logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 47

Genesis.
Napabangon ako sa higaan at hinihingal na napatingin sa itaas ng kisame. Ang lakas ng pintig ng puso ko at hindi ko namalayan na lumuluha na pala ang mga mata ko.
Napakaraming panaginip na ang dumaan nitong mga ilang araw at nangyayari ito sa totoong buhay. Naniniwala ako sa mga panaginip, no'ng magsimulang mawala si Lola Thorna ay nagsisimula na akong managinip ng mga iba't ibang sitwasiyon. Hindi ako mapakali dahil parang nasa sitwasiyon ako ng panaginip ko pero hindi naman ako nakikita at nahahawakan. Ako lang mismo ang nakakahawak, nakakakita at minsan hindi ko alam pero napapalabas ko ang kapangyarihan ko sa panaginip ko.
"Ayos ka lang ba Genesis?" Nilingon ko si Olcor na kinukusot-kusot pa ang mga mata niya, napabuntong-hininga naman ako at hinawakan ang mga pisngi niya. Hinaplos niya naman ang mga kamay ko at tinignan ako sa mga mata.
"What dream this time?" Tanong niya sa akin habang seryoso ang mga matang nakatingin sa aking mga mata.
"Si Seyvana, isa siya sa mga Executioner. Hindi ko alam pero siguro naman nagsisinungaling lang ang panaginip ko na'to, sana hindi totoo ang mangyayari." Tugon ko sa kaniya.
"Genesis, lahat ng mga panaginip mo ay nagkakatotoo. Lalo na no'ng napanaginipan mo ang anak nating si Alkar na nakikipaglaban sa halimaw na nagbabantay sa Publiko Encantado. See? Inamin niya sa atin no'ng umuwi siya dito, at 'yong pagdating ng misteryosang babae na siyang magiging bagong Headmistress, dumating kahapon diba? May mga panaginip ka pa na nangyayari sa totoong buhay, at 'yang napaniginipan mo ay sigurado akong totoo din 'yan." Mahabang sabi niya.
Hindi ako mapakali dahil sa kataksilan ni Seyvana sa panaginip ko, na lagi niya lang kami binabantayan noon habang nakikipaglaban. Lahat ng laban na wala siya ay nando'n lang din pala siya habang nanunuod o baka nag-eespiya. Hindi ako makapaniwala na isa siyang traydor, kaya pala noon pa sinabi ni Athena sa akin na hindi talaga siya komportable kapag nakakasama namin noon si Seyvana. Hindi ko naman alam na darating ang panahon na kakabahan ako dahil sa sinabi ni Athena na kakaiba nga siya, na isa siyang traydor sa grupo.
"Paano na'to? How can we fix this things now?" Bulong ni Olcor.
"Pero Olcor, she is dead." Gulat namang napatingin sa akin si Olcor at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Tumango lang ako at umalis sa higaan, niyakap ang sarili dahil sa kaunting ginaw na nararamdaman ko ngayon.
"Sa panaginip ko, she died. Nakita ko rin si Brooch sa panaginip ko, nakita ko rin ang dalawang mapupulang mata habang nakatingin kay Brooch habang nilalabanan nito si Seyvana. I don't know how did this happen pero natutulungan ko ang mga sitwasiyon sa panaginip but this time, I can't move." Halata ang tensiyon sa mga sinasabi ko, napatingin ako sa mga mata ni Olcor.
"Nasaksak si Brooch, ewan ko pero biglang may lumitaw na isang pamilyar na mukha sa labanan nila na siyang ikinagulat ko kung siya nga ba talaga ito. Hindi ako makapaniwala pero hindi din ako sigurado kung siya nga ba 'yon. Matagal na siyang patay."
"Namatay ba si Brooch?" Tanong ni Olcor pero nagbikit-balikat lang ako.
"Nagising na ako sa malakas na sigaw ng pamilyar na babae." Tugon ko naman.
Isa din ang problema ko ay ang misteryosang babae na dumating sa palasiyo kasama ang mga Royal Knights. No'ng una ay hindi kami makapaniwala dahil ang mga guwardiya namin ay hindi nagpapapasok, pero nang malaman namin kung ano ang kailangan nito ay agad namin siyang binigyan ng permiso para maging matahimik naman ang Natharia Academia bilang bagong Headmistress since ito lagi ang inaatake ng mga kalaban. Her presence is just ordinary, walang nakakatakot sa presensiya na meron siya and she always smile kapag nag-uusap kami. Na para bang labas sa kalooban niya na hindi ngumiti kahit saglit, kung tatanungin siya namin ay sasagutin niya kami nang nakangiti na kahit wala namang kangiti-ngiti.
"We need to wait for the update tomorrow, tignan natin kung totoo ba ang panagin—"
"No, pupunta tayo mismo sa Natharia to check kung tama ako. Alam kong malakas ang kutob ko na nagsisinungaling lang ang panaginip ko. Hindi maaari na isang Executioner si Seyvana dahil malaki ang tulong niya sa amin noon. She even helped Athena with his father, she even helped us to beat monsters. Kaya alam kong wala pang kasiguraduhan ang nangyayari, alam kong nagkakamali lang ang panaginip ko." Mahabang turan ko at bumalik sa higaan at niyakap si Olcor nang mahigpit, humiga na din siya sa kama habang niyakap ako pabalik na siyang ikinapikit ko dahil sa init ng mga braso niya. Mga braso niyang nakalingkis na din sa akin ngayon.
"And that mysterious woman, nasa panaginip ko din siya at mas ikinagulat ko dahil nakikita niya ako Olcor. She can see me in dreams, and still nakangiti parin siya."
********
Alfalla.
Hindi ko alam pero agad kong niyakap si Ama, hinigpitan ko ang yakap. Nakaramdam ako ng saya at tuwa na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko. Na ngayon ko lang naramdaman sa likod ng mga problema, na ngayon ko lang naramdaman sa gitna ng malaking gulo.
"Anak." Mas lalo akong naluha dahil sa pagtawag sa akin ni Ama, hindi ko mapigilang hindi mapahikbi dahil sa sobrang tuwa. Ang salitang matagal ko ng gustong marinig, ang salitang gusto-gusto kong maging pangalan ko at ang salitang siyang matagal ko ng gustong marinig galing sa mga magulang ko.
"You are my brave daughter, I know you can do it until here. Manang-mana ka sa'yong Ina." Kumalas ako sa yakap niya at nakita ko naman ang imahe ni Avzora na nasa kilid ko na gulat na gulat ang mga mata niyang nakatingin kay Ama.
"A-Ang boses mo, h-hindi ko makakalimutan ang boses mong laging pumapasok sa isip ko." Agad naman akong nagtaka dahil sa sinabi ni Avzora, napatingin ako kay Ama na nakangiting nakatingin sa kaniya. Teka hindi ko maintindihan, anong sinasabi nitong si Avzora na naririnig niya ang boses ni Ama? Ano na naman ba ang koneksiyon niya kay Ama at bakit ganiyan nalang ang ngiti niya kay Avzora?
"Anak." A-Anak?
Agad akong natuod sa kinakatayuan ko, nanindig ang mga balahibo ko sa buong katawan dahil sa pagtawag ni Ama kay Avzora ng 'anak'. Nalilito akong napatingin sa kanilang dalawa na pati si Avzora ay humihikbi na ngayon. Ang mga luha niya na nahuhulog galing sa kaniyang mga mata ang siya ding paghulog ng mga luha ko ngayon dahil sa hindi ko maipaliwanag sa sarili ang nangyayari.
"A-Anak? Bakit mo siya tinatawag ng gano'n Ama? Isa siyang impostora! Inagaw niya sa akin si Ina, inagaw niya sa akin ang buong kasiyahan na matagal ko ng hinihiling." Hindi ko mapigilang sigaw kaya napatingin naman sa akin si Avzora na para bang hindi siya makapaniwala sa nangyari.
"Impostora? At inagaw ang Ina? Bakit? Akala mo ba hindi ko nararamdaman ang nararamdaman mo ngayon? Akala mo ba hindi ko nararamdaman na isa ka ding impostora dahil diyan sa presensiya mo? Wala kang karapatan na sabihin sa aki—"
"Huwag na kayong mag-away, naiintindihan ko ang mga nararamdaman niyo dahil ipinagkait sa inyong dalawa ang katotohanan. Ipinagkait s—"
"Hindi ako naniniwala! Sinasabi niyo bang anak mo siya?! Na kapatid ko siya?! Alam kong ako lan—" Natigilan ako at hinay-hinay akong napalingon kay Brooch na naglalakad papunta sa akin.
Siya ang may kasalanan nito! Siya ang may kasalanan nito kung bakit pati si Ama ay tinawag si Avzora na anak! Kinuha niya din ba ang alaala ni Ama?!
Galit kong nilapitan si Brooch at kaagad kinuwelyuhan. Narinig ko ang sigaw ni Avzora pero hindi ko siya pinansin. Nagsasalita si Brooch pero hindi ko marinig dahil sa wala siyang boses at parusa niya 'yan dahil sa malaking kasalanan niya.
"Nang dahil sa'yo! Nagkandeletse-letse ang buhay ko! Nang dahil sayo, gumulo ang buhay ko na dapat ngayon ay masaya na akong namumuhay kasama si Ina! Nang dahil sa'yo ay naghihirap ako para lang lumakas ang loob kong makaharap si Ina pero dahil sa ginawa mong kadamutan, nag-isa akong namuhay!" Sigaw ko sa kaniya at akmang susuntukin ko na siya nang matigilan ako dahil sa luhang nagbabadiya sa kaniyang mga mata. Nakatingin siya sa akin na nagmakakaawa, napatingin ako sa kamay niyang pilit na inaabot ang mukha ko. Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya na hindi ko alam kung bakit ko 'yon ginawa. Hanggang sa maabot niya ang sentido ko ay bigla niya nalang idiniin ang palad niya na siyang ikinapikit ko ng mariin.
"Tita Senny, manganganak ka na!" Sigaw ng batang si Brooch habang si Senny naman ay napapasigaw nalang dahil sa sakit na nararamdaman niya sa kaniyang tiyan. Naalerto naman ang mga mamamayan na siyang marunong magpaanak na galing pa sa ibang bayan. Si Senny ay nanganganak ngayon sa Satharia Kingdom habang ang sina Genesis at iba pang mga babae ay nakaharap at nagbabantay sa mangyayari na kinakabahan din.
Hanggang sa nailabas na ni Senny ang babaeng sanggol, napapikit ang lahat dahil sa ganda ng bata at parang musika ang iyak nito. Pero natigilan ang lahat dahil sa malakas na sigaw ni Senny na ikinataranta ng lahat.
"She's having twins?" Gulat na tanong ni Menesis kay Genesis, natuwa naman ang lahat dahil totoo ngang kambal ang anak nito.
Ilang buwan ang lumipas ay nagkasalu-salo ang lahat para sa malaking selebrasiyon ng mga Mahaharlika kasa-kasama ang kani-kanilang mga anak. Si Brooch naman ay nakasimangot lang dahil simula no'ng naipanganak ni Senny ang magkambal ay hindi na siya nito napapansin. Dahil sa desperado siyang mapansin ay gumawa siya ng paraan para mapansin siya ulit at siya naman ang mahalin.
"Tita Senny, magiging akin ka na ulit." Agad pumikit si Brooch kasabay ang paghiyaw ng lahat dahil sa may kung anong masakit sa kani-kanilang mga sentido. Habang si Senny naman ay naging blangko ang utak habang bitbit ang magkambal sa kaniyang mga bisig.
"Sundan mo ako." Agad namang tumango si Senny na parang utusan at sinundan ang batang si Brooch habang papunta sa gitna ng kagubatan kung saan malayo sa Satharia. Ang gubat na ito ay nasa Natharia kung saan noon naninirahan ang magkambal na sina Genesis at Menesis.
Kinuha ng batang Brooch ang isang bata at inilagay sa ilalim ng malaking puno habang ito ay umiiyak. Agad namang sumunod si Senny sa batang Brooch at ngayon ay hindi na nila nakaya ang pagod kaya inilagay naman ng batang Brooch ang huling bata sa gubat kung saan papasok na sa Eastheria.
Ngumiti si Brooch na parang sayang-saya sa nangyayari at tumingin siya sa kaniyang Tita Senny.
"Lahat ng alaala niyo ay mababalik kung gugustuhin ko." Agad na may lumabas na mga bula, bula ng mga alaala kung saan masasaya ang nando'n habang si Brooch naman ay malungkot. Gano'n din sa ibang Mahaharlika, nagsilabasan ang mga bulang alaala na siyang nakikitang nakasama nila ang magkambal na anak ni Senny.
"Patawad Tita, ako na ngayon ang magiging anak mo kahit hindi pa tayo magkadugo."
Hindi ako makapaniwala sa nangyari nang mapadilat ako, ang pintig ng puso ko ay napakabilis, ang katawan ko ay namamanhid kasabay ng panglalambot ng mga tuhod ko. Ang nagraragasang mga luha na ngayo'y hindi ko na mapigilan. Nabitawan ko si Brooch at napaluhod sa lupa na nakatanaw sa kawalan.
Ang sagot na siyang matagal ko ng hinahanap ay ngayon nakuha ko na, kasabay ang hinagpis, sakit at lungkot na hindi ko alam kung meron pa bang makakagamot. Gustong sumabog ng utak ko at para na ding sasabog ang puso na meron ako dahil sa lakas at bilis ng pagtibok.
Naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin mula sa likuran, ang mainit at malaking katawan ni Ama na nakayakap sa akin ngayon ang siyang mas lalo kong ikinaiyak.
"Anak, matagal ko ng gustong sabihin ito sa inyo pero wala akong oras dahil siyang kapangyarihan ninyo ni Avzora na liwanag ang siyang nagpapalayo sa akin." Rinig kong sabi ni Ama, napayuko ako at pinapanuod ang mga luhang bumabagsak sa lupa.
Agad akong natulala dahil sa biglaang pagyakap sa akin ni Avzora ng mahigpit sa harapan habang umiiyak.
"A-Ate."

Bình Luận Sách (65)

  • avatar
    Meizaa

    Wow na wow talaga author ito talaga ang the best ever na nabasa ko dito sa novelah hayst ang ganda ng pag kakagawa mo 🥰👍

    2d

      0
  • avatar
    Jenny Villareal

    it so good to read I love it

    3d

      0
  • avatar
    Bai Yna Guiandal Alim

    napaka ganda

    5d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất