logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

7 & 8

Ikapitong Kabanata
Naaawa ako sa kaniya dahil ramdam na ramdam ko ang panginginig nito. Pati ang pagkabasa ng likod niya ay pansin sa suot nitong gray na t-shirt.
"Sandali, nagluluto ako. Maupo kana muna." tinutulak ko naman ito papunta sa isang upuan. At buti nalang nagpapatulak ito.
Aminado akong matangkad ito at syempre mabigat.
Bumalik naman ako sa niluluto kong noodles at naisip na baka siya ay nagugutom rin.
"Nagugutom ka din ba?" tanong ko sa kaniya. Maaari ko naman siyang lutuan ulit. Nilagay ko na ss isang mangkop ang noodles ko atsaka pumunta sa mesa kung saan andoon ang upuan na inuupuan din niya.
"Inaantay kita kanina." nakayuko nitong saad.
"Bakit naman?"
Tumingin lang ito sa akin at umirap.
Aba!
Parang kanina lang mukha siyang batang kawawa at nawawala. Ngayon bumalik na naman ang pagkasungit niya.
Tinaasan ko nalang siya ng kilay at tumayo para kumuha ng tubig. Napakasupladong lalaki. Madaling araw pa lang pero para na siyang pinagsakluban ng langit at lupa.
Pagbalik ko sa mesa nakita kong kinakain na niya ang noodles ko.
"Gutom na ako. May isa kasi dyan pinag antay ako." tumalim naman ang mata ko dito.
"May sinabi ba ako na mag antay ka? Nasa akin ba ang kanin at ulam kagabi?" sarkastikong sagot ko dito.
"Tinataasan mo ba ako ng boses?" napatigil naman ako dito. Sumeryoso bigla ang tingin nito pati na din ang boses nito. Sa sobrang seryoso ng pagkakasabi niya, pakiramdam ko ay may banta na nag aantay sakin.
"H-hindi po." sagot ko dito.
Bumibilis ang tibok ng puso ko. At alam ko ang ibig sabihin nito. Takot.
"Bakit ganon ang sagot mo? Hindi kana ba marunong gumalang?" tumayo ito sa pagkakaupo niya at dahan dahan naglakad papunta sa akin.
Pinatayo ako nito at para akong nahipnotismong sumunod.
Bakit ba napakabilis para sa kaniya ang magbago ng ugali? Kanina akala ko ay kaya ko na siya. Akala ko ay kakayanin ko na siya. Pero eto, at natatakot ako sa kaniya.
Pagkatayo ko ay iniyakap nito ang isang kamay sa bewang ko at hinapit pa ako palapit sa katawan neto. Habang ang isa naman niyang kamay ay humawak sa pisngi ko.
Nanghina ang mga kamay ko at di ko ito magawang igalaw. Dahil ang kaninang hawak sa bewang, hinawakan nito ang dalawa kong kamay at nilagay sa likod. At naka steady naman sa mukha ko ang isa nitong kamay.
Sa position na to ay wala akong laban sa kaniya. Dahil tulad nga ng sinabi ko matangkad ito at mabigat. May laman ang katawan nito dahil sa pagkakaalam ko ay nag gi gym ito.
Habang ako, ay natural ng payat. Kaya kaydaling ibalibag kung nais.
Napaiyak naman ako sa sitwasyon ko ngayon. Walang laban.
Ipinikit ko naman ang mga mata ko nang hindi ko makita ang mukha niyang nakakatakot.
Oo gwapo siya, pero nakakatakot siya pagmasdan kapag ganitong nagiging dominante siya.
Bakit mo po ito ginagawa? Tanong ng isip ko pero di ko magawang isatinig. Tila nawalan ako ng boses at napabuka ang labi ko. Kaya tinikom ko ito at kinagat na lamang.
Narinig ko naman siyang natawa ng mahina.
"Nais mo bang halikan ko ang labi mo?"
Agad ko namang tinigilan ang pagkagat sa labi ko at tumingin sa kaniya. Sinubukan ko ding tanggalin ang pagkakakapit niya sa kamay ko at umiling ng ilang beses.
"Hahaha. Sige pagbibigyan ko ang munting hiling mo ngayon. Pero sa susunod, matitikman ko din to." hinawakan niya pa ang labi ko. Iniwas ko na lamang ito dahil nandiri ako sa sinabi niya.
Hindi maaari. Hindi dapat niya ito magagawa.
"UNO!" Nagulat naman kami pareho sa sigaw.
Si Tiya.
Ikawalong Kabanata
Lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Uno kaya ginamit ko ito upang makawala sa kaniya. Nagtagumpay naman ako kaya dali dali akong dumistansya.
Isang malaking distansya sa kaniya.
Bumalik ang tingin niya sakin. At ngayon ay doble ang tindi ng tingin nito sa akin.
"Ano ang ginagawa niyo? Madaling araw ay magkasama kayo dito sa kusina?" tanong ni Tiya.
Di naman ako makasagot o makasumbong dahil natatakot akong hindi ako nito pakikinggan.
"Wala naman Mom. Kumakain lang ako ng luto ni Serina." sagot ni Uno pero parang walang pakialam si Tiya dahil nasa akin pa rin siya nakatingin.
Ayaw kong tumingin kay Uno dahil matatakot ako at baka di ko masabi ang totoo, pagtakpan ko siya.
"Tiya, si Kuya po kasi..." pumikit muna ako bago sabihin. "...hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang ako nitong hinawakan. At Tiya, pumapasok po siya sa kwarto ko ng di ko alam kahit po nilalock ko po ito."
Pagsumbong ko dito at lumapit ng makita kong nakakuyom na ang palad ni Uno. Pero ang mukha naman nito ay kalmado.
Hindi ko mabasa ang naiisip niya dahil tila napakagaling niyang magtago ng nararamdaman.
"Pinagsabihan na kita Uno sa kalokohan mong ito. Hindi kana nadala. Ni makinig sa akin ay di mo ginagawa. Mabuti pa ay ipadala na lamang kita sa Ama mo marahil doon ay tumino kana." seryosong saad ni Tiya kay Uno.
Mukhang alam nga ni Tiya ang ginagawa ni Uno umpisa pa lamang. Mabuti na lamang at labag dito si Tiya.
Dito lumabas ang nararamdaman ni Uno. Nahalata ko agad na mula sa pagiging kalmado ng mukha nito ay tumalim na ang tingin nito sa amin.
"Hindi na po mauulit, Ma." tila labag sa loob nitong sabi.
"Ganyan na din ang sinabi mo nung nakaraan. Ginagalit mo ba ako, First Froilan?" ginagamit na ni Tita ang buong pangalan ni Uno.
"Bakit mo ba kasi ako tinututulan? Hindi ko naman siya kapatid ha!" sigaw ni Uno kay Tiya. Dumating naman sa gilid ko si Nanay Saling. Mukhang narinig niya kaming nagtatalo na dito.
Hinihila niya ako paalis doon at doon ko lamang napansin na hindi na dapat ako naroon dahil away ito ng mag ina.
Pero ako ang pinag aawayan nila diba?
Hindi pa man kami nakakaalis ay narinig ulit ang sigaw ni Uno.
"Sinong nagsabing aalis ka?" nakatutok sa akin ang nagliliyab sa galit nitong mga mata.
"ANO BA UNO! Hindi kana talaga nagpapapigil. Kapatid mo iyan Uno, kasama mong lumaki. Maghunos dili ka iho." sumabat naman si Nanay Saling.
"Kapatid? Hahaha. Bakit ba gumagawa kayo ng salitang hindi naman totoo para lang pigilan ako?"
"Kung ayaw mong umalis dito, isa na lamang ang paraan na naiisip ko."
Tumingin naman kami kay Tiya. Mahinahon na uli itong magsalita.
"Ang ipakasal kami?" natatawang sagot ni Uno. Kumuyom naman ang palad ko at nais sana siyang sampalin o kaya suntukin ng magising na siya sa kabaliwan niya.
Napakabata pa namin. Anong alam niya sa salitang pakasal?
"Si Serina na lamang ang ipapadala ko sa Ama mo." pinal na sagot ni Tiya atsaka ako hinila. Umakyat kami sa silid ko pero hanggang ngayon ay hindi mag sink in sa utak ko ang sinabi ni Tiya.
"Mag empake kana Serina. Bukas din ay lilipad kana sa States. Doon kana muna at ng hindi ka magalaw ni Uno."
Hindi naman ako sumagot. Sa tingin ko ay ito ang makakabuti. Kaya lang maiiwan ko si Nanay Saling.
"Wala doon ang Tiyo mo. Nasa Europe siya ngayon. Pero mas maiging sa States ka dahil may mga kamag anak ako doon. At hindi malalaman ni Uno na andoon ka."
Marahil nga. Saad ko na lamang sa utak ko at sinunod ang nais ni Tiya. Lahat ng gamit ko ay inimpake ko.
Habang nag eempake naman ako ay nibook na ako ni Tiya ng flight. Advance na ako nitong pinagawahan ng mga dokumento dahil naisip na daw niyang mangyayari ito.
Pagkababa namin ay doon namin nakita si Uno. At gulat kami sa nasasaksihan namin.
"Subukan mong umalis, papatayin ko ang pinakamamahal mo." sabi nito habang hawak hawak si Nanay Saling sa leeg. Tila nahihirapan na si Nanay.
Agad naman akong lumapit dito at pinipilit tanggalin ang pagkakasakal niya. Naiiyak na ako.
"Huwag please. Itigil mo na ito. Oo na, hindi na ako aalis. Huwag mo lang gagawin ito. Please?"
Binitawan na niya si Nanay at agad ko itong hinawakan ng manghina ito.
"Nay?"
Hindi lamang ito nanghina kundi nahimatay na.
Diyos ko po, huwag naman sana siya kuhain ng Maykapal. Di ko kaya.
Agad agad namang binuhat ito ni Uno at dinala sa isang sasakyan. Saka kami sumakay ni Tiya.
"Tignan mo itong ginagawa mo Uno. Tignan mo. Pati ang kawawang tagapag alaga sayo ay sinasaktan mo. Nais mo pang patayin dahil lamang sa isang babae? Uno nababaliw kana ba?"
Masakit ang sinasabi ni Tiya. Pero wala na lamang sumagot. Mabilis na din ang pagmamaneho nito kaya kaydali kaming nakarating sa hospital.
"Kung hindi niyo lamang ako ginagalit, wala sanang mangyayaring ganito." saad ni Uno na siyang binigyan ni Tiya ng sampal.

Bình Luận Sách (150)

  • avatar
    Claudine Bustos

    so nice

    07/09/2023

      0
  • avatar
    Zxiaharra Jane

    ganda ng story

    15d

      0
  • avatar
    Joel Lucban

    hi love

    24d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất