logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Our Aurora

Our Aurora

Aurora Winter


Prologue

Aurora's point of view
"One last pose, Ms. Strauss," sabi sa akin ng photographer ng isang sikat na clothing company.
Habang abala ako sa pag-pose sa harap ng camera, napansin kong parang nagkaroon ng komosyon sa likurang bahagi ng studio.
"What's happening over there?" tanong ko sa photographer. Kaya naman napalingon din ito sa direksyon kung saan ako nakatingin. Biglang lumapit sa pwesto namin ang isang staff "Ms. Strauss, y-yung daddy mo n-nasa labas," nauutal na sabi niya. Pintado sa mukha niya ang takot kaya naman hinawakan ko ang magkabilang balikat niya para pakalmahin siya.
Ngumiti ako sa kanya, "don't worry about hi-," hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tuluyan nang nakapasok sa loob ng studio and daddy ko kasama ang sandamakmak niyang mga bodyguard.
"You're done here, Aurora. You will quit modeling! Ryan, siguraduhin mong hindi ka matatakasan ng batang iyan," ma-otoridad na sabi ni daddy pagkatapos ay tumalikod na siya at naglakad palabas ng studio.
Ang isang bodyguard ay napwesto sa kaliwa ko at ang isa naman ay nasa kanan, "DON'T TOUCH ME!" iritadong sigaw ko nang akmang hahawakan nila ako sa magkabilang braso. I sighed in defeat, "sasama ako sa inyo," mahinahong sabi ko. Nilingon ko ang photographer at mga staff niya, I smiled at them bitterly and waved goodbye.
Pagkalabas ko ng studio, bumungad sa akin ang mga nakahilerang sasakyan ng aking ama. Pinili kong sumakay sa kotse kung saan siya nakasakay.
"What's your problem, Dad?!" bungad ko sa kanya nang maramdaman kong umandar ang sasakyan.
"Don't raise your voice on me, Aurora." puno ng babala ang baritonong boses niya kaya naman pinili ko na lamang na manahimik habang nasa biyahe kami. Ibinaling ko na lamang ang atensiyon ko sa tanawing nakikita ko mula sa bintana upang pakalmahin ang sarili ko.
"Your eyes are glowing. Frustrated, aren't you?" walang emosyong sambit niya kaya naman napalingon ako sa kanya. "Damn, alchemists."
Palaging umiilaw ang mga mata ko kapag hindi ko na kayang kontrolin ang mga emosyon ko. Ito ay dahil sa pagkakaroon ko ng telekinetic powers, one of the abilities of an alchemist. Namana ko ito mula sa aking yumaong ina na isa ring alchemist.
Hinilot ko na lamang ang sentido ko at pumikit hanggang sa makarating kami sa mansyon. Pagkalabas namin mula sa sasakyan ay binati kami ng nakahilerang mga kasambahay namin. Pagkapasok naman naminsa mansyon ay sinalubong kami ng mga nakatatandang kapatid ko.
"Look, River, nandito na ang salot sa pamilya natin," puno ng pandidiring tumingin sa akin si Celestine at ganoong din si River.
"Stop it, Celestine!" saway sa kanya ni Xavier. "Kahit anong gawin niyo, kapatid pa rin natin si Aurora kaya hindi niyo dapat siya pinagsasalitaan ng masama," dugtong pa nito.
"Xavier, bakit ba ipinagtatanggol mo iyang si Aurora?" pagkuwestiyon ni River kay Xavier. "She doesn't deserve to be treated well matapos ang lahat nang ginawa niya." Tulad ni Celestine, bakas din sa boses niya ang labis na pagkamuhi sa akin.
Tinaasan ko na lamang sila ng kilay, "are you done?" I said sarcastically. Nang makalagpas ako sa kanila ay itinaas ko ang aking gitnang daliri. "Fuck you. Tig-isa kayo River, Celest!" gulat ang lahat sa inasta ko kabilang na dito si Xavier at ang mga kasambahay na nakakita nang ginawa ko.
Pumunta muna ako sa kwarto ko para makapagpalit ng damit bago ako pumunta sa dining area para saluhan sila sa hapunan. Tahimik ang lahat nang biglang ihampas ni daddy ang kamay niya sa lamesa.
"Aurora! Bakit ba lagi mo nalang binibigyan ng kahihiyan ang pamilya natin?!" Galit na tanong niya sa akin habang nanlilisik ang kanyang mga mata. Nagulat ako nang ibato niya sa akin ang isang papel.
Kahit kailan hindi na ako nasanay. Lahat ng kapatid ko, maliban kay Xavier, itinuturing nila akong kontrabida o salot sa mga buhay nila. Si daddy? Iba ang trato niya sa akin. Para sa kanya hindi ako nag-eexist sa mundong ito. Para bang hangin lang ako sa kanya. Napapansin niya lang ako kapag may ginawa akong dudusing sa pangalan ng pamilya namin.
Siguro dahil naiiba ako sa kanilang lahat?
Lahat sila ay binigyan ng talento sa musika, sila ang pumalit sa henerasyon nila daddy at mommy. Si Xavier Strauss, my eldest brother, isa sa mga pinakatanyag na classical singer sa buong mundo. Bukod pa dito siya ang susunod na magiging CEO ng corporation ng pamilya namin. Si River Strauss, my second eldest brother, biniyayaan ng talento sa pag awit at pag arte. Siya ang itinuturing na "reigning king of operatic singers" kaya naman sikat siya sa buong America. Si Celestine Strauss, my older sister, siya ang leading soprano ng isang sikat na acapella group. Inaamin ko na naiinggit ako sa pagsuporta na ibinibigay ni daddy sa career nila.
Sino ba si Aurora Strauss? Sino ba ako? Kilala ako bilang "top teen socialite" at "mortal aphrodite" sa buong Los Angeles. I'm a model, endorser and influencer. In a good way, nakatulong ang pagiging "Strauss" ko sa pagkakakilala ng pangalan ko sa social media na siyang dahilan kung bakit maraming kumukuha sa akin bilang model nila. Dahil kilala ako sa media, kalat din ang rumor na ampon lang ako ng mga Strauss. Kasi kahit tunay na anak ako ni Raoul Strauss, never niya akong ipinakilala bilang anak niya sa publiko.
Napatigil ako sa pag-iisp ng malalim nang magsalita si daddy. "Wala ka na ba talagang alam gawing kung hindi magtbigay ng kahihiyan sa pamilya ko, Aurora?" napatingin ako sa papel na ibinato niya sa akin kanina.
Ang litratong iyon ay kuha ng isang papparazzi, it was a picture of me, in a public bar, kissing the rhythm guitarist of "The Knights," Chaste Suarez.
"It is just a picture." puno ng sarkasmong sagot ko na lalong nagkapagpainit ng ulo niya.
"Damn, Aurora! Why can't you behave like any other teenagers?!" Galit na sigaw niya.
"I'm 17, alam ko ang ginagawa ko! It was just a kiss. It's not like I'm having sex in public," sagot ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at sinampal ako, ito ang unang beses na napagbuhatan niya ako ng kamay. Sinusubukan kong pigilin ang pagbagsak ng luha ko at pilit kong ipinakita sa kanya na hindi ako nasaktan, physically and emotionally.
"If your mom was here? She would be so disappointed with you," dinuro duro niya ako, "hindi kita pinipigilan sa mga gusto mong gawin pero bakit kailangan mong dungisan ang pangalan ng pamilya natin para sa kasikatan mo?! Kulang pa ba para sa iyo ang kasikatan mo?!" Hinampas niyang muli ang lamesa kaya naman napapikit ako ng mariin.
"Hinding hindi kita ipapakilala sa publiko bilang anak ko, hindi ka karapatdapat ipakilala bilang 'Strauss' dahil hindi mo ka lebel ang mga kapatid mo!"
"Hinding hindi kita ipapakilala sa publiko bilang anak ko, hindi ka karapatdapat ipakilala bilang 'Strauss' dahil hindi mo ka lebel ang mga kapatid mo!"
"Hinding hindi kita ipapakilala sa publiko bilang anak ko, hindi ka karapatdapat ipakilala bilang 'Strauss' dahil hindi mo ka lebel ang mga kapatid mo!"
Paulit ulit kong narinig sa isip ko ang huling mga kataga ng aking ama. Hindi ko na nadepensahan ang sarili ko dahil para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.
"Dad! Enough! I will talk to her later. Ako na din ang bahala sa media," tulad ng inaasahan ko, dinedepensahan na naman ako ni Xavier.
"Sa ayaw at sa gusto mo mag-aaral ka sa Helene Academy. Baka sakaling umayos ka doon. Hindi ko rin gustong makita ang mukha mo dito sa mansiyong ito."
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Sobra sobra na nag mga masasakit na salitang narinig ko mula sa sarili kong ama at hindi ko na kayang pakinggan ang mga susunod pa niyang sasabihin kaya tumakbo ako palabas ng mansiyon at pumraa ako ng taxi.
Maaga pa ang gabi ngunit dumadagundong na ang malakas na tugtugin sa buong paligid na sinasabayan ng pag indak ng mga taong nagkakasiyahan. Dumiretso agada ko sa bar counter at nag order ng ma iinom.
"One martini please," sabi ko sa bartender at tinimpla niya ang inumin ko sa harap ko mismo.
People go to bar to have some fun, unwind from stress and many reasons. Pero para sa akin ito lang ang lugar kung saan hindi ko kailangan maging perpekto, minsan nga mas gusto ko pa itong ituring na tahanan kaysa sa mansiyon.
Hindi ako lasengga o kung ano pa. Alam ko kung hanggang saan lang ang kaya ko. Pero ngayon? Kailangn kong bawasan ang bigat na nararamdaman ko kahit panandalian lang.
Chaste's point of view
Pagkapasok namin sa bar ay dumiretso agad kami sa VIP area. Hindi ko alam kung bakit kahit na may waitress ay naisipan kong mag-volunteer na pumunta sa bar counter para magorder ng isang bucket ng beer para sa amin. Bago pa ako tuluyang makalapit sa bar counter ay agad kong napansin ang isang pamilyar na bulto at hindi ako nagkakamali, it is my Aurora Strauss.
"How did she manage to get an alcoholic drink She's still a minor," tanong ko sa isip ko.
Umupo ako sa stool na nasa tabi niya, "it seems like my angel is here," bulong ko sa tenga niya. Napahinto siya sa paghigop sa cocktail niya at humaarp siya sa akin nang nakataas ang isang kilay niya. Ibiniba niya ang cocktail glass na hawak niya.
"Really? Don't fool me, Chaste," mataray na sabi niya. Pansin ko ang bahagyang pamumula ng mukha niyaat bahagyang pagkapungay ng mga mata niya na siyang tandan a medyo nakakarami na siya ng inom.
"You know me well, Aurora," bahagya akong napatawa.
Nagulat ako nang ipatong niya ang isang kamay niya sa batok ko at kinabig niya ako papalapit sa kanya. Halos isang pulgada lang ang layo ngmukha ko sa mukha niya. Nawala ako sa sarili ko kaya hindi na ako nag dalawang isip pa na idikit ang labi ko sa labi niya. I moved my lips gently but she kissed me torridly instead.
"Enough," tinulak niya ako ng bahagya.
"You're such a b-," hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. "Fuck! She is not the Aurora I knew."
"I'm such a bitch?" tumawa siya ng bahagya ngunit bakas sa mahinang tawa niya ang pait at lungkot. "Stay away from me, Chaste. You've done enough damage to me," sabi niya pagkatapos ay iniwan niya ako at naglakad siya papunta sa dance floor. Napansin kong naiwan niya ang cellphone niya sa tabletop kaya naman kinuha ko ito at pinagmasdan siya mula sa hindi kalayuan.
"WOAH! AURORA, YOU ARE SO HOT!" sigaw ng isang lalaki. Kumulo ang dugo ko kaya nilapitan ko yung lalaking sumigaw. "Back off! She's not a stripper!" Gigil na sabi ko habang hawak ko ang kwelyo ng polo niya. Napansin din ng iba pang mga tao sa paligid nag alit ako kaya nagilayuan sila sa akin. Marahas kong binitawan ang kwelyo niya at lumabas ako para tawagan ang nakatatandang kapatid ni Aurora na si Xavier.
Pagkatapos kong tawagan si Xavier ay bumalik na ako sa VIP area. Dire-diretso kong nilagok ang isang bote ng beer habang nakatuon pa rin ang mga mata ko kay Aurora.
"Chaste baka naman matunaw yang tinititigan mo," sabi ni Storm at humalakhak ito na parang tanga.
"Damn! You're targeting Aurora Strauss? Huwag mong sabihing gusto mo na namang ma-issue sa babaeng iyan?" sabi naman ni Nathan.
"I'm not targeting anyone," seryosong sabi ko sa kanila. Tumingin ako sa kanila, "sabihin na lang natin na iba si Aurora. She's definitely off limits."
"Off limits daw? Pero nakuhanan ng paparazzi na nakikipaghalikan sa bar. Akala ko mga model lang trip mo pati pala mga bata." Pang-aasar ni Storm.
"It's not what you think!" Napasabunot ako sa sarili ko. Mahirap makipagtalo sa tangang ito.
Binalik ko ang tingin ko kay Aurora. That woman is a beautiful chaos I don't mind getting caught in it.

Bình Luận Sách (17)

  • avatar
    Ling Oquiño

    nice

    19d

      0
  • avatar
    JAy-m Dizon

    good for the pipol

    07/08

      0
  • avatar
    Cheche Miranda

    nonbeh

    02/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất