logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter One

Aurora's point of view
Medyo nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa dami ng nainom ko ar dahil na rin sa patay sinding ilaw ng dance floor. Hindi ko namalayan na nasa pinaka gitna na ako ngdance floor at napakapit ako sa pole. Nang dahil dito ay narinig ko ang hiyawan ng ilang mga kalalakihan, "More, Aurora! Show us your sexy body!" I faced him the I raised my middle finger, "FUCK YOURSELF!" napalingon ako ng bahagya sa pwesto ni Chaste ngunit wala na siya doon. "Mukhang may nabingwit na ang casanova," sabi ko sa isip ko.
Pasuray suray akong bumalik sa bar at muli akong umorder ng inumin, "one martini please." Sabi ko sa bartender ngunit hindi alak ang inilapag niya sa haraap ko kung hindi isang malamig na tubig.
"I'm sorry ma'am. As much as I wanted to satisfy what you want, I can't give you more since your too drunk to handle another one." Napalingon ako sa bartender at napansin kong hindi ito ang bartender kanina. Tumitig ako nang maigi sa kanya. Napatawa naman siya ng bahagya. "Joaquin Reyes, at your service. I'm the owner of this bar." He smile politely.
"Oka-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil napansin ko ang isang pamilyar na bulto papalapit sa akin.
"Aurora!" Guni-guni ko lang ba iyon o talagang nandito si Xavier?
Mabibilis ang mga hakbang niya papalapit sa akin. Tumayo ako mula sa bar stool at sinalubong ko siya. "Hi, Xavier! Hindi ko alam na nagba-bar ka pala," nakangising sabi ko sa kanya. Ayaw kong ipahalata sa kanya na lasing na ako kaya lang ay nagmukha lang akong tanga sa pag-ngisi ko sa kanya. Hindi na rin ako makatayo nang diretso kaya naman napakunot ang noo niya.
"Aurora! Lasing ka na. Umuwi na tayo," seryoso nitong sabi.
"Hindi pa ako lasing. Medyo hilo lang," muli ay ngumisi ako at nag-thumbs up pa ako sa kanya.
Sa halip na makipagtalo ay binuhat niya ako papunta sa sasakyan niya at isinakay ako doon. Marahan niya akong kinabitan ng seatbelt at pagkatapos ay umupo siya sa driver's seat.
"Alam mo namang hindi ko gusto na nasa bar ka, Aurora. Paano kung may mangyari sa iyong masama? Paano kung malagyan ng drugs ang iniinom mo at ma-rape ka? You don't care about your image at all but please, Aurora, respect yourself at least."
"Xavier, I'm just having fun and there's nothing wrong with that," kunot noong sagot ko sa kanya.
"But you're having fun in a vicious way. I'm disappointed."
Tinaasan ko siya ng kilay at napabuntong hininga siya dahil sa inasta ko.
"I guess dad is right. Mag-aaral ka sa Helene Academy. I hope it would be better for you." Iyon ang huli niyang sinabi pagkatapos ay hindi na siya umimik at tahimik na lamang na nagmaneho pabalik sa mansyon.
Skyler's point of view
Nandito ako sa veranda ng bahay namin. Gabi na kaya medyo malamig ang simoy ng hangin dito. Dinama ko mahinang ihip ng hangin. I smiled to myself, it always help me concentrate.
Nakaharap ako ako sa laptop ko at masuyo kong pinapakinggan ang mga ginawa kong bagong kanta. As usual, kausap ko ang sarili ko. It sounds stupid but it really helps me in producing ideas for my works.
"Melody is okay. It sounds exactly what I expecte when blended with the harmony," komento ko sa sarili ko. "Okay na rin ang timbre, bagay sa boses ni Storm." Inisip ko muna kung ano pang element ang kulang. "Rhythm is okay too, matched na sa tempo. Let's see what else is lacking..." tinapik tapik koang daliri ko sa mouse na gamit ko. "The dynamics are okay too. Overall, it's okay. May kulang..."
"HOLYSHIT!!!" mura ko nang mapagtanto ko na kailangan ko palang i-tone down and heavy metal riffs ni Chaste dahil recovering pa ang kamay niya mula sa injury ng kamay niya. It should be matched with Nathan's lead part and of course, Jackson's bass guitar. Wala akong problema problema sa drum beats ni Carter, it is basically bass drum and snares.
Biglang may humablot ng headphones ko, "nagsasayang ka na naman ng oras sa paggawa ng walang katuturang bagay," puno ng sarakasmong sabi ni mommy. Ayaw na ayaw niya talga ang ginagawa ko, hindi lang siya ang ganoon, kung hindi pati na rin si dad.
"Not this time, mom." walang emosyon kong sabi sa kanya pagkatapos ay hinablot ko pabalik ang headphones ko. Himalang hindi ako nakarinig ng mala-teleseryeng sermon mula sa kanya, umalis lang ito nang tahimik.
Hindi ako katulaad ng ibang mga teenager. Dahil simula nang malaman nila ang pagkahilig ko sa musika ay nag-iba ang turing nila sa akin. Imbis na suportahan ay sarili kong pamilya ang humahadlang sa akin na abutin ko ang mga pangarap ko. Nakasanayan ko na lamang ito paglipas ng mga araw. Habang nag-aaral, nagtatrabaho din ako sa BM Entertainment bilang composer at lyricist ng isang sikat na rock band ang "The Knights."
"Sky, I heard your songs are in the top charts. Congratulations to that, brother." Masiglang bati ni Journey sa akin. Lumapit pa ito sa akin at niyakap ako nang mahigpit. "Your music is really great. Keep it up, Sky. I'm so proud of you." pabulong niyang sabi pagkatapos ay hinalikan niya ako sa pisngi.
"Ewww! Journey, stop doing that! I'm not a baby anymore!" Reklamo ko. Marahas kong pinunasan ang pisngi ko gamit ang manggas ng tshirt ko.
"But you are my baby brother forever." Ginulo niya ang buhok ko.
"I'm already 20 years old."
"Hangga't hindi ka nag-aasawa, you are still considered as my baby brother." she winked at me.
I sighed in defeat, "anyway, salamat sa pagsuporta mo sa akin. Hindi ko alam kung magkakaroon pa ako ng lakas ng loob ipagpatuloy ang pangarap kong maging composer kung katulad ka rin nila mom." Ngumiti ako.
"I never had the chance to fulfill mine. Ayaw kong matulad ka sa akin."
Pabiro niyang ginulo ang buhok ko, "dinner later." Pagkasabi niya ay iniwan niya ako kaya naman.
Simula palang hindi na ako nakaranas maging malaya. Palagi kong sinusunod ang gusto ng pamilya ko dahil ako ang nag-iisang tagapagmana ng Dawson Empire. Kung ano ang sabihin nila, iyon ang gagawin ko. Isa sa mga ito ay ang sapilitan kong pagkuha sa kursong business management. Nagbago ang lahat nang mahumaling ako sa musika. Hindi ako nakatiis, ngayon, nakikipagsapalaran akong ilaban ang sarili kong pangarap at hindi nila iyon matanggap. Hindi nila matanggap na ang kanilang unico hijo ay alipin ng musika. Para sa kanila ay walang mararating ang pagkahumaling ko rito.
My eldest sister, Journey, highest paid engineer sa buong Los Angeles at New York. Siya ang namamahala ng Dawson Residences sa New York. My second eldest sister, Destiny, isa naman sa pinakamagling na lawyer sa buong North America. Siya naman ang namamahala ng Dawson's Law Firm. My elder sister, Hope, is an architect. Siya naman ang namamahala sa Dawson Residences dito sa Los Angeles. Ako ang pinakabata sa magkakapatid at ako lang din ang nag-iisang lalaki kaya naman mataas ang expectations nila sa akin. Pero tulad nga ng sinabi ko alipin ako ng musika. Sa totoo lang, hindi ko alam kung kaya ko bang hawakan ng maayos ang kompanya namin pagdating ng panahon.
Nagtungo ako sa kwarto upang itabi ang laptop ko. Tumitig lang ako sa kisame habang nag-iisip g mga ideya hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Kinabukasan, pagbaba ko sa dining area, naabutan ko silang kumakain ng agahan. Kumalam ang sikmura ko at dito ko lang napagtanto na hindi pala ako nakakain ng hapunan kagabi.
"Good morning," walang emosyong bati ko sa kanila. Abala ang lahat sa mga ginagawa nila. Ang bawat isa ay nakaharap sa kani-kaniyang laptop ultimong habang kumakain ng agahan ay nagtatrabaho sila.
"Good morning, brother!" Masiglang bati sa akin ni Journey. "Sasabay ka ba sa akin mamaya? Pupunta ako sa university niyo." Tanong niya habang sinasalinan ng pagkain ang plato ko.
"Magmomotor na lang ako. Kaya ko na ang sarili ko."
"Skyler, pumunta ka sa opisina ko mamaya bago ka dumiretso sa university niyo." Seryosong sabi ni dad habang nakatingin parin sa laptop niya.
"Yes, dad," napabuntong hininga na lang ako.
Pagtapos namin mag agahan ay pumasok na sila sa kani kanilang mga opisina. Ako naman ay bumalik muli sa kwarto ko para maghanda pagkatapos ay pumunta na ako sa parking area para kunin ang motor ko. Nagmaneho papunta sa Oakwood Cafe.
"Skyler!" Masiglang bati sa akin ni Rain Anderson. Kaklase ko, kapatid niya ang vocalist ng "The Knights" na si Storm. Siya rin ang may ari ng Oakwood Cafe.
"Iced Americano with extra espresso shot," sabi ko sa kanya pagkatapos ay inabot ko sa kanya ang tumbler na dala ko.
"Got it! Mukhang nagpuyat ka ah?"
"Kabaligtaran. Nasobrahan ako sa tulog kaya naman inaantok pa ako."
Tinawanan lang ako ni Rain, "dalhin ko nalang order mo sa table mo."
"Thanks."
Pagkapwesto ko sa table ay inilabas ko ang laptop ko at itinuloy ko na ang kantang ginagawa ko kahapon. Habang nakatingin sa laptop ko napansin ko sa reflection nito isang babaeng nakayuko sa lamesa. Para bang natutulog ito.
"Order mo." Marahas kong naisara bigla ang laptop ko nang magsalita si Rain sa gilid.
"Tangina, bro! Ginulat mo ako!"
"May kailangan ka pa?"
"Actually, pa-order ng latte para sa babaeng nasa likod ko. It's on me."
"Okay."
"Alis na pala ako. See you later, bro."
Pumunta na ako sa opisina ni dad. Pakiramdam ko, sermon na naman ang aaabutin ko mula kay dad. Huling beses na kinausap niya ako, nauwi lang kami sa bangayan.
Pagdating ko sa tapat ng opisina ay kumatok muna ako. Agad naman akong pinagbuksan ng secretary niya.
"Wala ka na ba talagang balak sa buhay mo?" bungad na tanong niya sa akin. "Under probation ka next semester dahil may bagsak kang subject. One damn subject!"
"HOLYSHIT! Nakarating kay dad!" sabi ko sa isip ko. "I'm so sorry."
"Imbis na mag-aral puro pagsusulat ng kanta ang ginagawa mo! Hindi ka madadala ng mga composition mo sa narating ng mga kapatid mo. Hindi ba pwedeng mag-focus ka nalang sa pag-aaral mo? Hindi ba pwedeng makinig ka nalang sa akin? Ikaw ang magmamana ng kompanyang ito."
"Mahal ko ang ginagawa ko. If you just let me choose my own path? Pipiliin kong makatapos ng pag-aaral sa isang music school. Hindi ko ginusto ang kompanyang ito. Hindi ko ginustong maging isang Dawson." sabi ko habang pinipigilan ang pagtaas ng boses ko.
"Wala kang magagawa! Ikaw ang nag-iisang tagapagmana kaya sa ayaw at sa gusto mo ikaw ang mamamahala sa kompanyang ito pag nakatapos ka sa pag-aaral!" Galit na galit na sigaw niya.
Sinubukan kong itago ang pagkagulat ko nang makita kong ilabas niya ang unreleased compositions ko. Iyon ang ipapasa ko para sa upcoming album ng The Knights. Aagawin ko na sana ang sheet music ko ngunit huli na ang lahat. Walang pag-aalinlangang inihagis niya sa shredder ang mga gawa ko. Mas lalo akong nabigla nang tapakan niya sa harap ko ang isang flashdrive kung saan ko nilalagay ang soft copy ng mga compositions ko. Akmang tatapakan niya ang isa ko pang flashdrive nagmadali akong nag-dive sa sahig upang isalba ang huling pag-asa ko. Nang dahil sa ginawa ko, imbis na flashdrive ay kamay ko ang naapakan niya.
Dali dali kong binulsa ang flashdrive.
"Those are nothing but garbage." puno ng otoridad na sabi niya.
"Mahirap bang suportahan ang sarili mong anak?! Bakit hindi niyo ako kayang suportahan?!" bumangon ako at pinagpagan ang damit ko. "For you those are garbage. Para sa akin? Those are my treasure!" Tumakbo ako palabas ng opisina. Agad kong binuhay ang motor ko at nagmaneho papunta sa dorm ng The Knights.
"Skyler! Bakit nandito ka? Anong nangyari sa kamay mong bata ka!" bungad sa akin ni manager. "Pumasok ka muna."
Dumiretso ako sa sala. Abala sila sa pinapanood nilang pelikula kaya hindi nila ako napansin.
"Ehem! Boys, Skyler is here." pinatay ni manager ang tv kaya naman nakuha niya ang atensyon nilang lahat. "Ilagay mo ito sa kamay mo." inabot niya sa akin ang isang ice pack.
"Mag-usap usap tayo." sambit ni Manager.
"Kakapalan ko na ang mukha ko. Pwede bang dito muna ako tumira? Gusto ko nang lumaya. I want to pursue my music career. Sa pagkakataong ito, wala nang pagaalinlangan."

Bình Luận Sách (17)

  • avatar
    Ling Oquiño

    nice

    19d

      0
  • avatar
    JAy-m Dizon

    good for the pipol

    07/08

      0
  • avatar
    Cheche Miranda

    nonbeh

    02/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất