logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 4

"How important is the risk to your strand as an ABM student?"
"Hindi ko po alam," mabilisan kong sagot.
Nakarinig ako ng ilang pagtawa sa paligid na hindi ko na lang pinansin. As if namang may pakialam ako kung tawanan nila ang naging sagot ko.
Mamatay sila diyan kakatawa.
"We have already talked about risk since the preliminaries but you did not know?" Umiling ako.
Anong alam ko sa risk na 'yan?
'Yan ba yung kapag pipiliin mong ibili ang pera mo sa pagkain para mabusog ka? O hindi, dahil kailangan mong magtipid?
Aba kahit ako hindi ko alam.
Napabuntong hininga siya saka luminga sa paligid.
"Anyone who can help her?" Umiwas ng tingin ang iba kaya lihim akong napangisi.
Eh, b*bo rin naman pala sila tapos makatawa kala mo matalino.
"Anyone?" Wala pa ring sumagot kaya bagot akong tumingin sa harapan.
"Yes, Mr. Deverra."
Nang marinig ko ang pamilyar na apilyedo, doon ko nakita yung manok na nginitian ako pagtama ng tingin naming dalawa.
So, he is my classmate? What a coincidence. Insert sarcasm.
"Importante po ang risk sa strand namin dahil kapag wala po ito... edi hindi po kami ABM student."
Umugong ang mahinang tawanan sa paligid. He's a lot dumber than me. I can see the disappointment through the teacher's eyes.
Sino ba namang hindi diba? At least hindi pa pala ako ganun kabobo.
"Did you understand the question Mr. Deverra?"
"Yes, ma'am tinanong niyo po kung anong halaga ng risk sa aming mga ABM student. Kaya 'yun po ang sagot ko, pero kung hindi pa po kayo satisfied sa aking sagot. Meron pa naman po akong isa pang sagot," confident niyang sabi.
Parang nagdadalawang isip pa ang guro kung papakinggan nito ang sagot niya. Dahil sa ayos niya ngayon, halata ang confidence sa buo niyang mukha hanggang sa paraan ng pagtayo nito.
"Go on." He smiled after the teacher gave him a permission to say his another answer.
Do we need to hope that his answer makes sense? Because as I see now, he is really a chicken that does not have a brain at all.
"Risk is something we have every day, for example when we have to choose whether we will invest in something that we can benefit from or not. If we will choose between our needs and our wants. And as an ABM student, that's important because of the field we're going through in college. As a future accountant and business manager, risk is paramount. Because if we are going to start a business as an entrepreneur or work in a company or organization as an accountant, financier, marketing, human resources and economist. We should always see the possibilities of business failure... their flaws to be exact."
Huminto muna siya saka mas lumapad ang ngiti.
"Because we don't know if our business or the organization we went to will be successful in the long run. There are different types of risks such as economic risk, financial and knowledge risk, external and internal risk, unforeseeable risk and many others. These risks consist of the threat levels that each risk can pose. And as an ABM student, we should already know that risk is really important to us. Because this talks about basic types of risks and classification systems that look at the conditions of risk so that we can analyze a certain situation for the final decisions that will be made. It is in our hands how successful the organization will be in the present but most importantly, in the future."
Fine. Binabawi ko na ang sinabi ko, kasi ni isa sa sinabi niya wala akong naintindihan.
"Very good, Mr. Deverra!" Masayang puri sa kanya ng guro na pumalakpak pa. Nakisabay ang ilan pang studyante sa paligid pero asa pa silang kasama ako doon.
"Dapat ganito kayo sumagot, dahil sayang ang pera ng mga magulang niyo kung wala naman pala kayong natututunan sa eskwelahan. Try to understand everything with your heart and not just your mind. Do you understand?"
Sa akin nakatitig ang guro habang sinasabi niya ito. Ngiwing ngiti na lang ang binigay ko bago umupo.
Hindi ko kasalanang bobo ako.
▪▪▪
"Sharon!" I stopped when he called my name.
Wala sana akong balak na huminto at lingunin siya pero kanina pa niya ako sinusundan. He was really like a rooster crowing and it's really deafening.
"Can you stop following me?!"
My level of annoyance really prevents me from doing this mission.
Hindi ako makapagpanggap nang hindi man lang nakakaramdam ng inis kahit isang araw. There are a lot of people who always pass by my way to prevent me from finding even a single clue.
"Galit ka na niyan?" biro niya na siya lang ang natatawa.
Manhid ba ang manok na ito? Kasi kung oo, pakilayo layo siya sa akin dahil baka hindi ako magdalawang isip na tusukan siya ng malaking stick sa pwet tapos gawin siyang roasted chicken.
"Ano ba kasing kailangan mo sa akin?!" irita kong tanong.
Nilagay niya ang isa niyang daliri sa kanyang sintido at kunwaring nag-isip. Mapapamura ka na lang talaga sa lalaking ito.
"Hindi ko rin alam eh. Hahahahaha!" Pakihanda na ang malaking stick, bw*sit siya.
Bw*sit talaga!
"Ewan ko sa'yo." Pagharap ko, siya namang bungad ng isa pang sakit sa ulo. Syempre kasama niya si Lhor na nakatingin sa direksiyon namin habang hawak ang kanyang telepono.
"Is he bothering you?" seryosong tanong ni Callum.
Hindi, hindi halata. Malamang! Kailangan ba laging tanungin ang halata naman na? Nakaka-stress sila.
"Kinda," tipid kong sagot.
He held my hand and put me behind his back before facing the chicken who still has his full smile on his face. As if he wasn't afraid of this stupid Callum.
"Anong kailangan mo sa kanya?"
The tone of his voice is very authorative but that doesn't intimidate the chicken. He even winked at me before answering the question.
Kadiri ha.
"Kailangan ko siya dahil kailangan niya rin ako."
Siya lang ang nag-iisip niyan.
Matik na kinuwelyuhan ito ni Callum na walang pinaggago. I mean, pinagbago.
Kulang na lang talaga popcorn at upuan, malasine ang gusto ng dalawang ito, eh mga feeling nasa libro.
Wala bang bago diyan? Kaumay nilang tignan.
"At sinong nagsabing kailangan ka niya?"
Halata sa paraan ng pagkakakwelyo nito ang gigil at inis.
D*mn Callum, you are overprotective of this girl. I wonder what his reaction will be once he finds out that the one he should protect is already dead.
"Ako," nang iinis niyang sabi.
Maraming tao sa paligid ang nagsimulang mag-usap pero isa lang ang nakakuha ng aking atensiyon.
"Nag-aaway na naman sila dahil sa nerd na 'yan."
Hmm... may history ang dalawang ito?
Pabagsak na binawi ni manok ang kwelyo niya kay Callum saka ngingiti siyang tinitigan.
"You're ridiculous Suàrez, you're watering the wrong tree." Nalipat ang tingin nito sa akin na muli akong kinindatan. "See you later Sharon."
Hindi na niya binigyan pa ng pagkakataong makapagsalita si Callum sa mabilisan nitong pag-alis. At sa unang pagkakataon, nagkaroon ako ng kaunting atensiyon sa sinabi nito.
Is he pointing at something? Hindi pa ako nakakaabot ng isang linggo rito pero mukhang may mga tinatago sila na kailangan kong alamin.
What's with that chicken?
"'Wag mo na siyang kakausapin," pigil na inis na sabi ni Callum pagharap niya sa akin.
Paano ko siya hindi na muling kakausapin kung binigyan niya ako ng dahilan para alamin ang koneksiyon niya kay Sharon?
If he has history between this two, hindi malabong maaaring may kinalaman siya sa pagkamatay nito dahil lahat ng malapit sa babaeng ito ay maaaring suspect sa kanyang pagkamatay. Even Lhor na nakaharap lang lagi sa kanyang telepono.
Mukhang babawiin ko ang sinabi kong hindi ko kailangan ang manok na 'yun sa binububo kong plano.
"Sharon, 'wag mo na siyang hahayaang makalapit sa'yo. Naintindihan mo?"
Kahit na halata namang hindi ko siya susundin tumango pa rin ako. Feeling may label sila ng babaeng ito para diktahan ang mga gagawin ko.
Buti na lang at hindi ko siya kaklase, dahil paniguradong sakit lang 'yun sa ulo kapag nagkataon. Stem kasi ang kinukuha nito kaya malabo talagang maging kaklase ko siya. Ang hindi lang malabo ay ang pagsulpot sulpot niya sa harapan ko.
"Kapag nakita ko pa siyang lumalapit sa'yo ako na mismo ang magpapatalsik sa kanya sa ekwelahang ito."
Asa ka pang papayag ako. Walang aalis sa eskwelahang ito hangga't hindi ko nahahanap ang pumatay sa babaeng ito.
▪▪▪
Breath in. Breath out. Chill Irene. Chill.
"Naintindihan mo?" pagtatapos na sabi ni Callum. Pilit na ngiti ang ibinigay ko.
"Oo."
Sa haba ng sinabi niya, kating kati na akong bumaba sa kotseng ito. Wala rin lang ka-kwenta kwenta ang mga lumabas sa kanyang bibig.
"Gabi na, pumasok ka na sa loob. Susunduin na la--"
"'Wag mo na akong sunduin, kaya kong pumasok mag-isa."
Pinakatitigan niya ako, halata sa mga mata nito ang hindi pag-apruba sa aking gusto. But there is nothing he can do because I will do anything so that he is no longer be here again.
"Nakikitira lang ako sa boss ko sa condo niya. Hindi naman siguro maganda kung may pupunta punta--"
"Fine... pero ihahatid pa rin kita rito tuwing uwi--"
"No."
Alam niyo yung naiirita na nga ako sa haba ng sinabi niya tapos yung ugali niya pang ito na dumagdag? Aba'y ang ganda na niyang ilibing ng buhay.
"Pumayag akong ihatid mo ako ngayon dahil ayaw kita na makitang magalit, pero hanggang dito lang muna tayo Callum. Hindi mo ba pwedeng ibigay sa akin ang privacy na kailangan ko? I know you're doing this to protect me from your father, but isn't that too much? I also need space."
Mula sa pagkakakunot ng noo nito, malakas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan.
"I'm sorry," sincere niyang sabi na parang nagpabingi sa tainga ko.
Kailan pa siya natutong humingi ng tawad? Wow, pag-ibig nga naman.
"Mag-ingat ka na lang pauwi."
Tuloy-tuloy ako sa pagbaba ng kotse ng hindi man lang siya nililingon.
Kaumay siya. Good thing hindi niya ako hinabol hanggang makapasok ako ng building. At sa aking pagliko, nagtago ako't pasimpleng sinilip ang kotse niya sa labas.
Nandoon pa rin siya pero ilang minuto ang lumipas kusa rin itong umalis.
"Tss." Inayos ko ang bag na suot ko bago naglakad papunta sa elevator. Nangangati na ako sa prosthetics na suot ko.
BZZZT BZZZT...
Sunshine Araw sent you a message
"Hindi na lang ako tinawagan," iiling kong sabi pagpasok ko ng elevator. Bagot ko ring binuksan ang text message nito saka pinindot ang floor button.
Sunshine Araw
Mag-ingat ka pauwi sa condo unit, may nabalitaan kaming nakasunod sa'yo na tauhan ng mga Suàrez. Pasunod na ako diyan sa'yo.
Pagkabasa ko ng message, pasimple kong nilingon ang nag-iisang taong kasama ko ng elevator. He's wearing a cap, he looks normal but I can see from his actions that this is him Sunshine is talking about.
Binulsa ko sa aking uniform ang hawak kong telepono saka paunting dumistansiya sa kanya.
G*go rin yung tatay ni Callum noh? Sa sobrang g*go gusto kong mapatunayang siya ang pumatay sa babaeng ito.
You made the wrong step Mr. Suàrez.
Sa pagbukas ng elevator, lumabas ako nang hindi nililingon ang lalaki. Ngunit kahit hindi ko tignan, ramdam ko ang pagsunod nito sa akin. Balak pa ata niyang pumasok sa condo unit ah.
Ang kapal ng mukha.
Nilabas ko ang card key ko para buksan ang pinto ng condo unit ng sa ganun ay makita kung ano nga ba ang gagawin niya.
Pagkabukas na pagkabukas nito, tahimik akong pumasok hinihintay ang gagawin ng lalaking 'yon. Akala ko wala siyang gagawin pero bago tuluyang magsara ang pinto, siya namang pagpasok ng lalaki.
May hawak siyang patalim na akala mo naman nakakatakot para sa akin.
"S-sino ka?" kunwaring takot kong tanong habang humahakbang palayo.
Wala itong imik na tumakbo papunta sa direksyon ko pero pumunta ako sa gilid kaya muntik pa itong mapasubsob sa sahig.
T*nga niya.
Inalis ko ang suot kong bag saka binato ito sa kanyang direksyon para linlangin. Patakbo rin akong pumunta sa lalagyan ng vase para kunin ito't ibato sa kanya. Mabilis itong nakaiwas kaya nagkalat sa sahig ang bubog.
Kita ko ang pagkakangisi sa kanyang labi pero 'yun naman talaga ang balak ko. Muli na naman itong tumakbo sa aking direksyon. At bago pa man siya makalapit sa akin, nagpadulas ako paibaba para kunin ang pinakamalaking bubog na napulot ko sa sahig.
Ginamit ko ito para ibato sa kanya na tumama sa gilid ng kanyang pisngi, saka ako muli kumuha ng isa pang bubog bago tumayo.
"Masakit?" nang iinis kong tanong na nagpawala ng ngisi sakanyang labi.
Kita ko ang paghigpit ng hawak niya sa kutsilyo kaya aking hinanda ang aking sarili.
May kinuha itong isa pang pocket knife sa kanyang bulsa na pinaglaruan niya sa isa niyang kamay.
Ah... pakitang gilas.
"Ang tagal nama--" mabilis akong napayuko sa pagbato nito ng isang kutsilyo na dumiretso sa sahig. At kung akala niya'y malilinlang niya ako sa ginawa niya, 'yun ang inaakala niya.
Sa paglapit niya sa akin, malakas kong sinipa ang kamay niya na may hawak pang kutsilyo na nabitawan nito. Saka ginamit ang bubog na hawak ko para sugatan ang kanyang braso. Sinunod ko ang paa niya na malakas kong sinipa paibaba bago ito suntukin sa kanyang mukha.
"Nice try," seryoso kong sabi habang nakatutok ang bubog sa kanyang leeg.
Nakaluhod ang paa niyang sinipa ko kaya kitang kita ko ang daing sa buong mukha niya.
"And goodnight."
Malakas kong hinampas ng aking siko ang mukha niya saka pinuntirya ang batok nitong nagpabagsak sa kanya sa sahig.

Bình Luận Sách (34)

  • avatar
    GajeRichard

    nice story

    04/08

      0
  • avatar
    MacodSaimen

    hintay better luck next time sa book 2

    03/08

      0
  • avatar
    Irochi Dump

    call of duty

    13/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất