logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 3

HALOS HINDI magkandaugaga ang mga katulong sa paghahatid ng mga pagkain sa hapagkainan kaya naman agad na tumulong si Katya at kinuha ang isang pitsel na may lamang malamig na tubig. Pagpunta niya sa hapagkainan ay nakaupo na ang Señorito at hinahainan ni Manang Rosa ng pagkain ang plato. Natigilan siya sandali dahil sa nakita pero agad ding nagtuloy sa paglalakad.
Nakaupo si Señorito sa dulong upuan ng mesa. Sa harap nito ang ibat ibang klase ng pagkain. Nilapitan niya si Señorito at nilagyan ng tubig ang nakataob nitong baso. Nang mapatingin siya sa Señorito ay napansin niya ang titig nito kaya nama'y nginitian niya rin ito matapos salinan ang baso.
Sinulyapan niya si Manang Rosa na lihim na nagmamasid sa kanila. 
"Manang, who is this young lady? Ngayon ko lamang siya nakita rito," kaswal na tanong ni Señorito kay Manang Rosa at saglit na sinulyapan ang matanda bago bumaling sa pagkain.
Lihim niyang nakagat ang labi dahil sa tanong nito. 
"Siya si Anna, ijo. Isa ring katulong. Hindi mo siya nakilala noong nakaraang pag-uwi mo rito dahil umuwi siya sa kanila." 
Tumingin sa kanya si Señorito at bahagyang tumaas ang dalawang kilay. Nahigit niya ang hininga ng pakatitigan siya nito na parang inaarok ang kanyang pagkatao.
"Is that so? She doesn't look like a maid to me." Sa sinabi nito ay para siyang aatakihin sa puso. 
Halos manlaki ang mga mata niya at napaiwas ng tingin dito. Kung paano nito iyon nasabi ay mukhang alam na niya.
Matangkad siya kumpara sa taas ng normal na babae sa Pilipinas. Maputi rin siya at may kakinisan ang balat. May lahi ang parehas niyang mga magulang kaya halata sa anyo niyang may lahi din. Lalo na ang mga mata niyang halos kakulay na ng abo. Ang kanyang buhok ay itim na itim na namana niya sa kanyang Ina na ang Ina na Lola niya ay purong Filipino. Mahaba ang buhok niya na umabot sa kanyang bewang. Makintab at tuwid na tuwid. Balingkinitan ang pangangatawan na ang mga curves ay nasa tamang pwesto. Kaya hindi na siya magtataka kung hindi man siya mukhang katulong bagkus ay mukhang isang modelo.
Napalingon si Katya kay Manang Rosa ng tumawa ito at tinitigan din siya. Hindi niya maiwasang mailang sa titig ng dalawa kaya nama'y agad siyang yumuko at nilisan ang hapagkainan.
"Aba'y napakaganda naman talagang bata ni Anna. Hindi na ako magtataka dahil ang kanyang ama ay may lahi rin." Ito ang huli niyang narinig ng makalabas siya ng hapagkainan.
Totoong may lahi rin ang ama ni Anna. Aksidenteng nabuntis ang Ina ni Anna ng ama nito ngunit hindi pinanagutan. Hanggang sa nagkaroon ng asawa ang Ina nito at nagkaroon ito ng mga kapatid dito.
"SABIHIN MO nga ija, anak-mayaman ka ano?" isang araw ay tanong ni Manang Rosa kay Katya.
Kasalukuyan silang naghahanda ng almusal. Sila ni Manang Rosa kasama si Hanna at isa pang matagal na katulong na si Cassy. Si Cassy rin ang isa sa nakakaalam na hindi siya ang totoong Anna. Kabilang ng dalawang driver at mga security guard. Hindi naman nakilala ng mga tauhan sa labas ng hacienda si Anna kaya walang problema kung makita siya ng mga ito. Bukod kay Cassy ay may tatlo pang nakakaalam na hindi siya si Anna at halos ang mga ito ay may mga asawa at anak na inuuwian at wala na rin namang pakialam sa nangyayari kay Anna. Ganoon sila kadami sa mansyon at idagdag pa ang dalawang bagong katulong na sina Hanna at Maria na mukhang ayaw na ayaw sa kanya. Sa dalawang nabanggit ay tanging si Hanna ang nagpapakita ng disgusto sa kanya samantalang si Maria ay hindi man lang siya kinakausap.
Bumaling si Katya kay Manang Rosa at ngumiti. "Hindi naman po. Siguro noon...pero hindi na ngayon, " bakas ang sinseridad at katotohanang sagot niya.
Sila lamang dalawa ang nasa loob ng kusina dahil si Cassy at Hanna ay inaayos ang mesa na nasa portiko dahil doon gustong kumain ng Señorito ng umagahan.
"Kasi kahit na sino ang makakita sa iyo ay hindi ka pagiisipang katulong. Ano nga ba ang ginagawa mo rito sa lugar na ito?" 
"Mahabang kwento po Manang Rosa. Pero wala naman sa itsura ang pagiging katulong. At naniniwala ako na hindi masama ang maging katulong," nakangiting wika niya. Napangiti rin ito sa sinagot niya.
"Gusto kong malaman kung ano ang totoo mong pangalan, ija, maaari ba?"
Saglit siyang natigilan sa sinabi nito. Miski kasi si Anna ay walang alam sa tunay niyang pangalan maliban na lang sa Rhina na mula pa rin sa kanyang pangalan at apelyidong Limaco na mula naman sa apelyido ng kanyang Ina.
Mukhang napansin ng ginang ang pagaalinlangan niya kaya bahagya itong ngumiti at inabot sa kanya ang isang baso ng mainit na kape. 
"Ayos lang kung ayaw mong sabihin. Hamo at ihatid mo itong kape sa Señorito. Napapansin kong madalas ka niyang hanapin para utusan ng kung ano-ano. Pagpasensyahan mo na lang ha?" wika ni Manang Rosa na nagpangiti sa kanya.
"Ay wala naman po sa akin iyon Manang. Trabaho ko po. Isa pa, natutuwa akong paglingkuran si Señorito 'ko'," humagikgik siya pagkatapos ng pilyang sinabi. 
Lihim ring natawa si Manang Rosa sa sinabi niya. Alam kasi nito ang lihim niyang pagtingin sa masungit na Señorito at sang-ayon naman ito dahil gaya nga ng sabi niya, tanging crush niya lang ito.
Totoo rin ang sinabi nito na sa nakalipas na mga araw ay lagi na lang siyang inuutusan ng masungit na amo ng kung ano-ano na kahit pag-abot dito ng kutsara ay sa kanya pa rin. Hindi naman siya naaasar sa ginagawi nito dahil mas natutuwa pa siya. Iyon nga lang dahil sa nangyayari ay mas lalo siyang kinainisan ng dalawa. Sina Hanna at Maria. Kung kaya nga lang siyang patayin sa tingin ay baka matagal na siyang nakaburol. Hindi na nga lang niya pinapansin ang dalawa.
Nakangiting dinala niya ang isang tasa ng kape sa portiko kung saan nakaupo na ang Señorito niya. Lalong lumaki ang ngiti niya ng masulyapan siya nito at ang salubong nitong kilay ay lalo pang nagsalubong ng makita siya. Minsan ay naiisip niya kung bakit madalas ay nakasimangot ito sa kanya o laging salubong ang kilay. Siguro ay ayaw na ayaw nito sa kanya. Kaya grabe na lang itong magsungit. Pero madalas naman ay hinahanap siya nito. Iyon nga lang ay para utusan.
"Here's your coffee, Señorito," nakangiting wika niya at binaba sa mesa ang tasa.
"What took you long to prepare this? I'd been here for almost five minutes," seryosong reklamo nito bago siya sinamaan ng tingin.
Iniwasan niyang matawa dahil sa tila isip bata nitong sinabi at saka tinitigan ito sa mata. "I do not prepare that Señorito. Si Manang Rosa ang nag brewed ng kape. Tagahatid lang po ako," wika niya habang nakatayo sa gilid nito.
"What?" tila gulat namang anito.
"Papasok na po ako sa loob. Kung may gusto pa po kayo ay maaari niyo lang na ipatawag ako," aniya at niyukuan ito. Napansin kasi niya na papasok na sa partiko si Hanna at Cassy dala ang mga pagkain kaya naisip niyang umiwas na para tigilan na rin siya nito.
"Wait a minute." Ngunit natigilan siya ng pigilan siya sa braso ng Señorito kaya agad niya itong nilingon.
"Bakit po?"
"Don't 'po' me. The next time, I want my coffee made by you. Kapag nagustuhan ko ang kapeng gawa mo ay tutuparin ko ang anumang kahilingan mo." 
Saglit siyang natigilan sa sinabi nito at napatitig sa mukha nito. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. At ngayon pa lang ay umiikot na ang kanyang utak sa pagiisip ng tamang kahilingan.
Nabalik lang siya sa kasalukuyan ng may marahas na dumanggi sa kanya dahilan ng kanyang pagka-atras. Nang tingnan niya ay nakita niya si Hanna na masama na naman ang tingin sa kanya. Ang simangot nito sa mukha ay tila isang canvass na may itim na pintura at hindi alam kung anong bagay ito.
"Mukhang tapos na ang trabaho mo rito Anna, bakit hindi ka pa pumasok sa loob?" kaswal na sabi sa kanya ni Hanna. 
Nakagat na lang niya ang sariling dila para pigilan ang sarili sa pagpatol dito lalo na at nasa harap sila ng kanyang Señorito. Tinanguan niya ito at wala ng lingon likod na umalis. Isa pa sa kinaiinisan niya ay ang pagkakatunog nila ng kanilang mga pangalan. Hanna. Anna. Kaya madalas ay hindi niya alam kung siya ba ang tinatawag ng kanyang Señorito o ito ba. Napapansin niya rin na parang nakikipag-kompetensya sa kanya si Hanna na ipinagsasawalang bahala na lang niya lalo dahil ayaw niyang magkaroon ng away sa pagitan nila kahit na ba iyon lagi ang ipinahihiwatig sa kanya ni Hanna.
Nang makarating sa kusina ay agad niyang nilapitan si Manang Rosa at tinanong kung kailan humihingi ng kape ang kaniyang Señorito.
"Sa umaga at sa gabi kapag siya ay nagta-trabaho sa kanyang opisina. Bakit mo naitanong?"
"Simula po mamaya ay ako na po ang magtitimpla ng kanyang kape Manang ha? Kukunin ko ang kanyang panlasa. Isa pa ay inutusan din niya akong ipagtimpla siya ng kape."
"Ganoon ba? Sige ipagtimpla mo siya pero kapag humiling lang siya ng kape. Ayaw na ayaw niya na may pumapasok sa kanyang opisina lalo na kapag siya ay nagta-trabaho. Ano ba ang pumasok sa isip ng batang iyon at pinahihirapan ka? Alam naman nating ang timpla ko lang na kape ang tanging nagustuhan niya?" napapakamot sa ulong wika ni Manang Rosa.
Miski siya ay nahihiwagaan sa asta ng binatang amo pero wala naman siyang maisip na dahilan para gawin nito ang mga bagay na iyon.
"Baka po gusto niya lang talaga ng panibagong lasa ng kape Manang. No offense meant."
"Hmm...siguro nga. Kung ganoon ay hindi ko na sasabihin ang timplang ginagawa ko. Good luck sayo, ija." 
Nginitian niya ang Manang at nakipag-apiran pa rito. Natutuwa talaga siya at masaya sa pananatili sa mansyon. Hindi na rin siya natatakot na may makakilala sa kanya dahil hindi naman siya lumalabas ng mansyon. Ang balita naman tungkol sa kanya ay matagal na ring tumigil. Isang balita kung saan siya ay pinaghahanap dahil siya raw ay nawawala na wala namang katotohanan dahil siya ay tumakas sa kanilang mansyon.

Bình Luận Sách (23)

  • avatar
    Elsa Viesca

    💞💞💞

    5h

      0
  • avatar
    Jay MarkDinawanao

    Very very nice

    13/07

      0
  • avatar
    Jasmine Garcia Demillo

    💞💞

    30/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất