logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 2

Kabanata 2
Nakatayo ako ngayon ng matuwid kasama ang iba pang mga katulong na kung hindi ko kaedaran ay mas matanda naman sa akin ng ilang taon. Awang ang bibig ko habang pinagmamasdan ang ibang katulong na pinapasok ang ibat-ibang pagkain. Sa pagkakaalam ko ay tanghalian lamang ang niluto namin pero sa nakikita ko ay parang may piesta dahil sa dami ng pagkain.
"Hoy Inday! Ang laway mo baka tumulo sa mga pagkain!" sita sa akin ni Manang B. Napaayos naman agad ako ng tayo sabay sarado ng bibig.
OA rin itong si Manang B eh hehe. Paano ko naman matutuluan ng laway ang mga pagkain eh ang layo-layo ko sa lamesa? Hay naku wala na talagang makita si Manang B kundi ako. Ganoon talaga yata kapag first time lang makakita ng isang diwata hihi.
May nakilala na rin akong ibang katulong. Kaedad ko siya at ang pangalan niya ay Hazel. Maliit siya kumapara sa akin at mukhang mabait. Natuwa pa ako ng malaman kong ka-roommate ko siya. Edi may katsikahan na ako sa gabi hehe.
"Ganito ba talaga rito kapag kakain Hazel? Parang araw-araw may piesta dahil sa daming handa," bulong ko kay Hazel.
Tumawa siya ng mahina at bumulong rin. "Narito rin kasi ang mga pinsan ni sir. Dito sila tumutuloy habang bakasyon kaya naman madaming pagkain laging nakahanda." Tumango naman ako.
So, marami pala akong pagsisilbihan kung ganoon? Hihi. Sila siguro yung limang prinsipeng nakita ko kanina hihihi. Ang oh-oh-la-lam! Hehe.
Maya maya pa ay nagsipasukan na nga sa hapagkainan ang mga amo namin. Halos mahulog ang aking mga panga dahil nakita ko na naman sila ng malapitan at mas matagal. Kanina kasi ay pinagtutulak nila ako ng yumakap ako hehe. Kea-arte! Yakap lang eh hindi ko naman sila hinalikan. Hmp!
"Oh mga hijo, magsiupo na kayo at ng makakain na. Nasaan na ba ang kambal? Bakit hindi pa sumunod sa inyo?"
Tumaas ang kilay ko. Kambal? May kambal akong amo? Huwaw!
"They will be here in a minute—oh! Here they are."
Dahan-dahan kong nilipat ang paningin sa dalawang bulinggit na magkamukhang-magkamukha na may ngiting hindi mapagkakatiwalaan sa labi. Nagningning ang mga mata ko dahil sa sobrang cute nilang tingnan! Mukhang nasa edad na 6 hanggang 7.
"Oh, nariyan na pala kayo. Magsiupo na kayo at ng makakain na," ani Manang B.
Lumibot ang paningin ng dalawang cute na bata sa buong hapagkainan at nagulat ako ng tumigil ang mga mata nila sa akin. Nagkatinginan sila at sabay pang nagkangitian. Pagkatapos, imbes na lumapit sa hinila ni Manang B na upuan ay lumapit silang dalawa sa akin na lalo kong ikinamangha.
Omo! Mukhang sila ata ang mga batang aalagaan ko! Ang cute nilang dalawa at gwapo rin kahit bata pa! Ang sarap pisilin sa pisngi!
Pero teka! Bakit parang pamilyar ata sa akin ang hawak na bola ng isang bata? Parang nakita ko na kung saan. Hmm...
"Hi! Are you our new nanny?" tanong ng batang naka-suot ng pulang T-shirt.
Ngumiti ako at bahagyang yumuko. Ang liliit kasi nila eh. "Yes na yes mga little sir. I am the nanny new!" nakangiting pagpapakilala ko.
Oh my god, mukhang mapapasabak ata ako sa mga batang ito. Mga english spokening dollar! Huhu. Hindi pa naman ako masyadong magaling mag-english.
"Is that so? I have something to give for you then," nakangiting sabi naman nung cute na batang naka-blue.
"R-really?" nag-aalinlangang tanong ko. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nakatingin silang lahat sa amin kaya medyo na-conscious ako. Oh my god, anong meron at ganyan sila makatingin? Mukha ba akong artista? Oh my god! Matutupad na ba ang pangarap kong maging singer?
Nahagip pa ng paningin ko si Manang B na umiiling. Hala! Hindi ba siya sang-ayon na maging sikat na singer ako? Hmp! Naiinggit ba siya? Hindi naman pwedeng maging singer siya kasi matanda na siya isa pa madalas siyang pumiyok lalo na kapag naninigaw hmp! Sa akin lang dapat ang spotlight!
"Here." Nabalik ang paningin ko sa dalawang cute na bata ng may ibigay sila sa akin na isang salamin. 'Yong parang sa beauty and the beast ganoon.
"Ahm...thank you! Hehe," napapakamot sa ulong sabi ko. Ano naman ang gagawin ko rito? Eh mayroon naman na akong salamin.
"Can you look at the mirror?" huh? Sinunod ko naman ang sinabi ng bata.
Nakakaintindi naman ako ng english. Nahihirapan lang ako kapag binibigkas na kasi nababaliktad ko raw 'yong ibang words.
Ayun nga at tumingin ako sa mirror. Nanlaki ang mata ko kasi nakakita ako ng diwata. Sino pa ba? edi ako! Hihi.
"You look like a sea creatures nanny. Just look at the mirror so that we won't lose our appetite while eating alright?" tinap pa ni cutey boy ang ulo ko saka sila sabay na nagtatakbo papunta sa kanilang upuan.
"Pfft!"
"Hahaha."
"Nice one bro!"
Natulala na lang ako sa hawak na salamin. Napanguso ako habang tinititigan ang sarili. Sea creatures? Naduling ba silang dalawa? Kailan pa ako naging sea creatures? Hindi naman ako nakatira sa dagat eh. Sa kagubatan ako nakatira dahil isa akong diwata! Dapat sinabi nila ay forest creatures. Huhuhu. Ang sakit naman nila sa heart! Kailan pa ako naging isda huhuhu!
Isang tapik sa likod ang nagpabalik sa aking wisyo.
"Okay lang iyan Inday. Ganyan talaga kapilyo ang dalawa. Pagpasensyahan mo na," ani Hazel.
Napasimangot ako. "Hindi ko lang matanggap na inakala nila akong sea creatures Hazel. Naduling ba sila at hindi nila napansin na isa akong forest creature? Na isang diwata? Huhu."
"Ay gaga. Seryoso ka diyan?" hindi makapaniwala niyang tanong.
Sinagot ko lang siya ng famous line kong, "Ang mga diwata ay hindi kailanman nagbiro."
Huhuhuhu. Ang dami talagang mapanakit sa mundo.
...
"Mga hijo, siya nga pala si Inday, ang bagong tagapangalaga ng kambal. Katulong rin siya sa bahay bukod sa isang yaya. Boys, magpakilala kayo sa bagong ninyong nanny," Utos ni Manang B sa kambal.
"Hi Nanny! My name is Sylvester Stone Montecillo."
"Hello nanny Inday! My name is Calyster Cash Montecillo."
"Hello sa inyo! Ako nga pala si Idianna Marie Flores! Inday na lang for short. Day for shorter. Tuldok na lang for shortest hehe."
"Manang is she insane?"
"Manang is she crazy?" sabay na tanong ng kambal.
"Naku! Hindi po ako nababaliw. Matino pa ako sa matino. Hehe." Ang talim rin ng dila ng mga batang ito naku! Dahil ako na ang bagong yaya niyo, matututo kayo ng maraming aral sa akin.
Sa araw na iyon ay nakilala ko ang lahat ng magiging amo ko bukod sa dalawang bata. Pito silang lahat.
Ullyses Yross Montecillo, siya ang panganay sa magkakapatid. Siya yung may nakakatakot na tingin at galit na galit sa akin kanina. Yung hinipuan ko raw kahit hindi naman huhu.
Ylton Uemprey Montecillo, siya naman ang sumunod sa panganay.
Gregory Dash Montecillo at Gregorios Drake Montecillo, sila naman ang magkapatid na pinsan umano nila.
At ang panghuli ay si Knight Bullet Montecillo na isa rin sa kanilang pinsan.
At ngayon ko lang napagtanto na makakasama ko silang pito, ay lima lang pala na mala-prinsipe sa bahay na ito! Ngayon pa lang ay naiisip ko na kung gaano ako ka-swerte! Syempre, ang pagkakataon dapat ay hindi pinapalagpas. Hihihi. Just wait and see and everybody! Hehe.
...
Pagkatapos ng tanghalian ng mga amo ko ay itinuloy naman ni Manang B ang pagto-tour sa akin sa malaking bahay. Ang napuntahan pa lang kasi namin ay 'yong office ni madame, master's bedroom, library  at entertainment room. Iyon daw yung mga pintong nakita ko kanina. Doon rin daw ang guest rooms. Bale nasa left wing siya ng bahay.
Sa right wing naman makikita ang kwarto ng mga amo ko, music room, game room at kung ano-ano pa. At nagulat ako kasi may roof top pala sa taas at may maliit na swimming pool din. Minsan doon raw ginaganap ang mga party at sa may ball room na nasa first floor.
Nasa first floor naman ang servant's quarter, kitchen, dining, living area, at may library din. Sa sobrang laki ng bahay, hindi ko alam kung nagkikita-kita pa sila. Sa labas naman ng bahay naroon ang garage na may mga kotse! Ang dami hehe. Hindi ko alam kung kanino ang alin at ilan ang kanino. Ano? Kay-gulo ng utak ko. Hehe.
"Inday, tapusin mo na itong ginagawa ko at magsi-siesta lang ako saglit."
"Sige po Manang B!" Masiglang sabi ko at tinuloy na ang pagpupunas sa mga plato.
"Ayusin mo ah! Kapag nakabasag ka riyan, ibabawas namin sa sahod mo!" paalala ni Manang B na agad kong tinanguhan.
"Oo naman Manang B! Ke-dali-dali magpunas ng mga plato, paano ko naman mababa—aray!" Nanlaki ang mga mata ko ng bigla kong mabitawan ang pinupunasang baso dahil sa gulat. Hala! Lagot! Huhuhu. Bigla kasing may tumusok sa paa ko huhuhu.
"Ano ba naman iyan Inday! Kasasabi ko lang eh!" huwaaaa!
"Manang B kasi may biglang tumusok sa paa ko kaya nagulat ako huhu."
"Ano?!" Nilingon niya ang paa ko at napatingin rin ako roon. Nakapaa kasi ako eh wala naman akong tsinelas ng kagaya ng sa kanila.
"Itaas mo iyang paa mo." Utos ni Manang B.
"Ayaw ko po! Huhu." Masakit kaya huhu. May nakatusok nga kasi sa paa ko huhu.
"Itaas mo nga sabi! Paano ko malalaman kung nagsasabi ka ng totoo?"
"Manang B, ang mga diwata ay hindi nagsisinungaling," ani ko. Inakusahan pa akong sinungaling. Hay naku! Totoo talaga yung sinasabi na judgemental ang mga tao. Mga pang-mental mga ugali hehe.
"Ano ba Inday?! Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo ha!"
"What's happening here, Manang B?" sabay kaming napalingon sa boses ng nagsalita. Nagningning ang mga mata ko. Hihihi. Si sir Knight pala! Ang gwapo-gwapo niya hehehe.
"Naku hijo, itong si Inday, nakatapak ata ng thumbtacks, ayaw namang ipakita sa akin," magulong mukhang sabi ni Manang B. Magulo kasi parang nag-aalala siya sa akin pero parang sa isip-isip niya na tatanga-tanga ako huhu.
"What? Let me see," nakangiting sabi ni sir Knight. Natulala na naman ako sa kanya. Lalo na sa mga ngiti niya. Pakiramdam ko nakakaamoy ako ng rosas at lumilipad-lipad sila sa paligid hihihi. Pero wait! Hindi ko pala alam ang amoy ng rosas kaya ibahin natin hehe. Gawin nating fried chicken. Pakiramdam ko nakakaamoy ako ng fried chicken at lumilipad-lipad sila sa paligid ko hihihi. Oh-la-lam!
Yumuko si sir Knight at inangat ang kanang paa ko. Napahawak ako sa balikat niya. Napakagat ako sa labi ng maramdaman ko ang mga muscles doon. Hihihi. Oh-la-lam talaga! Siya na ang crush ko hihihi.
"Aray ko po! Huhuhu," hiyaw ko ng may tanggalin si sir Knight sa talampakan ko.
"A piece of wood," Ani sir Knight at ipinakita sa akin ang natanggal niyang kahoy. Tiningnan ko iyon ng masama.
"You should wear slippers so you don't get hurt again," wika pa ulit sir Knight. Tumango-tango ako sa kanya habang ngiting-ngiti.
Nagulat nalang ako ng hampasin ako ni Manang B sa noo ko. Aray ko po! Huhuhu. Mga mapanakit!
"Tama na iyan. Hijo, ano ba ang kailangan mo? Tubig?"
Umiling si sir Knight. Nanatili akong nakamasid sa kanila hihihi. And ganda talaga ng ngiti ni sir Knight hehe.
"Hindi po Manang B. Napasilip lang ako kasi naririnig kong umaaray si Inday," nakangiting sabi ni sir Knight. Kinilig naman ako. Concern siya sa akin! Hehehe.
"Hay naku, OA lang ang babaeng ito. Sige na, bumalik ka na sa pinagkaka-abalahan mo." napanguso ako sa sinabi ni Manang B. Hmp! Kontrabida at bitter pa ata si Manang B sa love life ko.
Tumango si sir Knight at nilingon ako. "Wear your slippers," paalala niya ulit. Ihhhhh! Hihihi.
“Pero wala po akong—” Tinakpan ni Manang B ang bibig ko kaya naputol ang pagsasalita ko. Huhuhu. Ano bang problema sa akin ni Manang B? Hadlang siya sa mga pangarap ko huhu.
"Sige na hijo. Ako na ang bahala."
Tinanaw ko na lang si sir Knight ko ng umalis siya. Napanguso na lang ako at nilingon si Manang B.
"Ano iyan? Bawal ang ngumuso!" Agad kong tinigil ang pag-nguso. Huhuhu. Si Manang B talaga ang lupit sa akin! Hindi ba niya alam na isa akong diwata? Na sugo ako ng kagubatan. At ako ang tagasugpo sa lahat ng masasama? Hindi niya dapat ako tinatrato ng ganito! Huhuhu.
"Manang B naniniwala ka ba sa karma?" tanong ko.
"Oo. Eto nga at naging karma na kita dahil ikaw ang naipadala rito. Hay naku! Pinapasakit mo ang ulo ko. Maiwan na nga kita riyan." Naglakad na paalis si Manang B.
"Teka Manang B! Mali naman kayo. Ang karma ninyo ay parating pa lang. Na-traffic lang kaya wala pa rito."
"Ano?" tinaasan ako ng kilay ni Manang B ng lingunin.
"Sabi ko Manang B, maglinis ka ng tainga kasi baka makarma ka hihihi. Ang lapit-lapit mo pa sa akin hindi mo pa rin ako naririnig."
"Abat! Ginagalit mo ba ako Inday?!" waaaaahhh! Bakit siya nagagalit? Nagsu-suggest lang naman ako ah huhuhu.
"Hindi po huhu!" Napalayo ako kay Manang B ng akmang lalapit siya sa akin. Ayan na! Ayan na naman siya! Mananakit na naman siya! Huhu.
"Sandali!" hiyaw ko na ikinatigil ni Manang B sa paglapit.
"Manang B, may i-ipis..." nahihintakutang sabi ko habang nakatitig sa damit niya. Huhu. Ayoko pa naman sa mga ipis!
Nanlaki ang mata ni Manang B habang nakatitig sa akin. Sabay kaming naghiyawan ng lumipad ang ipis.
...
"Its phyllophaga. My insect pet," Sylvester. Phyllo—” ano raw?
"He means Beetle," ani sir Ylton sa amin.
"Salagubang in Tagalog hihi." Calyster.
Nabulahaw namin ang buong bahay dahil sa sigaw namin ni Manang B. Ang ending, napagalitan ang kambal kasi hindi nila binantayang mabuti ang alagang salagubang.
Mabuti na lang at hindi namin hinampas ng tsinelas ang salagubang dahil kami naman ang lagot sa kambal hihihi.
...

Bình Luận Sách (124)

  • avatar
    Liling

    nice nakawala ng stress ang dami kong tawa dito

    24/06

      0
  • avatar
    Emelda Lerios

    I love the story of Kassandra and cash,even there are many hindrances still the live happily ever after.

    29/04

      0
  • avatar
    Dian Mulleda

    sana magkaroon to ng kasunod kasi bitin tlga aq grabe ung tawa ko😂😂😂 I love the story...light lng...sna magkaroon pa ng kasunod kasi very interesting ang character ni Inday...I hope you find again your drive and passion in writing kasi sobrang ganda tlga ng mga plots mo...nauna ko mabasa ung mistaken wife of a billionaire then ito...sa dami ng nabasa ko ito na yata ang sobrang nakakatawa...dq pa natatapos basahin ang dialogue ay tawang tawa nq❤️❤️❤️❤️

    09/04

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất