logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 46

Alfalla.
Inalis ni Brooch ang hood niya at tiyaka siya tumingin sa gawi namin, mga matang kakaiba ang ipinapahiwatig pero seryoso ko parin siyang tinignan sa mga mata. Hinding-hindi ko siya mapapatawad dahil sa pinaglaruan niya ang buhay ko at pinakialaman niya ang buhay ng lahat. Wala siyang konsensiya, kung hindi lang sana niya ginawa ang mga bagay na 'yon ay masaya na sana akong namumuhay kasama ang mga totoo kong magulang. Nakasama ko na sila sa matagal nang panahon at hindi na sana ako nababaliw ngayon para hanapin ang mga sagot sa katanungan ko at hindi din sana ako nababaliw ngayon para malaman kung bakit ako  nalang mag-isa sa buhay.
Ang daming misteryoso ang kumalat sa buong mundo na'to na hindi ko maintindihan at kasalanan niya 'yon dahil sa pagmamakialam sa maganda ko na sanang buhay. Hindi sana ako mabubuhay nang ganitong maraming tanong sa utak, masaya at maligaya na sana ang buhay ko. Dahil lang talaga sa walang-kuwenta niyang rason, dahil lang sa walang-kuwenta niyang mapagdamot na pagmamahal kay Senny.
Agad napatingin si Seyvana sa gawi ni Brooch pero kaagad itong bumagsak sa lupa dahil sa malakas na sipa ni Brooch mula sa likuran. Hindi na dapat kuwestyunin ang bilis niya dahil isa siyang Bampira at natural sa kanila ang maging mabilis. Agad akong gumawa ng barrier na siyang kami lang ang nasa loob at walang makakarinig sa amin kahit gaano pa kalakas ang pagsabog o kalabog.
"Siya ang lalaking kumuha ng mga alaala nila Ina diba?" Tumango ako sa tanong ni Avzora at tinignan siya sa mga mata.
"Hindi ka ba galit sa kaniya? Matagal niyang tinago ang katotohanan para sa aki— para sa'yo at para kay T-Tita Senny." Turan ko sa kaniya, agad naman akong napapikit dahil hindi ko talaga kayang magpanggap na parang walang alam sa nangyayari. How can I act like this in front of the fake daughter of Senny? Bakit ba hindi ko malaman kung sino si Avzora at palagi nalang itong gumugulo sa isipan ko?
"Hindi ako galit pero alam ko kung gaano kalaki ang kasalanan niya. Sapat na ang natanggap niya sa mga nakakataas kaya hindi ko na dapat pang dagdagan. Tutal nando'n naman si Ama Cylechter sa buhay ko no'ng nag-iisa ako." Agad naman akong napayuko. Mabuti pa siya!
Habang ako, nasa gitna ng kagubatan at binabantayan ng kung sinu-sinong mga Diyos at Diyosa. Pinipilit nila akong maging masiyahin na alam naman nilang malabo dahil agad akong namulat sa katotohanan na inabandona ako. Nalaman ko 'yon dahil sa maaga kong nalaman ang buong kapangyarihan ko.
Agad akong bumaba at hawak na ngayon ni Brooch si Seyvana pero agad naman nitong nasipa ang paa ni Brooch na siyang ikinawala nito. Lumutang sa ere ang Katana ni Seyvana pabalik sa kaniya mula sa pagkakasaksak nito sa lupa. Agad nitong tinutukan si Brooch ng Katana niya habang nakangisi.
"You little dimwit! You dare to interfere?! Hmm—ang batang bampira noon ay malaki na pala ngayon, pero hindi mo ako matatalo sa pagba-blangko mo sa utak ko. I can still kill you and those two!" Sigaw niya, agad naman siyang kinunotan ng noo ni Brooch at agad itong nawala sa harapan nito. Naalerto si Seyvana at inis itong lumingon-lingon sa paligid.
"Ice Freeze." Agad naman akong napatingin kay Avzora dahil sa pag-cast niya ng isang spell, nagawa naman ng spell niya na patigasin ang mga paa ni Seyvana kaya hindi ito makagalaw ngayon. Yakap-yakap ng malamig na yelo ang dalawa nitong paa, galit itong napatingin sa amin.
"Hindi niyo ako kakayanin." Sabi niya, agad siyang ngumisi. Nakita namin na lumutang na naman sa ere ang kaniyang Katana at bigla nalang itong bumulusok sa lupa. Umilaw ang bahaging nasaksak nito at agad kaming napaatras dahil sa napakaraming presensiya ang lumitaw.
Nabasag naman ang yelo sa mga paanan nito at lumutang sa ere pero kaagad itong niyakap ni Brooch at kaagad hinila pailalim. Brooch can't fly kasi hinihila siya kaagad ng gravity. Kaya dalawa silang natumba sa lupa habang nagpapalitan ng suntok. Ni hindi man lang nasasaktan sa suntok ni Brooch dahil ata ay sanay na ito sa malakas na labanan.
"Ang dami nila Alfalla." Agad akong napalingon sa mga halimaw, may iba't ibang mukha na hindi ko maipaliwanag dahil sa rami nila. Nakatingin ito sa aming dalawa ni Avzora habang lahat sila ay naglalaway sa mga imahe namin.
"They are shits! Kung nandidito ang Headmistress na 'yon, bakit hindi niya tayo tinutulungan kung alam niyang nasa isang labanan tayo? Akala ko ba gusto niya ng tahimik at walang gulo?" Inis kong turan.
"Hindi ko alam, iba ang kutob ko sa babaeng iyon. Sa ngiti palang niya ay alam kong hindi maganda."
"We need to be careful, baka isang kalaban ang isang 'yon kaya hindi niya tayo natutulungan. What we need is to observe her moves, pero hindi naman siya gano'n kalakas sa akin. Her presence is just an ordinary like the other Specialists here and Elementalists." Tugon ko pabalik.
Kung taka ang hinala ko na kalaban ang babaeng 'yon, may plano itong sakupin ang Academia na ito since nandito ang mga estudyanteng bihira din ang mga lakas. Avzora told me that she can manipulate bodies. Hmm—Tita Genesis can do the same and isa daw siya sa nag-hire sa babaeng bagong Head ng Academia. Magkakilala kaya sila?
"Kailangan natin silang kalabanin, we don't have any choice bago pa magising ang mga natutulog na. I really hate their voices when they shouts." Turan ko at kaagad sumugod sa mga halimaw, lumitaw sa mga kamay ko ang dalawang Katana na siya ding ginaya ko kay Seyvana. Agad kong iwinasiwas ang mga Katana sa kalaban na ikinaatras nito pero hindi nila naiwasan ang paglabas ng mga apoy sa bawat pagwasiwas ko sa mga Katana.
Avzora on the other side, isang malaking espada ang bitbit niya, hawak ng kaniyang dalawang kamay. Ang espada niya na gawa sa yelo, agad niyang hinampas ito sa lupa hanggang sa lumabas ang mga Ice Spikes na ikinaungol ng iba sa mga halimaw dahil sa sakit.
"Mahihirapan ka sa malaki mong espada, why can't you use your brain minsan Avzora? Kita mong kinukuha masiyado ang lakas mo sa pisikal sa pagbuhat mo niyan!" Sigaw ko sa kaniya, agad naman siyang ngumuso pero hindi siya nakatingin sa akin. Umilaw ulit ang kaniyang mga palad at napalitan ang sandata niya. Katulad na din sa akin na dalawang Katana, agad naman akong napabuntong-hininga.
Agad akong tumalon sa ere at sabay no'n ay ang pagbaon ng dalawa kong Katana nang makatapak ulit ako sa lupa na siyang dahilan kung bakit nagsitumbahan ang mga halinaw. Napansin ko na hinihingal na si Brooch habang nilalabanan si Seyvana na nakangisi lang sa kaniya, seems Seyvana are really into this kind of battle. A physical battle.
"Avzora, tapusin na natin ito para matapos na din natin si Seyvana." Seryoso kong sabi kay Avzora, agad naman itong tumango at tinapakan ng malakas ang halimaw na nasa paanan niya.
Agad naman akong pumikit at dinamdam ang paligid, nararamdaman kong may namumuo ding puwersa kay Avzora kaya alam kong ginagaya niya na ang ginagawa ko. The force from the nature is now within me, I am calling their greatness to help me to beat these monsters in front of us. Pagkadilat ko sa mga mata ko ay bigla nalang naglaho ang mga halimaw na malapit sa akin, napatingin ako kay Avzora na nagliliwanag ang mga mata niya. She looked at me at nakita ko sa mga mata niya na magkatulad ang mga mata namin na nagliliwanag ng pula. Pansin kong wala na din ang mga halimaw na malapit sa kaniya, wala na ang mga halimaw except for Seyvana.
Nagpalitan ng suntok sina Seyvana at Brooch pero kitang-kita sa mga mata nito ang pagod, hinihingal na ito ng mabilis habang si Seyvana ay parang walang nangyari sa kaniya. Ni hindi man lang siya nagalusan o pinagpawisan sa laban nila. Namamangha nalang talaga ako, minsan naiisip ko na paano niya kaya nalagpasan ang lahat? Paano niya napaniwala ang mga kasama no'n ni Senny sa nakaraan? How did she survive being with them?
"Delikado si Brooch, hinihingal na siya. Tutulungan ba natin siya?" Agad naman akong napaisip sa sinabi ni Avzora, dapat pa ba namin siyang tulungan? Sa laki ng kasalanan niya? Dapat pa nga ba siyang tulungan?
Hindi kami nakapaghanda sa mabilis na kilos ni Seyvana dahil nasa ibabaw na siya ngayon ni Brooch. Hirap namang umalis si Brooch dahil sa lakas na meron ito, tsk! Bakit ba siya sumusugod kung alam niya namang posible ang gusto niyang mangyari? Mahihirapan talaga siyang talunin ang Executioner na 'yan dahil wais at mapag-obserba sa mga ikinikilos ng kalaban. Isa lang siyang Bampira at walang kakayahan na magpalabas ng kung anong kapangyarihan o elemento, hindi din na matatablan si Seyvana sa pagpapasakit nito sa ulo o sa pagbablangko nito sa utak dahil nabasa na ito ni Seyvana.
Sinapak nito sa mukha si Brooch na ikinabaling ng mukha niya sa gawi namin, agad naman akong napaatras dahil sa kakaibang tingin nito sa akin. Kakaiba ang ipinapahiwatig ng kaniyang mga mata.
"Brooch!" Biglang nablangko ang utak ko dahil sa biglaang nangyari kasabay ang malakas na sigaw ni Avzora.
Hindi ko inasahan ang pagsaksak ni Seyvana gamit ang kaniyang Katana sa tiyan si Brooch na ikinasuka nito ng maraming dugo. Agad natahimik ang mundo ko at tanging pagsigaw lang ni Avzora sa pangalan ni Brooch na paulit-ulit lang ang naririnig ko.
Hindi ako makapag-isip ng tama, ang nakikita ko nalang ay ang nanghihingalong si Brooch habang naglalaban na sina Seyvana at Avzora. Napaluhod ako sa hindi alam ang dahilan, ang nakatingin na mga mata ni Brooch na nakatingin din sa akin habang umaagos ang dugo mula sa kaniyang bibig at tiyan bahagi ay siyang nagpapahina sa tibok ng puso ko.
Mamamatay na ba siya? Mamamatay na ba si Brooch na hindi man lang sinasabi ang katotohanan sa akin? Na hindi ko man lang nalaman ang sagot kung bakit may nangyayaring misteryo sa buhay ko? Gano'n-gano'n nalang 'yon? Mawawala na siya sa isang iglap na kakarating palang niya? Kakapakita palang niya tapos mawawala na naman siya? Tapos hindi ko na malalaman ang buong katotohanan?! Na hindi man lang niya malulutasan ang sariling problema na dinulot niya?
Agad akong naluha dahil sa hindi ko na kaya! Sawang-sawa na ako sa lahat ng bagay na alam kong walang katuturan! Sa mga bagay na alam kong malabo ng mangyari pa.
Nakita ko kung paano tumalsik ang buong katawan ni Avzora sa puwesto ni Brooch, nanghihina na din ito at may pasa na sa buong katawan at mukha habang nilalapitan na siya ngayon ni Seyvana.
Ni hindi ko marinig ang demonyong tawa ni Seyvana at tanging ang boses parin ni Avzora na tinatawag paulit-ulit ang pangalan ni Brooch.
Hindi ko alam kung paano pa ako nakatayo sa malalambot kong tuhod habang ang isang balikat ko ay bagsak na bagsak na. Agad akong napapikit at ang buong lakas na kanina ko pang hinihingi ay bigla nalang nagsilapitan sa buo kong katawan at siyang boses ko ang umalingangaw sa buong kapaligiran.
"Ama!" Bigla nalang nagliwanag ang buong katawan ko na kulay pula, kasabay no'n ay ang siyang pag-uyog ng buong lupa na ikinatumba ni Seyvana. Napalingon ito sa akin pero wala akong ibang nararamdaman kundi lungkot. Lungkot na siyang kumakain sa buo kong pagkatao na siyang hindi ko magawang maging masaya.
Hindi na ako nakakilos, kitang-kita ng mga mata ko ang pagsugod sa akin ngayon ni Seyvana habang nakatutok sa akin ang Katana. Napapikit nalang ako at hinintay ang pagdikit nito sa buo kong katawan.
"Alfalla!" Dinig kong sigaw ni Avzora.
Ilang segundo ay wala pa akong nararamdaman, kahit labag sa puso ko ay dumilat ako at siyang pagkagulat ko sa lalaking walang suot na pang-itaas at tanging punit-punit na pantalon lang nito ang suot. Nakaharang ito sa akin habang ang kaniyang katawan ay nag-aapoy.
Napaangat ang tingin ko dahil sa paglutang nito at agad akong natigilan dahil sa sakal na sakal nito si Seyvana ngayon, si Seyvana na ngayo'y nanghihina habang hirap na nakatingin sa lalaking may hawak sa leeg niya.
"Kung alam mong darating ang panahon na ito, puwes hindi pa kita nasisilayan ay alam ko na ang mangyayari sa hinaharap. Being the Devil Lord of Envy and one of the princes of hell, I am most wise than you Seyvana. Bakit kaya hindi nalang kita pinatay no'n no'ng may pagkakataon pa ako? Hmmm—pasalamat ka ay protektado ka sa kapangyarihan ng mas nakakataas sa'yo, kung hindi ay matagal ka ng nawala." Napatingin sa akin ang lalaki, ang aking Ama at ngumiti. Hindi ko magawang ngitian siya pabalik dahil sa galak na nararamdaman ko ngayon. Na ang Ama ko ay nasa harapan ko na ulit, my tears are now falling again from my eyes because of joy and because of my Father's presence.
"L-Leviathan! A-anak mo si Al—"
"Kahit malaman mo pa ang katotohanan, still hindi ka na magtatagal. Doon nalang tayo sa impyerno mag-usap, hintayin mo ako do'n ah?" Sa pagkasabi no'n ni ama ay siyang paglipat ng mga apoy niya sa katawan sa katawan ni Seyvana na ngayo'y nagtitili-tili na dahil sa sakit. Ang napakalakas niyang hiyaw na siyang mas lalong nagpapasaya kay Ama, ang mga apoy na siyang kinakain ang buong katawan ngayon ni Seyvana.
Ilang minuto ay bigla nalang may nalaglag sa harapan ko na umuusok na bagay.
Ang alam ko lang, Seyvana's gone and this thing in front of me is her skeleton.

Bình Luận Sách (65)

  • avatar
    Meizaa

    Wow na wow talaga author ito talaga ang the best ever na nabasa ko dito sa novelah hayst ang ganda ng pag kakagawa mo 🥰👍

    2d

      0
  • avatar
    Jenny Villareal

    it so good to read I love it

    3d

      0
  • avatar
    Bai Yna Guiandal Alim

    napaka ganda

    5d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất