logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 5

GERARD
NANDITO KAMING lahat sa komedor nang biglang dumating ang doktor. Nahinto kami sa pagkain maliban kay leader na siyang dahilan kung bakit naririto ang bagong dating.
“Come and sit down, Timtara,” nakangiting saad ni leader. Umupo naman sa harapan ko ang doktora. Ngumiti siya sa akin at kay Siren, tinanguan naman niya ang iba. Tinaasan ko lang siya ng kilay habang ngumiti naman ang iba sa kaniya, lalo na si Deathstalker.
“Napansin kong nakaburo ka na lang sa lab. I know Atlas is with you, pero mas maganda pa ring lumanghap ng sariwang hangin, ‘di ba?” The queen is talking to the doctor as if they are old friends.
Kiming ngumiti ang doktora. “Thank you for your consideration.” Medyo mabagal ang huli niyang salita, hindi siguro niya alam kung ano ang itatawag kay leader. Napangisi ako sa kaniya pero ang hindi ko inaasahan ay ang sipa niya sa akin sa ilalim ng mesa.
“What the!” Napatingin naman sa akin ang lahat maliban sa salarin na busy sa pagkain. Puno ng pagtataka ang kanilang mga mata dahil sa biglaan kong pagbulalas. “Nothing,” sagot ko na lang.
May babala sa mga matang tiningnan ako ni leader bago tumango sa lahat. “Let us eat.”
Nagpatuloy ang tahimik na pagkain namin nang biglang magsalita si Kiel. “Nightwind, I think it’s best to take Doctor Wilson to the Rose Garden while the weather is good. I heard from Siren that there is no scheduled rain for today.”
Nagkatinginan kami ng doktora at halos sabay na magsasalita sana nang sumapaw sa amin si leader. “I think that’s good idea, honey, since we will be busy with the visitor this luncheon. I bet Russia’s president will make us all occupied.”
Nanigas ako nang marinig ko kung sino ang bibisita mamaya. May dahilan kung bakit tanging ang doktora lamang ang nakaka-access ng laboratory niya at iyon ay ayaw ni Siren na ma-trace ni Vesputin, ang presidente ng Russia, ang mga bakas ni Dr. Timtara Wilson.
Ang plano ni Kiel na samahan ang doktora sa Rose Garden ay isang diversion upang hindi magtaka ang doktora kung bakita kailangan niyang lumisan sa palasyo nang ilang oras.
“Okay, I’ll take her,” pagsang-ayon ko sa dalawa na ikinatingin sa akin ng doktora.
“Take me to where?”
“Are you deaf?” balik tanong ko sa kaniya na mas ikinakunot ng kaniyang noo.
“Hey, I am asking you politely!”
Hindi kami nagsisigawan pero narinig pa rin nila ang aming bangayan dahil biglang tumahimik ang mesa. Nang tingnan ko si Siren ay parang kinikilig na kinukurot niya ang kaniyang emo na asawa. Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumigil ang lukaret.
“The Rose Garden is a beautiful spot where a variety of rose hybrids exists. It will calm you especially when you’re stressed,” pagbibigay impormasyon ni Siren para sa doktor.
Tumango naman ang doktora at inirapan ako nang palihim. Aba’t!
SUOT KO ang earpiece na bigay ni Grim sa akin. Nagdala rin ako ng baril at dalawang extra magazines for the worst-case scenario. Nasa loob na kami ng isang sasakyan papuntang Rose Garden.
“Why are you so silent?” tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya. Nakasandal siya sa pinto ng sasakyan at natutulog nang mahimbing.
“Siren is right. You badly needed this tour.” I mumbled to myself as I drove the car as far as I can from the palace.
TIMTARA
ANG BANGO. Ang lambot. Ang aliwalas ng pakiramdam. Nakakasilaw. Huh?
Mabilis na napadilat ang aking mga mata dahil sigurado akong hindi ko alam kung nasaan ako nakahiga. At tama nga ang hinala ko na wala ako sa laboratory. Iba’t ibang kulay ng mga rosas na tila nagiging katulad na ito ng bahaghari ang nakapalibot sa akin. Inililipad naman ng hangin ang mga petals na may iba’t ibang kulay ̶ nakasaboy ito sa paligid, kaya ang Bermuda grass na kinahihigaan ko at ang aking katawan hanggang buhok ay nababalutan din ng mga petals.
Nasaan ako? Sino ang nagdala sa akin dito? Ito ba ang Rose Garden?
“Wow,” mahinang usal ko habang iginala ko ang aking paningin kaya napako ang tingin ko sa lalaking nakasandal sa puno at nakatingin sa akin nang seryoso. “Look at that man. He acts like he’s in a movie. Is he filming something?”
“You’re badmouthing me again, aren’t you?” sigaw niya sa akin, nakita niya siguro ang pagsimangot ko.
Instead of answering him, I just gave him my middle finger as an answer.
KHARMAINE
NAKAUPO KAMI sa meeting room. Ako ang representative ng O’Hara Industries at sina Lucy at Kiel naman ang sa buong Realm. Nasa harap namin ang report presentation ng sekretarya ng presidente ng Russia at nasa kabilang bahagi naman namin nakaupo si President Vesputin. Ang presentation ay tungkol sa bago nilang labas na mga arsenal.
“I admit that these playthings are all impressive,” saad ng reyna matapos ang presentasyon. Tumayo naman ang president mula sa pagkakaupo at tumayo sa gitna ng platform na nasa harap namin.
“These are the best, your highness. Nothing but the best for the Realm.” May kung anong malisya akong nakita sa kaniyang mga ngiti.
“And I thank you for that loyalty, President.” Kahit nakangiti ang reyna ay tila yelo sa lamig ang mga mata nitong nakatingin sa kausap.
“Though, my secretary forgot to mention this, your highness.”
“What is it?” gagad ni Lucy.
Oh, here he goes with his true motives.
“The United Arab League has offered a much beneficial deal in exchange for these babies,” biglang pagpapaalam ng presidente sa amin na ikinawala ng ngiti nina Lucy at Kiel. Akmang magsasalita ang reyna nang hawakan siya ni Kiel sa braso na tila pinapakalma ang asawa.
Maski ako ay tila nabingi sa narinig. It is an open threat for us. If we fail to meet their demands, they will make our enemies stronger than us overnight. Kaya hindi maitatanong kung bakit nakikita ko ang nalalabing Crimson Eye ng reyna.
“Let’s hear it, Mr. President,” saad ng hari dahil busy sa pagkalma ang reyna.
Isang ngiting tagumpay ang ibinigay ng presidente sa kaniyang sekretarya bago niya kami binalingan. “A little bird told us that a resident here in Realm is keeping a doctor here. I believe she belongs to us since she is a citizen from my country. Here is the information.” Nagbigay ng nakabukas na folder ang sekretarya ng presidente sa harap namin.
I knew it! He’s asking for Tim. This bastard!
Nagtatagis na rin ang bagang ko sa naririnig. She belongs to him? Naka-shabu ba ‘to?
Magsasalita na sana ako nang itinaas ng reyna ang kaniyang kamay. “So, you are saying, we only have to find her and you’ll give the formula to us?”
“Of course not, your highness. You must deliver her to me.”
Ngumisi muna ang reyna bago sumagot. “Don’t worry, President. I’ll deliver what you want to your doorstep.”
Tanging ang mga nakakakilala lamang kay Lucy ang nakakuha sa huli niyang sinabi. Kaya hindi ko maiwasang mapangisi dahil ang bobong presidente ay ngumingisi na tila panalo na ito.
Oh, if only you know. 
GERARD
NAKABANTAY PA rin ako sa doktora nang tumunog ang aking cellular phone. Ang pangalan ni Grim ang caller kaya sinagot ko ito agad.
“Grim,” bati ko sa kaniya pero sinalubong ako ng tunog ng isang buntong-hininga kaya naging alerto agad ako. Grim called me for a serious reason.
“Nightwind, huwag muna kayong bumalik sa palasyo.”
Nagpanting ang tainga ko. Gusto kong pumunta sa tabi ng reyna, isang instinct ng isang mandirigma na nagsisilbi para sa Phoenix. “Why? What happened?” Tiningnan ko ang doktora na nakamasid din pala sa akin nang mapansin niyang may katawagan ako. Sinenyasan ko siya na lumapit sa akin.
“They know the doctor’s here. The queen is in a tight spot.” Pagkasabi ni Grim sa akin ng dahilan ay pinutol na niya ang tawag. Damn! I knew there is trouble the moment that the president announced his impending arrival in the Realm – it was never a coincidence.
Umalingawngaw ang tunog ng isang balang tumama sa puno. Biglang nasira ang katahimikang tinatamasa namin sa loob ng Rose Garden. Fuck! They’re here! Mabilis na tinalon ko ang gap namin ng doktora at niyakap siya.
“What is going on, Nightwind?” Her words are faint yet frantic. Dinig na dinig ko ang nginig sa kaniyang mga boses. Nanatili kami sa baba habang umuulan ng mga petals at bala. Nakahawak sa likuran ng kaniyang ulo ang isa kong kamay habang ang kaliwa ko namang kamay ay may hawak na baril. Nang maramdaman kong humigpit ang kapit niya sa sa baywang ko ay tiningnan ko siya mata sa mata. “We’ll get out of here. Do you believe me?”
Mabilis siyang tumango kahit na naiiyak na ang mga mata niya at nagpipigil lamang siya na huwag pumalahaw ng iyak.
“Good. Let’s crawl until we make it to the car. Don’t get up unless I told you so, am I clear?” Sumagot ulit siya ng sunod-sunod na tango at nag-umpisa na kaming gumapang nang mabilis. My eyes were frantic as I listened to the rustling of the rose bushes around us. Pinauna ko siyang gumapang habang palapit na rin sa amin ang mga yabag ng mga namaril sa amin.
Nang malapit na kami sa sasakyan ay pinigilan ko muna ang braso niya dahilan upang mapalingon siya sa akin. I am met by a pair of frightened cerulean eyes that glistened with unshed tears like an ocean’s gentle waves hit by the sparkling sun.
Napatikhim ako nang isang beses bago ko pa makalimutan ang nais kong sabihin sa kaniya – baka mawala na naman ako kapag tititigan ko ulit ang kaniyang mga mata. “Crawl under the car and get in quickly. You can drive, right?”
“For the second time, yes, I can drive!” Puno na siya ng pawis, sabog ang buhok, may mga petals na naligaw sa mukha at buhok niya, at may mga sugat na maliliit siya sa kaniyang mukha. Bago ko pa mapigilan ang aking kamay ay inabot ko na ang isang petal na nasa buhok niya.
“W-what are you doing?” gulat na tanong niya sa akin kaya mabilis kong binawi ang aking kamay at bumaling sa ibang lugar ang aking mga mata. Malala na talaga ang lagay ko. Basta-basta na lamang gumagalaw ang aking katawan.
“Move now,” imbis na sagot ko sabay kasa ng aking baril. Una na siyang gumapang sa akin habang ako ay pinapakiramdaman kung ano ang coordinates na kinatatayuan ng mga namamaril sa amin. Sa bilang na tatlo ay bigla akong umupo paharap sa direksyon na tantiya ko sa kanila at isa-isang pinagbabaril ang mga kalaban. Gumulong ako palayo sa sasakyan para hindi matamaan ng ligaw na bala ang doktora. “Go, go, go! Don’t you dare look back!” I commanded her to move into the car.
TIMTARA
NANG NASA loob na ako ng sasakyan ay doon pa lang ako nakahinga nang maluwag. Kanina ay parang blur lang ang lahat ng nasa paligid ko. Kay dali nagbago ng lahat, isang minuto ay manghang-mangha ako sa paligid at sa sumunod na minuto ay takot na takot ako. Kung hindi lang dahil sa mga matang ‘yon ay baka kanina pa ako nag-collapse.
May mga balang tumama sa sasakyan pero hindi man lang nagasgasan ito, bulletproof pala, kaya pala gusto ni Nightwind na pumunta ako rito dahil ligtas dito, pero paano siya? Wala siyang sinabi na ibang instructions maliban sa gusto niyang ako ang mag-drive.
Hinanap ng mga mata ko ang bulto ni Nightwind at nakita ko siyang nakikipagbarilan at nakikipagbakbakan sa mga kalaban. Naitakip ko sa aking bibig ang aking kamay dahil sa pigil na sigaw nang makita kong dehado sa laban si Nightwind. Twenty armed men versus one?
Frustrated na sumigaw ako sa loob ng sasakyan habang pinaghahampas ang manibela. “Hindi ba kayo tinuruan ng Math at sportsmanship ng mga magulang niyo, ha?!”
Pero kahit na mas marami ang kalaban ay nakikipagsabayan pa rin si Nightwind sa mga kalaban at binibigyan ang mga ito ng mahirap na oras. Mangilan-ngilan na rin ang napabagsak niya gamit ang martial arts o gamit ang baril. “I should trust him. After all, I nodded like a penguin earlier. Hay.”
Lumapit na ako sa driver seat at naghandang magpaandar nang bigla akong napalingon sa kaniya sa kung anong dahilan. At doon ko nakita ang isang eksenang nakapanlamig ng aking katawan.
Separated by a car that surrounded me, I screamed as I banged the window – watching helplessly the scene that would haunt me for the rest of my life. “Nightwind! Behind you! Nightwind!”
Si Nightwind na napaluhod dahil may dalawang sumipa sa kaniya mula sa kaniyang likuran at harapan. Nasalag niya sa pangalawang pagkakataon ang dalawa pero may dalawang biglang bumangon mula sa pagkakasalampak at may dala ang mga ito na baril at pinutukan siya nang sabay sa kaniyang isang binti at isang balikat dahilan upang mapasalampak si Nightwind. Dito na ako napaiyak nang tuluyan. “Nightwind! No! Wait for me!”
Tila may saping pinaharurot ko ang sasakyan at tinahak ang lugar nila. Parang hindi ko kilala ang brakes dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko ng sasakyan. Nang mamataan nila ang aking sasakyan na minamaneho ay pinagbabaril nila ako pero nang mapagtanto nilang bulletproof ito ay ang gulong ang kanilang pinuntirya. Kahit alam kong may isang gulong na pumutok ay mas binilisan ko lalo ang pagpapatakbo habang tumutulo ang aking mga masaganang luha.
“Nightwind!” paulit-ulit kong sigaw habang nagpapatakbo ng sasakyan. “Move, you morons! Or I swear I will get rid of you root and stem!” Ang pinupuntirya ng aking sasakyan ay ang mga kalaban kaya kapag hindi sila tatabi ay sasagasaan ko talaga sila.
Makikita niyo! Kanina ko pa feel na nasa Fast and Furious talaga ako, susulitin ko na! “You, morons! I’m gonna go Vin Diesil at you, aahhh!”
Natatakot ako, pero kasama ng takot ay meron din akong nakapang galit nang makita ko kung paano napaluhod si Nightwind nang pagtulungan siya ng mga ito.
Umingit ang gulong ng sasakyan sa biglaang paghinto ko sa harap mismo ni Nightwind. Nasa gawi niya ang pintuan ng driver’s seat kay agad akong lumabas at tinulungan siya sa pagtayo.
“What the fuck are you doing?” galit na bulyaw niya sa akin nang makapasok na kami sa loob ng sasakyan. Mabilis akong nagmaneho palayo sa Rose Garden nang walang lingon-lingon.
Nanginginig pa rin ang aking mga kalamnan dahil alam kong maaari nila kaming sundan at nandito ang “protector” ko kuno na duguan. Hahanap muna siguro ako ng pharmacy. “Shut up, please! I am concentrating!” In reality, I just want to calm my nerves. Bumababa na siguro ang aking adrenaline rush.
Naputol ang daloy ng aking pag-iisip nang hinampas niya bigla ang manibela kaya wala sa planong naihinto ko ang sasakyan at maang na napatingin sa kaniya. Sumalubong sa akin ang isang galit na pares ng mga tsokolateng mata ni Nightwind. There is a dangerous glint of hue in his light brown-colored eyes.
“You wanna know what I did? I saved your reckless ass! So shut up and let me concentrate driving.”
Nanginginig pa rin ang kamay ko sa takot ̶ sa takot na maiwan akong mag-isa.
“It is my job to protect you! I never told you to save me! That’s my job, not yours!” ganting gagad niya sa akin na ikinapitik ng kung anong pinipigilang emosyon ko.
Sa inis at pinaghalong shock ay bumagsak na ang mga luha ko at sinigawan din siya. “What if you die, huh?”
“There are other Phoenix members who will protect you, but if you die, then this whole thing will be useless!”
“Then, what will happen to me, huh? You promised me that you will bring me home! If you will die, who will make that promise come true? I will be left alone in this unknown city with many unknown faces! If you die, I will be lonely!” Napahagulgol na ako habang siya ay natahimik sa sinabi ko na tila hindi alam ang sasabihin.

Bình Luận Sách (28)

  • avatar
    Angelo Sarong

    this is good for practicing on reading

    03/08

      0
  • avatar
    Camilia Damian

    hhhhhh

    30/06

      0
  • avatar
    Kamarudin Sambolawan

    Mr Sambolawan

    25/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất