Nagising ako at babangon na sana nang maramdaman kong nakatali ang mga paa at kamay ko. Agad nagising ang buong sistema ko. Bakit ako nakatali? Ah, naalala ko na. May itinurok sila sa akin nang umiyak ako matapos kagatin iyong isang nars kahapon. Napangisi na lang ako ng walang dahilan. “Pakawalan n'yo ako rito!” malakas na sigaw ko. Lumapit ang dalawang lalaki sa akin. “Hindi pwede, bunso. Pasensiya na.” Matalim kong tinignan ang nagsalita. Nagpumiglas ako ngunit mahigpit ang pagkakatali sa akin. Nakarinig ako ng iyak at nilingon ko siya. Nasa edad 50 pataas na yata siya. Naisipan ko na lang matulog ulit. Mag-iipon ako ng lakas. “Tulungan mo ako, ate,” sabi ng boses na hindi ko alam kung saan galing at kung kanino ito. Napamulat ako. Paulit-ulit ang boses. Hahanapin ko iyon! Kailangang makawala ako rito. Huminga ako nang malalim at malakas na sumigaw kasabay ng pagpupumiglas ko. Hindi ko inaasahan na makakawala ako. Gulat na napatingin sa akin ang mga tao rito sa loob. Agad akong umalis sa kama ko at tinanggal ang dextrose ko. Agad nagsitayuhan ang mga tao sa loob ngunit agad akong umangal nang akma silang susunod. “Walang susunod sa akin!” banta ko at agad na lumabas ng silid. May mga nanubok humarang sa akin ngunit malakas ko silang itinulak. “Tulungan mo ako, ate,” sabi na naman ng boses. Palakas ito nang palakas. Sa tingin ko’y malapit na ako sa kinaroroonan nito. Mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa napadpad ako sa labas ng ospital. Maraming nakatitig sa akin ngunit hindi ko na sila pinansin. Ang mahalaga ngayon ay mahanap ko kung saan galing ang boses. Lumingon ako sa aking kanan nang makarinig ako ng sigaw mula rito ngunit wala akong nakikitang sumisigaw. Tila nagkusang maglakad ang aking mga paa papunta sa kinaroroonan ng isang batang babae na nakaupo sa isang upuan. Tumikhim ako. Nilingon niya ako at umiiyak siya. “Gusto mo ng kausap?” tanong ko at umupo sa tabi niya. “Opo.” Sa kaniya ang boses na tila tumatawag sa akin ngunit paano? Never mind. Gumagaralgal ang boses niya dahil sa pag-iyak. Ngumiti ako. “Ilang taon ka na?” “14 po,” sagot niya. “Ikaw po, ilan?” Nagkibit-balikat ako. “Hindi ko alam pero sigurado akong mas matanda ako sa iyo. Ano ang iyong ngalan?” “Ako si Lolita, ikaw po?” Nalungkot ako. “Hindi ko alam e.” Nagtaka naman siya ngunit ngumiti rin. Tinignan ko ang kaniyang kamay at may nakita akong sugat sa kaniyang pulsuhan. May nag-udyok sa akin na hawakan ang kamay niya kaya ginawa ko. Nagulat siya sa ginawa ko at itatago na sana niya ang kamay niya ngunit hindi na niya magawa. Hinaplos ko ang sugat niya. “Depressed ka ba? Bakit? Gusto mo bang pag-usapan?” Napaiyak siya at niyakap ako. Sinuklihan ko naman iyon ng mas mahigpit na yakap. “Ssshh. Nandito lang ako.” “Ate! Nakakasawang mabuhay!” “Sige lang sabihin mo ang gusto mong sabihin. Makikinig ako,” ani ko at hinalikan ang kaniyang buhok. “Mahal ba ako ng mga magulang ko? Bakit mas pinili nilang maghiwalay at iwanan ako sa lola ko?” “Mahal mo ba sila?” “Opo pero bakit sila hindi nila ako mahal?” “Mahal ka nila ngunit hindi na nila mahal ang asawa nila. Huwag ka na sanang malungkot. Piliin mong ngumiti at maging matatag. Malay mo magkabalikan ulit sila.” “Lolita, anak!” sigaw ng isang babae at lumapit sa kinaroroonan namin. Kumawala ako sa yakap ni Lolita kaya nayakap siya ng kararating na babae, ang ina niya. “Ma! Nasaan si Pa?” “Nandito ako, anak.” Lumapit kina Lolita ang isang lalaki at niyakap ang mag-ina. Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. Reunited family! “Hanna!” sigaw ng isang boses. Nang tignan ko ay isang doktor. “Ngayon alam ko na po ang ngalan n’yo,” sabi ni Lolita. Ngumiti na lamang ako ngunit hindi ako naniniwalang pangalan ko iyon. “Paalam,” ani ko kay Lolita. “Ngumiti ka lang ah?” ani ko pa. Tumango naman siya at ngumiti. Tinignan ko ang kaniyang mga magulang. “Mahalin n’yo si Lolita dahil mahal na mahal niya kayo. Mahalin n’yo rin sana ulit ang isa’t isa.’ “Hanna, halika na.” May humawak sa aking kamay. “Huwag n’yo na po akong itatali ah?” Ngumiti na lamang sila kaya wala akong ginawa kundi ang sumunod na lamang. Nakabalik na kami sa silid at ikinabit na naman nila iyong dextrose. Bakit pa ba ikinakabit nila ito? Ilang sandali ang lumipas ay may kumausap sa akin. Lumayo ako sa kaniya. “Huwag kang matakot. Isa akong psychiatrist. Tutulungan kita. May tatanungin lang ako ah?” “May lollipop po kayo?” tanong ko at inilahad ang kamay ko. “Pahingi po.” Mayamaya’y may ibinigay siya. “Anong pangalan mo?” “Annah,” sagot ko. “Kabaliktaran ba ng Hanna?” Nangunot-noo ako. “Hindi. Annah is my name.” “How old are you then, Annah?” “I’m 6 years old!” “You sure?” Umiling ako. “Bakit nasa labas ka kanina?” “Don’t tell them,” bulong ng isang boses. “Nothing. I just want to go outside.” Napatango-tango siya. “Bakit mo kinagat ang kamay ng isang nars kahapon?” Tinitigan ko lang ang kumakausap sa akin. Napatikhim siya. “Do you have parents?” Tinignan ko iyong mga tao sa likod niya at itinuro. “They say that they're my family. Is it true?” “Don’t you believe it?” “I don’t know.” “Have you tried smoking?” Napangiwi ako. “Ano po iyan?” “Drinking?” “Drinking water, of course!” “Gusto mo bang maalala ang nakaraan mo?” Umiling ako saka humikab. “I want to sleep,” ani ko at agad na nagtalukbong sa kumot ko. “We’re not yet done talking.” Hindi na ako nagsalita pa. Ayaw kong makipag-usap na. Napapikit na lamang ako ngunit hindi ako tulog. May narinig akong usapan. ”I can sense that Hanna has DID, please watch her always. She can be worse than what you witnessed a while ago.” What’s DID? Sinubukan ko na lamang matulog. Hindi pa pala ako kumakain. Hindi naman ako nakakaramdam ng kagutuman. Kainis! Makatulog na nga lang. Ayaw ko na munang maki-alam sa pangyayari sa paligid. Nagising ako mula sa isang panaginip na nasa paaralan daw ako at nag-aaral. Tapos ako raw ang laging nakakasagot. Ano naman mayroon sa panaginip na iyon? Nagkamot na lang ako ng ulo ko. “Kumain ka na, Hanna,” sabi ng isang babae na Nimpha raw ang pangalan. Kinuha ko ang plato na iniaabot niya at inubos ang laman. “Inumin mo ang gamot na ‘to.” Tinabig ko ang kamay niya at nagalit. “Hindi ko iyan kailangan!” Bumaba ako sa kama ko at tinanggal ang dextrose na nakakabit sa akin. Binantaan ko sila na huwag nila akong sundan saka na ako lumabas sa silid. “Hanna, ikaw ba iyan?” Nilingon ko ang nagsalitang lalaki. “Huh?” “Ikaw nga! Kumusta ka na?” “Sino ka ba?” Napakamot siya ng kaniyang ulo at napabuntong-hininga. “Nakalimutan mo na pala ako.”
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
Sana all
30/05/2025
0sino nga ba si Hanna
10/03/2025
0hava
17/10/2024
0Xem tất cả