logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 4

TIMTARA
DAY TWO ko na rito nang dalawin ako ng nakangiting si Ma’am Kharm. Dalawang araw na rin kasi akong nakatambay lang sa silid. Hindi sa ayaw kong lumabas, kundi ayaw akong palabasin. May naghahatid naman ng pagkain sa akin kaya lang, walang phone o laptop o computer dito kaya kain, tulog, at tae lang ang routine ko.
“Ma’am,” pagbati ko rito. Umupo siya sa gilid ng aking kama na aking kinauupuan.
“Hi, I just want to say, I am torn between saying sorry and not. I want to say sorry because you got dragged here and you almost got killed. Yet, I am not sorry that you are here since I know you are safe here. The people chasing you, won’t care about your well-being as long as they got the Apohixen. Here, the Realm can offer you the best options with a maximum interest for you.”
“Realm?”
“This is the name of the place.”
“Yeah, I heard it from Nightwind, but, where am I exactly?”
Natigilan ito nang ilang segundo bago ngumiti. “You’re somewhere safe. You just need to know that.”
“And why am I here? I won’t believe your safe shit story so save it for later.”
“We need your Apohixen. We need it to save someone.” May lumbay sa boses ni Ma’am Kharm nang sabihin niya ‘yon. Kahit pilit itong ngumingiti ay may lungkot din sa mga mata nito. Sino kaya ang ‘someone’ na iyon? Mali ba na pinagkatiwalaan ko si Ma’am Kharm tungkol sa Apohixen? Napagtanto ko na, si Ma’am Kharm ang nagsabi sa mga tao rito tungkol sa akin. She is the reason why I got kidnapped in the first place or why people are chasing after me. She told them.
“Ha! I knew it! You guys are no different from them!” sisi ko sa kaniya. Dahil sa pagtaas ng boses ko ay biglang pumasok si Sir Seeichi. Itinaas naman ni Ma’am Kharm ang kaniyang kamay sabay iling. Tumango lang si Sir Seeichi at ngumiti sa akin bago lumabas ng silid. Kumalma naman ako nang bahagya.
“Listen well, Tim. The world we lived in is not as colorful with rainbows and unicorns as you thought. The world for mad scientists like us is a life full of watching behind our backs. The decisions you made will either make you or break you in the long run. I am like you and O’Hara Industries has been backing up this Realm for many years for protection and loyalty. You know me, I choose my friends well. And the people here? They are not just friends to me, they are my family. So, believe me when I tell you that you are safe here especially that the Phoenix will protect you.”
I can hear the truth behind her words so I nodded reluctantly as I absorbed her words in which she returned with a big grin.
“So, are you done sulking here? ‘Cause I’m gonna take you to your very own playroom.” Hinila niya ang dalawa kong kamay na para bang ang gaan ko lang. Balewala lang niyang nilampasan ang mga guards at ang asawa niyang nasa labas lang. Hindi rin sila sumunod sa amin. Kami lang ni Ma’am Kharm ang naglalakad sa hallway.
Ilang elevator rides at ilang hallways pa ang dinaanan namin bago kami huminto sa isang dingding. Yeah, isang beige colored na dingding na may isang wall frame lang na desinyo.
“Ugh, okay?” Why are we here?
Pinalapit niya ako sa wall frame na kapantay lang pala ng mukha ko. “Look closer.”
“Look closer.”
Inilapit ko nang ilang dangkal ang mukha ko sa frame na may drawing lang naman na isang baka. “Uh, I am staring at a cow’s butt? Look, I don’t see anything special here.” Lumayo ako mula sa frame at ibinaling kay Ma’am Kharm ang aking atensyon.
“Just look a little more closer.” Hinawakan niya ang likod ng ulo ko at mas nilapit pa ang mukha ko sa frame nang biglang nawala ang drawing ng frame at may tila scanner na lumabas at nag-scan ng mukha ko. Ang dingding na kulay beige kanina ay naging salamin bigla at bumukas ito. “Oh my gosh!”
Nakaakbay si ma’am sa akin at pumasok na kami. Nagsara naman bigla ang salamin. Nang lingunin ko ito ay totoo ngang salamin ang inakala kong dingding na kulay beige kanina! Nakikita ko kasi ang hallway mula sa kinatatayuan ko.
Ibinalik ko ang tingin sa harap, medyo madilim siya at wala pa akong malinaw na naaaninag. “What are you waiting for, the fucking Christmas? Turn on the lights.”
Mabilis kong hinagilap ang switch sa pinakamalapit na dingding pero wala. “It’s not here. Did you forget to put some switch?”
“Of course not, Tim. Say the word ‘Lights activated.’”
I looked at her funnily but she just shrugged so I grumpily followed her. “Lights activated.” Laking gulat ko na lamang nang umilaw nga at kulang na lang mahulog ang panga ko sa aking nakikita.
All the modern technology can offer is here in front of me. Oh, my gosh! My dream playroom! May nakita rin akong isang maliit na kitchen at isang sala set sa bandang gilid.
“So you’re saying, I can use these babies? For real?” Kulang na lang ay magtatalon ako sa tuwa sa pagkamangha. At nang tumango si Ma’am Kharm ay doon ako tuluyang impit na napatili.
“Everything here is voice activated. And to secure the safety of the information, it is your voice alone that this system recognizes.”
“Cool! Then, system activate.”
Umilaw lahat ng mga makina pati ang napakalaking screen sa dingding, “Welcome, Tim. I am your personal system. Just call my name ATLAS short from Apohixen Trials Laboratory Apprentice System,” salita bigla ng isang babaeeng boses mula sa loob ng silid. It’s like the voice is everywhere. This is so cool!
“W-wow! This is beyond cool! Looking forward to work with you, Atlas.” Hindi matanggal ang malaking ngiti sa mukha ko.
“Starting today, you will be staying here. There’s a small room with a personal comfort room behind the kitchen over there. All the files from all of your studies have been transferred here and were sorted by Atlas. You just need to say the word and she’ll do it for you.”
Tumango lang ako dahil overwhelmed pa rin ako na naintindihan naman niya. “So, I’ll be leaving you, then, to do your thing. Don’t worry, there’s no CCTV here. Nightwind insisted to remove all the CCTVs here even our access to your system.”
Nightwind did?
Mabilis na umalis si ma’am at naiwan akong tulala mula sa nalaman ko sa kaniya. Nang masiguro kong hindi ko na makita sa likod ng salamin si Ma’am Kharm ay hinarap ko ang higanteng screen.
“Atlas, show me what you know about the Underworld Realm City.”
GERARD
SA UNANG pagkakataon ay nagkaroon ng pagtitipon ang Phoenix sa loob ng council room. Tanging mga miyembro ng Phoenix lamang ang naririto maliban kay Starfire – that damn traitor. Nakaupo sa pinakamataas na upuan si leader habang nakapalibot naman kami sa kaniya.
Ang mesa namin ay isa ring touch screen operated table at nasa gitna nito ay ang mukha ng isang matandang lalaki na papasok sa isang sasakyan habang nakahawak sa kaniyang cellular phone.
“Isn’t this the president of Russia?” tanong ni Siren sa amin.
“Ah, kaya pala pamilyar ang mukha.” gagad bigla ni Deathstalker.
“This man is the greatest asset of the Realm in terms of supplying arsenal to us,” pagbibigay impormasyon ni leader. Blangko ang mukha nito pero ramdam namin na may mabigat na rason kung bakit niya kami pinatawag at bakit nandito sa screen ang malaking larawan ng presidente ng isang bansa. “And this man is behind the attack at Moscow when Nightwind secured the package,” dagdag ni leader.
Hindi na nakakapagtaka na ang presidente ng lugar kung saan nanatili ang doktor ang unang makakatunog tungkol sa Apohixen maliban kay Siren. Dahil sa sila ang major supplier namin ay hindi kami basta-basta makakaatake sa kanila.
This is why I hate politics. Ang daming dapat isaalang-alang kaya alam ko na kung bakit kami pinatawag ni leader.
“I gave my word to protect the doctor but I can’t forsake the safety of the Realm. Hence, I summoned you today.”
Alam ko na ang susunod na sasabihin ni leader. She will handle the politics and we will handle the bloodshed. This is like a game of chess where our side’s pieces have been set.
“This will be a covert mission. You know what covert means, kapag nahuli kayo ay walang back-up mula sa Realm na darating. This is all in Phoenix, you understand why this has to be done right?”
Isa-isa kaming tumango. Isang mahalagang tao ng Realm ang kalaban at hindi niya maaaring malaman na ang Realm ang unang nakakuha sa doktor pero duda akong may alam na sila na nasa Realm nga ang doktor. Lahat ng gagawin namin ay magiging desisyon ng Phoenix at walang bahagi ro’n ang kabuoan ng Realm. Kung papalpak o magtatagumpay kami ay wala ring bahagi ang Realm dito.
Ang dami ng isinakripisyo namin para balewalain ang seguridad ng Realm, ito ang gustong ipaabot ni leader sa amin. Alam naming tutulong siya, hindi man sa labanan ay sa ibang bagay siya tutulong sa amin.
Biglang nagtaas ng kamay si Grim. “Tanong ko lang, bakit nga pala nandito ang doktora? May bubuhayin ba tayong patay? Si Sprite ba?”
Isang lumilipad na paperweight ang muntikan nang tumama sa noo ni Grim dahil sa binato ni Siren. Ngumiti lang ako nang bahagya dahil tinapunan nila akong lahat maliban kay Grim ng isang malungkot na ngiti. “Ayos lang.”
“Hey! Ang brutal mo talaga Siren! Akala ko pa naman nagbago ka na kasi may anak ka na!”
“Mukha mo, Grim. Kaya ka hindi pa nagkakaroon ng girlfriend, e. Ang daldal mo kasi,” balik na sagot ni Siren.
Tumikhim si leader, “We got the doctor for two reasons. One is to let Nightwind decide his fate. And two, is to let the doctor change our fate. For better or for worse, who knows? I want to see it through, though.”
Napatingin silang lahat sa akin. Decide my fate, huh? What fate? My fate has already been decided when she left me. There is nothing left to change.
“We’ll see,” tanging sagot ko sa kanila.
TIMTARA
ISANG LINGGO na ako rito sa Underworld Realm City. Alam ko na rin ang history ng lugar, kung sino ang monarkiya rito, at kung saang parte ng mundo ito matatagpuan. Nakakaintindi pala sila ng Tagalog, akala ko, nasa China ako dahil sobrang advance ng teknolohiya.
“Atlas, analyze the phase 3 of Apohixen prototype 3. There should be a minimal variance between the phase 2.” Nakatitig ako sa test tube na kasalukuyang hinahalo ng Artificial Intelligence (AI) manipulated mixer. Nasa phase 3 na ako ng trial 3 ng Apohixen. Ang laki ng progress ng research ko dahil kumpleto ako sa gamit at narito rin si Atlas upang tulungan ako.
Isang linggo na rin akong hindi nakakakita ng tao maliban sa mga nasa labas ng dinding na dumadaan. Pero gusto ko ang ganito, my own pace, komportable ako sa ganito.
Naalala ko ang sinabi ni Queen Luciana, poprotektahan ako ng Phoenix. Sa aking nalaman mula kay Atlas, ang Phoenix ay isang grupo ng mga mandirigma na marami ng kasaysayang hinubog tulad ng Taetoku Great War II.
At isa si Nightwind at Ma’am Kharm do’n, talk about some Fast and Furious shit. Marami akong nalaman pero hindi ko pa rin alam kung bakit ako narito, kung ano ang gusto nila sa akin maliban sa Apohixen.
If Apohixen can cheat death, who’s the dead person or dying person they want to save?
Nagtanong na ako kay Atlas pero wala siyang maibigay na sagot. Only saved files in this Realm are the information that Atlas can give me. Ibig sabihin, walang formal order ang pagdukot sa akin.
“Apohixen Trial 3 Phase 3 has a variance of 0.01, congratulations, Doc. You can now proceed to phase 4.” Ang pormal na tono ni Atlas ang pumukaw sa akin mula sa aking pagkakatulala.
“Oh, yeah right.”
Tama, dapat magfocus lamang ako sa Apohixen.
“Atlas, commence phase 4.”
Awtomatikong umandar ang mga kagamitan na gagamitin ko para sa phase 4 at agad na nag-transer ang files ng phase 3 sa secured archived.

Bình Luận Sách (28)

  • avatar
    Angelo Sarong

    this is good for practicing on reading

    03/08

      0
  • avatar
    Camilia Damian

    hhhhhh

    30/06

      0
  • avatar
    Kamarudin Sambolawan

    Mr Sambolawan

    25/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất