logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 6

"Aalis na'ko. Niloloko mo lang ata ako eh. Napakalaki na ng kapatid mo tsaka hindi naman siya mukang may diperensiya kaya hindi na siya dapat bantayan pa" saad ko kay Leonardo ng makarating kami sa garden nila.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita.
"He has Kleptomania" mahina niyang banggit bago umiwas ng tingin.
"Kleptomania?" Pabalik kong tanong. Ngayon ko pa kasi narinig ang term na ito.
"Google it" utos niya.
"Wala akong load" sagot ko at kinamot ang ulo. Hindi makapaniwala niya akong tinignan at kinuha ang cellphone at nagtipa roon.
"O"
Iniabot niya ito kaya kinuha ko at binasa.
Kleptomania (klep-toe-MAY-nee-uh) is the recurrent inability to resist urges to steal items that you generally don't really need and that usually have little value.Kleptomania is a rare but serious mental health disorder that can cause much emotional pain to you and your loved ones if not treated.
Matapos kung basahin ay kunot noo ko siyang tinitigan.
"I-ibig sabihin, siya iyong nagnanakaw?" Tanong ko ng makabawi sa gulat
"Yes pero hindi siya magnanakaw. He just can't control himself"
"Ikaw ba ang nagbalik sa bag ni Monica?" Tanong ko.
"May inutusan ako. And Levi didn't steal it. Nakita niya lang iyon na nahulog tapos ng makita siya ni Monica bigla siyang nag panic at tumakbo. Isinama ko siya sa palenge nung araw na 'yon but I lost my sight at him"
"P-pero dalawang beses may nanakawan sa bayan ah"
"That isn't Levi. And the jacket you saw he's wearing is mine. Palagi niya lang itong sinusuot kasi gusto niya 'yon."
"So kung si Levi pala ang akala ko na magnanakaw eh bakit parang guilty ka? Binigyan mo pa ako ng cellphone at pera para tumahimik. If you just told me that it's your brother and he has a disease like that, hindi ko naman talaga sasabihin kahit kanino" sincere kong sabi.
"I can't trust anyone. I have to protect my brother at any cost"
"So y-you trust me now? Dinala mo ako rito para bantayan ang kapatid mo"
It took seconds before he answered.
"Maybe"
"Well ok na rin 'yan kesa sa hindi" sagot ko at ngumisi.
"Then you'll start today. Aalis ako kaya  bantayan mo ang kapatid ko" hindi ako makapaniwalang tinignan siya.
"Bakit ngayon? May attendance kami tsaka muka ba akong bodyguard para ako ang kinuha mong magbantay sa kapatid mo?"
"Are we not done with the questions? You already agreed kaya wala ka ng magagawa. Tsaka ako na ang bahala sa attendance mo" tinalikuran niya ako kaya padabog akong sumunod sakanya.
Nasa sala pa rin si Levi pero nakaupo na siya ngayon at nanonood ng tv.
"Levi. Si Amaryliss muna ang magbabantay sa'yo ngayon." Saad ni Leonardo at walang gana namang tumango si Levi. So ok lang talaga na may magbabantay sakanya?
"Saan ka ba pupunta? Babalik ka sa school tapos iiwan mo ako rito?" Sabat ko.
"Babalik rin ako kaagad. May pupuntahan lang" hindi ko siya sinagot bagkos ay humarap ako sa TV.
"Aalis na'ko. Behave Levi" napailing ako sa narinig. Anong akala niya sa kapatid niya. Aso?
Maya-maya pa ay narinig ko ang pagsarado ng pinto kaya agad akong lumingon kay Levi. Sinuri ko siya ng maigi pero hindi talaga mahahalata na may kleptomania siya.
"Stop staring. You're too old to be my girlfriend" nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Nasa TV parin ang atensiyon niya habang nagsasalita.
"Excuse me?" Hindi ko makapaniwalang sabi.
"I'm just joking po. Don't take it seriously"
Nakonsensiya tuloy ako sa pagsigaw ko. Pati ang medyo Inis na naramdaman ay biglang nawala nang ngumiti siya.
Bigla siyang tumayo papunta sa may pintuan kaya dali-dali akong tumayo at sinundan siya
"Oopss saan ka pupunta?" Pagpigil ko sakanya.
"Ilolock ko lang po" aniya at inilock ang pinto at bumalik kaagad sa kaniyang inuupuan kanina.
Nasa Tv ulit ang atensiyon siya.
His features are like Leonardo's pero mas mabait siyang tignan. Siguro dahil sa awra niya.
"Do you want to ask me something po?" Medyo napaatras ako sa bigla niyang pagsalita. Nakaharap na siya saakin ngayon.
"Kasi you're staring at me like you have a lot of questions in your mind. I'm friendly po hindi katulad ni Kuya kaya wag kang matakot saakin" aniya at ngumiti
Lumuwag ang pakiramdam ko.
How ironic, siya pa ang isolated palagi sa bahay siya pa itong friendly samantalang si Leonardo na laging nakakalabas ay siya pa itong moody.
"Uhmm ok lang ba kung magtanong ako about sa'yo?"
He paused for a second then smiled
"Ok lang. I'm open about my situation tsaka I can share things to you tutal Kuya already trusted you" napatawa ako ng mahina.
"Your Kuya trust me? Haha sabi nga niya 'maybe'"
"Hindi po basta-bastang nagtitiwala si Kuya. Mahirap makuha ang tiwala niya lalo na kapag tungkol saakin."
Natahimik ako.
"Do you want me to tell something about Kuya po? Baka interested po kayo sakanya" nanlaki ang mga mata ko dahil sa kaniyang sinabi.
But one thing is for sure. Mas madaldal siya kaysa sa Kuya niya.
"Huwag na! Tsaka hindi ako interested ako sa Kuya mo. Sumama lang naman ako dito dahil may sweldo. Hindi naman sa mahirap ako ah, may Miss Minchin kasi sa bahay namin"
"So you're like Princess Sarah?" He asked in an innocent tone.
"No"
"Oh ok."
Tumingin ulit siya sa TV at doon ko siya tinignan ng matagal at napaisip.
His condition is not easy. He is not able to attend school or go to crowded places without someone who can look for him.
"Sometimes I can't control myself. That's why nakakulong ako at palaging may bantay" he said while still looking at the screen. I can feel the sadness in his voice. "May appointment naman ako sa isang psychiatrist. It was helping but not that much"
"Nasaan parents niyo?" Tinignan ko ang wall nila pero ni isang family picture ay wala akong nakita. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Marc. Sinabi niya na mayaman sila noon pero mahirap na ngayon. Mayaman naman sila ngayon ah. Ang ganda nga ng bahay eh.
"Nasa states si Mama nagtatrabaho habang si Dad ay nandoon din pero they're divorced." Napasinghap ako.
"Dad is now married to another woman habang si Mama ay nagtatrabaho roon para sa amin"
"Bakit hindi kayo nandoon sa states?"
"Gusto ni Kuya dito tsaka ako rin. Lagi kasi naming nakikita si Dad  doon sa states kasama ang babae niya"
Natahimik na naman ako. Levi's voice is so calm yet you can feel the sadness in it.
"Gusto mong lumabas?" Bigla kong tanong na ikinagulat niya
"No. Magagalit si Kuya" mabilis niyang tanggi.
"Mabilis lang naman. Ililibre kita ng kahit ano o punta tayo sa JUST 29 dahil mura lang dun"
"Wala kang pera"
"W-well may 50 pesos ako tsaka sabi ng Kuya mo libre hatid sundo ako kaya hindi ko na kailangan ng pamasahe"
"The moves niya bulok" aniya at tumawa. Kumunot ang noo ko
"Anong the moves?"
"Wala"
"Tss. Sige na labas tayo. Para ka kasing hindi naaarawan"
Levi paused for a second. Kita ko sa muka niya ang kagustuhang sumama pero may pag aalinlangan dito
"Gusto mo bang dito na lang palagi at nakaharap sa ding-ding buong araw?"
Bigla siyang tumayo at humarap saakin.
"Kapag nahuli po tayo ni Kuya ikaw ang may kasalanan ah" napangiti ako at agad tumayo.
"Yes ba yan? Tara na!"
Umuna akong lumabas kaya at pagkatapos ay sumunod na siya at nakasuot na ng jacket pero hindi yung jacket na may print na tiger.
Pumara ako ng tricycle at pinauna siyang pinasakay.
"Hey you looked tense" ani ko ng makita ang itsura niya. "Huwag kang matakot, isipin mo nalang kasama mo kapatid mo. Ako, bilang Ate"
Nginitian ko siya. Mukang tama nga si Leonardo, napaka cringe kong tao.
"Thanks po"
Nang makarating sa lungsod ay palinga-linga si Levi sa paligid. Hinawakan ko ang braso at hinila papunta sa Just 29. Tindahan ito kung saan ang mabibili mo ay tag 29 lahat.
Ramdam ko ang excitement niya ng nagsimula siyang mamili ng bibilhin.
Makalipas ang ilang minuto ay nakapili siya ng isang sketchbook na may kasamang lapis na may eraser na uod. He's 13 but he is lack of chilhood
experience. Kung may makakita sakanyang kasing edad niya ay siguradong pagtatawanan siya dahil sa napili niya.
Pero ang cute lang
Marami pa kaming pinuntahan hanggang sa nagutom kami at pumunta sa nagtitinda ng street food.
"Nakakain ka na nito?" Tanong ko sakanya.
"Siyempre, hindi naman po ako preso na sinetensiyahan ng habang buhay na pagkakulong"
Napatawa ako
Buti nalang at may dala siyang pera kaya ako naman ang nilibre niya. Ramdam ko rin ang titig saakin ng iilang babae dahil na rin siguro kay Levi. Kay gwapong bata pa naman nito. Siguro iniisip nila na pumatol ako sa isang bata o kaya naman baka akala nila magkapatid kami na magkaiba ang itsura HAHA.
"Saan mo sunod gustong pumunta?" Nilingon ko siya pero nanlamig ako ng hindi siya mahagilap.
Wala sa sarili kong natapon ang kinakain kong fish ball at agad inilibot ang mga mata sa paligid.
My palms is starting to sweat because of the nervousness.
"Levi nasaan ka ba?" Tanong ko sa sarili habang palinga-linga
Napaiktad ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Unregistered number ang tumatawag
"Hello?"
"Where the hell are you?! Nasaan si Levi?!" Mas lalo akong nanigas ng marinig ang boses ni Leonardo. His angry voice added fear in my system.
Napatingin ako sa oras ng cellphone ko at hindi namalayan na mag-aalas singko na.
"N-nandito kami sa lungsod. Kumakain" I lied.
"Bakit mo siya dinala diyan?! Alam mo ang sitwasyon niya, I should have not trusted you Amaryliss. Akala ko makakapagtiwalaan ka"
I didn't expect this. I didn't expect him to call my name for the first time in this way.
"I'm sorry. I'm just trying to cheer him up. Tsaka hindi ko naman sinabi na pagkatiwalaan mo'ko."
"Hindi mo siya ma che-cheer kapag nahusgahan na siya ng mga tao" hindi ako nakasagot hanggang binaba na niya ang tawag.
Pag-angat ng muka ko ay nakita ko si Levi sa tapat ng kalsada at nakangiti bitbit ang ballpen na may eraser na uuod. Nahulog siguro iyon at binalikan niya.
Unti-unting pumatak ang luha sa muka ko. Madali akong umiyak kapag nasaktan ako ng taong hindi ko inaasahang pagsabihan ako ng masakit. Palagi naman akong binibiro ni Leonardo pero bakit ang bigat sa dibdib ng sinabi niya?
I should have not trusted you Amaryliss. Akala ko makakapagtiwalaan ka
I shook my head to erase the repeating voice of Leonardo in my head.
"Umiiyak po ba kayo?" Napaangat ako ng tingin at nakita si Levi na nasa harapan ko na.
Agad kong pinahiran ang pisngi
"Saan ka ba galing? Kapag ikaw nawala hindi kaagad ako makakagawa ng isang katulad mo" I softly said with a mix of joke. Ayaw ko siyang mamroblema dahil saakin.
"Binalikan ko lang to lapis. Kapag kasi nakikita ko ito, it somehow lift my mood. And I'm really sorry po. Wag na kayong umiyak" his soft voice wants me to cry more!
"Hihintayin natin si Leonardo. Papunta na siya" ani ko at ang ngiti ni Levi ay biglang naglaho
"Galit siya? Gusto ko pa naman sanang gumala pa"
"Galit siya Levi"
"Pinagalitan ka? Kaya ka ba umiyak? Sasabihin ko sakanya mamaya na wala kang kasalanan."
"Huwag na, kasalanan ko naman talaga at dinala kita rito"
"No. Hindi mo po kasalanan" I slightly smiled at hindi na siya sinagot pa.
Maya-maya ay namataan ko si Leonardo na bumaba sa tricycle. Seryoso ang tingin niya at halatang nagmamadali. Tatawagin ko na sana siya pero nahagilap na niya kami.
Habang naglalakad siya papalit saamin ay nakayuko lang ako at pinapakinggan ang malakas na pintig na puso ko dahil sa kaba.
"Kuya" tawag ni Levi
"Umuwi na tayo" matigas na sabi ni Leonardo at napatingin saakin.
"Sa bahay tayo mag-usap" baling niya saakin. Sumakay kami ng tricycle at tahimik lang kami sa biyahi maliban kay Levi na laging nagsasalita na huwag akong pagalitan pero hindi siya pinapansin ni Leonardo.
Pagkarating sa bahay nila ay agad niyang pinapasok sa kuwarto si Levi.
"Ate, Thankyou" ani ni Levi at iniwagayway pa ang lapis. Tipid ko siyang nginitian at bumaling na kay Leonardo. Nang makaakyat na si Levi ay seryoso siyang tumingin saakin.
"I'm sorry" saad ko at tinignan siya sa mata. Para naman masabi niyang sincere ako.
"Bakit mo ginawa 'yun? Alam mo ba kung anong pwedeng mangyari kapag inatake siya ng sakit niya?"
"I know kaya nga sorry diba? Ginawa ko lang yun dahil gusto kong mapasaya si Levi"
I said that made him laughed sarcastically.
"Mapasaya? You didn't think of his safety. Wala ka bang kapatid? Hindi ka ba marunong umintindi ng sitwasyon?" Tanong niya na ikinatigil ko. Hindi ko alam ganito siya magalit kapag tungkol sa kapatid niya.
"You know I'm adopted kaya obviously wala akong kapatid. At kung pinaparating mo na hindi ako marunong umintindi ng sitwasyon dahil wala akong kapatid ay tama ka. Wala akong kapatid, wala akong magulang at walang taong nagtuturo saakin kung paano umintindi at magpahalaga ng tao. I just wanted to make people happy Leonardo kahit ang iilan ay hindi kayang ibigay iyon saakin"
I saw him struct for a second then his face became serious.
"You have your boyfriend so he should have taught you that"
Nanlaki ang mga mata ko. The boyfriend thing! It's fake!
"I don't have a boyfriend either. Kung galit ka pa rin saakin ay hindi na ako babalik dito. Uuwi na'ko"
Kinuha ko ang bag ko at lumabas. I was expecting him to stop me pero nakatayo lang siya roon na parang estatwa.
Nang makalabas ay wala akong mahagilap na tricycle kaya naglakad nalang ako. Ang bigat ng mga paa ko habang naglalakad na para bang nakatung-tung roon ang mga sinabi ni Leonardo.
His words was not that harsh but it somehow broke my heart a little.
OA na kong OA pero iyon talaga ang naramdaman ko. Sana pala sinabi niyang nakakatakot siyang magalit para nag expect na'ko.
Mas lalo akong badtrip ng kumulog. WTF!
Sampung minuto na akong naglalakad pero wala pa ring tricycle. Dahil sa sa sakit ng paa ko at sakit sa dibdib ay napaupo nalang ako. 
Makalipas pa ang ilang minuto ay napa-angat ako ng tingin ng may humintong motorsiklo sa aking unahan. From seeing his back, I know it's Leonardo.
Bumaba siya sa motor at naglakad papunta sa direksiyon ko. His face is still serious pero ang mga mata niya ay parang may sinasabi.
"Get up" Naalala ko bigla na ganun rin ang sinabi niya saakin doon sa cafeteria.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa mahinang boses.
"Pinasusundan ka ni Levi" aniya at nag-iwas ng tingin. Napasulyap ako sa motorsiklo niya at sa isa pang helmet na nakasabit dito.
"Maghihintay ako ng tricycle dito"
He heaved a sighed before talking.
"Tatayo ka at patatawarin kita o hindi ka Tatayo at aalis ako dito?"
Agad akong napatingin sakanya
"Anong klaseng option yan? Napakababaw mo naman. Your forgiveness kapalit sa pagsimpleng pagtayo ko?" Natatawa kong sambit.
"I will not only give you my forgiveness. I...I'm sorry din"
I stared at him and processed what he just said pero hindi ko mahagilap ang mata niya dahil hindi siya nakatingin saakin.
"Utos din ba yan ni Levi?"
His eyes slowly looked at me.
"No"
"Ok"
I paused. Hindi ko alam kung bakit yun lang ang naisagot ko.
Dahan dahan akong tumayo at inayos ang damit ko na nalukot. Bigla siyang tumalikod at kinuha ang helmet at iniabot saakin.
"Suotin mo yan para kung matumba tayo ay hindi kay mas lalong mabaliw"
Aniya, pero for the first time, hindi ako nainis. It only means that he's back again. Ang Leonardo na masungit pero palaging nang-iinis.
"Hindi na galit yan?" Saad ko at ngumisi.
"Hindi ako nagtatanim ng galit. Bomba lang" I smiled widely. Ginaya pa niya ang sinabi ko doon sa library!
"Halika na nga, baka hinahanap na ako ni Venice"
"Sinong Venice?"
"Mommy ko" medyo nagulat siya sa sinabi ko. Siguro dahil Venice lang ang tawag ko sa babae.
Hindi na siya nagsalita pa at sumakay na sa motor.
Tagilid akong nakasakay dahil naka palda nga lang ako.
"Kumapit ka" utos niya
"Nakakapit na'ko"
Liningon niya ako habang ang mga kilay niya ay malapit ng magdugtong
"Saan?"
"Dito sa l-likod"
"Gusto mo bang mahulog? Kumapit ka sakin" napalunok ako at napahinga ng malalim. Dahan-dahan kong inilagay ang kamay ko sa bewang niya.
What is this? Para akong nasa isang pelikula kung saan may sweet moment ang isang mag syota.
Shet. Baka kay Leonardo ako mahulog at hindi sa semento. (Knock on wood three times)
"Leonardo" tawag ko ng malapit na kaming makarating pero hindi siya sumagot.
"Leonardo!" Pasigaw kong tawag.
"Ano?!" Inis niyang sagot.
"I'm sorry"
"I'm sorry saan? Sa pagsigaw?"
Gusto ko sana siyang batukan pero hindi nalang. Baka madagdagan ang kasalanan ko sakanya
"Sa kasalanan ko. Hindi ko dapat pinalabas si Levi"
Tahimik lang siya.
"Hoy" sinundot ko ang tagiliran niya kaya napadaing siya
"Stop it"
"Eh sumagot ka"
"Ayos nga lang. Pinapatawad na kita. Magsabi ka kasi kapag aalis kayo. Ok na?"
"Thanks" sagot ko at tumahimik na. I just made sure na pinapatawad na niya talaga ako.
Nang makarating sa tapat ng bahay ay tinanggal ko na ang helmet at ibinigay sakanya.
"Salamat" tumango siya kaya dahan-dahan akong tumalikod. Nagdadalawang isip kung tatanungin ko siya na babalik ba ako bukas.
Nakailang hakbang na ako ng magsalita siya
"P-pinasasabi ni Levi na bumalik ka bukas at sa linggo ko na rin ibibigay ang pera"
Gusto kong ngumiti pero hindi ko magawa!
"Ok" tanging naisagot ko at pumasok na.

Bình Luận Sách (36)

  • avatar
    PomboKaidei

    thanks

    25/07

      0
  • avatar
    Joacim Dimailig

    sana mahuli Ang magnanakaw

    22/07

      0
  • avatar
    soberanomarivic

    verry nice

    20/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất