logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

3 - Pagkabigo at Pagkagulantang

June 17, 1955
Oras: 9:00 ng Gabi
Sa wakas dumating na ang hudyat ng kalayaan ni Andres sa mahiwagang silid na iyon.
Dali-dali siyang lumabas at nagtungo sa mahiwagang silid ni Orasiana.
Kailangan niyang malaman ang sagot nito sa kanyang kahilingan.
"Iginagalang na Orasiana, ako'y nagsusumamo, nawa'y mapagbigyan nyo ako sa aking hiling." tawag niya kay Orasiana nang marating ang mahiwagang kanlungan ni Orasiana sa harap ng lumang orasan.
Katahimikan ang sumunod na lalong nagpakaba kay Andres. Nababalot na siya sa pangamba na baka hindi talaga siya mapagbibigyan ni Orasiana sa hiling niya ngayon para sa katipan.
"Iginagalang na Orasiana, nawa'y dinggin ninyo ang aking tawag. Ako'y humihiling na sana'y makausap kayo sa pagkakataong ito." ulit ni Andres habang nanalangin ng tahimik sa kaniyang isip na sana'y kausapin siya ni Orasiana.
Tumunog ang malaking orasan hudyat ng presensiya ni Orasiana.
"Andres. . ." isang boses na parang dinadala ng hangin ang pumailanlang sa buong silid na nagbigay liwanag sa mukha ni Andres.
"Iginagalang na Orasiana! Maraming salamat at ako'y iyong kinausap." buong kagalakan na sambit ni Andres.
"Andres! Ikinalulungkot ko pero hindi kita mapagbibigyan sa ngayon." wika ng tinig mula sa malaki at lumang orasan na unti-unting nagpabago ng ngiting sumilay sa mukha ni Andres.
Kabiguan ang unang naramdaman ni Andres na kasunod ay kalungkutan.
"Para din sayo itong ginagawa ko, Andres. Maiintindihan mo rin ako pagdating ng tamang panahon." dugtong ni Orasiana.
"Ngunit paano kita maiintindahan kung ngayon pa lang ay puro lungkot at pighati ang dulot sa akin ng iyong desisyon?" tanong ni Andres na may hinanakit sa boses.
"Makakabuti sa iyo ang aking desisyon. Kung gusto mong makalabas dito at makarating sa panahon ng iyong pinakamamahal na si Lailanie ay hindi ka dapat patuloy na magsayang ng oras kasama siya. Lahat ng iyon ay may katapusan." pagpapahiwatig ni Orasiana sa gusto niyang iparating kay Andres.
"Ano ang ibig ninyong ipahiwatig sa akin? Mali ba na nagmahal ako? Mali ba na ginugugol ko ang oras ko sa taong mahal ko?"tanong niya na may pait sa boses
"Hindi iyon mali, Andres. Kailanman ay hindi naging mali ang magmahal ngunit kailangan mong isipin ang pang habang-buhay na kaligayahan kaysa panandaliang kasiyahan, Andres."
"Hindi kita maintindihan, mahal na Orasiana. Hindi ko kayang hindi makita si Lailanie. Siya na ang buhay ko ngayon. Siya ang nagbibigay saya sa puso ko."
"Nasa isip mo lang ang mga iyan, Andres. Nabuhay kang nakakulong dito ng mahabang panahon na wala si Lailanie. Makakaya mo ding magtiis ng ilang panahon para tuluyan siyang makasama. Pag-isipan mong mabuti ang nais kong ipahiwatig sayo."
Puno ng kalungkutan ang puso ni Andres ngunit alam ng kanyang puso na tanging kapakanan lamang nilang lahat ang iniisip ni Orasiana. Umalis si Andres sa harap ng orasan at lumisan sa mahiwagang kanlungan ni Orasiana.
Matalinghaga ang mga salita ni Orasiana. Hindi niya maisip kung ano ang nais nitong ipahiwatig. Bumabalik-balik sa isip niya ang mga sinabi nito habang naglalakad-lakad sa hardin sa likod ng mahiwagang bahay.
"Kumusta ang iyong pakikipag-usap kay Orasiana, Andres?" narinig niyang tanong ni Rolexur, ang punong tagapangalaga at bantay ng mahiwagang bahay at sa lahat ng mga nakakulong doon.
"Hindi niya ako mapagbibigyan sa ngayon. Ubod ng hiwaga ang mga salitang inihayag niya sa akin." sagot ni Andres sa kaharap.
"Manalig ka lang sa kaniyang desisyon at pakaisiping mabuti ang lahat ng kaniyang sinabi. Mahalaga ang bawat salitang bibitiwan niya, Andres. Huwag kang magpadala sa kabiguang nadarama mo sa mga oras na ito dahil may mas mahalagang bagay ka pang dapat unahin kaysa magpa-alipin sa damdaming 'yan." pagkasabi ng mga salitang iyon ay lumisan na si Rolexur sa hardin.
Naiwan si Andres sa hardin na kabiguan at pighati ang nararamdaman dahil hindi niya makakasama ang pinakamamahal na si Lailanie. Ngunit, sa isang banda ay napaisip siya sa mga binitiwang salita ni Orasiana at dinagdagan pa ni Rolexur.
**********************************
June 18, 2012
Oras: 6:00 ng gabi
Nakaupo si Lailanie sa harap ng kanyang vanity mirror habang inaayusan ng make-up artist na kinuha ng kanyang Ina. Kalungkutan ang naaaninag sa kanyang mga mata.
Wala na siyang pag-asang makapiling ang kasintahang si Andres dahil nasa probinsya na siya ngayon para ipagdiriwang ang kanyang birthday. Iyon ang kagustuhan ng kanyang ama.
"Ngiti naman diyan ija. Debut mo ngayon at dapat masaya ka." Narinig niyang wika ng kanyang Ina na nakatayo sa gilid niya.
Pilit na ngumiti si Lailanie para pagbigyan ang Ina subalit hindi ito umabot sa kanyang mga mata.
"Ang ganda ng anak ko. Sigurado akong kaiinggitan ka ng mga dalaga mamaya at hahangaan ng mga binata." Hindi siya nasiyahan sa sinabi ng Ina.
Wala naman kasi siyang pakialam sa mga nabanggit ng kanyang Ina. Wala nga siyang pakialam sa laki ng party na idinaos ng kanyang lolo't lola.
"Siyanga pala nak, may importanteng bisita ang papa mo. Gusto ka niyang ipakilala mamaya." wika Ng kaniyang ina
Pero walang gana si Lailanie na tumango lang bilang tugon sa sinabi ng kanyang Ina.
Pagkatapos niyang maayusan ay lumabas na si Lailanie sa malaking hardin na pinagdausan ng party niya sa hacienda ng kanyang lolo't lola sa Palawan.
Maraming bisita na ang nagsidatingan na isa-isang sinalubong ng kanyang mga magulang.
Sinimulan na ang party niya kasabay ang pagserve ng pagkain at inumin sa mga bisita.
Hindi niya kilala ang mga dalaga't binatang kasama sa kayang cotillion. Lalo na ang binatang sumalubong sa kanya sa baba ng hagdan pagbaba niya ng mansyon ng kanyang lolo't Lola.
Ngiting-ngiti ito habang inaalalayan siya papunta sa party. Ito din ang last dance niya sa cotillion bago siya kunin ng kanyang Ama para sa Father-daughter dance.
Nagkakasiyahan na ang lahat nang agawin ng Ama ni Lailanie ang atensiyon ng lahat lalong-lalo na ni Lailanie.
"Magandang gabi sa inyong lahat. Ikinagagalak ko ang inyong pagdalo sa debut ng aking anak na si Lailanie." Wika ng Ama na lumapit sa kinauupuan niyang silya sa mini stage na ginawa ng events team na nag-ayos ng venue.
Biglang kinabahan si Lailanie na hindi niya mawari. Parang hindi maganda ang kutob niya sa mga susunod na sasabihin ng Ama.
"Ngayong Gabi at gusto kong ipakilala si Robert Faustino, ang nag-iisang anak ng matalik kong kaibigan dito sa Palawan. Robert can you join us here?" Yaya ng Ama sa binatang sumalubong Kay Lailanie kanina.
Mabilis namang nagpunta sa harap ang binata nang nakangiti. Gwapo ito at matangkad pero hindi ko gusto ang aura niya.
"Ngayong gabi, nais kong ianunsyo sa lahat ang engagement ni Robert Faustino sa anak kong si Lailanie." Anunsyong labis na ikinagulat no Lailanie.
"Papa? Anong sinasabi niyo?" Gulat na tanong ng dalaga sa kanyang Ama. Biglang nagulantang ang kanyang mundo sa mga narinig.
"Siya ang lalaking inilaan namin para sayo anak." Tugon nito sa tanong ni Lailanie.
"Pero Papa! Hindi ko siya kilala at lalong hindi ko siya nobyo para pakasalan siya. No! Ayoko Papa! Hindi ako magpapakasal sa kanya!" Wika ni Lailanie na hilam sa luha sabay takbo papasok sa mansyon.
"Lailanie! Bumalik ka rito!" narinig niyang tawag ng kaniyang ama sa kaniya habang determinadong makalayo sa lugar na iyon. Sa lugar kung saan unti-unting nasisilayan ni Lailanie ang pagguho ng kaunting pag-asa na magkakaroon ng katuparan ang pag-iibigan nila ni Andres.
Gulong-gulo ang isip ng dalaga. Hindi siya maaaring magpakasal sa Robert na 'yon.
Si Andres lang ang gusto niyang pakasalan at wala nang iba. Siya Lang gusto niyang makasama hanggang sa pagtanda. Sa piling ni Andres niya lang naramdaman ang sayang hindi niya naramdaman sa iba dahil alam niya at ramdam niya ang tunay na pagmamahal nito para sa kaniya.

Bình Luận Sách (40)

  • avatar
    AL Bios

    Magan da

    23d

      0
  • avatar
    Prescious Aichel E. Mutia

    super beautiful story

    16/08

      0
  • avatar
    Kurt Laurence Decritales

    hi po

    03/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất