logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 2 Malice

Chapter 2 
ROE 
Matapos ng lunchbreak namin, sabay na kaming bumalik ni Sean sa classroom. Kaagad ngang bumungad ang mga mata sa amin ng mga kaibigan niya maging ni Tolentino. 
Sean’s friends were surprised and amazed, while Tolentino is serious and annoyed. 
Bumalik ako sa upuan ko matapos kong magpaalam kay Sean. I ignored those eyes and sighed.  
Hindi ko na siya nilingon pa at nagdire-diretso na lang ng lakad. Palapit kasi ang mga kaibigan niya sa kaniya kaya pinili ko nang umalis na sa tabi niya at maupo na sa upuan ko. 
Nang makaupo ako naglibot ako ng tingin sa buong classroom at natagpuan ko ang mga mata ni Tolentino. Walang pinagbago. Napaiwas na lang ulit ako ng tingin at napabuntong-hininga. Kung anuman ang problema niya ay wala na akong pakialam. 
Dumating na si Ms. Gallardo kaya nagpulasan na ang mga kaibigan ni Sean. Pero nakita ko pa ang saglit na pagbaling nila sa akin. May mga malalapad na ngiti sa mga labi na animo masaya sa kung anong naiisip. 
I stifled myself from arching a brow as they were looking at me with that smile. It makes me uncomfortable. 
After they got seated, Ms. Gallardo quickly started the class. 
“Roe!” dinig kong tawag sa akin ni Sean. May pagmamadali rin sa tono ng kaniyang boses kaya mabilis akong lumingon sa kaniya. 
“Huh?” tanong ko nang lingunin ko siya. 
Napahinto ako sa paglalagay ng gamit sa bag ko nang makita ko siyang patakbong lumapit sa akin. 
Nang makarating siya sa harap ko ay bigla naman siyang nanahimik at saka kumamot sa kaniyang batok. Napataas tuloy ako ng kilay. 
“Uuwi ka na ba kaagad? G-Gusto mo sabay na tayo?” tanong niya sa akin. 
“Sean, tandaan mo may meeting tayo with Ms. Pau after class which is ngayon na.” mabilis na singit ni Tolentino na hindi ko na namalayang nakalapit na sa amin. 
Nilingon ko siya at nabungaran nga ako nang mabilis niyang pag-irap sa akin. Nakahalukipkip siya at nakatingin kay Sean. 
Her eyes evidently show determination to fully pull Sean to attend the meeting. 
“I would love to, Sean. Pero may daraanan pa kasi ako, e.” I said and gave him an apologetic smile. 
“Gano’n ba?” he then scratched his nape again but his eyes are now at ease and no longer embarrassed. “How about next time?” he added. 
“Sure, but for now, I have to go.” I zipped my bag and carried it and looked back at him and smiled. 
I waved my hand in front of me, he imitated me. That was my good bye for him. 
Nilingon ko si Tolentino at nakita ko ang pagngisi niya. Tila na nanalo sa laban kaya ganito ang reaksyon. 
Nilampasan ko lang siya maging si Sean at nagdire-diretso nang lumabas. 
Kung iniisip ni Tolentino na nagpalusot ako dahil sa kaniya nagkakamali siya. Totoo na may daraanan pa ako at iyon ay ang Kuya ko. 
Nang tuluyan nga akong mababa sa ground ng building namin ay napabuntong-hininga na lang ako nang mapatingin sa mahabang hallway. 
Kung tutuusin, malapit lang talaga ang gymnasium ng department nina Kuya kung sa gitna ka ng quadrangle daraan. Pero dahil tirik pa rin ang araw kahit pa mag-a-alas dos na ng hapon ay titiyagain ko na lang na maglakad sa hallway para hindi mainitan. 
Marahas akong muling bumuntong-hininga at saka tuluyan naglakad patungo sa gymnasium nila. 
Nang makarating nga ako roon ay huminto ako sa tapat ng nakasiwang na pinto at binunot ang cellphone sa bulsa. 
“Kuya, nasaan ka ba banda?” bungad ko nang sagutin niya ang tawag ko. 
I wiped the sweat crawling down to my chin as I wait for his respond. “Nasa loob. Pasok ka, ‘So.” saad niya. 
Even though I’m already a graduating Junior High School student, Kuya Rei still calls me Bunso. 
I sighed as a protest but quickly gave in. I hung up the phone and looked at the door. 
I stared at it for a few seconds before sighing again and slowly walked towards it. 
I held the knob nervously and entered. 
Mabilis na naglibot ako ng tingin para hanapin ang kapatid. May iilan sa mga nagte-training ng basketball ang napahinto sa gawi ko. Hindi ko sila matignan sa mga mukha dahil para akong nalulunod kahit pa halos nasa kinse lang naman sila. 
Eyes are never been my flavor. They are all just making me uncomfortable. I can only see them when people are not looking at me. 
“Roe! Bunso!” umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Kuya sa buong gymnasium. 
Maging ako ay napaigtad dahil doon. Nang ilibot ko nga ulit ang tingin ko para hanapin siya ay nakita kong nakataas na ang kamay niya at kumakaway sa akin. 
Mabilis akong naglakad sa gilid ng court. Nasa kabilang side siya kaya kailangan ko talagang madaan ang court ng mga nagba-basketball. Dahil sa kabila sina Kuya nagpa-practice. He's a varsity player in volleyball. 
Ramdam ko ang mga mata nila habang naglalakad ako palapit sa kapatid ko. Napabuntong-hininga ako nang tuluyan nang makarating sa harap niya. 
“K-Kailangan mo ba talagang sumigaw?!” naiinis kong bulong ko sa kabila ng pagkautal. “Bakit mo ako pinapunta rito? Bakit kasi hindi mo na lang sinabi sa akin sa text, nagawa mo naman akong sabihan na pumunta rito, bakit hindi mo pa sinabi purpose!” dagdag ko at saka umirap sa kapatid. 
Mabilis naman siyang matamis na ngumiti sa akin at saka ako inakbayan. “Baka kasi mamaya hindi ka pumayag, e.”malambing na aniya. 
“Ano ba kasi ‘yon?”
“Will you carry my bag home?” he pointed his bag resting on one of the chairs. 
“Why?” I asked with knitted eyebrows. 
“It’s too heavy, e. Dala ko rin kasi gym bag ko kasi nga may training.” 
Sumimangot si Kuya at saka sinandal ang ulo sa ulo ko. 
“Ayaw ko naman talagang utusan ka, pero kasi mahirap magdala ng mabigat after training, e.” aniya. “Kaya sige na, Bunso. Uwi mo na bag ko?” malambing na sabi niya. 
“Mag-uumpisa na ba kayo?”
He removed his head from me and looked at me. “We’re still doing warm-ups, so not yet.” 
“Hm, okay. Wait for me here.” I moved away from him preparing to leave. 
“Huh? Uuwi ka na? Paano ‘yong bag ko?” tanong niya. 
Napatakla naman ako sa kaniya at saka bumuntong-hininga. “Iuuwi ko, ‘wag ka mag-alala.” irap ko. “Pero may pupuntahan lang ako sandali. Hintayin mo ako rito.” sabi ko at saka siya tinalikuran. 
“Don’t ditch me.” 
“I won’t." I rolled my eyes and sighed. 
Mabilis akong lumabas ng gymnasium at saka naglakad patungo sa cafeteria nila. Mabuti na lang talaga kahit malaki ang Senior High School department ay malapit lang sa gymnasium ang cafeteria. 
Mabilis akong kumuha ng gatorade sa isa sa mga refrigerator at saka mabilis na pumunta sa counter. 
Nang mabayaran, nagmamadali akong naglakad pabalik sa gymnasium. 
Tulad kanina nang makapasok ako, may iilan na napahinto pero nagtuloy-tuloy na lang ako sa paglapit sa kapatid. 
Inilahad ko sa harap niya ang gatorade. “Drink this, ha? Uuwi na ako.” I said and motioned the bottle closer to him. 
“Hm, thank you.” he said touched. “Text me or call me when you reached home.” 
“Hm, I will.” 
Lumapit ako sa upuan kung saan nakapatong ang bag niya at saka sinukbit iyon. 
It was really heavy. Pero hindi hamak na mas mabigat ang bag ko. Nang makuha na ang bag niya at masukbit lumapit ulit ako sa kaniya para muling magpaalam. 
“Mag-iingat, Roe Celline, a. ‘Yong bilin ko, ‘wag mo kalimutan.” 
“Hm, hindi ko kakalimutan.” tumango ako. 
After I bid my good bye, I quickly walked towards the school gate which is pretty far from the Senior High Dept. 
Ilang minuto rin ang lumipas nang lakarin ko ang distansya ng Senior department at ang labas ng eskwelahan namin.
Napabuntong-hininga ako. Nangangawit na sa bigat ng mga bag kong bitbit.
Napasimangot ako. Gustuhin ko man magreklamo kasi ang bigat talaga ng mga ito ay hindi ko magawa, to think na dinala ito ni Kuya with his gym bag. It must be really heavy for him. This is just a little help for him. I know how much tiring their training is. 
Tumawid ako sa kabilang kalsada.
I took a glance at the road to see if there was a jeepney passing through in front of our school.
Mabilis lang naman akong makasasakay dahil ilan na lang naman na ang mga estudyanteng nagsisipag-labasan. Kung kanina siguro na kasagsagan nang paglabas ng mga estudyante nang sabay-sabay ay baka matagalan ako. Pero ngayon na kaunti na lang ay mas madali.
“Roe!” biglaang pagtawag ng kung sino sa kalagitnaan nang paghihintay ko ng masasakyan.
Mabilis ko naman iyong hinanap. Nakita ko si Sean na nakahinto sa tapat ng eskwelahan namin at tumitingin sa parating na mga sasakyan. Nang masiguro niyang maluwag na ito ay saka siya nag-pedal at tumawid patungo sa lugar ko.
Ngumiti siya sa akin nang makalapit nang tuluyan. Huminto siya sa harapan ko at saka sinipat ng tingin ang dala kong bag.
“Mabuti na lang naabutan kita!” saad niya. “So, ano ‘yan?”
Napatingin ako sa kaniya sa mga mata dahil doon.
I mean, seriously?
“Uhm... Bags?” patanong na sagot ko.
I tried my best not to sound sarcastic. I'm just really hoping it does not offend him.
He curved his lips again for a smile, but this time it was wider. He might realize why I answered him like that.
“Oh! Yeah, right.” natatawa niya pang sabi at saka napakamot sa batok niya. “By the way, gusto mo bang sumabay ulit sa akin?” tanong niya sa akin.
“Do you think there'll be a jeepney coming?” tanong ko naman sa kaniya. Binalik ko ang tingin sa kalsada at nakitang wala pa ring jeep na paparating.
"Of course," he said.
I turned my gaze to him and arched my right eyebrow.
His tone is like my tone a while ago. He imitated my tone.
Gumaganti?
“But I don't know when it'll come.” he added and looked at me.
“Hm, will it be, okay?”
“Sumabay sa 'kin? Of course.” agad na sagot naman nito.
“Okay. Thanks.”  ani ko at ngumiti sa kaniya nang matamis.
He looked at me, surprised. His eyes widened, and his mouth hung open. But he quickly closed it and fixed himself.
He faked a cough before putting his right foot on the pedal. “Hop on, now.” saad niya.
Mabilis naman akong naglakad patungo sa likuran ng bike niya. Ngunit bago pa man ako tuluyang makaupo, pinahinto niya ako.
“Would you like to put those bags on the basket?”
“Ito na lang siguro. Hindi ba bibigay ‘yan, masyadong mabigat ‘to, e.”
“Nope, it won’t.” sagot niya.
Tumango naman ako sa kaniya saka ako lumapit sa may harapan at tinanggal ang nakasukbit na bag sa likod ko. I removed my bag in front of me. Sinukbit ko iyon sa aking balikat at saka inayos ang uniform na bahagyang nalukot. Inilipat ko na ito sa aking harapan ngayon.
Marahas akong napabuntong-hininga dahil sa wakas nakaramdam ako nang ginhawa.
Akma na sana akong uupo nang mapahinto dahil napatingin ako sa bandang gate ng school.
Ang bike ni Sean ay nasa tapat ng school sa kabilang kalsada. Ako naman ay nasa kanang parte ng bisekleta niya, salungat sa kalsada. Nakahinto dahil sa nakita. Bahagyang nanlaki ang mga mata, hindi rin matago ang pagtataka at pagkailang.
Ang mga kaklase namin. Lahat sila ay nakatingin sa amin, nakangiti, animo naaaliw sa tanawin. Maliban lang sa isa. Si Tolentino, katulad ng itsura niya kanina nang lampasan ko siya sa classroom ay gano’n pa rin ang mukha niya, seryoso at nakakunot ang noo. Nakahalukipkip din siyang nakatingin sa amin.
Hindi ko napigilan ang mapangiwi dahil sa nakita. Those eyes are making me uncomfortable.
“Roe?” tawag ni Sean saka ako nilingon.
Sinipat ko rin siya ng tingin at napalunok. I can still feel their eyes on us.
“Bakit? May masakit ba sa 'yo?” Sean asked, worried.
I saw him take a quick glance from my head-to-toe with his wrinkled eyebrows through my peripheral view.
“Roe? Magsalita ka. Ano masakit?” pag-uulit niya.
“T-They are looking at us.” I said almost whispering.
“Huh? Who?”
“Our classmates.”
Mabilis naman niyang nilibot ang tingin sa buong paligid.
Nang makita niya ang mga ito ay s-um-eryoso ang mga mata niya. Nanatili ang tingin niya roon nang ilang segundo.
“Sige na, Roe. Sakay na.”
Napansin niya siguro ang pag-estatwa ko sa kinatatayuan ko. 
Tumango ako sa kaniya at saka sumakay na sa likurang bahagi ng bike niya. Hindi ko na binalingan pa ng tingin ang mga kaklase namin ngunit bago ako tuluyang ipinaandar ni Sean ang bike ay napapikit ako sandali bago huminga nang malalim.
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa mga isip nila pero ang alam ko lang ang mga mata nila ay nagdudulot nang kung anong pakiramdam sa akin.
“Dito na lang siguro, Sean.” ani ko kay Sean.
“Huh? Bakit?”
“Gusto ko lang maglakad.” sagot ko na lang.
Parang bigla kong naramdaman na nanghihina ako. Hindi mawala sa akin ang mga mata nila. Eyes, I always refuse to look at. Eyes full of judgement and malice.
“Sigurado ka ba? Mabigat itong dala mo?” pagsisiguro ni Sean.
Napabuntong-hininga ako, alam kong mabigat ang dadalhin kong gamit pero gusto ko na lang talaga maglakad.
“H-Hindi, ayos lang, Sean. Maraming salamat.” binalingan ko siya nang tingin at nginitian nang tipid.
Pakiramdam ko naubusan ako ng lakas.
Inabot sa akin ni Sean ang bag na mabilis ko naman kinuha at muling isinukbit sa aking mga balikat.
Bumaling muli ako sa kaniya ng tingin at saka siya nginitian muli. Pero kita ko sa mga mata ni Sean na nag-aalangan siya. Marahil siguro sa itsura ko.
“Okay ka lang ba talagang maglakad nang buhat iyan?” Tanong niya pa.
Dahan-dahan naman akong tumango at saka ngumiti. “Oo. Salamat ulit. Ingat ka sa daan mo pag-uwi.” ani ko.
“Sige. Aalis na ako.” sabi niya at ipinuwesto na nga ang kaniyang kanang paa sa pedal.
Tumango akong muli sa kaniya. Kumaway ako bago siya tuluyang tumalikod. Hinatid ko lang siya ng tingin at nang masiguro na wala na siya sa paningin ko humarap na ako sa daan ko pauwi.
Napabuntong-hininga ako. ”Do I really have to carry you guys ‘til home?” nakasimangot na saad ko habang nakatingin sa bag na sukbit sa harapan.
Marahan ko rin iyong tinapik-tapik at saka naglabas ng hangin sa ilong.
“Oh, bakit dala mo iyan? Nasaan si Rei?” bungad na tanong ni Mama nang makapasok ako sa bahay.
Kaagad kong hinagis ang mga bag namin ni Kuya sa single-seat sofa at saka pabagsak na humiga sa mahabang sofa. Itinakip ko ang kaliwang braso sa mga mata at saka pumikit.
Biglang r-um-ehistro sa akin ang pagod at ngawit nang makauwi.
“Roe! Nasaan ang Kuya mo?!” may kalakasan na boses na tanong ni Mama.
Inalis ko ang braso sa mga mata at saka dumilat. Binalingan ng tingin si Mama na ngayon ay nakapameywang na sa harap ko habang hawak ang spatula sa kanang kamay. Kunot ang noo at halatang nag-aalala.
“Roe Celline?” pagtawag niya sa buong pangalan ko.
Gusto kong ngumiwi pero hindi ko naman magawa. Bumangon na lang ako sa pagkahihiga at saka huminga nang malalim. Naglahad ako ng kamay kay Mama at kaagad naman niyang inilahad ang kaniya, nagmano ako ro'n, bahagya naman siyang yumuko at lumapit sa akin at hinalikan siya sa pisngi.
“Nasaan ang Kuya Rei mo?”
“Nag-practice po.” maiiksi kong sagot.
“Huh?”
“Malapit na kasi intramurals. Sabi may practice daw siya ngayon, e, mabigat na ‘yong gym bag niya kaya pinauwi niya na sa ‘kin ‘to.” sagot ko ‘tsaka binalingan ng tingin ang bag ni Kuya sa sofa.
Bumaling din si Mama roon at tumango-tango. Wala na rin ang kunot niyang noo pero nakapameywang pa rin. “Kaya pala kanina dalawa ang bag niya tapos parang ang bigat-bigat. Nakangiwi siyang nagpaalam sa akin, e.” kwento niya pa.
Bumaling siyang muli sa akin ng tingin. Mabilis na nagbago ang itsura niya. Bumalik sa pagkakukunot ang noo niya at nakasimangot na rin siya. Humalukipkip siya, hawak pa rin ang spatula.
“Ikaw naman kasi! Umalis ka kaagad. Sana natulungan mo Kuya mo!”
Ngumuso ako sa tinuran ng Ina. “Sabi niya kaya, mauna na ako.”
“Kahit na. Dapat hinintay mo pa rin!” umirap pa ito matapos sabihin iyon. “'Di bale,” sambit niya pero huminto. “Ano gusto mong merienda?” naging malumanay na siya ngayon pero kunot pa rin ang noo.
Binigyan ko ng ngiti si Mama. “Matutulog na lang ako, ‘Ma. Pagod, e. Bigat ng bag ni Kuya.” sagot ko.
Tumango-tango siya. “Hm, sige. Gisingin na lang kita kapag kakain ka na. Mamaya ipasok mo ‘yan sa kwarto ninyo.” aniya.
Tinanguan ko naman ito at saka bumalik sa paghiga.
Hindi ko alam kung ilang oras akong naka-idlip pero nagising na lang ako sa mararahang katok sa kwarto ko. 
Nang makarating kasi si Papa ay bumati lang ako sa kaniya at saka nagpaalam na aakyat na muna para umidlip ulit. Sinabihan niya rin ako na sabayan na lang si Kuya sa hapunan dahil tiyak na walang kasabay iyon. 
Nakakunot ang noo akong bumangon at saka walang buhay na tinungo ang pinto ng kwarto ko. Ngunit bago pa man pihitin ang knob no’n ay uminat muna ako at humikab.
“Roe!” sambit ni Kuya.
Naiwan sa ere ang kamay niyang nakakuyom na halata namang ginamit niya upang katukin ako.
Binigyan niya ako ng nahihiyang ngiti at nagpatuloy. “Tulog ka na pala.” dagdag niya pa at pumeke ng tawa.
Nanatili akong tahimik habang tinitignan ang kabuuan ni Kuya. Nakakunot ang noong sumandal sa pintuan ng kwarto ‘tsaka siya tinignan mula ulo hanggang paa.
Suot niya ang kaniyang jersey. Dahil nga varsity player din si Kuya ay sandamakmak na jersey ang mayroon siya sa closet niya. Nakahubad na ang sapatos niya tanging medyas at tsinelas ang mayroon siya.
“Anong mayroon?” diretso kong tanong. Hindi pa rin nagbabago ang ekpresyon at itsura.
“Ano...” huminto siya sandali sa pagsasalita at tinignan ako, animo nahihiya. “Sabayan mo ako kumain?” nag-aalangan niyang aya sa akin. Binigyan niya pa ako ng nahihiya at maliit na ngiti.
“Huh? Ano oras na ba?” tanong ko sa kaniya.
“8 p.m. na.”
“Hm, nasaan sina Mama at Papa?” tanong ko.
“Maaga sila nagpahinga, e. Dumating ako rito, wala na sila sa sala.” sagot naman niya.
Kumunot lalo ang noo ko kay Kuya. “Hindi ka nag-dinner?!”
“Saan? After practice? Nag-dinner naman, nilibre kami ni Coach. ‘Yun lang alam ko kasi nagluto si Mama kaya hindi ako kumain doon nang marami. E, mukhang hindi ka pa rin kumakain, e.” paliwanag niya. “T-in-ext ako ni Papa na hindi ka raw sumabay sa kanila.” dagdag niya.
“Hm, sige na. Tara na.” pagpayag ko at saka umalis sa pagkasasandal at umabante. Sinara ko ang pinto ng kwarto ko at saka sumabay ng lakad kay Kuya pababa patungo sa kusina namin.
“Grabe! Ang bigat ng pakiramdam ko.” reklamo ni Kuya.
Nag-uumpisa na kaming kumain nang nagkwento siya. Katapat ko siya sa counter table namin.
“Hindi naman big deal ang intrams kung tutuusin pero gusto pa rin ni Coach na nasa kondisyon kami.”
“Huh? E, ‘di buong team nagpa-practice under ng Coach n'yo?” nakakunot-noo na tanong ko rito at saka sinubo ang nasa kutsarang pagkain.
“Hindi! Saktong si Sir Uluarte rin kasi ang cluster head namin kaya hands-on siya.” sagot naman niya.
“Hindi ba iyon unfair sa mga ka-teammate mo na nasa ibang cluster?” tanong kong muli.
Sumubo rin si Kuya nang sinandok na pagkain. Nagkibit-balikat pero ang atensyon ay nasa pagkain. “Iyon ang hindi ko alam.” sagot naman niya.
“Kung ako varsity player din tapos nagkataon na player ng intrams tapos nasa ibang cluster, magrereklamo ako.” sabi ko.
“Hm, oo, kahit ako rin siguro.”
Napangisi naman ako sa sinabi niya. “Tapos ngayong coach n’yo pa rin siya, okay lang? Hindi ka magrereklamo kasi pabor sa inyo?” medyo naging sarkastiko ang tono ng tanong ko sa kaniya.
Hindi ako sinagot ni Kuya. Nagkibit-balikat lang siya at nag-focus na lang sa pagkain.
“Good night, bunso!” ani Kuya, bahagyang pinahaba ang ‘bunso’.
Tapos na kami kumain at sinabi niya na maaga raw siyang magpapahinga kasi pagod siya. Sumang-ayon naman ako sa kaniya.
Wala na rin naman na akong gagawin pa, kaya napag-desisyunan ko na rin na pumasok na lang sa kwarto.
“Hm! Good night!” sabi ko.
Lumapit si Kuya sa akin ‘tsaka ginulo ang buhok ko. Mabilis akong nagprotesta at bahagyang itinapik ang kamay niya na gumulo ng buhok ko. Tinawanan niya lang ako, hindi ko napigilang mapairap sa kaniya.
“Good night!” ani ko na naiinis at saka pumasok na sa kwarto.
Nanatili akong nakatayo roon at masama siyang tinignan. Siya naman ay animo natutuwa pa sa itsura ko.
Sinadya ko kasing buksan ang pinto ng kwarto ko dahil hindi pa naman siya tuluyang nakaalis doon.
“Ang arte mo!” biro niya pa at saka umambang maglalakad na patungo sa kwarto niya. Bahagya pa siyang kumaway.
Nang mawala siya sa harap ng pinto ko ay ‘tsaka ko lamang isinara ang pinto. Kaagad akong pumunta sa kama ko at saka dumapa roon at pinaglaruan ang cellphone na iniwan ko.
“Roe!” Malakas na tawag sa akin ng kung sinong pumupukpok nang malakas sa pinto ng kwarto ko. “Roe, ano oras na?! Gumising ka na!”
Napabalikwas ako ng bangon nang r-um-ehistro sa utak ko ang boses ni Mama. Patuloy pa rin siya sa pagkatok.
Natataranta kong tinignan ang orasan sa kwarto ko.
6:30 a.m.
Shit!
“Opo! Gising na, ‘Ma.” ani ko at mabilis na bumangon sa kama.
Natataranta kong kinuha ang uniporme ko sa cabinet saka mabilis na lumabas at tumungo sa CR.
“Nasaan na si Kuya?” tanong ko nang makarating sa dining area.
Humalik ako sa pisngi ng mga magulang ko bago umupo sa upuan ko.
Sinipat ko si Mama ng tingin na ngayon ay abala na sa pagsasandok ng pagkain.
“Nakaalis na kanina pa. Alangan namang hintayin ka pa niya.” mataray naman na sagot niya.
Hindi ko mapigilang mapangiwi sa katarayan ni Mama pero hindi na ako nagsalita pa at mabilis na inumpisahan ang pagkain.
“Thank you, Lord!” mahinang bulong ko nang makarating ako sa tapat ng eskwelahan.
Laking pasasalamat ko na lang talaga at mabilis akong nakasakay pa kahit pa may pila.
“Oh, Roe!” napalingon ako sa boses na tumawag sa pangalan ko.
Mabilis kong binaling ang tingin sa likod ko. Agad bumungad sa akin si Sean. Hatak-hatak na naman niya sa dalawang kamay niya ang bike niya, pero this time mountain bike na iyon.
Napakunot ang noo ko sa kaniya. Pero ilang saglit lang din ay binigyan ko siya nang maliit na ngiti.
“Hi!” bati ko. Hindi alam kung ano ang sasabihin.
Naglakad siya palapit sa akin at kalaunan ay pumantay sa akin. Nakangiti niya akong binalingan. “Sabay na tayo.” sabi niya pa.
Nahihiya man ay tumango pa rin ako at saka sumabay ng lakad sa kaniya papunta sa classroom namin.
Huminto lang kami sandali dahil i-p-in-ark niya pa ang bike niya.
Nang makarating kami sa harap ng pinto ng classroom namin ay sinalubong na naman si Sean ng mga kaibigan niya.
Pero tulad kahapon, binigyan na naman nila ako ng ngiti, kakaibang ngiti na hindi ko alam kung tunay ba o hindi.
Naiilang akong lumampas sa kanila. Hindi na nag-abala pang magpaalam kay Sean, pero nang malampasan na sila ay hindi nakalusot sa akin ang huling sinabi ni Gomez.
“Napadadalas ang pagsasabay ninyo pumasok, a?!” sambit niya. “‘Tapos sabay rin kayo umuwi kahapon.”
Mabilis naman sumang-ayon sina Zafra at Estrella sa kaniya. 
Hindi ko alam kung anong ibig sabih
in no’n pero tanging alam ko lang ay may nais ipahiwatig ang tono ng boses ni Gomez.
Umalis na lang ako at hindi na nagpaalam kay Sean. Nakakunot ang noo kong pumunta sa upuan ko at saka tahimik na yumuko roon. Kahit nakayuko ay ramdam ko pa rin ang mga mata ng mga kaklase namin sa akin. 
Napapikit na lang ako at napabuntong-hininga. I had the same feeling, I’ve felt yesterday and the only thing that I can do is to sigh and ignore it. 

Bình Luận Sách (4)

  • avatar
    TVsarcilla

    Ang Ganda nya

    26/04

      0
  • avatar
    MaeShaina Kean

    Isn’t good story and sỗ beautiful

    04/07/2023

      0
  • avatar
    Precious Briana Sanico

    so I know what limits and boundaries 😁👀

    31/07/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất