logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 06

“'Di ko rin alam. May something talaga sa 'yo, Lexi,” tugon n'ya na nagbigay kakaiba sa 'king damdamin. “I think nababaliw na ako.”
Parang hirap na hirap pa s'ya nang sabihin iyon sa 'kin. Buka't sara ang bibig ko, 'di ko malaman kung anong sasabihin. Parang tanga lang kaming dalawa.
Umiling s'ya na para 'bang nahihibang. “Nevermind, baka may something lang talaga sa 'yo. Maybe mangkukulam ka.”
Mabilis na dumugtong ang aking kilay sa kan'yang sinabi. 'Yon pala ang ibig n'yang sabihin na something. Sa aming dalawa s'ya 'yong may something sa utak. Bigla-bigla lang naman s'ya nag-open ng gan'yang topic.
“H-Hey!” agap n'yang tawag sa 'kin nang mabilis akong tumayo at iniwan s'ya ro'n na tumatawa mag-isa. See? S'ya 'yong may something, nakakainis, ah.
Sakto naman na tumunog ang cellphone ko hudyat na nasa second subject na kami. Palagi kong ina-alarm ang cellphone ko, ako ang taga remind sa mga subject teachers namin na ubos na ang kanilang time sa pagtuturo.
Paanong 'di ako mag-a-alarm? Halos ubusin na nila ang oras sa kaka-turo. Kaya sa huli sagutan ang dalawang guro dahil sa tagal ng pagtuturo sa klase.
Padabog akong umupo sa 'king upuan at dumukdok sa armchair. Umangat ang katawan ko at 'di napigilang mapalingon sa likuran ko banda kung nasa'n palaging nakaupo si Hancel. Miss ko na s'ya.
“Bakit gan'yan ang mukha mo, beshy?” biglang tanong ni Charry sa 'king harapan, lumipat pala s'ya ng upo dahil wala pa naman ang guro namin.
Inalis ko ang tingin sa upuan noon ni Hancel at nilingon s'ya. Bumuga muna ako ng hininga bago kinuwento sa kan'ya ang pinag-usapan namin ni Hancel kagabi.
Napatakip s'ya sa bibig sa gulat. “Kaya naman pala wala s'ya ngayon! Paano na ang pagiging SSG vice president n'ya?”
Nagkibat-balikat ako. Siguro hahanap, I think? Ang pinagtataka ko ngayon kung paano naging SSG Vice president si Hancel kung kaka-transfer lang n'ya rito?
“Paanong naging Vice president s'ya ng campus?” tanong ko kay Charry.
Umayos naman s'ya ng upo na para 'bang game na game sa chikahan. “May kaya rin kasi ang pamilya ni Hancel, beshy. 'Di mo ba knows?”
“Ano naman ang kinalaman sa kayamanan nila sa pagiging vice president ni Hancel?” taka kong tanong. Ano iyon binayaran?
Inikutan n'ya ako ng mata na ikinataas ng kilay ko. Gaya-gaya rin s'ya, huh.
“Sa ating eskwelahan, kapag may kaya ka, papayagan ka nilang maging isa sa SSG officers. Sila mismo ang nag-udyok kay Hancel na maging president no'ng una.” Pinabitin pa n'ya ako sa chika n'ya!
Niyugyog ko s'ya para magsalita ulit. “Bakit hindi s'ya ang president? Dalian mo na!” Hampas ko pa rito.
“Aray naman! H'wag manakit!” Hinimas-himas pa n'ya ang matambok n'yang braso kung saan ko s'ya hinampas. “Dahil madaming bumuto kay Geo. Bukod sa yaman syempre kailangan mag-vote ang mga students kung sino ang karapat-dapat.”
Ayon kinuwento n'ya sa 'kin ang lahat. 'Di pa rin ako makapaniwala sa narinig. Akala ko dahil sa vote lang kung bakit sila nanalo. Napailing tuloy ako, ano naman ang mapapala nila sa yaman ng isang officer?
Do'n ko lang nalaman na magkaaway pala si Geo at Hancel sa posisyon. Hindi ko alam kung tinanggap ba ni Hancel na maging vice president s'ya o hindi n'ya talaga gusto maging part ng SSG officers. Ewan, walang nakakaalam.
Dumating ang guro namin nang nasa kasalukuyan kaming nagchichikahan ni Charry. Mabilis ko tuloy s'yang natulak, muntik na rin matumba kung 'di lang s'ya nasalo ni Leonel.
Konti lang talaga mapagkamalan ko si Leonel na may gusto kay Charry. Palagi ko ba namang nahuhuling nakatingin sa 'king kaibigan. Forever na ba this?
Natapos ang klase na wala akong natutunan. Maganda rin pala na hindi ako nakapasok ng first subject ko, pinalinis daw kasi sila sa gym. Grabe ang tawa ko sa kanila, mga sampo. Chos!
“Uwi ka na! Chupi!” Pagtataboy ko kay Charry nang nasa labas na kami ng campus.
Simangot na sinunod n'ya ang sinabi ko. Gusto pa sana n'yang sumama sa 'kin sa bayan para mag-window shopping kaso tinawag s'ya ng kan'yang Papa na umuwi ng maaga ngayon.
Ako na lang tuloy mag-isang mag-wi-window shopping. Minsan lang naman namin 'to gawin, sayang at hindi s'ya makasama ngayon.
Malapit lang naman ang bayan mula sa aming eskwelahan. Gaya nga sa sinabi ko hindi gano'n kalaki ang lugar namin. Lakarin mo lang kung gusto mo pero kung tamad ka aba'y sumakay ka na lang ng tricycle.
Wala talaga akong perang pambili sa mga bagay na gusto kong bilhin ngayon. Palabi akong nakatingin sa labas ng jewelry shop. Natandaan ko na naman 'yong singsing na sana bibilhin ko para kay Hancel.
H'wag ko na nga s'yang isipin ngayon. Hayst.
Pumasok ako sa loob, titignan ko lang naman ang mga iba't-ibang design ng singsing. Mahilig talaga ako sa singsing at daka kwentas.
Kinuyom ko ang perang natira sa 'kin saka binalik sa 'king bulsa. Hindi naman kasya 'yong pera ko ngayon para makabili ng singsing.
Kahit ang ilan dito ay peke, mamahalin pa rin. Ano pa 'bang aasahan ko? Chinese ang may ari ng jewelry shop na 'to.
Lumabas na lang ako at naglakad-lakad muna sa gitna ng bayan. Wala pa akong maisip kung saan ako pupunta basta lilibutin ko na lang ang bawat kasuluk-sulukan ng bayan.
Napako ang paa ko sa aking kinatatayuan. Palinga-linga ako sa paligid nagbabaka-sakaling makita ang taong kanina pa sumusunod sa 'kin.
Hindi ko na nga pinansin kung sino man ang sumusunod sa 'kin pero iba na kasi ang pakiramdam ko ngayon. Talagang sinundan n'ya ako mula sa eskwelahan hanggang dito.
Baka holdaper 'to, ah. Hindi naman ako mayaman. Gosh! Baka kidnapper!
Nagpanggap na lang ako na hindi ko napansin ang kan'yang nakakatakot na presensiya. Normal lang naman akong naglalakad hanggang sa tumungo ako sa lugar na walang tao.
Lumiko ako sa kabilang daan at inabangan kung sino man ang kanina 'pang sumusunod sa 'kin.
Natatakot ako pero panatag akong mauunahan ko pa s'ya. May dala kaya akong maliit na kutsilyo.
Kita ko mula sa sahig ang kan'yang anino. Basi sa kan'yang tindig at pigura'y isa s'yang lalaki na 'di gano'n kalaki ang katawan. Kaya ko naman siguro 'tong pabagsakin.
Papalapit na s'ya sa aking kinaroroonan kaya naman mahigpit kong hinawakan ang maliit na kutsilyo at pasigaw na tumakbo ako sa kan'ya.
Mabilis ang pangyayari, namalayan ko na lang na nakahiga ako sa sahig! Akala ko nautakan ko na s'ya, ang bilis n'yang gumalaw! Ni hindi ko man lang namalayan na napabagsak n'ya ako.
'Di ko s'ya tinignan at pilit na inaabot ang kutsilyong tumilapon 'di kalayo sa 'kin.
“Papatayin mo yata ako.”
Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. 'Di ko na inabala 'pang kunin ang kutsilyo at nilingon s'ya para makita kung s'ya nga ba talaga ito.
Nakangisi s'ya na para 'bang tuwang-tuwa sa naging asal at reaksiyon ko. Gusto ko s'yang itulak at mainis pero natagpuan ko na lang ang sarili kong nakatitig sa kan'yang malapit na mukha.
Nakadagan s'ya sa 'kin habang nakahiga pa rin ako sa sahig. Walang gusto umiwas ng tingin sa 'kin at wala ring balak na tumayo at lumayo sa magkalapit naming katawan.
“Arf! Arf!”
Mabilis ko s'yang naitulak papalayo sa 'kin at walang ayos-ayos na tumayo sa pagkakahiga. Nanlalaki ang aking mga matang nakatingin sa malaking aso na ngayon ay malapit lang sa 'king kinaroroonan.
Naputol ang kakaibang titigan namin dahil sa asong ito. 'Di ko alam kung magpapasalamat ba ako. Nakatatakot ang asong 'to!
“Atras ka muna,” utos ni President sa 'kin nang ilagay n'ya ako sa kan'yang likuran at saka kumuha ng sirang kahoy na nasa gilid ko lamang.
Napahawak ako ng mahigpit sa kan'yang uniform na may bahid na ring mantsya. Ni-ready n'ya ang kan'yang sarili pati na rin ang kahoy n'yang hawak habang 'di inaalis ang tingin sa asong patuloy pa ring tumatahol.
Takot ako sa aso, 'di ko alam kung takot din ba ang lalaking 'to. Gusto ko nang umalis pero sa bawat hakbang kong paatras ay lumalapit ang asong 'to. Bwis*t!
“Umalis na tayo.” Nangingig ang labi kong hinila ang laylayan ng kan'yang uniform. 'Di n'ya ako pinansin at hinawakan lamang ng mahigpit ang aking kamay.
“Kapag sabi kong takbo, tumakbo kaagad tayo, ah?” Unti-unti s'yang umatras kaya gano'n din ang ginawa ko.
Gusto kong magsalita pero tulad n'ya ay nag-aabang din ako sa maaaring gawin ng asong 'to. Malakas na naman s'yang tumahol sa 'min.
'Di ako ready na tumakbo kaya muntik na akong matalisod nang hilahin n'ya ako nang sumigaw s'yang tumakbo na kami.
“Gagi ka talaga!” sigaw ko sa kan'ya habang mangiyak-ngiyak na tumatakbo ng mabilis kung saan man n'ya ako dalhin.
“Bilisan mo!” sigaw din n'ya, hinahabol na nga kami ng aso!

Bình Luận Sách (6)

  • avatar
    Nokcal ZyeCan ZueZan

    Nice story

    14/08

      0
  • avatar
    Hanifa U Pendilang

    Nice

    02/08

      0
  • avatar
    Avryl Caubang

    ang kwentong ito ay maganda dahil nakaka tulong den ito sa atin para sa pag babasa

    24/12

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất