logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Melody Of Death

Melody Of Death

IceFontana18


CHAPTER 1

Moscow, Russia
O’Hara Industries Secret Laboratory
NAKATULALA si Kharmaine habang nakatingin sa reaction ng isang kemikal gamit ang microscopic view. Nanghihinang napaupo siya sa pinakamalapit na bar stool.
“This is crazy,” bulong niya sa kaniyang sarili habang nakatulala sa test tube na bigay sa kaniya ng kaniyang apprentice.
Timtara Wilson, isang Fil-Am na nasa early twenties ang gulang, twenty-four to be exact. Noong isang taon ay tinanggap niya ito, hindi na niya kasi mapagtuunan ng pansin ang laboratories dahil isa na rin siyang ina at may bahay sa kaniyang asawa. Limang buwan ang nakakaraan ay lumapit ito sa kaniya at humingi ng permiso na simulan ang isang dapat sana ay simpleng experiment lamang.
“Saang bahagi ng simple ang hindi niya naintindihan?” Napasabunot na lamang siya sa kaniyang sarili sa sobrang stress.
Ang laman ng analysis report at sample ng kaniyang apprentice ay may kakayahang baguhin ang ikot ng mundo, hindi, kaya rin nitong baguhin pati ang kasaysayan ng tao. At ang mga ganitong uri ng mga experiments ay nagiging dahilan kung bakit bigla na lamang naglalaho na parang bula ang mga scientists na gumawa nito.
Alam niyang malaki at malawak ang potensyal ni Timtara. At aaminin niyang mas may kakayahan pa ito kumpara sa kaniya. Subalit kung kapalit ng kasikatan ay ang pagiging delikado ng buhay nito, mas mabuti pang putulin na niya ang pakpak ni Timtara habang maaga pa.
PUNO NANG pag-aalala ang nasa isip ni Kharmaine tungkol kay Timtara at sa bago nitong tuklas na medisina nang biglang tumunog ang isa niyang cellular phone – ang cellular phone na nagsisilbing tanging contact niya sa iniwang buhay sa Pilipinas.
Nang makita niya kung sino ang tumatawag ay namuo ang bikig sa kaniyang lalamunan.
Luciana Shiranui Loong Calling...
“Siren Speaking,” sagot niya sa tawag.
“We need you here, Siren.” Kalmado ang boses ng reyna pero kabaliktaran nito ang kahulugan ng sinabi. Hindi kaila sa lahat na may namagitang gulo sa kanila ng reyna at hanggang ngayon ay hindi pa sila nag-uusap bilang magkaibigan. Pero ngayon, ito ang unang nagbaba ng pride para humingi ng tulong sa kaniya.
Napatayo siya mula sa pagkakaupo sa kaniyang office chair. “What happened?”
“Si Nightwind. I believed he reached his limit.”
Iba’t ibang senaryo ang pumasok sa kaniyang isipan kung anong maaaring nangyari kay Nightwind. Mula nang mawala si Sprite ay tila bombang naghihintay na sumabog ang kaniyang kaibigan.
“What d-do you mean?”
“Hiningi niya sa akin na bitawan siya bilang miyembro ng Phoenix.”
NIGHTWIND
MALAMIG ANG simoy ng hangin sa parteng ito ng Ground Zero. Siguro, dahil sa naglalakihang mga puno na nakapalibot sa lugar. Sa ibabaw naman ay ang artificial atmosphere kung saan makikita ang exact real time replica ng buwan at mga bituin. Pero kahit ang kinang na taglay ng mga bituin ay hindi ko maaninag gamit ang mga matang ‘to.
Mula noong nagkaroon ng Taetoku Great War II kung saan ay iniligtas ako ng mag-asawang Hades and Lilith, naging ganito na ang mga mata ko. Everything became black and white, a dull and lifeless color in a world not worth living for, a world where only I can see and live without meaning.
Tinanong ko noon ang resident doctor ng palasyo kung mabubulag ba ako pero wala raw problema sa mga mata ko, na isa lamang itong psychological disorder. May ganito bang disorder?
Hindi ko alam kong ilang oras na ako rito pero mas pipiliin ko pang dito na lamang habangbuhay kaysa sa tiisin ang mga tingin na natatangap ko sa palasyo.
Underworld Realm Palace
KAKAUPO pa lamang ni leader sa kaniyang trono mula sa pakikipag meeting sa iba’t ibang pinuno ng bansa. Siya, si Sahara na kausap ni leader ngayon nang masinsinan, at ako ang natitira sa loob ng throne room.
Nang matapos silang mag-usap ni Sahara ay umalis agad ang huli kaya kami na lamang ni leader ang natira. Nang masiguro kong walang makakarinig sa amin ay saka pa ako lumapit sa kaniya.
Nagtataka ang mukha ni leader nang lumapit ako sa kaniya.
“I need to talk to you, leader,” simula ko nang dalawang metros na lamang ang layo ko mula sa kaniya.
“Can’t it wait?”
“No.”
“Then, spill it out,” utos niya sa akin nang akma na itong aalis.
Mahirap para sa akin na gawin ito pero ito lamang ang nakikita kong pag-asa para sa sarili ko.
“I.. uh.. Free me from Phoenix, this is only what I ask of you.”
Ilang minuto kaming nanatiling tahimik matapos ang deklarasyon ko. At alam kong pinipigilan lamang ni leader ang sumabog sa aking harapan. Bakas sa kaniyang mukha ang hindi pagkapaniwala habang nakatingin sa akin.
Hindi na niya kailangang tanungin kung bakit ko ito ginagawa dahil alam na niya – alam nilang lahat. I should have died in that war with her.
“One more mission, kapag natapos mo na ito ay maaari ka ng bumaklas mula sa Phoenix.”
“Pero sabi ni Kiel pwede na akong—”
“Sino ba ang leader ng Phoenix? Si Kiel or ako?” pagpuputol niya sa sasabihin ko.
One more mission? Sa estado kong ito, may silbi pa ba ako? Daig ko pa ang isang imbalidong mandirigma. Akmang tututol na ako nang biglang itinaas ni leader ang kaniyang kamay na tanda na pinal na ang kaniyang sinabi sa akin.
I sighed as I answered. “What mission?”
“I’ll summon you when I got one. Don’t worry, by tomorrow, may misyon ka na. You don’t need to act recklessly.” May banta sa boses niya na para bang kahit anong oras ay maaari akong magpatiwakal – hindi naman ako kasing duwag ng inaakala nila.
NAPUTOL ANG daloy ng alaala ko nang tumunog ang aking cellular phone. Bumigat ang aking dibdib nang mabasa ko kung sino ang tumatawag.
Luciana Shiranui Loong Calling...
“Leader,” bati ko kay leader sabay sagot sa tawag.
“I got the mission for you, Nightwind, so drag your damn sorry ass here before I get you myself.”
Matapos niya ‘yon sabihin sa akin ay bigla na lang din naputol ang linya. One more mission, huh?
I wonder if I can survive alive from this mission.
NASA HARAP ko ngayon ang reyna at hari ng Underworld Realm. Nakapamulsa ako at nakatingin lamang nang palipat-lipat sa kanila. Nang dumaan ang ilang minuto na wala pa ring nagsasalita sa kanila ay pasimple akong tumikhim.
“I will leave you two alone,” sa wakas ay nagsalita na rin si Kiel bago umalis kasama ang iba pang tao sa throne room.
Nang wala ng tao ay nagsalita ulit ako. “Details leader.”
May kinuha si leader mula sa maliit na compartment na matatagpuan sa likod ng kaniyang trono. Isang kulay asul na folder ang iniabot niya sa akin na siya namang agad kong tinanggap.
“Read it and ask me for some clarifications.”
- - - -
NAME: Dr. Timtara Aurina Wilson
AGE: 24 years old
BIRTHDATE: June 10, 1996
STATUS: Single
Gender: Female
Affiliations: O’ Hara Industries Junior Assistant
Address: O’Hara Industries Secret Laboratories, Moscow, Russia
Graduate from: Stanford University
Specializes: Vaccines, Toxicology, Biology
Physical Appearance: Mahogany-colored hair, small freckles across the nose and cheeks, Argentinean nose, smoky cerulean colored eyes, high cheekbones, one mole in the right side of the neck
Height: 5’7
- - - -
Impormasyon tungkol sa isang doktora ang nasa unang pahina kasama ang 2X2 picture ng isang babae. Hindi ko masyadong pinansin ang nakasulat sa unang pahina maliban sa pangalan nito. Kung ipapahanap ito ni leader, hindi pala ito matatawag na misyon dahil sa sobrang dali.
Nang buklatin ko ang pangalawang pahina na siyang pang huling ay doon ako napahinto sa nabasa.
CONFIRMED TO CREATE THE APOHIXEN 2.5 ALSO KNOWN AS “DEATH’S VACCINE”. THIS VACCINE CAN BRING BACK THE DEAD WHEN MET BY THE FOLLOWING REQUIREMENTS.
Hindi ko na binasa ang sumunod na nakasulat. Nanginginig na isinara ko ang folder. Nakamaang na napatingin ako kay leader na nakatingin na pala sa akin. Paanong nagkaroon ng ganitong vaccine? This is cheating death and if I will have this, I can bring back what’s lost to me.
“Your mission is to bring her to the Realm safely. We need to get our hands with that vaccine.”
For once, I finally got a purpose and it is to bring the vaccine to me for Carol.
TIMTARA
HAY, KAILAN pa ba ako yayaman at nang makapagpagawa na ako ng sarili kong laboratory? Ang hirap naman kasi nitong study ko, ayaw tanggapin ng iba, buti na lang at pinayagan ako ni Ma’am Kharm na gawin ang aking mga personal experiments tuwing spare time ko.
Buong buhay ko ay sanay na akong sinasabihan na isa akong baliw. Noong tinanong nila ako kung ano ang aking pangarap, sinabi kong gusto kong maging scientist. Nang tinanong nila kung bakit, sinagot ko ulit sila na dahil gusto kong pigilan ang kumuha sa mommy ko.
My mom died when I was still a five years old. Natalo sa laban ng cancer ang aking ina at wala kaming nagawa ng daddy ko. Ang tanging naggawa ko lang ay ang magdasal at hawakan ang kamay ni mommy.
Simula nang mabasa ko ang mga aklat tungkol sa mga discoveries ng mga vaccines sa iba’t ibang sakit, naisip ng bata kong isipan na gumawa ng vaccine na pwedeng pigilan ang kamatayan. Pero, maski ang mga tanyag na pasilidad ay tinawag lamang akong baliw hanggang sa makilala ko ang mad scientist na si Dr. Kharmaine O’Hara ng O’Hara Industries. Bukod sa brain transfusion ay nag-aaral din ang O’Hara Industries ng cloning kaya sumubok ako. Ilang buwan akong hindi kinontak ng HR hanggang sa makatanggap ako ng tawag mula kay Ma’am Kharm mismo. At heto na nga ako ngayon, dito na ako nakatira sa isang maliit na apartment sa loob ng O’Hara Industries secret laboratory.
Kasalukuyan kong binabasa ang analysis report na ibinigay ko kay Ma’am Kharm. Tahimik si ma’am nang isinauli niya ito sa akin na tila tulala kaya kinakabahan tuloy ako na baka may mali sa aking ginawa. Hindi ba pumasa ang prototype 2.5 ng Apohixen?
Nagpagulong-gulong ako sa kama nang may lumipad na kung ano sa aking pisngi. Nang tingnan ko kung ano ito ay ipis lang pala. Napabuntong-hininga ako sabay tapon nito sa labas ng bintana. Hindi na nakapagtataka, sa dumi at gulo ba naman ng mini apartment na tinutuluyan ko ay himala na kung walang mamugad dito.
Mga lukot na mga papel at mga nagkalat na damit ang makikita kahit saan ka man lumingon sa aking mini apartment. Wala na kasi akong oras na magligpit. Kung may spare time man ako ay natutulog ako dahil kulang-kulang talaga ako ng tulog. Mabuti nga at nakakapaligo pa ako, ‘yon nga lang ay wala pa rin akong oras sa pagsusuklay o sa pagbagay ng aking mga damit. Basta hindi ako nakahubad at hindi nakakaapekto ang buhok ko sa trabaho ay go lang ako nang go. Wala na rin akong haircut dahil sa wala nga akong oras kaya ang haba ng bangs ko, halos natatabunan ang kalahati ng aking mukha. Dagdag pa na medyo kulot ang buhok ko kaya para talaga akong mangkukulam tingnan.
‘Di bale na basta magawa ko lang nang perpekto ang Apohixen.
Makakapagpaggawa na rin ako sa wakas ng sarili kong laborataory kapag bibilhin ng O’Hara Industries ang vaccine na gawa ko. Hay, magkano kaya ang benta ko nito?
Taasan ko kaya ang presyo? Tutal, once in a lifetime discovery lang naman ‘to, e. Teka, baka maging napakamahal ng vaccine para sa mga tao, ay hindi pwede.
A, bahala na, saka ko na lang poproblemahin ‘yan kapag nagawa ko nang perpekto ang Apohixen. Sa prototype kasi na gawa ko ngayon ay napakamaraming restrictions kaya hindi pa siya matatawag na ligtas gamitin.
HINDI KO alam na nakatulog pala ako kakaisip kanina. Nakanganga pa ako, ang tuyo tuloy ng aking lalamunan.
“Anong oras na ba?” Pagtingin ko sa alarm clock ay doon ko lang napansin na hindi na pala ito umaandar.
“Holy shit!” Agad kong hinanap ang phone ko na inabot ng 30 minutes dahil na rin sa gulo ng aking silid.
9:30 AM!
“Late na talaga ako nito! Hay nako! Ano na lang ang sasabihin ni Ma’am Kharm! Talagang hindi maaaprubahan ang request ko na patuloy na magsaliksik tungkol sa Apohixen! What an idiot, Tim!” Naglilitanya ako habang inaayos ang sarili ko at mga gamit ko papunta ulit sa lab. Doon na lamang ako magsisipilyo, bahala na ang amoy bawang na hininga ko, wala naman akong kahalikan doon.
Matapos kong mai-lock ang pinto ng mini apartment ay tumakbo ako na parang may hinahabol papuntang laboratory. Nasa gano’n akong sitwasyon nang hindi ko mapansin ang mataas na pigurang nag-aabang sa akin.
Huli na nang biglang umikot ang mundo ko at naramdaman ko ang lamig ng sahig.
Ano na naman?

Bình Luận Sách (28)

  • avatar
    Angelo Sarong

    this is good for practicing on reading

    03/08

      0
  • avatar
    Camilia Damian

    hhhhhh

    30/06

      0
  • avatar
    Kamarudin Sambolawan

    Mr Sambolawan

    25/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất