logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 2 GIVE BACK

NA AMOY ko bagong ligo ang aking asawa ng magising ako. Pinasadahan kong maigi ang kaniyang katawan na tila wala pa rin pagbabago simula noong una. Malakas pa rin ang appeal.
"Good morning, may niluto akong breakfast kumain tayo ng sabay bago magpunta sa libing ni lola."
"Why didn't you wake me up before you took a bath?" yakap ko.
"Kailangan mong mamahinga."
"Ikaw din naman. Gusto mo ba after malibing si lola magbakasyon tayo kahit one month lang."
"One month?"
"Oo, huwag mo alalahanin ang trabaho rito may pinagkakatiwalaan akong tao para mag-asikaso ng kumpanya natin."
"S-sige,"
"Baka sakaling sa bakasyon na 'yon makabuo na tayo." bulong ko
"Magbibihis muna ako," iwas nito bago pumasok sa walk in closet.
Nanggaling ako sa banyo ng maabutan kong nakabihis ng maayos ang asawa ko habang may iniinom.
"May masakit sa iyo?" taranta nitong itinago ang lalagyan ng gamot sa bag.
"Sumasakit ang ulo ko."
"Mag-rest ka baka mamaya lumala ang pananakit ng ulo mo."
"Mawawala ito nakainom na rin ako ng gamot."
"Hindi ka pa kumakain tara mamaya na lang ako maliligo." Tahimik kami lumabas ng kuwarto saka sabay kumain.
Hindi mawala sa isip ko ang plano namin after nito. Sigurado magiging maganda ang bakasyon at natitiyak ko rin doon pa lang magagawa na namin ang baby namin. Una kasi sa lahat kailangan ko na talaga magka anak at pangalawa madi-disappoint ko sina mom and dad kapag hindi napunta sa akin ang kalahating mana ni lola. Ang tagal nilang pinagpaguran at trinabaho ang kumpanya hindi ito makakapayag na ang isang anak lang nila ang maglakamit ng mariwasang buhay.
"Saan niyo ba balak magbakasyon para maayos ko na lahat?" Excited na tanong ni mommy matapos kong banggitin ang plano namin ni Roselle. Nailibang na si lola pero kaagad din umalis ang asawa ko dahil may pipirmahan itong documents sa office.
"Sa Maldives po."
"Talaga? Okay, aayusin ko na lahat tapos ikaw na bahala magsabi sa asawa mo tomorrow night ang alis niyo."
"I'm going to the office today."
"Good, tawagan mo ako kung okay sa kanya bukas ng gabi."
"Sure mom, I have to go."
She kissed me on the cheek before getting into her own car and the same for me going to the office. Pagpasok ko sa office ng asawa ko nagkalat ang mga papel sa lamesa at sahig. May pinagagalitan itong lalaki at sa tingin ko isa sa kaniyang secretary. Natigilan lang ito magsalita ng makita akong nagdadampot ng mga papel sa ibaba.
"What are you doing here?" pati yata sa akin magagalit pa.
"I think we should talk that your head is not hot. Ano ba nangyari bakit nagkalat ang mga ito?" Pakita ko sa hawak kong papel. Sa lalaki ito tumingin.
"Damputin mo lahat ng 'yan saka mo tapusin ang dapat kanina pa tapos napaka simple lang naman ng pinagagawa ko!"
"Yes, maam sorry po." Tarantang pinagpupulot ng lalaki ang mga papel nagkalat tutulungan ko sana pero sinigawan lang ako na huwag akong tumulong.
"Bakit ba ang init na naman ng ulo mo? Hindi mo dapat sinisigawan ang mga kasama mo rito." Sumbat ko nang makalabas ang lalaki.
"Nagpunta ka ba rito para pagsabi lang ako sa walang kwenta?"
"Roselle,hindi kita pagsasabihan kung nakikita kong trinatrato mo sila ng maayos."
"At dapat ba maging kalmado ako kahit alam kong kailangan na kailangan iyon?"
"Pero hindi basehan 'yon."
"Ewan ko sa iyo, ano ba pinunta mo rito?"
"Tomorrow night ang punta nating Maldives."
"Agad-agad??"
"Oo, saka sumagot ka naman na after malibing ni lola hindi ba?"
"Buti sana kung walang problema sa office." Bubulong bulong nito.
"Sinabi ko naman sa iyo na sa iba mo na lang ipagawa----"
"Ako lang makakagawa nito!" Bulyaw sabay hagis ng ballpen malapit sa kinatatayuan ko.
"Ano bang problema mo Roselle ha? dati hindi ka ganyan pero bakit ngayon konting kilos, konting mali galit na galit ka na."
"Kapag masyado mabait ang isang tao inaabuso."
"At sino aabuso sa iyo? Isa pa, sobra ang inuugali mo siguro may problema na naman sa Viper Berus kaya nagkakaganyan ka." Tumalikod ito habang pinagmamasdan ang tanawin. Dinig ko ang sunod-sunod na buntong hininga bago ako magsalita.
"May problema sa viper what is it?"
"Buwag na ang Viper," masama ang awra nang humarap sa akin. "Wala nang Viper Berus, nagkanya-kanya na silang alis."
"Ano? Bakit?"
"Ganoon naman talaga hindi ba kapag nagkaroon ng sariling buhay saka magsisialis sa grupo."
"But we are still Lucifer Kingdoms," depensa ko
"Kayo 'yon, iba kami. Kaya nga ba ayokong magka-anak dahil mapapabayaan ko ang mga responsibilidad ko sa grupo kaya ayan, ayan na nga ba sinasabi ko. Paano na lang sasabihin ni Marnelie ngayong buwag na ang grupong itinatag niya."
"Marami pwede magbago sa buhay ng tao. Kung dati iniisip lang natin ang away at gulo pero this time sana isipin mo may sariling pamilya---"
"May sariling pamilya na ba si Bebsie, Thania, at Nicole?!"
"Wala pero syempre iniisip din nila 'yong buhay na papasukin nila matapos ---"
"Bakit ba lagi ka na lang may dahilan? Bakit hindi mo ipagtanggol ngayon si Reign?"
"Na naman?"
"At bakit hindi?" Sarcasm niya.
"Bakit na damay dito si Reign ha? Akala ko ba okay na tayong apat bakit nagkakaganyan ka na naman?"
"Bakit hindi mo itanong sa sarili mo?"
"Roselle ano na naman ba isyu mo?"
"Ikaw, baka may isyu sa kaniya."
"Pati ba naman ang nakaraan ibabalik mo pa?"
"Oo, at wala kang pakialam kung ibalik ko araw-araw lahat nang ginawa niyo!!!"
"Bakit ba!!!" Pakiramdam ko umakyat sa ulo ko ang buong dugo ko sa katawan.
"Sinisigawan mo ako?!"
"So tell me, where do you think you can't move on para naman makapag adjust ako sa pagiging immature mo lahat ba naman isyu sa iyo sige sabihin mo."
"Sa hotspring."
"Matagal na 'yon!"
"Sa bar kiniss mo siya."
"Pwede ba hindi ka talaga makakapag move on kung pati nakaraan namin hahalungkatin mo pa."
"Yong nag-away ang mag-asawa bago tayo ikasal hindi ba sinabi ng anak nilang lalaki na may relasyon kayo at nililigawan mo si Reign?!"
"Shit, walang katotohanan iyon mali ang pagkakaunawa ng bata."
"Mahal mo pa siya bago tayo ikasal."
"Roselle tumigil ka na."
"Mahal na mahal mo pa rin siya hanggang ngayon..."
"Stop Roselle," pakiusap ko habang lumalapit.
"Ginagamit mo lang ako para masabing maayos ka na at hindi mo na mahal ang asawa ni Cedric at ang toto---"
"TUMIGIL KA NA NGA SINABI!!!"
Hindi ko gustong sigawan siya pero maling pag-isipan pa ako na wala siyang matibay na ebidensya.
"Simula ng pagkasalan kita wala na kong nararamdam para sa kaniya. Kailan ka ba magtitiwala sa akin, kailan mo ba ako mamahalin na walang pagdududa."  pigil na pigil kong huwag magalit sa kanya. Mahal ko si Roselle at ayoko masaktan ko siya dahil lang sa walang kwentang pagbibintang.
"Bakit kasi si Reign pa, bakit iyong kaibigan ko pa minahal mo. Okay lang sana kung si Christina maging karibal kasi patay na 'yong tao pero bakit kasi siya pa, bakit siya pa."
"Hindi ko sinasadyang mahalin siya noon at isa pa matagal na 'yon sobrang tagal na. Please, huwag mo na akong awayin."
"Naiinis ako sa sarili ko." Itong kanina napaka tapang ngayon ay umiiyak sa harapan ko.
"Tahan na..." Isinubsob ko ang ulo niya sa aking dibdib. "Huwag na natin dagdagan pa ang problema mahal kita may mga bagay lang na mahirap ipaliwanag pero sana lagi mo isipin kahit na ano mangyari mahal kita."
"Gusto ko ako lang ang mahal mo." hikbi pa rin.
"Ikaw lang naman talaga,ah? Gusto mo patunayan ko sa iyo araw-araw o kahit ngayon?"
"Paano?"
Hinalikan ko siya bago haplusin ang kanyang likod. Umiwas ito saka tinitigan ako sa mata. Pinaramdam ko gamit sa mga mata ang totoo kong nararamdaman.
"Please?"
"No, may trabaho pa ako."
"Doon tayo sa...sa conference room."
"No way, may mga pumapasok doon na ibang empleyado."
"Eh di doon sa walang pumapasok." Hinatak ko siya at ni-lock ang doorknob. Hatak ko pa rin ito papasok sa kanyang room.
I pushed her to the bed, as I undid my T-shirt before kissing her on the lips and we slowly made our way to the bed. The more our bodies heat up to caress each other. Ginagawa namin ito palagi pero ramdam ko pa rin ang bawat sensasyon. Hindi ko kayang tanggihan o iwanan ang babaeng kasama ko dahil higit pa sa isang diamante ang halaga niya sa akin.
Nahubad ko na ang kanyang damit at sisimulan ko na rin tanggalin ang suot nitong pencil skirt nang may marinig kaming nag uusap. Maglalayo sana kami pero huli na nabuksan nila ang pintuan ng  room.
"Wow, intense!" si Peps.
"Ehem, mukhang wrong timing tayo." Si Erdem.
"Okay lang ng makapanuod ako ng LIVE." At si Cedric na sabay-sabay nilang binatukan.
"What the hell?!" kaagad kong tinakpan nang jacket ang itaas na bahagi ng asawa ko. "Magbihis ka na bilis." Utos ko.
"Bakit kasi nandito kayo?" usisa ni Cedric.
"Kami ba dapat tanungin niyo?" Sarcastic kong balik.
"Ibig kong sabihin bakit hindi sa bahay??"
"Bakit may oras ba kapag tinamaan ka nang libog?" Hinampas ni Roselle braso ko nang makapagbihis ito.
"Swabeeee!!" basag ni Peps. "Kapag ba ikaw tinamaan Cedric uuwi muna nang bahay??"
"Hindi syempre!"
"Alam ko kasi may ginawa kayong milagro ni Reign sa rooftop hahaha." Basag ni Erdem.
"Hoy!"
"Ano?"
"Paano mo nalaman iyon ha!!"
"Si Erdem pa ba lahat ng tao kaya niyang hanapin kahit na saan pa." bulaslas ni Peps.
"Ah basta! Hoy, Zayn ano ba balak mo sa birthday ng inaanak mong si Pauline pupunta ka ba o pupunta?"
Pumalagitna sa amin si Peps.
"Ako dapat magtanong niyan di ba? Ako ang ama ni Pauline tama?" Ngingisi ngisi niya.
"Heto kasi," turo sa akin. "Parang hindi excited sa party."
"At ikaw excited ka?"
"Aba, oo naman dapat natin i-celebrate ang unang bata sa grupo natin."
"I forgot, this week na pala birthday ni Pauline paano 'yan may trip kami sa Maldives ng asawa ko." Akbay ko sa aking asawa.
"Ha? Hindi ba pwede sa susunod na linggo na lang 'yan??"
"Sorry Peps inayos ni mommy ang flight namin tomorrow night."
"Bukas nang gabi kaagad?"
"Oo, at walang magrereklamo." Turo ko sa kanila isa-isa.
"Pero inaasahan ni Pauline na darating ang buong LK."
"Ipapabigay ko na lang regalo ko."
"Kilala mo naman ang inaanak mo hindi niya tinatanggap ang regalo kapag hindi mismong tao ang mag-aabot sa kanya."
"Eh di pag-uwi na lang."
"Pwede ba kahit next month tayo magpunta sa Maldives." Siko sa akin ng asawa ko.
"Pero si mommy..."
"Ako na kakausap."
"Magagalit 'yon kapag..."
"Basta ako nang bahala kumausap kay mommy. Magtatampo si Pauline kapag wala tayo sa araw ng birthday niya."
"Oh, paano ba 'yan next month na lang kayo umalis para happy na anak ko." Wika ni Peps habang iiling-iling akong humarap kay Cedric.
"Iyon lang ba pinunta ninyo rito? kung wala na kayong sasabihin maaari nang umalis." Taboy ko.
"Aba yabang ah? Porque ikaw ngayon ang bida sa kwentong ito."
"Cedric, humithit ka na naman ba ng katol?" biro ko.
"Katol? Cheap."
"Ewan ko sa inyo umalis na kayo, alis."
"Ah basta magandang usapan ito Zayn kapag hindi kayo nagpunta sa birthday ng anak ni Peps magkalimutan na tayo." Batok sa akin ni Cedric habang palabas sila ng kwarto. Susunod sana ang asawa ko nang hatakin ko ang kamay.
"Saan ka pupunta?"
"Lalabas,"
"Pero hindi pa tayo nakakatapos,"
"Sa bahay na lang nawalan ako ng gana." Halik sa labi ko bago umalis.
"Badtrip." Bulong ko bago sundan palabas ng kwarto.

Bình Luận Sách (32)

  • avatar
    LucianoLuciano alves

    Muito bom recomendo de todo mundo

    23/09/2023

      0
  • avatar
    Moll Moll

    nice siya Maka walang nang stress!

    22/08/2023

      0
  • avatar
    Krisanta Ambongan

    5000

    21/08/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất