Chapter 05 I'm Better Noong bata pa lamang ako ay pangarap kong magkaroon ng prinsipe na kaya akong ipaglaban katulad na lang ng mga napapanood ko sa T.V.Isang prinsipe na mamahalin ako higit pa sa isang prinsesa.Isang prinsipe na laging nand'yan sa tabi ko at gagawin ang lahat para hindi ako mahiwalay sa kanya. Pero nagbago ang pananaw ko sa buhay.Walang totoong prinsipe na magtatanggol sa akin...magmamahal sa akin na tunay at buo.Walang ganoon dahil puro fictional lamang ang nakikita ko sa T.V.Kaya hindi ko akalain na naging mas better pa s'ya kaysa sa unang taong nakilala ko.Kasi mas magaling s'ya dahil kayang-kaya n'ya akong bigyan ng saya at lungkot sa aking buhay. "Mababa na naman ang nakuha mo sa mga test at quizzes mo sa Math.Ikaw bata ka...bakit ba ang hina ng kokote mo pagdating sa Math?!"sermon agad ni Mama ang bumungad sa akin noong nakarating ako sa bahay. Nasopresa ako dahil nalaman n'ya pa talaga ang tungkol sa quizzes eh wala naman akong pinagsabihan tungkol doon dahil hindi ko ugaling sabihin kahit kanino kahit pa kay Geoffrey ang mga scores ko sa test at quizzes except kapag s'ya ang nagche-check sa papel ko. "Mama,mahina po talaga ako sa Math.Kahit ano pong pilit ko ganoon pa rin po lagi."naging tugon ko kay Mama. "Eh,paano ka mag-e-engineer n'yan kung mahina ka sa Math?!"tanong n'ya at nabigla naman ako dahil sa sinabi n'ya. "Anong ibig mong sabihin,Mama?Wala naman po akong sinabi na mag-e-engineer ako."takang tanong ko sa kanya. "Kami ni Papa mo ang masusunod sa course na kukunin mo sa College.Ang Ate Carlie mo ay kukuha ng abogasya,dapat ikaw ay kumuha ng engineer.Civil Engineering ang napili ng Papa mo at sa ayaw at gusto mo ay kami pa rin ang masusunod.Kami ang nagpapakain at nagpapa-aral sa'yo."sagot n'ya at pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko. Pati ba naman sa course na kukuhanin ko sa College ay sila dapat ang magdesisyon?Nasaan ang kalayaan ko para pumili ng gusto ko?Nasaan ang kalayaan ko upang sumaya?Bakit lagi na lang ganito?Lagi na lang sila ang nagdedisisyon sa mga bagay na kaya ko naman desisyunan. Dapat nga ay sa probinsya ako mag-aaral ng ,High School pero ayaw ni Mama dahil daw mababa lamang ang kalidad ng edukasyon sa probinsya kung saan kami lumaki ni Ate Carlie kaya lumipat kami dito at nailayo kami sa Lola ko na ang tanging tao na nakakaalam at nakakaintindi sa akin.Kaya wala kaming nagpagpilian ni Ate Carlie at sumunod na lamang kami sa gusto nila. "Anong nangyari sa'yo?Bakit gan'yan ang mood mo?"takang tanong ni Geoffrey noon makita n'yang malungkot ako. "Wala naman...ayos lang ako.Nanood lang ako ng movie na nakakaiyak kaya ganito ang mood ko.Alam mo naman na masyado akong naa-attach sa emosyon ng isang movie o teleserye."pagdadahilan ko para hindi na s'ya mag-alala sa akin. Kilala ko itong si Geoffrey,kailangan mo pang magsinungaling para hindi ka n'ya kulitin kung maayos ka lang ba,kung bakit malungkot ka.Masyado s'yang aware sa surroundings n'ya kaya kahit maliliit na bagay ay napapansin n'ya. "Good morning,nand'yan ba si Callie?"tanong ng isang pamilyar na boses dahilan para mapairap ako. Sumilip s'ya at ngumiti sabay kaway noong makita n'ya ako pero hindi ko s'ya pinansin,paniguradong kukulitin na naman n'ya ako.Ang kulit talaga ng mga lalaki,kasing-kulit n'ya si Geoffrey. "Grabe ka naman sa akin,babe.Hindi mo man lang ako binati."sabi ni Josh at sinamaan ko naman s'ya ng tingin. "Alam mo kung manggugulo ka lang,pwede ka ng umalis at wala ako sa mood para anuhin ang kayabangan at kakulitan mo."tugon ko sa kanya habang sinesenyasan s'ya na umalis. "Grabe ka talaga sa akin,babe.Kagabi lang ay chinat mo ako at sinabi mo na namiss mo ako.Hindi mo lang ako nakita kahapon,namiss mo ako agad."walang hiyang sabi n'ya at sinamaan ko talaga s'ya ng tingin. Para talaga s'yang si Geoffrey na walang hiya nagsasabi ng kung ano-ano kahit saan.Ni hindi man lang tinubuan kahit kaunting hiya,ako tuloy ang tinutubuan ng hiya sa kanilang dalawa.Mas gugustuhin ko pang makasama si Mandrake kaysa sa kanilang dalawa.Tinutubuan ako lagi ng hiya sa kanilang dalawa. "Alam mo kung paglalaruan mo lang ako,maghanap ka na lang ng iba.Sinabi ko sa'yo na hindi kita type at kahit kailan ay hindi kita magugustuhan dahil napakayabang mo."naging tugon ko sa kanya at natawa naman si Geoffrey. "Wala ka pala,p're.Mayabang ka pala eh,ayaw pa naman n'ya sa mayabang 'yan."sabat naman ni Geoffrey na kay aga-aga ay kumakain ng popcorn. "Eh,bakit ka kinaibigan?"inosenteng tanong ni Josh sa kanya at binato s'ya ni Geoffrey ng plastic bottle na walang laman. "Parehas lang kayong mayabang at mahangin.Nakakairita kayo kapag nakikita ko kayong dalawa na magkasama."naging tugon ko sa kanila at ginulo naman ni Geoffrey ang buhok ko. "Mas mayabang s'ya kaysa sa akin,Callie.Kasi mas gwapo ako sa kanya kaya nagyayabang s'ya kasi hindi n'ya mahigitan ang kagwapuhan ko."mahangin na tugon ni Geoffrey at napahilot naman ako sa sentido ko dahil sumasakit ang ulo ko sa kanilang dalawa "Umalis ka na,sa ibang araw ka na lang manligaw.Wala sa mood si Madam Callie ngayon."sabi ni Geoffrey sa kanya at itinulak naman nito si Josh sa labas. Napatingin ako sa mga kaklase ko at nagbubulungan sila.Paniguradong issue na naman porke't pinuntahan lang ako ni Josh.Hindi ba nila makita na hindi ko gusto si Josh?Hindi ba nila makita na paglalaruan lang ako ni Josh?Hindi ba nila makita na ayaw ko kay Josh?Hindi ba nila makita na mas gusto ko pang pumatol sa may pangit na pagmumukha kaysa pumatol kay Josh? "Anong magandang kulay para sa painting ko,Callie?"tanong ni Geoffrey sa akin sabay pakita ng pinaplano n'yang i-paint. "Sad theme ba?"tanong ko sa kanya at tumango naman ito. "Maganda kung ang dress no'n babae ay green tapos 'yung background n'ya ay half black and half white.Tapos dapat parang umiiyak s'ya pero dapat hindi masyadong halata."suhestiyon ko sa kanya dahil isang babae ang ipe-paint n'ya. "Dapat pala painter na lang ang naging pangarap mo,mas may talent ka sa painting at sa drawing."sabi n'ya sa akin at sinamaan ko naman s'ya ng tingin. "Bastos mo,'no?Bakit kaya kita naging kaibigan?"naging tugon ko naman sa kanya at natawa naman s'ya dahil sa sinabi ko. "Guys,sorry kung ngayon lang ako.Hindi kasi ako nakatakas sa cleaners.Ang galing maging security guard no'n leader namin."bungad na sabi ni Hershey sa amin. "Ayos lang naman kahit matagalan ka pa."sabi ko sa kanya habang nakangiti. "Oii,Geoffrey kasama ka pala sa painting contest.Hindi ko alam na marunong ka palang magpainting."baling na sabi ni Hershey kay Geoffrey na busy sa pagpla-plano ng ip-painting n'ya. "Ganoon talaga ang mga gwapo,itinatago ang kanilang talent."mahangin na tugon n'ya kay Hershey at napairap ako. Napatingin naman ako sa harapan ng glass wall ng convenience store at nakita ko si Mandrake na may kausap na isang babae at mukhang nagtatalo silang dalawa.Ano kayang nangyayari?Kaano-ano n'ya kaya ang babaeng kausap n'ya? "Si Mandrake 'yon 'di ba?"tanong sa kanila sabay turo sa direksyon ni Mandrake. Napatingin naman sila bigla at tumango sila noon mapagtanto nila na si Mandrake nga 'yung lalaki kausap ng isang babae na kasing-edad n'ya.Bigla akong nalungkot noong makita ko ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ni Mandrake.Gustong-gusto ko s'yang puntahan pero privacy nila 'yun at wala akong karapatan para makialam. "Kaano-ano kaya n'ya 'yon babae?"tanong ni Hershey habang kumakain ng ice cream na nasa cup. "Ang alam ko ay walang naging girlfriend si Mandrake baka pinsan n'ya lang."sagot naman ni Geoffrey habang pinapanood pa rin si Mandrake na kausap ang isang babae. Nabigla ako...kami noong lumuhod si Mandrake sa harapan ng babae habang hawak nito ang mga kamay ng babae.Mukhang hindi lang basta pinsan n'ya ang babae,baka may bagay kaming hindi alam tungkol sa kanya.Umiiyak pa rin s'ya habang nagsasalita at nagmamakaawa sa babae.Umiiyak rin ang babae pero pinipilit n'yang tanggalin sa kamay n'ya ang mga kamay ni Mandrake. Nabigla naman ang dalawa noong lumabas ako sa convenience store.Hindi ko kayang makitang gan'yan si Mandrake.Agad akong lumapit sa direksyon nila at nagulat si Mandrake ng makita ako. "Tumayo ka na d'yan,Mandrake.Hindi ka dapat magmakaawa sa isang babae na hindi man lang naawa sa'yo."sabi ko sa kanya habang tinutulungan ko s'yang tumayo. Tinanggal ko ang mga kamay n'ya sa mga kamay ng babae at mukhang nagulat ang babae sa ginawa ko.Kahit na school mate at hindi kami close ni Mandrake,nakakaramdam pa rin ako ng lungkot dahil hindi ko kayang makakita ng isang tao na nagmamakaawa sa isang tao na hindi man lang nakaramdam kahit kaunting awa. "C-callie..."humahagulgol na tawag n'ya sa pangalan ko. Ngumiti ako sa kanya at seryoso akong humarap sa babaeng kausap n'ya.Nakita ko ang lungkot sa mga mata nito. "Hindi naman sa nakikialam ako sa away n'yong dalawa pero hindi ka karapat-dapat sa pagmamahal ni Mandrake.Hindi ka karapat-dapat na pagmakawaan ni Mandrake.Hindi ka karapat-dapat na luhuran para lang pumayag ka.Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo pero ayaw kong makakita ng taong kakilala ko na umiiyak at nagmamakaawa sa isang tao na hindi man lang naawa sa kanya."seryosong sabi ko sa kanya at nakita ko ang pangingilid ulit ng mga luha n'ya. Humarap ako kay Mandrake at napaluha na lang ako bigla noong makita ko ang kanyang mukha.Puno ng sugat at galos ang kanyang mukha,may kaunting black eye s'ya at halos wala na yata s'yang tulog dahil sa laki ng eyebags n'ya.Ang alam ko ay hindi s'ya pumasok ngayon araw dahil may sakit daw s'ya. "Anong nangyari sa'yo?Bakit gan'yan ang mukha mo?Nasaan na 'yun Mandrake na sobrang ayos ang mukha?"tanong ko sa kanya habang nakangiti at pinipigilan ko ang mga luha ko na bumagsak. Ayaw kong iparamdam sa kanya na naawa ako sa kanya.Gusto kong iparamdam na pwede n'ya akong maging sandalan sa mga oras na may problema s'ya.Nabigla naman ako noong niyakap n'ya ako at umiyak.Niyakap ko s'ya ng pabalik habang hinahaplos ang likod n'ya. Right now,nakita ko ang side ni Mandrake kung saan itinatago lamang n'ya ang sakit na nararamdaman n'ya.Ang side ni Mandrake na hindi ko akalain na nag-e-exist pala.Ang side ni Mandrake na nagmula sa nakaraan n'ya. "Kamusta na si Mandrake?"tanong ni Hershey noon bumaba ako sa hagdan. Nandito kami ni Hershey sa apartment kung saan nakatira si Geoffrey.Hinayaan n'ya muna na dito kami matulog ni Hershey dahil may problema rin si Hershey sa bahay nila kaya kailangan n'ya daw munang takasan ito.Ako naman ay nag-aalala kay Mandrake dahil sa kalagayan n'ya at buti na lang at pinayagan ako nila Mama.Nagsinungaling pa ako na may importanteng bagay akong aasikasuhin,syempre bago ako pinayagan binigyan muna ako ng sangkatutak na sermon mula sa armalite na bibig ni Mama. "Ayun,mahimbing ang tulog pagkatapos n'yang umiyak at magpalit ng damit."sagot ko sa kanya at umupo sa tabi n'ya. "Nasaan si Geoffrey?"tanong ko sa kanya noon hindi ko napansin ang mokong. "Lumabas para bumili ng pagkain,ubos na daw kasi ang stock ng mga pagkain."sagot ni Hershey habang kung ano-ano ang pinipindot n'ya sa cellphone n'ya. "Sa tingin mo...ex girlfriend ba ni Mandrake 'yun babae kanina?"tanong ko sa kanya dahil kanina pa ito bumabagabag sa utak ko. Gusto kong malaman kung ex ba n'ya ito o hindi.Hindi dahil may nararamdaman akong selos,dahil gusto ko lang malaman ang totoo.Si Mandrake at tahimik na tao at pinipili lang ang pinaniniwalaan at pinagkakatiwalaan n'ya.At sabi sa akin ni Geoffrey ay may feelings daw sa akin si Mandrake pero bakit kailangan n'yang magmakaawa sa ex girlfriend n'ya? "Maybe...alam mo kasi kahit tanungin pa natin si Mandrake,paniguradong hindi pa rin n'ya sasabihin sa atin ang totoo.Baka magalit sa atin si Mandrake kapag ipinilit natin na malaman ang katotohanan.Si Mandrake 'yung tipong tao na pwedeng magalit sa'yo lalo na kapag tungkol sa nakaraan n'ya."sagot ni Hershey at napatango-tango ako dahil naiintindihan ko ang gustong ipunto ni Hershey. Nagluluto ako ng hapunan namin at katulong ko si Geoffrey.Si Hershey naman ay gumagawa ng mga assignments nila.Wala talaga s'yang balak munang umuwi sa bahay nila kahit pa naiwan n'ya doon ang dalawa n'yang kapatid.Mas gugustuhin n'ya munang tumakas sa mga problema na kinahaharap nila kahit ngayon lang daw. "Nalaman ko na may ex girlfriend si Mandrake pero hindi ako sure kung 'yung babae kanina ay ang ex girlfriend n'ya."sabi ni Geoffrey habang naghahalo. "Kanino mo naman nalaman?"takang tanong ko sa kanya at tumigil ako sa paghihiwa. "Kay Gabriel,sa pinsan mo.Kaibigan n'ya daw si Mandrake noon Junior High sila.Syempre medyo madaldal pa daw noon si Mandrake kaya nakakapag-kwento pa ito kay Gabriel.Ang sabi ni Gabriel ay may nangyari daw kay Mandrake at sa ex n'ya na hindi n'ya alam.Kumbaga,may tinatago sa atin si Mandrake o sa mga kakilala n'ya."paliwanag n'ya at napatango-tango naman ako. Kinuha ko 'yung plastic na tray na kulay itim at doon ko inilagay ang pagkain ni Mandrake.Alam ko na hindi s'ya bababa kaya mas magandang sa kwarto na lang s'ya kumain.Buti nga at pumayag si Geoffrey na dito muna kami ngayong gabi atleast kahit ngayon lang ay may makakasama s'ya.Ang lungkot kaya kapag wala kang kasama sa bahay. "Hindi ka pa kakain,Callie?"tanong ni Hershey noon makita n'ya ako na paakyat sa hagdan. "Mamaya na lang,dadalhin ko pa ito kay Mandrake.Baka gising na s'ya."sagot ko sa kanya at nag-thumbs s'ya at pumasok sa kusina. Kumatok muna ako ng tatlong beses at nabigla ako noong binuksan ni Mandrake ang pinto.Mahina itong ngumiti at binuksan ng maayos ang pinto.Agad naman akong pumasok sa loob at inilagay sa lamesang maliit ang tray na dala ko. "Kanina ka pa ba gising?"tanong ko sa kanya. Tumango s'ya habang inaayos n'ya ang magulo n'yang buhok.Gustuhin ko man magtanong ay hindi ko magawa dahil ayaw kong isipin n'ya na nakikialam ako sa mga problema n'ya.Ayaw kong ganoon ang maging tingin n'ya sa akin dahil lang sa gusto kong malaman ang totoo galing sa kanyang bibig. "Thank you nga pala sa ginawa mo kanina.Para nga yatang nagmukha akong tanga dahil sa ginawa ko kanina."sabi n'ya habang hawak n'ya ang batok n'ya. "Hindi ka lang nagmukhang tanga kanina,nagmukha kang kaawa-awa kanina.Pinagtitingnan na kayo ng mga tao kanina at buti na lang may lakas ako ng loob ko para makialam kanina para patigilin ka sa ginagawa mo."naging tugon ko sa kanya at napagbuntong-hininga s'ya. "Katulad nga ng aking iniisip...mas better ka pa kaysa sa kanya."sabi n'ya dahilan para magtaka ako. "Better than her?Ano bang ibig mong sabihin,Mandrake?"takang tanong ko sa kanya habang nakakunot pa rin ang noo ko. Lumapit s'ya sa akin at tumigil sa harapan ko at dalawang inches na lang ang layo n'ya sa akin.Kita ko sa mga mata n'ya ang saya,lungkot at hiya na naghahalo.Hindi naman sa nag-a-assume ako dahil mahirap na baka magaya na naman ako ng nakaraan na lagi na lang nand'yan...ayaw akong tigilan. "Sa tingin mo ba ay mas lamang ako kaysa sa kanya?Sa tingin mo ba ay kaya kitang alagaan ng higit pa sa kanyang ginawa?Sa tingin mo ba ay kaya kitang patawanin kaysa pasayahin?"tanong n'ya at nakikita ko sa kanyang mga mata na umaasa s'ya sa pwedeng isagot ko sa kanya. Siguro nga ay may alam n'ya tungkol sa nakaraan ko na pilit kong itinatago kahit kanino.Alam ko rin na mataas ang pag-asa n'ya na sasagutin ko ang mga tanong n'ya kung anong nasa isip n'ya. "Siguro nga ay mas better ka kaysa sa kanya.Siguro nga ay mas kaya mo akong alagaan kaysa sa ginawa n'ya.Pero hindi ko pa ito masasagot kung oo ba o hindi.Marami akong iniisip sa buhay ko,Mandrake.Sana ay mahintay mo ang mismong araw kung saan pwede kong sabihin sa'yo ang salitang 'oo'."naging sagot ko sa kanya at nakita ko naman na gumuhit sa kanyang labi ang napakagandang ngiti. Noong araw na 'yon ay napatunayan ko na pwede n'ya akong seryosohin at baka hindi n'ya kaya akong saktan kahit gaano pa kalalim ang maging dahilan ko sa isang bagay.Noong araw na 'yon ay nakita ko ang isang napakagandang ngiti sa kanyang labi.At noong araw na 'yon ay napagtanto ko na mas better s'ya kaysa sa tao na nakilala ko mula sa nakaraan ko.Yeah...he's better.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
nice a story great a new story for new supporters
23/12/2024
0eh eh eh am DM DM seen
01/11/2024
0so unique
31/07/2024
0Xem tất cả