logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 3

Kabanata 3
Ang unang araw ko sa malaking bahay ay ginugol ko lang sa pag-alam ng mga bagay na dapat kong malaman at tandaan. Itinuro syempre sa akin ni Manang B ang lahat ng dapat kong gawin. Kahit na madalas niya akong pagsabihan ay naiintindihan ko naman dahil matanda na si Manang B at hindi naman siya diwata kaya hindi niya alam kung paano mag-isip ang mga diwata. Hihi.
Sa sumunod na araw ay maaga akong nagising para gisingin ang mga alaga kong si Sylvester at Calyster. Kailangan kong ihanda ang kanilang pampaligo at pambihis. Kailangan ko ring ayusin at linisin ang kanilang kwarto.
Kaya naman ay nagpalit na ako ng damit ko at umakyat sa second floor kung nasaan ang kwarto ng kambal. Habang paakyat ay hindi ko mapigilang matuwa dahil first time ko sa totoong trabaho at gusto ko na talagang makihalubilo sa mga cute kong alaga.
Kung hindi niyo kasi natatanong ay mahilig ako sa mga bata. Lagi ko silang kinukwentuhan at pinapangaralan. Kaya naman gusto kong mapalapit sa mga bata para naman maging maayos ang pagtatrabaho ko sa kanila. Hihi.
Pag-akyat ko sa second floor ay napatigil ako sa paglalakad dahil nalito ako kung saan ang daan papunta sa kwarto ng mga bata. Itinuro naman ni Manang B kahapon kung saan ang kwarto ng mga amo ko pero mukhang dahil sa antok ay nakalimutan ko na.
Napatampal ako sa noo habang palinga-linga sa kanang daan at kaliwang daan. Huhu. Bakit naman kasi ang laki ng bahay na ito.
Inimini mayni mo...alin sa dalawang daan ang pipiliin ko? Eto o eto? Sure na ba? Oo o hindi? Peksman? Walang halong biro?
Huhuhu. Hindi ako sure! Anong gagawin ko?
Aha! Mag-call a friend kaya ako? Huhuhu. Eh wala nga pala akong load. Boba. Hehe.
Eh kung humingi kaya ako ng tulong kay map? Kaso wala naman sa akin ang map ni Dora huhu.
"Uy Inday, anong ginagawa mo riyan?" Nabuhayan ako ng loob ng marinig ko ang boses ni Hazel.
Mabilis akong lumingon sa kanya. "Hazel! Patulong naman! Huhu." Kumapit ako sa braso niya.
"Ano ba iyon? Para ka namang nawawalang bata Inday haha."
"Huh? Hindi naman ako nawawala Hazel. Nandito kaya ako sa mansyon." Grabe ha. Mukhang nawawala na ata sa katinuan si Hazel. Naku! Baka mahawa pa ako.
"Baliw! Ewan ko sa iyo. Ano bang hinihingi mo ng tulong? Bilisan mo na kasi magpapalit pa ako ng kobre kama sa guest room."
"May load ka ba? Patawag naman ako huhu." desperado na talaga ako guys.
"Meron pa naman. Para saan ba? Tatawag ka sa magulang mo?" Huh? Ano raw? Kinapkapan niya ang mga bulsa niya. Hinahanap siguro yung cellphone.
"Hindi Hazel. Magca-call a friend ako! Hindi ko kasi matandaan kung saan 'yong daan papuntang room ng nga alaga ko. Wala naman sa akin ang map ni Dora kaya hindi ako makahingi ng tulong. Mabuti na lang at dumating ka. Hulog ka ng langit Hazel," madamdamin kong sinabi.
"Seryoso ka Inday? Haha. Ewan ko sa iyo. Haha. Akala ko naman kung ano na. Doon ang daan sa kaliwa papunta sa room ng kambal. 'Yung huling pinto ang kwarto nila." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Oh my god Hazel! Naka-call a friend ka na ba agad ng hindi ko napapansin? Ang galing mo! Wow," manghang sabi ko.
"Ewan ko sa iyo, Inday," umiiling-iling na sabi niya bago ako tinalikuran.
Patalon-talon naman akong sumunod sa daang tinukoy ni Hazel.
Kaso pagdating ko naman sa tinutukoy ni Hazel ay mayroon na naman akong problema. Dahil hindi naman sinabi ni Hazel kung aling pinto. Kung 'yong pinto ba sa tapat ko o yung pinto sa magkabilang gilid ko? Haist! Bakit ba ganito ang ayos ng bahay nila?
Bumagsak ang balikat ko habang tinitingnan ang mga pintuan.
"Dapat talaga hiningi ko na lang 'yong load kay Hazel eh. Mali tuloy ang binigay sa kanyang impormasyon huhu." Hindi pa naman ako pwedeng basta-basta na lang papasok sa mga pinto gaya ng sabi ni Manang B. Sa mga kwarto ng bata lang daw ako papasok. Kaso paano naman ako papasok kung hindi ko naman alam kung saan? Huhu.
"Oh. What are you doing here, Inday?" Nabaling ang paningin ko sa kanan at nakita ko roon si sir Ylton na naka....ohhh! Oh-la-lam! Ang daming oh-la-lam! Hihihi. Nakatapis lang si Sir Ylton hehe.
Kumikinang ang mga mata ko kasi parang kumakaway sa akin ang mga muscle ni sir Ylton sa katawan hihihi! Kinikilig ako sa kanila! Ang macho pala ni sir Ylton hehehe.
Pero wait! Ano kaya yun? Yung parang mga bukol sa tiyan ni sir Ylton?
"Inday?"
Oh my god! Hindi kaya mga tumor iyon? Hala, may mga tumor si sir Ylton sa tiyan! Huhuhu. Kawawa naman si Sir Ylton ang bata niya pa para magka-cancer huhu.
"Hey Inday!!"
Nagulat ako ng bigla akong sigawan ni sir Ylton.
"Bakit po sir Ylton?" malungkot kong tanong habang mangiyak-ngiyak. Naaawa talaga ako kay sir Ylton. Kahit na ba anong yaman ng isang tao ay kailanman ay hindi nito matutumbasan ang buhay ng isang tao.
"Pfft! Why are you looking at me like that?"
"Naaawa lang ako sa iyo sir Ylton kasi napakabata mo pa para magkasakit."
"What?"
"Pero ganyan talaga ang buhay. Hindi lahat binibigyan ng malusog na pangangatawan. Basta ang payo ko lang sa iyo ay manalangin ka sa panginoon dahil tanging siya lang ang makakapagligtas sa iyo." Binigyan ko siya ng maladiwatang ngiti.
"What the hell are you talking about, Inday?!"
Napasimangot ako. Hanggang dito ba naman kailangan kong mag-research? Una yung f**k boy tapos ngayon naman ay Hell. Alam kong hindi pa ako tapos sa pag-aaral pero hindi naman tamang tanungin nila ako ng mga bagay na hindi ko alam sa oras ng trabaho ko! What the hell daw aba malay ko ba roon hindi naman ako dictionary. Hmp!
"Sir Ylton, saan po pala ang kwarto ng mga bata? Kailangan ko pa po kasi silang gisingin hehe," pag-iiba ko ng usapan. Aba mahirap na at baka magtanong na naman siya ng mga bagay na kailangan ko pang hanapan ng sagot.
Tinuro niya ang kaliwang pinto na walang katapat. "I'll forgive you for not answering me but the next time you ignore my question, I will punish you." lalala! Blah blah blah. Wala akong naririnig! Kayo ba may naririnig? Hihihi.
...
Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ng mga bata ay nagulat ako dahil may biglang limilipad na unan papunta sa banda ko. Dahil hindi agad ako nakaiwas ay natamaan ako sa aking mukha. Napahiyaw ako sa gulat.
"Hahaha."
"You look like a pig, nanny! Hihihi." Ay gising na pala ang mga alaga ko. Mukhang nasasapian na naman ng demenyo dahil sa kapilyuhan.
Pinamewangan ko silang dalawa. "Tama na ang laro. Pumasok na kayo sa banyo at magsiligo—" Natigil ako sa pagsasalita dahil may tumama na naman sa mukha ko na unan.
"Hey! Ano bang problema niyo sa mukha ko?!" nakasimangot at inis kong saway sa kanila. Pasalamat sila at mga alaga ko sila at cute sila at hindi ako pumapatol sa bata at diwata ako hehe.
"Nanny, do you have a dog?" tanong ni Calyster.
Lumapit ako sa dalawa na agad na lumayo sa akin. Akala siguro kung anong gagawin ko. Napabuntong-hininga ako at sinimulan na lang na ayusin ang napakagulo nilang kama. Hay naku, sa sobrang kalat ay parang dinaanan ng bagyo. Kung saan-saan na napunta ang mga unan at kobre-kama.
May dalawang kama sa isang kwarto kaya naisip ko na tig-isa sila nito. Ganoon talaga siguro kapag kambal. Hindi napaghihiwalay. Kaya tingnan mo pati ugali nila magkaparehas na rin.
"Wala akong alagang aso. Bakit?" Tinaasan ko sila ng kilay. Halos makita ko na ang mga ngala-ngala nila dahil ngiting-ngiti. Ano bang problema ng dalawang batang ito? Mas malala pa sila sa mga gusgusin, galisin at kutuhing mga bata sa lugar namin.
"We also don't have one but we want to have one," ani Calyster.
Napasimangot na naman ako. Anong gusto ng mga batang ito? Ibili ko sila? Ni hindi pa nga ako sumasahod eh at wala pa akong dalawang araw na nagtatrabaho sa kanila. Pati ba pangangailangan nila ay ako na rin ang gagastos? Hala! Nagkaroon na ba agad ako ng instant kapamilya? Ano sila, instant anak o instant kapatid? Baka naman instant noodles hehe.
"Can we have you as our pet, Nanny Inday?" Huh? Ano raw?
Tumalon-talon pa si Calyster sa suggestion ng kambal niya. Aba-aba! Pagdating talaga sa kalokohan ay nagkakasundo sila.
"Right! Right! We will tie you in the neck with leash and you will say aw aw! Yipeee! We have our dog now hihihi." Natawa ako sa sinabi ni Sylvester at bigla ring sumeryoso.
"Oo. You will say aw aw when I palo-palo you na sa pwet." Hinila ko na sila sa magkabilang braso papunta sa banyo. "Maligo na kayo kung ayaw niyong sumigaw ng aw aw dahil ang mga diwata ay kailanma'y hindi nagbiro." Hehe. Napasunod ko naman ang kambal kahit na panay ang reklamo. Hay naku daig ko pa ang may alagang isandaang bata sa kulit at pilyo nila. Saan kaya sila nagmana? Buti nalang ako ay isang diwata at nagmana ako syempre sa isa ring diwata. Doon kaya ako pinaglihi ni inay.
"Get out nanny! You're not suppose to see me naked!" Sylvester.
"Hihihi. Nanny Inday, you're a tease!" Calyster.
Pinagbabato ako ng dalawang bata ng kung ano ano kaya wala akong nagawa kundi lumabas. Huhuhu. Ang bad nila! Mga mapanakit! Kanina unan tapos ngayon mga bath soap at kung ano-ano pa ang binato nila sa akin!
Masama ang tingin ang ibinigay ko sa pinto ng banyo bago ako umirap at sinimulang linisin ang kwarto. Kinuha ko ang lahat ng labahin ng mga bata para ibaba sa laundry area. Inayos ko ang mga kama at binuksan ang kurtina para makapasok ang sinag ng araw sa sa loob. Walang balkonahe ang kwarto. Tingin ko ay para sa kaligtasan na rin ng mga bata.
Alam niyo naman na minsan parang sinasapian ng demonyo sa kapilyuhan. Baka isang araw maisipan na lang na tumalon sa balkonahe kung meron man he he.
Pagkatapos ayusin ang kwarto ay inihanda ko na rin ang mga susuoting damit. Napapangiti ako kasi ang cu-cute ng mga damit na napili ko sa dalawa. Dilaw na T-shirt na ang design ay SpongeBob hehe. Paborito ko pa naman cartoon character si Spongebob.
Kaso minsan naguguluhan ako sa palabas na iyon kasi ang dali-daling hulaan ng recipe ng burger, ewan ko ba at hindi makuha-kuha ni Plankton. Sabagay maliit kasi si Plankton kaya maliit din ang utak niya kaya siguro ganoon hehe. Buti nalang tayong mga tao ay nabiyaan ng matalinong utak hehe.
Narinig kong bumukas ang pinto ng banyo. Sa wakas at natapos rin sila sa pag-ligo. Akala ko pa naman aabutin pa kami ng  dalawang oras. Tinalo pa nila akong maligo. Ang tagal nila sa CR tapos magbibihis pa. Hay naku.
"Hi kids! Eto na ang susuotin niyo." Nakangiti kong itinuro ang damit na nasa kama.
"I don't like that. Psh!" Sylvester.
"I like that!" Calyster. Buti pa si Calyster nagustuhan hihihi.
"Hey, that's only for kids," saway ni Sylvester.
"Bakit hindi ba kayo kids? Hay naku Sylvester, huwag ka munang mangarap na lumaki. Ako nga nung bata ako ninamnam ko ang pagiging bata kaya ngayong malaki na ako, nabulunan ako hehe. Este, kinasawaan ko hehe."
"Kids or adult, its just the same," bwelta pa ni Sylvester.
"Uy hindi ah! Kids and adults are magkaiba!"
Palipat-lipat ang tingin sa amin ni Calyster. Naisuot na niya ang damit.
"They aren't! You and I are the same people. Living in and stepping in the planet Earth. Talking and eating our favorite foods! We are all the same!"
"No! Magkakaiba tayo. Maliit ka, malaki ako! Cute ka, diwata ako! At higit sa lahat..." Huminga ako ng malalim. Ang hirap din palang makipagdebate sa mga bata. "magkaiba sila ng spelling!"
Naghari ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Hanggang sa putulin ni Calyster ang katahimikan.
"I think she's right kuya. We are all different because she's a sea creature, we aren't. She looks like a pig, we aren't. She's ugly and insane, we aren't. And most of all, she's super annoying, we aren't." Calyster whisper na rinig ko naman.
"I think you are right. I'll wear this SpongeBob shirt then even though it looks horrible like our Nanny."
Nag-usap ang kambal na parang wala ako sa harap nila. Umalis sila ng kwarto na parang wala ako sa loob niyon. At naiwan akong tulala dahil hindi ako nakasunod sa mga pinagsasabi nila.
Dahil una, hindi ako baboy. Pangalawa, hindi ako baliw at mas lalong hindi ako panget! At pangatlo, sinabi ng hindi ako sea creature! Forest creature po ako! Isang diwata!
Naiwan akong mangiyak-ngiyak sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Napagtanto ko lang na ang sama sama ng tsismosang nagpakalat na ako ay isang sea creature dahil hindi na ito makalimutan ng dalawang bata. Huhuhu. Ayoko mang magbintang at alam ko naman na masamang magbintang ng walang ebidensya kaya simula sa araw na ito ay hahanap na talaga ako ng patunay para husgahan ko ang lahat ng nananakit sa akin! Makikita nila!
...

Bình Luận Sách (124)

  • avatar
    Liling

    nice nakawala ng stress ang dami kong tawa dito

    24/06

      0
  • avatar
    Emelda Lerios

    I love the story of Kassandra and cash,even there are many hindrances still the live happily ever after.

    29/04

      0
  • avatar
    Dian Mulleda

    sana magkaroon to ng kasunod kasi bitin tlga aq grabe ung tawa ko😂😂😂 I love the story...light lng...sna magkaroon pa ng kasunod kasi very interesting ang character ni Inday...I hope you find again your drive and passion in writing kasi sobrang ganda tlga ng mga plots mo...nauna ko mabasa ung mistaken wife of a billionaire then ito...sa dami ng nabasa ko ito na yata ang sobrang nakakatawa...dq pa natatapos basahin ang dialogue ay tawang tawa nq❤️❤️❤️❤️

    09/04

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất