logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 2

Chapter 2
Dashiell Edger Arrowood
Tahimik na nagmamasid ang binatang Si Dashiell sa kanyang paligid habang nakaupo sa mataas na sanga ng isang puno. Wala naman syang nakikitang pasaway at malalakas ang loob ngayon. Tiningnan nya ang relo at napabuga ng hangin nang makitang mag aalas-otso pa lamang ng gabi. Maaga pa pala kaya siguro walang nagtatangka, ilang sandali pa ay narinig nya ang pag ring ng cellphone nya. Tiningnan nya kung sino ang tumatawag at napairap na lamang sa hangin nang makita ang pangalan ni Wilder sa screen. Inis nyang sinagot Ang tawag ng kaibigan.
"Hello" Bati sa kanya nito. Ibinaling ni Dashiell ang paningin sa baba ng puno bago sagutin ang kaibigan.
"Anong masamang hangin naman ang umihip at tumawag ka?" Asar na tanong nya, narinig nya ang tawa ng kaibigan sa kabilang linya. Mukhang tama ang hinala nya pinagtitripan lang sya nito, "May buwanang dalaw ka na naman ba Dash?!" Napasimangot ang binata sa kausap at umayos ng pagkakaupo sa sanga. "I'm not in the goddamn mood to tolerate your immaturity Wilder." Inis nyang wika rito, tumahimik saglit sa kabilang linya at hinga lang ni Wilder ang naririnig nya.
"Stupid, I need you here in the university we have some issues to solve. Nahihiya naman ako sayo kung umasta ka parang ang hirap ng ginagawa mo." Nakaramdam ng guilt Si Dash. Masyado nga naman syang naging harsh sa kaibigan, nakalimutan na nyang magpasalamat sa pagpapatakbo nito sa university. "Shit! I forgot dude, I'm sorry I'll be there in 15 minutes." Narinig nya ang tawa ni Wilder sa kabilang linya. Nakakunot ang noo ni Dash na tumalon sa puno at nagpagpag ng sarili. "You don't need to rush but can you buy me a burger? If it wouldn't be too much." Nag-isip sandali ang binatang Si Dash, nagugutom na din naman sya kaya sasadyain na nyang dumaan sa isang malapit na restaurant para mag-uwi ng pagkain. "Fine, and please Wilder Hindi to libre!" Singhal nya sa kaibigan, he still wants to talk to Wilder but Wilder hung up already. "Bastos talaga 'to." Napapailang na wika ni Dash sa sarili, pinagpatuloy na nya ang paglalakad at ibinulsa ang cellphone. While he was walking he felt his phone vibrated,, as he fished his phone out of his pocket he saw Wilder's text.
From: Wilder
Use your car, idiot. Baka may makahalata sayo. Mukha ka pa man ding hoodlum sa suot mo -.-
Umiiling na binasa ni Dash ang text ng kaibigan. "Kung di ko gagamitin 'tong kotse ko eh sinong mag-uuwi?! Abnoy talaga to." Wika nya sabay buga ng hangin. At this point, he's no longer surprised of how his friend acts mas matanda si Wilder but he acts like a child most of the time.
He likes it that way because once Wilder became serious he is more than a beast and more than a monster. He would rather see Wilder behaving like a child than seeing him mad or serious. Napailing na naman sya naiisip at tinungo na lamang ang kotse para makauwi na. Nang paandarin ang makina ng sasakyan ay napatingin sya sa kadiliman habang nakakunot ang noo. Ilang sandali pa ay pinagpatuloy nya na lamang ang pagmamaneho.
Dinadalaw sya ng antok ngunit di nya mabatid kung bakit. Maya-maya ay isang mabigat na bagay ang bumagsak sa likurang bahagi ng kotse ni Dash, dahilan para magising ang diwa nya at mapasigaw "Damn it!" Angil nya, lumingon sya sa likod at nakita ang malaking anino na nakasampa sa likuran ng kotse nya. Galit na ihininto ni Dash ang kotse at tinungo ang nilalang. "Masyado yatang malakas ang loob mo para puntahan at sugurin ako bata?" Natatawang tanong nya sa nilalang. Umangil lang Ito sa kanya at lalo syang natawa dito. "Nagugutom na din ako eh kaya tapusin na natin to ha?" Ilang segundo lang ang lumipas at naabot na ni Dash ang nilalang at buong lakas na ibinato Ito sa lupa. "Curiosity killed the cat, hindi ka pa natakot?" Angil ni Dash sinipa nya ang nilalang at tumayo Ito para sumugod sa kanya, pula ang mga mata at galit na galit.
"Dark Blooded...anak ng di pa rin talaga kayo natuto ano?! What the hell do you want?!" Sigaw ni Dash at sinapak Ito. Mabilis na lumipad ito palayo dala ng lakas ng pagkakasuntok nya. "Isa kayong malaking kahihiyan, tinuring kayong bampira pero natalo kita." Natatawang wika nya at saka sinaksak sa puso ang nilalang gamit ang espada nya. "Inutil." bulong nya pa.
The vampire slowly turned into ashes and Dash walked out of the scene like nothing happened. Muli syang sumakay sa kotse nya at tinahak ang daan pauwi. Ilang sandali pa ay narinig ni Dash ang pagtunog ng cellphone nya. Nang sulyapan nya ang screen ay nakita nya ang pangalan ni Wilder. "Bro? I'm on my way there." Wika nya habang nakatuon ang paningin sa daan. Rinig nya ang paghinga ng kaibigan sa kabilang linya. "Something happened Bro...may nakakita na kay Samuel." Tila ba ayaw tanggapin ng tenga ni Dash ang pangungusap na binitawan ng kaibigan. Napatigil sya sa pagmamaneho, "Wilder this is a fucking joke tell me," di makapaniwalang ani Dash, nanginginig ang kamay habang hawak ang cellphone. "I was attacked by a Dark Blooded Vampire Wilder this must be his warning. You know what to do, I need to hurry." He ended the call and started driving again at this point he couldn't think straight.
His judgment is clouded by anger, if he will see Samuel he will kill him himself and he doesn't care. Maraming utang sa kanya ang taong 'yon at kailangan na nya magbayad. While he's on his way to the university, he heard a terrified scream. Babae ang sumisigaw nasisiguro nya, nagmamadaling hininto ni Dash ang kotse at saka lumabas para takbuhin at hanapin ang pinagmulan ng sigaw ng babae. "Tulong! Tulungan nyo ko!" Muling narinig ni Dash ang tinig.
Ilang sandali pa ay nahanap nya ang pinagmumulan ng sigaw. Limang bampira ang nakita nya hawak nito ang babae na patuloy na nagpupumiglas at humihingi ng tulong. "Dark Blooded Vampires, still haven't learned your lessons? Mga reapers kayo ng DBV. Anong kailangan nyo sa babaeng 'to? You won't chase her like this if you just want to drink her blood." Maangas na tiningnan ni Dash ang mga bampira napangisi sya dahil ramdam nya ang mga takot nito. Naningkit naman ang mga mata niya dahil bagaman bakas sa kanila ang takot ay di pa rin nito magawang bitawan ang babae.
Alam ni Dash na di nya madadaan sa usapan ang mga bampirang kaharap nya. Muli syang humakbang palapit napaatras naman ang mga bampira."I know you know me so take your filthy hands off the lady and I'll be kind to you." Hindi pa rim binitawan ng mga bampira ang dalaga kaya naman sumugod na si Dash. Nahintatakutan ang dalaga sa nasaksihan nya, ang lakas ng mga bampirang may hawak sa kanya. Mabibilis ang mga ito at kakaiba ang estilo ng pakikipaglaban ngunit ang lalaking nagligtas sa kanya ay mas kamangha-mangha dahil sa triple ang bilis nito at ang lakas nito ay di kapani-paniwala. Sa isang tama lamang ng kamao nito ay lumipad na palayo ang kalaban. Ngunit mabilis nakabawi ang mga bampirang dumukot sa kanya. Napamaang na lamang sya ng maglabas ng espada ang lalaki.
The sword was surrounded by blue lights and seconds later she realized that those are not lights its fire. The blue fire is undeniably amazing but she's sure that its deadly. Ang galing ng binatang si Dash sa paggamit ng espada bilang sandata ay tunay na kamangha-mangha. He's using the sword not just as a weapon, he's using it as if its one of his body parts. He's using his sword as a part of him, Dash is a good fighter,no scratch that he is the best fighter. Wala pa sa kalahati ng kakayahan nya ang mga bampirang kaharap nya. Bagaman nababalot ng takot Ang dalaga ay di nya maiwasang humanga sa taglay na kakisigan at galing ng binata sa pakikipaglaban. Mabilis na sinugod ni Dash ang dalawang bampira at sinipa ang mga ito. Sabay tarak ng espada nya sa dalawa at naging abo ang mga ito.
Mabilis na hinabol ni Dash ang dalawa pang bampira na nagtatangkang tumakas. "I want to go easy on you but you all provoked me." Gigil na asik ng binata at saka ginamit ang kamao para patulugin ang bampira bago itarak sa puso nito ang espada nya at kagaya ng iba pang bampira ay naging abo ang mga ito. Tumayo sya para harapin ang isa pang natitirang bampira ngunit isang tili ang nagpatigil kay Dash, "Help me please Oh My God!!" Naningkit ang mga mata ni Dash saka nya pinunasan ang pawis. "Nakita mo naman ang nangyari sa mga kasama mo. Tinatawag nyong bampira yung mga sarili nyo...isa kayong malaking insulto sa lahing 'to." Matapos sabihin ni Dash ang pangungusap na 'yon ay bigla syang naglaho at laking gulat ng dalaga nang namataan nya sa likod nila ang binata at tinarak ang espada sa leeg ng bampirang may hawak sa kanya.
Ilang sandali pa ay naging abo na rin ito. Hinang-hina syang lumingon kay Dash at ngumiti, "Thank you so much." Nahihirapan nyang wika at matapos nyang magsalita ay napakapit sya sa balikat ni Dash at nawalan ng Malay. "Dammit." Bulong ng binata.

Bình Luận Sách (34)

  • avatar
    MontenegroStacy Kim

    nice

    17/09/2024

      0
  • avatar
    Janelle Shaena Alaba

    nice story

    18/05/2024

      0
  • avatar
    Nimenzo taykoLuz

    ganda ng kuwento

    11/04/2024

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất