logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 2

"Ehem. Hindi ba't ang room na nasa unahan na'tin ngayon ay ang last room na lang ng left wing? Kakanan ka kapag kapantay mo na ang pintuan ng katabi na'ting room. May makikita kang tatlong rooms naman sa right wing, tama ba?"agad naman akong tumango at tiningnan ang right wing na sinasabi ni Shea. Nasaan ang pakpak? Ano'ng pakpak pinagsasabi niya?
"Yung nasa gitna ng tatlong rooms ang room ni Mrs. De Vera."
"Tapos na ba?"kunot noo kong tanong habang nakatingin sa bintana na'min. May nakikita nga akong tatlong room sa right wing pero wala namang pakpak. Saan kaya nakuha ni Shea 'yun? Naguguluhan naman siyang tumango at inayos ang kanyang salamin.
"Hindi ko pa'rin gets. Anong pakpak ba pinagsasabi mo?"
"Tanga."
"Gaga!"
"Oh! Ano na naman ba?!"
"Hay nako, Kiah. Samahan mo na nga 'yan dun! Nai-stress ako, myghad!"napailing na lamang si Kiah at iginiya ako palabas ng room. Eh! Hindi ko naman kasi talaga gets. Kayo ba? Gets niyo rin ba siya? Pch.
"Sa susunod naman kasi, Ashi. Pag-aralan mo naman ang mga lugar dito sa campus. What's the point of being a writer ng The Beans na'tin kung ang mga pasikut-sikot dito ay hindi mo alam? Come to think of it. Sports Editor ka, for pete's sake!"
"Paano mo naman nalaman na ganyan ang position ko? First day of school pa lang, Kiah. Hindi pa kami nag-e-elect." Siniringan niya naman ako at iniwan ako sa tapat ng room ni Mrs. De Vera at bumalik na ulit sa room na'min.
Malapit lang pala 'tong room ni Mrs. De Vera sa room na'min eh! Ba't ang dami pang pa-wing wing ni Shea? Kaasar. Dalawang room lang ang pagitan ng room na'min sa room ni Mrs. De Vera. 'Yun na lang dapat sinabi niya dahil sa gitna ng dalawang room na 'yun ay daan paliko para makapunta sa tatlong rooms. Gets niyo? Ako rin hindi.
Pumasok na muna ako sa loob ng room ni teacher. Dalawa pa lang kaming nandito at naiihi na rin ako kaya pumunta na muna ako sa tapat ng cr nila. Umakyat ako sa isang hagdan doon at pinihit ang door knob pero naka-lock. Oh noes!
Muli ko na namang pinihit ang door knob at nanlaki ang mga mata ko nang hindi na ito naka-lock. Hindi kaya wala lang akong lakas kanina?
Akma ko na sanang bubuksan ang pinto nang biglang may bumukas nito mula sa loob kaya nauntog ang noo ko sa pinto at natumba ako sa malamig na semento.
"Aray!" Napasapo na lamang ako sa aking noo at inis na tiningnan ang letseng bumukas ng pinto na 'yon. Bwiset! Hindi man lang nagtanong kung may tao ba o wala! Basta na lang kung magbukas!
"Sinong peste ang—ay shet gwapo." Natutop ko ang aking bibig sa kahihiyan. Napatitig naman ako sa pares ng kulay kape niyang mata. Ba't ang ganda yata ng mata niya?
Napahawak na lamang akong bigla sa aking puso. Ohmynoes! Bakit ganito katindi ang pagtibok ng puso ko? Tinalo pa yata nito ang bilis ng takbo ko sa tuwing may contest ng pagtakbo sa school, ah!
Napakurap ako ng dalawang beses at matamang tinitigan ang kanyang mga mata. Huli ko na rin napagtantong nakanganga na pala ako at nanlalaki ang mga mata habang nakatitig sa kanya.
Shit lang! Am I making drooling excessively on his front?!
Napangiwi naman akong bigla. Tama ba yung sentence ko? On his front? Mukhang berde naman. Palitan na'tin.
Shit lang! Am I making drooling excessively on his back?!
Napakamot na lamang ako sa ulo. Mukhang maayos namang pakinggan yung nauna. Yun na lang.
Insert-nagtitili at lumulukso sa tuwa ang kanyang heart.
"MS. GARCIA?"
"Ahhh, oo! Tama ka! Yun din nasa isip ko!"
Natigilan naman ako at napatingin sa harapan kung saan naroon ang aming editor-in-chief. Bahagyang nakaawang ang kanyang labi at mukhang weirdo pa yata yung tingin sa'kin dahil sa mata niyang hindi ko maintindihan kung mapanghusga o gano'n lang talaga ang way ng pagtitig niya.
"Are you with us?"muling tanong nito.
Inilibot ko naman agad ang paningin sa buong room at ngayon ko lang narealize na sikat pala ako. I mean, sa'kin kasi nakatingin lahat ng members ng The Beans, eh. Napatingin naman ako sa kanan ko kung nasaan ang daan papuntang cr. Teka? Ba't nawala si kuyang pogi na may kapeng mga mata?
"A-Ahh, oo. Gano'n nga po." Pagbaling kong muli sa editor-in-chief na'min habang kamut-kamot ang ulo ko.
Nasa'n na yun?
Tumango-tango na lamang si Miss editor-in-chief na para bang hindi pa'rin kumbinsido sa sagot ko. Anyway, I don't have pake naman. Muli akong tumingin sa pintuan ng comfort room, sana naman may milagrong magaganap ngayon.
"So, as I was saying. Alam niyo naman sigurong ngayong July ay may gaganapin tayong Nutrition Month, right? Officers of The Beans should also be there, bawal umabsent. Alam niyo na rin naman siguro ang mga positions niyo, right? It was posted in front of the SSG office kaya alam kong nakita niyo na 'yon, well except for the fact na wala kang pakialam. Hindi ba, Miss Garcia?"
Tumango na lamang ako habang hindi pa'rin inaalis ang tingin sa pinto ng cr. Imagination ko lang ba yon? Daydreaming? Hindi eh! It feels like so surreal! Feeling ko, magkakajowa na ako! Charot.
"Eheeemmm."
Napatalon pa ako sa gulat nang bigla akong may narinig na tikhim sa kaliwang tenga ko kaya agad akong napalingon sa kung sinong pesteng unggoy ang nag-distract sa'kin. Tinaasan ko ito ng kilay.
"Kanina ka pa mini-mentioned ni Miss editor-in-chief, di ka ba aware?"bulong niya. I just shrugged.
"Baka naku-cute-an lang siya sa'kin, h'wag ka ngang mainggit dyan!"
Napapangiwing lumayo naman siya sa'kin at inirapan ako. "Hoy, Bianca! Alam mo yung feeling?"
Naguguluhan naman siyang muling bumaling sa akin.
"Ng alin?"
"Yung feeling na...parang totoo yung daydream mo?"nakangiti kong wika at muling napasulyap sa pintuan ng cr. I heard her tsked. Alam ko nang iniisip ng bruhang yan.
"At pwede ba? Wag kang magpahalatang bored na bored sa talking ko! Just stating the truth I am!"
"Kailan pa naging totoo ang daydream, ha? Ashi? Daydream nga diba? Snap out of it! You're not even joking."seryoso ko naman siyang tinitigan.
"I'm not even joking naman talaga, ah? Hala ka, Bianca! Ako lang 'to, si Ashianna! Hindi ako si even joking! Kaloka ka! Ilang years na ba tayong magkakilala hindi mo pa'rin ako kilala? Famous kaya ako, dzuhh?"
"Excuse me? Pakitaboy naman po ng bubuyog sa tabi ko. Istorbo kasi, eh."
Napalingon naman ako sa paligid at hinanap ang bubuyog na sinasabi niya. Hindi kaya imaginary pet lang ni Bianca 'yon? Hindi ko rin siya maintindihan minsan eh. Minsan parang baliw, kinakausap yung sarili. Ilang years na kaming magkakilala hindi man lang alam yung name ko. Katampo lang. Hindi pa'rin siya nagbabago, hayst.
Akma sana akong tatayo dahil nasa unahan pa man din ako kaya kitang kita ang ka-cute-an ko, nang bigla akong mapatingin sa sapatos ko.
Naupo na lang ako ulit at sinipat ito. Gutom na talaga siya, peste naman oh! First day of school ibang sapatos pa nasuot ko! Magkano kaya yung super glue sa canteen? Asar naman, ba't di ko kasi napansin na ibang sapatos pala suot ko? Ang boba mo talaga kahit kailan, Ashianna!
Napakamot na lamang ako sa ulo at hinayaan na lamang na nakanganga ang sapatos ko. Wala naman sigurong may nakapansin, diba?
Muntikan pa akong napalukso sa gulat nang biglang bumukas yung pintuan ng cr. Inirapan ko lang ito at muling tinitigan ang pinakamamahal kong sapatos. Sayang naman. Favorite na rubber shoes ko pa naman ito, hayst.
Hindi sinasadya ay napa-angat ako ng tingin at saktong may dumaang lalaki sa harapan ko kaya napatitig ako rito ng wala sa minuto. Parang nag-slow motion ang lahat. Ngayon ko lang naalala.
Biglang nanlaki ang mga mata ko at automatic ding napanganga ang aking bibig. Shemaayy! Totoo na ba this?!
Napatabon pa ako ng bibig at napasinghap sa pagkagulat dahil ang lalaking dini-daydream ko kanina ay kamukhang kamukha ng lalaking dumaan sa harapan ko ngayon lang! Bigla akong napa-padyak ng malakas nang makita kong nakalabas na siya rito sa room nila.
Muli akong nag-flashback simula nang umangat ang tingin ko sa kanya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Kulay kape rin ang mga mata nito, nakaside-view lang siya pero alam kong ang style ng buhok niya ay into one-side. Ang tangkad niya rin at ang puti, JUSKO!
Napahawak na lamang ako sa aking dibdib nang makaramdam ako sa unang pagkakataon ng hindi maipaliwanag na feelings. Bigla ko na lamang na-imagine na tinititigan niya ako with his cold coffee eyes. Ohmygod!
Teka? Hindi kaya...crush ko na siya?!
~
Dear Diary,
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. It feels like so surreal. I mean, bakit bigla na lamang ganoon katindi ang tibok ng puso ko simula nang makita ko ang mata niya? Normal lang naman siguro 'yon, 'diba? Wala namang especial sa mga mata niya. Pero bakit ganito, Diary? Baliw na ba ako? May sakit ba ang puso ko? Ohmygosh lang, Diary! Please tell me, what's the meaning of this?!
Lovelots,
Ashiannang nako-confused.
ITUTULOY....

Bình Luận Sách (61)

  • avatar
    Marcela

    Highly recommended sa mga gusto ng mga mapanakit na story. Kudo's to you, Miss A😘

    21/04/2022

      1
  • avatar
    Princess Amper

    hello

    22d

      0
  • avatar
    PanghubasaNoelve

    😓😂❤️❤️

    17/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất