logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter Six

Kokak
Mabilis lang akong nakarating sa mansion ng mga Bartley. Mabuti na lang at pinapasok sa subdivision ang taxi na sinakyan ko dahil nagpakita ako ng ID ko sa guard at mukhang alam na ng guard ang pagdating ko kasi hindi na ako masyadong inusisa. Nakababa na ako at nasa harap ko na ngayon ang matayog na mansion ng mga Bartley. Sa labas pa lang talaga ay napaka ganda na ng mga desinyo. Halatang halata na mamahalin ang mga ginawang materyales para sa mga desinyo dito sa labas. Namamangha ang aking mata sa laki at gara ng bahay. Labas pa lang ulam na! Huminga muna ako ng malalim bago ko pinindot ang doorbell sa labas ng bahay. Mas namangha pa ako dahil may camera. Makikita mo ang mukha mo at maririnig mo rin ang magsasalita sa loob ng bahay. Wow! Hi-Tech talaga.
"Sino 'yan?" tanong ng nasa monitor. Imilapit ko ang mukha ko sa camera at sumagot.
"Ako po 'yong pinadala ni Miss Mechie para mag linis," sagot ko naman. Tiningnan muna ako ng babae at saka tumango.
"Sige, pwede ka nang pumasok," sagot nito at bigla na lang nawala sa monitor.
Ilang minuto lang ay bumukas na agad ang gate. Wow! wala akong taong nakita, bumukas lang ng sa kanya. Hi-Tech din maging ang gate ah.
Pumasok kaagad ako sa loob habang hila-hila ko ang maleta ko. Pagtingin ko sa gate ay kusa rin itong nag-sara. Lumakad na lang ako papasok. Mas namangha pa ako sa loob ng mansion. Napakaganda ng garden nila. Punong-puno ng iba't-ibang bulaklak. May fountain pa na napapibutan ng mga bonsai. Nilibot ko muna ang mata ko sa paligid ng mansion. Napakalawak at mukhang malayo-layo pa nag lalakarin ko upang makarating sa pintuan nitong mansion ng mga Bartley. May natanaw rin akong malawak na swimming pool. Hindi lang 'yon isa kundi ay tatlo! may isang napakalaki at dalawang medyo katamtaman lang ang laki. Siguro para iyon sa mga bata base na rin sa nakikita kong desinyo.
Dahan-dahan lang akong nag lakad papunta sa main door ng mansion. Nakakalula ang mga mayayaman. Kinse minutos rin ang paglalakad ko, ang layo lang talaga. Pero at least na enjoy ko ang tanawin sa lawak pa naman ng kanilang hardin.
Naka sarado ang pinto. Hindi ko alam kung paano ko ito bubuksan. Inilibot ko ang mga mata ko baka may makita akong gadget. Mayroon nga akong nakita sa may gilid. Napaka hirap naman ng mansion na ito at ang daming mga Hi-Tech na kagamitan eh.
Tiningnan ko muna ang monitor at halos luumipad ang kalukuwa ko ng may sumulpot doong matanda na nakasalamin at naka ponytail ito. Mukha naman kasing istrikta at nakakatakot ang awra. Napasapo tuloy ako sa aking dibdib.
"Ikaw na ba si Kokak?" tanong nito. Maging ang tinig nito ay malamig kaya naman nanayo ang balahibo ko. Baka haunted house itong napuntahan ko.
"Kokak!" sigaw ulit ng matanda kaya naman ay nabalik ako sa aking ulirat.
"P-po?" nauutal kong sabi at inayos ang salamin ko.
"Sabi ko, pindutin mo ang green button para bumukas ang pinto!" madiin niyang sabi. Napapalunok akong tumango sa kanya.
"O-opo!" sagot ko kaagad.
Kagaya nga ng sabi niya ay pinindot ko ang green button. Kaya naman agad na bumukas ang pintuan. Manghang-mangha talaga ako.
Pumasok ako kaagad sa loob at naglakad ako. Mas lalo akong namangha sa loob ng mansion nila. Mas nakakalula ang ganda at ang laki! hindi kaya ako maligaw rito? Ang kulay ay dirty white at ang mga edges ay ginto ang kulay. May malaking chandelier sa gitna. Nasa dalawang palapag ang mansion at parang may underground. Pinagsamang modern and classic style ang bahay. Siguro may ibang lahi ang may-ari nito dahil sa mixture ng mga desinyo. Hindi ako makagalaw at nakatayo lang ako. Hindi ko naman kasi alam kung saan ako pupunta eh wala namang sinabi ang matanda.
"Tatayo ka na lang ba dyan?" biglang may malamig na boses ang narinig ko sa aking likuran kaya naman nang lumingon ako ay agad akong napasigaw sa kanyang hitsura.
"Ahhh! may multo!" sigaw ko sabay turo sa nakatayong babae sa harapan ko.
Naka suot ito ng maitim na long sleeve at ang skirt niya ay lagpas lang sa tuhod. Naka tali ang buhok niya pataas at makapal na salamin ang suot nito at may nakalagay sa mukha niyang di ko alam kung ano. Maputi ang mukha niya ngayon. Ang lakas lakas ng tahip ng dibdib ko. Magtatagal kaya ako riti ng isang linggo? nakakatakot lahat ang mga nag ta-trabaho rito. Ni walang guard at lahat ay gadget ang gamit sa pagpasok.
"Anong multo ang pinagsasabi mo riyan?" masungit na sabi ng matanda.
"P-pasensya na po, nabigla kasi ako sa mukha mong kasing puti ng harina," mahina kong sabi rito. Napanganga naman ang matanda sa akin at matalim akong tiningnan. Lagot ka na Kokak! ang bibig mo kasi hindi maawat eh!
"Hindi 'yan harina! facemask 'yan! 'yong pampaganda at pampakinis ng mukha!" singhal nito sa akin. Napalunok na naman ako.
"A-ah hehehehe 'yon po ang sinasabi ko hindi ko lang po alam ang tawag dyan," mahina kong sabi habang pilit na ngumiti rito ngunit ang nangyari ay ngiwi ang nagawa ko.
"Hmp! parang hindi tayo magiging good vibes nito!" pa-irap nitong sabi sabay talikod.
"Sundan mo ako at baka kung saan-saan ka pa makarating!" mataray nitong sabi.
Nag maglakad ito ay sumunod kaagad ako at baka maligaw nga naman ako. Napakalaki pa naman ng mansion na ito.
"Kokak! nakikinig ka ba?" sigaw kaagad ng matandang 'to! natigagal na lang ako dahil bigla siyang sumigaw. Lumilipad na naman kasi ang isipan ko kaya hindi ko nasundan ang sinasabi nito.
"P-po?" naka tanga kong sagot.
Nakita kong namumula ang kanyang mata siguro dahil sa inis at galit sa akin. Bakit na naman palpak ka parati Kokak! sigaw ng isipan ko.
"Ang sabi ko, sa pang apat na kwarto ang magiging kwarto mo, at dapat ala-sais ng umaga ay gising ka na at ala-syete ng gabi naman ang pahinga mo. Naiintindihan mo ba?" nakataas kilay nitong sabi.
"Opo madam!" sagot ko at naka salute pa ako rito kaya naman ay nagsalubong ang kilay nito. Inirapan niya lang ako at naglakad na naman. Sumunod na ako at nakinig na talaga ako sa mga sinasabi niya para hindi na ako mapagalitan. Medyo ang layo naman ng maid's quarter. Nang makarating kami ay agad niya akong sinabihan ng mga hindi at kailangang gawin.
"Dapat ay maging magalang sa ating amo at sa iba pang mga kasambahay rito, huwag sumagot sagot o di kaya ay gumawa ng sariling desisyon. Kung may hindi alam ay pwedeng magtanong sa mayordoma natin dito. May oras ng pagkain at pahinga kaya bawal ang tatamad tamad dito, naiintindihan mo?" sabi nito sa akin habang sinususian ang pintoan ng magiging kwarto ko.
Pumasok ito at sumunod ako sa kanya.
"Ito ang magiging kwarto mo at ito ang magiging schedule mo," sabi nito at ibinigay ang isang papel sa akin.
"Heto rin, ito ang magiging susi mo sa lahat," ibinigay niya sa akin ang isang card. Maliit ito at parang ATM lang ang laki. Kulay gold at ang kinis din.
"Wow! Hi-Tech nga!" bulalas ko dahil sa pagka mangha.
"Ang paggamit nito ay isa-swipe mo lang sa bawat kwartong lilinisin mo, at ang kwartong naka assign sayo ay ang nasa ikalawang palapag, lahat ng kwarto roon ay dapat mong malinis, kapag natapos mo na ay pwede ka ng magpahinga," mahaba nitong paliwanag. Tumago-tango ako.
Wow! ang dali-dali lang pala ng gagawin ko.
"Sige na at pwede ka munang magpahinga sa ngayon, kung gusto mong maglibot-libot bahala ka basta't makaka-uwi ka sa kwarto mo," sabi niya at agad na akong tinalikuran.
"Maraming salamat, Madam!" pasasalamat ko rito. Nilingun niya ako at pinagtaasan ng kilay.
"Mercy, 'yon ang itawag mo sa akin," sabi nito.
"Have mercy on me," bulong ko habang natatawa sa hitsura niya.
"May sinasabi ka?" naka irap nitong sabi.
"Wala po! sa susunod turuan niyo po ako dyan sa facemask mo!" nakangiti kong sabi.
Nang maka alis ito ay agad akong napatalon-talon. Wow! ang ganda naman ng kwarto ko. Napakaluwang at ang ganda talaga! siguro kasing laki nito kapag pinagsama ang kwarto namin ni Mariposa.
"Wow! jackpot talaga ako rito! ang lambot ng kama at may sariling banyo pa!" bulalas ko at agad na akong tumalon sa malambot na kama. Nagpagulong-gulong ako hanggang sa hindi ko namalayang nahulog ako.
"Bang!'' tunog ng bagsak ko.
Napaigik tuloy ako sa sakit.
"A-aray!" daing ko pa. Ang saklap naman na buhay to!
Napaayos tuloy ako ng tayo. Umupo ako sa kama at nagpalinga-linga sa buong kwarto ko. Kulay dirty white din ang kwarto at very minimal lang ang desinyo. May maliit na cabinet para sa mga gamit at may vanity mirror pa. Maging mga katulong bongga ang kwarto. Ay! muntik ko ng makalimutang tawagan si Miss Mechie. Kaya kinuha ko ang aking cellphone at agad na dinayal ang number ni Miss Mechie. Ilang ring lang ay sinagot na nito.
"Hello Kokak?" sabi kaagad ni Miss Mechie.
"Miss Mechie! narito na po ako sa mansion! napakaganda po talaga ng mansion nila Mrs. Bartley," masaya kong sabi rito.
"Talaga? sabagay ay bilyonaryo naman sila," sagot nito.
"Oo nga po! tapos napaka Hi-Tech pa!" kwento ko pa.
"Mabuti naman at ganoon, sana maging okay ka dyan at kung sakaling may mga kailangan ka tawagan mo lang ako maliwanag ba?" bilin nito sa akin.
"Panigurado pong mag-e-enjoy ako rito!" sabi ko pa.
"O, siya! alam ko namang hindi ako mapapahiya sa boss ko, alam kong masipag ka at mapagkakatiwalaan," sabi pa nito.
"Maraming salamat po! pero alam mo Miss Mechie nakakatakot po ang mga kasama ko rito!" mahina kong sabi rito.
"Ikaw talaga Kokak! kung ano-ano ang nasa isip mo!" sermon ni Miss Mechie sa akin kaya naman ay napanguso ako.
"Totoo po! parang sobrang istrikta, sana lang talaga ay makasundo ko sila," sabi ko sabay buntung-hininga.
"Alam kong kaya mo 'yan! ikaw pa ba!'' sabi nito. Agad namang pinutol ni Miss Mechie ang tawag.
Agad kong inayos ang mga gamit ko at inilagay sa cabinet. Inayos ko rin ang sarili ko kasi gusto kong mamasyal sa labas. Susulitin ko muna ang araw na ito.
Lumabas ako at syempre dinala ko ang magic card ko kasi ito ang magiging access ko sa lahat ng silid dito. Una kong pupuntahan ang garden, dahil napaka ganda talaga roon. Mabilis akong naglakad papunta sa may main door. Kaya hinanap ko muna ang paglalagyan ng magic card kong dala. Nang makita ay agad ko itong pinasok doon at viola! bukas na nga ang lagusan--este ang pintuan pala. Agad akong lumabas at tinungo ang garden medyo malawak ang garden kaya hindi ko alam saan ako unang pupunta. Mabuti na lang at nakita kong may fountain kaya roon ako unang tumungo. Wow! may iba't-ibang klase ng ilaw sa fountain. Naglibot-libot ako at nakakita ako ng bench na nakaharap sa maliit na running water at umiilaw-ilaw rin ang gilid noon. Nakikita ko kasi ang mga ganito sa fairytale eh kaya naman ay nawili akong tingnan ito sa personal. Umupo ako at tinitigan ang pag-agos ng tubig pababa sa may pabilog na sementong may desinyo rin. "Kokak! kokak!" kaya napalingon ako. Nakita ko ang palaka sa may sementong pabilog.
"Hmp! kala ko naman sino na ang tumawag sa akin!" nakairap kong sabi sa palaka na ngayon ay naka-tingin na sa may gawi ko.
"Huwag kang tumingin-tingin dyan!" kausap ko pa rito.
"Kokak! kokak!" sabi ulit ng palaka.
"Nakakainis ka naman eh! tawag ka ng tawag!" nakanguso kong sabi sa palaka.
"Siguro gusto mo ring magpa-halik no? nag-hahanap ka rin ba ng prince charming mo? o baka ikaw ang prince charming na naging palaka?" sabi ko rito habang nag iisip.
"Are you crazy?" sabi ng palaka?
"Hala! nag-salita ang palaka?" sabi ko. Manghang mangha akong nakatingin sa palaka.
"Baka ikaw na nga ang prince charming ko!" masaya kong sabi sabay lapit sa palaka.
"Wait! kakanta ako! ahm! mic test! mic test! don't break my heart..." simula ko sa pagkanta.
"You're really crazy!" sabi naman ng palaka.
"Wow! ang ganda naman ng boses ng palaka! lalaking-lalaki at inglesero pa!" sabi ko naman na mas lalong lumapit sa palaka.
"Hahalikan kita okay? para maging prince charming na kita!" masaya kong sabi at ngumuso palapit sa palaka. Nakapikit na ako at handa nang halikan ang palaka ng bigla itong tumalon sa mukha ko kaya sa gulat ko ay napatayo ako at na out of balance!
"Ahhhh!!!" sigaw ko at pikit matang hinintay kung paano ako babagsak sa lupa.
Pero isang himala ang nangyari dahil may isang angel na sumalo sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tama nga ang hinala ko. Isang napaka-gwapong angel nga ang nakasalo sa mala diyosa kong ganda. Napalunok pa ako ng halos tatlong dangkal na lang ang layo ng mukha ko sa kanya.
Gusto ko ulit mapapikit at damhin na lang ang mainit niyang bisig sa aking katawan.

Bình Luận Sách (226)

  • avatar
    Hasan Malingawa

    super laugh Trip ang story NATO. Di kayo magsisisi. Nakakawala ng stress... Kung gusto niyo ng happy story basahin niyo na. Worth it to read.

    23/06/2022

      0
  • avatar
    Jolaysa Tamay

    wow... highly recommended sa gusto ng good vibes ☺️☺️☺️ Ganda talaga promise

    06/04/2022

      1
  • avatar
    LlantoJhamel

    good

    22h

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất