logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5

Ilang araw na napapansin ni Magnolia na sunod ng sunod sa kanya si Cali sa Molave street. Walking distance lang ang mga bahay ng mga estudyanteng nag-aaral sa eskuwelahan nila kaya madalang lang kung sino ang dumaan sa kalsadang iyon.
Madalas sa kabilang direksiyon dumadaan ang mga ito pauwi nang kani-kanilang tahanan. Puwera kay Magnolia.
Sasakay pa siya ng jeep para makauwi sa bahay nila. Para sa kanya, advantage na rin iyon para di matunton ang bahay nila. At malaman ang kaguluhan roon.
Sa paglalakad niya roon, pauwi ng bahay nila ay ang pagkakataon na tahimik ang loob niya. Kumbaga, sandaling payapa ang idinudulot ng paglalakad sa Molave street.
Madalas pa, bumabagal pa ang paglalakad niya lalo na kapag pinagmamasdan niya ang mga bulaklak ng bougainvillea na naglaglagan sa tuwing iniihip ng hangin.

"Bakit mo ako sinusundan?" Tumigil sa paglalakad si Magnolia at nilingon ang natigilan na si Cali.
Tila nahihiyang nagkamot ito sa batok nito.  "Sinisigurado ko lang na makakauwi ka."

"Safe naman ako." giit niya. Biglang humangin at tinangay niyon ang mga talulot ng bougainvillea.

"Ito lang kasi ang pagkakataon na nasosolo kita." nahihiya itong ngumiti. Namulsa pa ito. "Alam mo na, tayong dalawa lang."
Namula si Magnolia. "Hindi naman ito ang daan papunta sa bahay ninyo."
Tila sumigla ang mga mata nito. "Ikaw ha, alam mo ba ang direksiyon papunta sa bahay namin at alam mong out of the way na ito?"
"Walking distance lang ang bahay mo. At di rito ang direksiyon. Nakita kita." katwiran niya.

Ngumisi lang ito. "Wala namang masama kung sasabay ako di ba? On the way rin naman 'to sa pamilihan ng pamilya ko. Minsan, bumibisita ako roon."
Gusto sanang tumutol ni Magnolia dahil iyon na lang ang oras na mag-isa siya. At payapa pagsamantala. Tapos may biglang bubuntot sa kanya?
"Ayaw mo ba? Hindi naman kita iistorbuhin sa paglalakad mo."
"Ang kulit mo." nasabi na lang niya. Matapos noong nakita siya nitong nagpapanic na umuwi noong isang araw ay nahahagilap niya itong nakamasid sa kanya. Na parang inaalam kung ano ang mga sikretong tinatago niya.
Tinawid nito ang distanya nilang dalawa na mga ilang metro. Wala namang masyadong dumadaan na sasakyan roon kaya naririnig nila ang isa't isa.
"Bakit ba mahirap sayong may taong gusto maging malapit sayo? Give them a chance na makilala ka." makahulugang sabi nito nang makalapit at magkaharap na silang dalawa.
Hindi siya umimik bagkus tinalikuran lang niya ito at nagpatuloy sa paglalakad. Umagapay ito sa kanya. Makulit si Cali. Hindi siya nito titigilan na sabayan sa paglalakad doon sa Molave street.
"Yan ang mahirap sa 'yo. Akala mo ba di ko napapansing tinatakpan mo ang mga sugat at pasa mo sa mga kakatwa mong jacket kahit mainit naman ang panahon?"
"Please, wag mong isumbong kahit kanino." pakiusap ni Magnolia.
Tumalim ang mga mata ni Cali.
"Ayokong kompirmahin ang iniisip ko, Magnolia. Pero wag mong sarilinin lahat. Hindi ko alam, pero nahihirapan akong makita kitang nahihirapan."
Mariing naipikit ni Magnolia ang mga mata. "Wala ka namang pakialam doon."
"Walang pakialam? Paano kung mapakahamak ka?"
"Kaya ko namang alagaan ang sarili ko." At isa pa, ayaw niyang magsalita at magbahagi ng hinanakit niya. Ayaw niyang may madamay na iba. Kahit pa maglabas siya ng sama ng loob. Buong buhay niya, nakakaya niyang i-handle na siya lamang.
"Wala namang masama kung may taong nagmamalasakit, di ba? Huwag mo namang isarado ang pinto mo." parang may hinanakit na sabi nito.
"Ayaw kong sinasarili nang kung sino ang mga problema nila. Ayokong huli na ang lahat. Di 'yon maganda sa pakiramdam."
Nasa paanan na sila ng kalsada at may dumadaan nang jeep roon. Nagpara siya ng jeep.
"Paalam, Cali." nasabi na lang niya rito, nakayuko.
Walang Cali na sumusunod kay Magnolia sa Molave street. Walang magtatanong at mag-uusisa. Naisip ni Magnolia, ayos lang naman kung nakasunod ito sa kanya. Wag lang siyang kausapin. Kaso bigla talaga siyang naco-conscious at di niya maipaliwanag kung bakit. Hinayaan lang kaya niya itong nakasunod sa kanya noong mga nakaraang araw.
Naipilig niya ang kanyang ulo. Bakit naman niya iniisip ang kulokoy na iyon? Sakit na nga ito sa ulo dahil ang lagi na lang niyang sinisingil sa kung ano-anong bayarin sa classroom.
Di muna sumakay ng jeep si Magnolia bagkus tumawid siya ng kalsada.
Bibili siya ng bigas at de-lata na magiging hapunan nila kinagabihan. Baka magwala na naman ang kanyang ama at ang ina na naman niya ang masasaktan. Minsan, naiisip niyang sana'y puwedeng magpalit ng ama. Gagawin talaga niya.
Nangilid ang luha sa mga mata niya. Hindi naman ganoon ang ama niya noon.
Tinungo niya ang isang malaking tindahan.
"Isang kilo ho ng bigas, sardinas. At dalawang itlog." Mukhang walang tao roon. Bigla'y may sumigaw sa loob. At nakita niya ang bumbunan ng isang lalaki roon. Nakayuko ito. Di niya makita ang mukha nito sapagkat natatakpan ng mga binebenta roon.
"May tao! Asikasuhin mo nga 'yan, Koy. Puro ka laro d'yan. Naku! Nandito ka lang ata para tumunganga at tumambay." sermon ng kung sinong boses.
"Oo na, Ta!" yamot na tumayo ang lalaki. Tumigil ito sa paglalaro ng nintendo ata. Nagkagulatan pa silang dalawa.
"Magnolia?"
"Cali?"
"Teka, bibili ka? Anong bibilhin mo? Aray!"
Natutop ni Magnolia ang bibig niya nang mapatid ito nang kung anong humarang sa dinaraanan nito. Natawa na lamang ito nang makakuha ng balanse.

"So ito 'yon?" Ang tinutukoy nitong pamilihan ng kamag-anak nito?
"Oo. Ano pala sa 'yo?" Inulit niya ang sinabi niya kanina at inasikaso naman nito kaagad.
"Pagsamantala, ako ang bantay rito. Sensya ka na kanina." hindi nakatinging pahayag nito. Nilagay nito ang binili niya sa isang plastic bag.
"Ayos lang." Hindi pa man siya nakaalis ay may biglang sumulpot roon. Naka-uniform rin katulad nila.
Nagulat ito nang makita siya. Si Peter James, matalik na kaibigan ni Cali.
"Oh, I see. Hi, Magnolia." nakangising bati sa kanya ni Peter James.
"Hello." halos yakapin na niya ang tinanggap niyang plastic bag mula kay Cali.
"Alam ko na kung bakit pinagtitiisan mong bantayan ang tindahan ninyo." makahulugang sabi ni Peter James kay Cali na tinakpan lang ang bibig nito.
"Umalis ka na nga rito! Baka hinahanap ka na naman ni Jane at ako na naman ang may kasalanan!" taboy nito sa kaibigan nito.
"Aalis na ako." paalam ni Magnolia.
"Uy, Lia."
Hindi pa man siya nakalayo ay may sasabihin na naman ito. "Ingat."
Tumango lang siya, nagtataka. Nang makasakay na siya ng jeep ay napayakap na lang siya sa plastic bag.
At napangiti.
(End of Chapter 5)

Bình Luận Sách (28)

  • avatar
    Mary Grace Ponce

    plss diamond ml

    5d

      0
  • avatar
    Deleon Ykni

    ganda ng kwento

    06/08

      0
  • avatar
    armecinreid

    ojgcvnnfcg

    13/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất