logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 4: HENRY TORRENT

Heto na naman ang feeling na para bang bumalik ako mula sa teenage age ko pa. Apat na araw na Ang nakalipas mula ng makilala ko at nalaman ang pangalan niya.
Bakit pati pag tambay ko sa bahay ay dala dala ko ang isiping..apat na araw na ang dumaan. Laman siya ng aking isipan.
Isa lang naman itong ordinaryong tao kagaya ko. Hindi naman itong mukhang bigatin, ngunit pag dating sa pang-amoy ay masasabi kong yamanin din.
"Arrg!" Naiinis na binato ko ang unan sa gilid.
Mabilis na rin akong tumayo at umahon mula sa kama ko. Dumiretso ako sa banyo para maligo.
Ilang minuto lang akong natapos lalo na sa pagbihis. Bumaba nadin ako para hanapin si Mama.
Wala akong trabaho sa araw na ito. Day off ko, madami din akong iisipin na new designs para sa darating na project.
Maghihintay pa naman kami ng limang araw para makapag meeting muli.
"Mama?"
Mula sa kusina ay sinilip ko si Mama roon pero wala siya. "Saan naman nag punta iyon?"
"Mama?" Tawag ko muli at sumilip sa sala pero wala din doon.
Naglakad ako palabas ng bahay. At nakita ko din si Mama na dinidiligan ang kanyang mga halaman.
Napangiti ako at lumapit.
"Ma? Kanina ka pa ba?" Tanong ko agad ng makalapit na.
Nilingon ako ni Mama at ngumiti sakin.
"Kumain kana ba anak? May niluto ako doon. Tinakpan ko lang sa mesa, baka may langaw pumasok." Aniya habang nagdidilig. "Bago pa lang ako nagdidilig, anak. Kahapon kasi nakalimutan kong diligan."
"Kumain kana po, Ma?"
Tumango si Mama. "Tapos na ako, Nak. Ikaw nalang ang hinihintay kong magising."
Tinignan ko ang mga halaman na diniligan ni Mama. Kasing ganda talaga ng ina ko. Maging ang pag-alaga sa mga ito ay kagaya ng pagmamahal na binibigay ni Mama sa akin.
"Wala ka dibang pasok, nak? May lakad ka ba ngayon?" Tanong ni Mama.
"Wala naman `Ma. Kung may lakad, magpapaalam ako sa'yo." Sabi at napakamot nalang sa ulo. "Wala ata akong gagawin, Ma. Maiiwan muna kita dito at kakain na ako."
"Sige, bumalik kana sa loob at kumain, Nak." Muling ani Mama. Nakatuon talaga ang pagdidilig sa halaman. "May juice akong tinimpla para sa'yo, nak."
Tumango nalang ako kahit hindi naman nakita ni Mama. Pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso sa sala para kumain ng agahan.
Mga tinakpan ni Mama sa lamesa ay binuksan ko isa-isa. Kumuha nadin ako ng plato, inilabas ko din ang tinimpla ni Mama na juice mula sa ref. Orange juice at paborito ko pa talaga.
Umupo na ako at nagsimula ng kumain. Mabilis lang din naman ako natapos. Sariling pinggan ay hinugasan ko na din.
Umakyat ako sa itaas at doon nalang magmukmok. Nahiga na ako sa kama at nakapikit na ang mga mata. Mukha akong pagod na hindi naman. Wala naman akong masyadong ginagawa kahit day off ko pa.
"Henrey.." Bigla nalang lumabas sa bibig ko.
Agad akong napabangon mula sa kama, nag-iinit ang mukha. Paano ko iyon nagagawa habang nakahiga? Ano na naman ba ang nangyayari sakin?
Kinilabutan muli ako. Wala naman siya dito bakit ganito ako kung kumilos.
Nag desisyon nalang akong maglinis sa loob. Tinali ko ang buhok ko para masimulan na.
Nilinis ko maging ang table at kama. Isinama ko na din sa loob ng banyo ko, inayos ang kurtinabg gusot. Pinagpagan lahat ng alikabok sa paligid. In-arranged ang mga gamit.
Hanggang sa matapos na ako't lahat parang may kulang talaga akong naramdaman. Umupo pa akong pawisan sa maliit kong sofa sa gilid.
Inabot ko ang cellphone para tawagan si Donalyn. May day off din ang isang ito kaya yayain ko kung papayag.
In-dinial ko na ang numero ni Donalyn. Nakakailang tawag na ako. Aba, hindi ba naman sinasagot ng babaeng ito ang tawag ko.
Inulit ko muli ang pagtawag at sa ikalawang pagkakataon sinagot na sa wakas ni Donalyn!
"Haha, hello?"
Kumunot ang noo ko at nakaramdam ng kunting inis.
"Bakit ganyan ang pananalita mo?" Hindi ko maiwasan na magtanong.
Nagtataka ako. Parang may kasama ngayon si Donalyn at maingay din ang paligid niya.
Hindi kumibo ang nasa kabilang linya.
Bumuntong hininga ako ng malalim. "Nasaan ka ngayon? Yayain sana kitang pumunta sa mall."
"A-ah..k-kasi.." Anito sa kabilang linya.
Dito ko na nalaman na wala siya sa bahay nila para magpahinga. Kundi gumala na hindi man lang ako isinama.
"It's okay. Take your time, Don."
Akmang papatayin ko na ang tawag ng sumigaw ito.
"W-wait! Zi!" Pigil niya sakin.
"Bakit?" Sagot ko sa malamig na paraan.
Saglit na naman tumahimik ang nasa kabilang linya. Muli akong bumuntong hininga at nagsalita sa kuling pag-uusap para makapag pahinga nalang ako.
"Kung wala ka namang sasabihin, Don. Diretosohin mo ako. Magpapahinga nalang ako dito sa bahay." Mahinang sabi ko. "Mag enjoy ka nalang kung ano man ang ginagawa mo ngayon, Donalyn."
Ibaba ko na sana ulit ang cellphone ng napahinto ako sa katagang sinabi niya.
"Gurl, nasa backstreet Riana's Store ako! Kasama ko si Henry!" Anito sa masayang tuno. "Si Henry Torrent kausap ko, Zi! Coincidence lang na nagkita kami. Kumakain kasi siya dito."
"Coincidence?" Wala sa sariling bigkas ko.
Tumawa si Donalyn. "Oo! Coincidence lang na nagkita kami. Nag jo-jogging lang naman ako sa paligid, tapos huminto ako dito sa store para bumili ng inumin and nakita ko siya."
"Anong pinag-uusapan niyo?"
"Gurl, I think talaga na bet ka nito, `eh. Halata sa mga pagtatanong tungkol sa'yo. Ang daldal din pala, nagsimula daw sa ulan?" Tumawa ng mapang-asar si Donalyn. "Ulan ba talaga nag simula ang tadhana niyo? Ikaw ha! Umiibig kana!"
"T*nga, coincidence lang din iyon na nagkita kami. Bahala ka nga diyan! Papatayin ko na ang tawag!"
"Wag muna! Pumunta ka dito sa lugar na tinutukoy ko! Gusto ka daw niyang makausap." Hirit ni Donalyn. "Usap lang, total..diyan naman nag-uumpisa ang lahat, yiee."
"Ayoko, magpapahinga pa ako." Pagtanggi ko.
Iniiwasan ko naman talaga ang lalaking `yun. Ayoko sa kanya. Para siyang isang malaking nakabara sa mundo ko.
"Pupunta ka o siya ang pupunta?"
Nanlaki ang mata ko sa sabi ni Donalyn!
"Wag na wag mong gagawin `yan! Donalyn!" Nanatili paring nanlaki ang mga mata mo. Posibleng mangyari talaga.
"Kaya nga pumunta ka dito. Para hindi ko mabigay ang address mo!" Muling lintaya ng kaibigan kong magaling.
Wala akong magagawa kundi um-oo nalang sa kanya.
"Magbibihis lang ako! Text mo sakin ang lugar."
"Yes! Copy that, madam!"
Pinatay ko na ang tawag. Hindi ko alam ng pagtayo ko ay nagsimula akong kabahan.
Pinakalma ko nalang muna ang sarili bago muling naglinis nang katawan para makapunta na doon.
"Henry Torrent..Again." Lumaylay ang balikat ko sa isiping magkikita ulit kami.

Bình Luận Sách (59)

  • avatar
    ప్రిన్సెస్ జామ్

    😘😘

    2d

      0
  • avatar
    RemolanoCyril john

    this story is about rain and bus

    8d

      0
  • avatar
    Layma PJinky

    jgekhrnvbenwnfgrnhevehsjdydjjdjdydjdhejeuej do ejejeujeheuejejdjeuddjejhejevejekekeieusuhehgrhejdjdjsjsyeheheuszuzudjejehejsududjdhdhdydhdhfvdjdjdjjdhdjdjdhdhehdhdydhdjdhbejwjeejje in the speaker 🔇🔇 at the speaker and clearskin to the speaker napaka clean and skin community for po ako hehe I love the spirit 😁 at the speaker and how po Sana Khan and skin ni bnso bkas PG pasok po ba ang pasok po ba ang pasok po ba ang pasok ko na po ang yellow and skin care products are sold as pair of teng SAN

    22d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất