagbabakasyon ka," nakasimangot na bungad niya.
"lo siento mucho, mamá (I'm so sorry, mom)." Bumaba ako mula sa kotse at humalik ako sa pisngi niya, "Lo prometo, te visitaré más a menudo (I promise, I'll visit you more often)," ngumiti ako sa kanya nang pagkatamis-tamis. Yumakap siya sa akin. Ginamit ko ang pagkakataon na ito para murahin si Rain. "I'll kill you, fucker!" I mouthed then I raised my middle finger to him.
"Siguraduhin mo lang, Chaste Lucero. Wala kang idadahilan sa akin dahil malapit lang dito ang Strauss University. Naku kung hindi pa pumunta dito si Rain hindi ko pa malalaman na nandito ka sa Los Angeles. Mabuti naman at lumipat ka ng branch. Does it mean you're staying for good?"
"Mukhang ganoon na nga."
Ginulo niya ang buhok ko. "Tumangkad ka, mi hijo."
"Parehas kayo nang napansin ni Fernandez."
"Halina't pumasok na tayo sa loob at doon tayo mag-usap."
Walang nagbago sa bahay na ito. Even the atmosphere remained the same.
"Nabalitaan ko na papasok na din si Storm sa Strauss University?"
"Yes, mamá."
"Iyon talaga ang dahilan kung bakit ako nandito, tía Charity. Papabantayan ko kay Chaste ang batang iyon. Nasabi rin kasi sa akin ni Storm na lilipat na sila sa campus dorm next month."
"Ang bilis talaga magpalaganap ng chismis ng taong iyon." sabi ko sa isip ko. "I'm pretty sure si Carter ang kasama niya sa dorm dahil parehas silang freshmen."
"Really? Pati si Carter sa Strauss University din?" manghang tanong ni mamá.
"Lahat kami, mamá. Nathan and Jackson will be taking up their master's degree."
"That's great!" nagningning ang mga mata nito at napapalakpak pa siya sa tuwa.
"Anyway, nandiyan ba si Reyes?"
"Oo. Nasa garahe kasama ang papá mo," sagot ni mamá. "Ipapatawag ko na lang sila."
"Hindi na kailangan, mamá. Pupuntahan ko nalang po sila. See you later, Rain."
Iniwan ko na sila at dali dali akong tumungo sa garahe. Pagpasok ko sa garahe agad na tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni papá. "welcome back, mi hijo." Yumakap ako sa kanya. "Hulaan ko? Si Reyes ang ipinunta mo rito sa garahe?"
Bahagya akong napatawa. "As usual. Si Reyes lang naman ang nag-aalaga sa koleksyon ko habang wala ako."
"Reyes! Nandito si Chaste!" Tawag ni papá. "Babalik na ako sa loob at baka hinahanap na ako ng mamá mo." Tumalikod na ito ngunit napahinto ito at muling humarap, "let's celebrate later."
"Sige, papá. Huwag mong papauwin si Rain." ngumiti ako nang nakakaloko.
"Anak nga talaga kita. Biruin mo? Naisip mo rin ang balak ko." Pagkasabi niya nito ay tuluyan na itong umalis.
Pagkalipas ng ilang sandali ay nakita ko na ang ipinunta ko dito. Inihagis ko ang susi ko sa papalapit na bulto ni Reyes.
"Seniorito! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na huwag mong ihahagis ang susi?"
Tumawa ako ng bahagya. "Gamitin mo kahit anong gusto. Palit muna tayo ng kotse. Nasaan ang mini cooper mo? Bawal kasi ang sports car sa campus dorms kaya yung iyo muna ang gagamitin ko."
"Sigurado ka, seniorito?" Nakatulalang kinuha niya mula sa bulsa niya ang susi ng sarili niyang kotse at inabot ito sa akin. "Totoo nga, seniorito? Hindi mo ako binibiro? Gagamit ka ng mini cooper?"
Napahalakhak ako sa naging reaksyon niya. "Hindi halata pero seryoso ako. Sinabi ko na na bawal ang sports car sa campus dorm kaya hihiramin ko muna ang kotse mo." Nagseryoso akong muli, "anong balita sa pinapagawa ko?"
"Naibalik ko na sa kanya."
Flashback...
Pumunta ako sa bar na pagmamay ari ni Reyes. Tanghali palang kaya sarado pa ito. Naabutan kong naglilinis ang mga staff niya. Kaya naman dumiretso nalang ako basta basta sa opisina niya.
"Reyes, hindi ba't kilala mo si Aurora?" tanong ko sa kanya.
"Oo, seniorito. Regular na customer siya dito. Bakit?"
Nag init ang ulo ko. "Alam mo bang menor de edad pa lang ang babaeng iyon? Bakit niyo hinahayaang uminom ng alak iyon?"
Nanlaki ang mga mata nito. "Si Aurora ba ang dati mong novia na ikinukwento mo sa akin palagi?" Tumango lang ako bilang sagot.
"Pasensya na, seniorito. Kung alam ko lang hindi ko sana siya hinayaang uminom."
"Hayaan mo na iyon. Hindi naman iyon ang ipinunta ko dito." Inilapag ko ang cellphone sa lamesa niya. "Gusto kong ibalik mo ito sa kanya."
"Okay, seniorito."
Back to present...
"Salamat, Reyes."
"Walang anuman, seniorito." Tatalikod na sana ako nang bigla siyang magsalita. "Bakit hindi ikaw mismo ang nagbalik sa kanya ng cellphone niya?"
"Gusto ko sana kaso siguradong ipagtatabuyan niya lang ako." Napangiti ako ng mapakla.
"Seniorito Chaste. I always see sadness and longing from her eyes. Kahit kailan ay hindi ko pa nakitang ngumiti ang mga mata niya. Dati mo siyang novia, I bet you made her happy in the past. Why don't you try to win her back?"
Tinalikuran ko siya at sinagot ko ang tanong sa isip ko.
"Hindi ganoon kadali iyon. I did make her happy before but I'm also the reason why her smile doesn't reach her eyes anymore.".

Bình Luận Sách (17)

  • avatar
    Ling Oquiño

    nice

    19d

      0
  • avatar
    JAy-m Dizon

    good for the pipol

    07/08

      0
  • avatar
    Cheche Miranda

    nonbeh

    02/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất