logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter two

Skyler's point of view
"Kakapalan ko na ang mukha ko. Pwede bang dito muna ako tumira? Gusto ko nang lumaya. I want to pursue my music career. Sa pagkakataong ito, wala nang pagaalinlangan."
Napuno ng tawanan ang buong sala.
Napa-kunot ako ng noo, "seryoso ako," sabi ko. Mas lalong lumakas ang tawanan ng mga loko loko.
"What happened?" seryosong tanong ni Chaste. Tanging ito lang ang hindi tumawa. "Is it about Mr. Sevan Dawson?"
"Kilala mo ang dad ko?" napakunot ako ng noo.
"You're all over the news. Ngayon lang." Iniharap niya sa akin ang screen ng cellphone niya.
"Who's the new boss of the Dawson Empire?"
"Business tycoon, Sevan Dawson, confirmed that his son will be the next boss of Dawson Empire."
"Boss of the Dawson Empire will soon rise."
Hindi masyadong kita ang mukha ko dahil sa suot kong face mask at cap sa litratong nakalagay sa news.
"Damn!!!" Sa sobrang inis ko ay nahablot ko ang cellphone ni Chaste at naibato ko sa pader.
"Sorry, bro." Nahihiyang sabi ko.
"Ayos lang. Magpapalit na rin naman ako ng cellphone."
"Ano ba talaga ang nangyari bakit ka biglang napasugod dito?" kunot noong tanong ni Carter.
Wala akong nagawa kung hindi ikwento sa kanila ang lahat ng nangyari kanina. I can't hide the frustration I'm feeling.
"What's your plan now?" tanong ni Jackson.
"I don't know!!!" Napasabunot ako sa sarili ko.
"I have a suggestion," singit ni manager Lynda. "But first, make sure paninindigan mo."
Walang tanong tanong, buong loob kong sinambit ang mga katagang, "let's do it!"
"Okay. Settle everything with your previous university. You will be transferring to a music school next academic year."
Napatulala kaming lahat dahil sa sinabi ni manager.
"Prove them that your music will soar high and you will not regret it. Siguro naman sapat na ang panahong iyon para makumbinse mo sila na malayo ang mararating mo."
"Uhm, manager?" tawag ni Carter.
"Yes?"
"Wala tayong extrang room dito. Saan matutulog si Skyler?"
"Si Chaste may sariling condo unit!" sigaw ni Storm.
"Ikaw din naman," sagot ni Chaste pabalik kay Storm.
"Ikaw may kotse, ako wala. Kaya ikaw ang magpaubaya." Isip bata talaga itong si Storm.
"Fine! Skyler, use my room." walang ganang pagsangayon niya.
"It's settled then. "
Aurora's point of view
Dahil may hangover pa ako dahil sa dami ng nainom ko kagabi, naisipan ko munang dumaan sa coffee shop na malapit sa Strauss Tower. Oakwood Cafe is just a small cafe around the neighborhood. Bukod sa walking distance lang ito mula sa mansyon, what I really like about that place is it isn't crowded.
Pagkapasok ko ay nalanghap ko na agad ang matapang na amoy ng kape. Dumiretso agad ako sa glass display. Nadismaya ako nang makita kong wala ang paborito kong cinnamon roll.
"Good morning, is there anything I can help you with?" tanong sa akin ng barista.
"Are cinnamon rolls available later?" I politely asked.
He smiled, "You're quite lucky. Malapit na matapos ng baker namin ang mga cinnamon rolls." tumingin ito sandali sa likurang bahagi niya. "5 minutes and it is done. Do you mind waiting?"
"Sure. 2 cinnamon rolls for dine in and 4 for take out." I smiled widely.
"Got it. Ihahatid ko nalang sa table mo."
Sa pinakadulong bahagi ako pumwesto. Ilalabas ko sana ang cellphone ko mula sa bag ko ngunit napansin kong wala ito. Yumuko na lamang ako sa lamesa habang hinihintay ang order ko.
Hindi ko namalayan na naka idlip ako. Napaayos lang ako ng upo nang maamoy ko ang mabangong aroma ng cinnamon rolls. My mouth watered as I saw the tray place down in front of me.
"Hindi po ako nag-order nito." turo ko sa isang tasa.
"It's on the house. My friend specially ordered this for you."
"Oh, thank you?"
"You're welcome. Enjoy and have a great day."
Pagkatapos ko kumain ay pinilit kong puntahan si daddy sa office niya para personal na kausapin siya. Ngunit sa reception pa lang ng building ay hinarang na ako ng isa sa mga security guard niya.
"Ms. Aurora, mahigpit po ang bilin sa amin ni Mr. Raoul, bawal ka namin papasukin kung hindi ay masisisante kami," bungad sa akin ng security guard.
"Hindi ako manggugulo. I just want to talk to my dad." Nagpumilit pa rin ako na pumasok kaya naman hinarangan nila ang dadaanan ko.
"Sorry, Ms. Aurora."
"What the hell?!" I yelled frustratedly. Naiintindihan ko naman kung bakit nila ginagawa iyon kaya hindi na ako nakipagtalo sa kanila. Hindi kakayanin ng konsensya ko may mawalan ng trabaho sa kanila nang dahil lang sa mababaw na dahilan. Isa pa may mga umaasang pamilya sa kanila.
Palakad na ako palabas ng building nang marinig ko ang boses ng nakataataandang kaptid ko na si Xavier kaya naman nabuhayan ako ng loob.
"Let her in," puno ng otoridad na sabi ni Xavier. He's like the softer version of dad.
"Pero, Mr. Xavier-," itinaas ni Xavier ang kanang kamay niya kay hindi na naituloy ng guwardya ang sasabihin niya.
"Ako ang bahala sa kanya. Ako mismo ang magsasabi kay dad na ako ang nagpapasok kay Aurora kaya huwag kayong mag alala." pagkasabi niya nito ay bumalik na ang mga guwardya sa kani kaniyang mga pwesto.
Tahimik lang kaming sumakay sa elevator. Hindi ko na nagawaang kausapin si Xavier dahil iniisip ko pang mabuti kung ano ang sasabihin ko pag nakaharap ko na si dad.
"Huwagkang mag alala, sasamahan kita sa office ni dad," walang buhay na sabi ni Xavier pagkatapos ay humikab siya. Bakas sa mga mata niya ang kakulangan ng tulog. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagka guilty. Ako ang may kasalanan kung bakit hindi nakatulog nang maayos ang kapatid ko. Naabala ko pa ang oras ng pahinga niya.
"Sorry, Xavier." Inabot ko sa kanya ang supot na may lamang cinnamon rolls. Napayuko ako at itinuon ko lang ang paningin ko sa sahig.
"Sorry for what?" kunot noong tanong niya.
"For being a stubborn brat. Kung hindi dahil sa akin dap-"
"Hindi ako galit sa iyo," he patted my head, "kapatid kita, kahit anong mangyari nandito lang ako palagi sa tabi mo."
"Kahit na malaki ang kasalanan ko sa pamilya natin?"
"Wala kang kasalanan, Aurora. Anyway, thanks for this." He smiled.
A lone tear dropped from my eye. Pasimple ko itong pinunasan at muli kong inayos ang sarili ko. Hindi na ako nakapag salita dahil bukas na yung elevator. Naunang humakbang si Xavier palabas. Hinabol ko ang mga hakbang niya at tahimik akong naglakad sa tabi niya. Nang huminto kami sa tapat ng opisina ni dad ay tila bumilis nang bahagya ang tibok ng puso ko. Lahat ng iniisip kong sasabihin ko sa kanya ay bigla na lang naglaho sa isip ko.
Pumasok kami sa loob ng office at napansin kong abala si dad sa pinipirmahang mga dokumento. Hindi niya man lang napansin na pumasok kami ni Xavier. Mas lalo akong kinabahan.
Napukaw ang atensiyon niya daahil lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ko ang isa niyang kamay.
"Dad! I'm so sorry! Pangako hindi na mauulit iyon! Please, Dad! Huwag mo akong itaboy! Ayaw ko sa Helene Academy. Tanggalin mo na ang pangalan ko sa blacklist ng mga agency. I love modeling, dad! Please! Kung hindi mo kaya itrato ako bilang anak mo, at least don't take away my passion." dire diretsong pakiusap ko sa kanya. Pilit kong pinipigilan ang luha ko ngunit sadyang traydor ang mga ito.
"That's final, Aurora. Buo na ang desisyon ko at hindi mo na iyon mababago. Choose, live like a normal teenager or get disowned?" Nanatiling walang buhay ang ekspresyon niya.
"What the hell?" pabulong na sabi ko sa sarili ko.
Hindi ko na nagawang pigilan ang emosyon na kanina pa nagpupumilit makawala. Sa isang iglap ay nabasag ang lamesa ni dad pati na rin ang aquarium na dekorasyo sa loob ng opisina niya. Hindi ko kayang pigilan ang telekinetic powers ko kapag nadadala ako ng bugso ng damdamin ko. I'm a disaster when I lost my control in using my ability.
"AURORA, WHAT HAVE YOU DONE?!" Sigaw sa akin ni dad. Marahas niya hinablot ang braso ko ngunit nabitawan niya rin kaagad dahil napaso ang kamay niya.
Dahil nasa likod ko si Xavier, binulungan niya ako, "kumalma ka, Aurora, kontrolin mo ulit ang sarili mo," nakinig ako sa kanya. Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko at huminga ako ng malalim. Naramdaman ko ang dahan-dahan niyang paghawak sa magkabilang balikat ko. Humarap ako sa kanya at isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at inilabas ko lahat ng bigat ng loob ko. Hinayaan ko lang tumulo nang tumulo ang mga luha ko hanggang sa maubos ang mga ito.
"It's okay, Aurora." hinaplos haplos niya pa nang marahan ang buhok ko kaya mas lalo akong napaluha.
"After all I've done. I don't deserve your kindness, Xavier. I don't deserve to be your sister."
Chaste
Mukhang mabuti na rin na nandito ako sa condo unit ko. Hindi ko kasama ang The Knights mae-enjoy ko ang katahimikan ng buhay ko. Walang Carter na maingay, walang Storm na chismoso at higit sa lahat, I can go out anytime I want.
Dahil wala naman akong pinagkakaabalahan ngayon, naisipan kong buksan ang computer ko. Tinitigan kong mabuti ang wallpaper nito. It was a photo of Aurora. I smiled bitterly. She was once my angel, my source of delight.
Tulad nang nakagawian, lagi kong binibisita ang website ni Angel Light. Si Aurora iyon, itinatago niya ang identity niya sa pseudonym na iyon. Ako lang ang nakakaalam nito dahil ako mismo ang gumawa ng website na iyon.
Naisipan kong mag-iwan ng mensahe para sa kanya.
Me:
Hi, Angel Light! Have a great day!
Hindi ko inaasahang magre-reply siya kaagad.
Angel Light:
Thank you for your greeting. Unfortunately, I already had a bad day.
Me:
If only I could cheer you up, I would really be honored.
Angel Light:
Again, thank you. It somehow soothes my heart knowing that a complete stranger is concerned about me. You won't see it so I have to tell you that you just made me smile.
Napangiti ako nang mabasa ko ang huling mensahe niya.
My sweet, Aurora Strauss, what can I do to make you mine again?
Aurora
Pagkauwi ko sa mansyon ay dumiretso agad ako sa kwarto ko at doon ako nagmukmok.
Ang sakit isipin na ang nag-iisang bagay na nakakapagpasaya sa iyo, sa isang iglap, ay bigla na lang mawawala. Buong akala ko magiging proud sa akin si daddy dahil sa mga natamo ko sa buhay. Akala ko kapag naging isang sikat na modelo ako, susuportahan na ako ni daddy tulad ng pagsuporta niya sa mga kapatid ko. Akala ko lang pala iyon. Kasalanan ko bang hindi ako tulad nila na biniyayaan ng talento sa musika? Kasalanan ko bang hindi ako nararapat sumunod sa mga yapak nila?
I let myself get drowned in my thoughts.
Ilang sandali ang lumipas, binuksan ko ang laptop ko. Nakita ko agad ang notification ng website ko. Pinahiran ko ang mga luha ko pagkatapos ay binuksan ko ang mensahe.
Someone:
Hi, Angel Light! Have a great day!
Agad akong nagtipa ng mensahe para sa kanya.
Me:
Thank you for your greeting. Unfortunately, I already had a bad day.
Someone:
If only I could cheer you up, I would really be honored.
Simple message yet I'm crying my heart again.
Me:
Again, thank you. It somehow soothes my heart knowing that a complete stranger is concerned about me. You won't see it so I have to tell you that you just made me smile.
Pagkasend ko sa kanya ng mensahe ko, isinara ko ng muli ang laptop ko. Kinuha ko ang litrato ng aking ina na nakapatong sa bedside table ko at niyakap ko ito. Nagtungo ako sa terrace ng kwarto ko at dumungaw ako dito.
"Mommy, alam kong pinapanood no ako mula diyan sa heaven. I'm so sorry for what happened to you. I know I am to blame. But please, mom, tulungan mo ako." Nararamdaman ko ang pagliwanag ng mga mata ko. "Gusto ko lang naman na mahalin ako ni daddy tulad ng pagmamahal niya kina Xavier, River at Celest." Marahas kong pinunasan ang mga luha kong tuloy tuloy sa pagbagsak. "Ganoon ba ako kahirap mahalin? Bakit tanging si Xavier lamang ang nagmamahal sa akin bilang pamilya? Si daddy? Ganoon ba talaga kalaki ang galit niya sa akin dahil sa nangyari sa iyo? Kaya ba hindi niya ako kayang makita ako dito sa mansyon? Ganoon rin si River at Celest? Dadating pa kaya ang araw na itatrato nila ako tulad ng pagtrato sa akin ni Xavier? Tulad nila, hindi ko rin ginusto ang nangyari. I love you, mom. I wish you were here."
Kakailanganin ko munang lumayo sa kanila. Sa ganoong paraan hindi ako makakarinig ng masasakit na salita mula sa kanila. Kahit na nag-iba ang trato nila sa akin, my love for them remained the same. I need to protect them from myself and I need to protect myself.
Helene Academy is a boarding school for girls. Doon nag-aaral ang mga anak ng mga sikat na personalidad. They teach everything about perfection and elegance. Sa palagay ko ay hindi ako nababagay doon, I'm the black sheep of the Strauss'. There, I will need to endure the pain of wearing the mask of perfection

Bình Luận Sách (17)

  • avatar
    Ling Oquiño

    nice

    19d

      0
  • avatar
    JAy-m Dizon

    good for the pipol

    07/08

      0
  • avatar
    Cheche Miranda

    nonbeh

    02/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất