logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 2 Pt.2-SAVIOR-

Mabilis ang naging byahe niya, saktong alas otso ay bumaba siya sa tapat ng isang hiring na restaurant. Umaasa na Ito ang sasagot sa problema niya. Tumawid siya ng kalsada at naglakad palapit sa guard na sakanya din ang tingin. May pakeramdam ata ang guard na ito na sa restaurant ang kanyang distinasyon.
Huminto siya sa harap nito at ngumiti. " Kuya, mag a-apply po sana ako" Buntong hininga na tumingin sa kanya ang guard.
"Miss, Chef ang kailangan namin dito hindi waitress" Napailing naman si Aynna. Ang judgmental naman ng guard na nasa harap niya. Halata ba sa kanyang itsura na hindi siya nakapag aral ng koliheyo.
Bigo man sa sagot ng guard ay ngumiti parin si Aynna tsaka nagpasalamat. Nagpatuloy ulit siya sa paglalakad. Nagsimula na ulit ang dagok ng buhay niya. Saan kaya siya makakanahap ng trabaho na hindi sa degree binabase ang trabaho.
Tanghali na ng huminto siya sa paghahanap ng mapapasukan. Kinuha niya ang tumbler na nasa bag niya, inis na tinaktak niya ito ng wala ng tubig na lumalabas sa hawak niya. Napabuntong hininga siya at nilibot ang tingin. Kailangan niya makahanap ng tindahan na mabibilhan niya ng tubig, kanina pa siya pagod, uhaw at gutom. Sa dikalayuan sa pwesto niya ay may nakita siyang maliit na tindahan. Sana lang ay may tubig siyang mabibili dito.
May iilan na kasabayan niyang bumibili. Nang siya na ay humarap siya sa tindahan at sinabi kung ano ang pakay niya. " Pabili po ako ng tubig" Saglit na umalis ang tindira para kumuha ng tubig na kanyang binili. Gamit ang kaliwang kamay ay kinuha niya ang wallet sa bulsa ng kanyang suot na pantalon. Humugot siya ng bente pesos galing dito tsaka inabot sa tindira na nagabot sa kanya ng plastic bottle na may laman ng tubig.
"Salamat po" Nangmakuha ang sukli ay nagsimula na ulit siya maglakad. Hahanap muna siya ng pwesto kung san pwede siyang kumain. Sa maliit na karenderya ay nakiupo siya, nilabas niya sa bag niya ang baon niyang tanghalian.
Tahimik niyang kinakain ang nasa harap niya. Masyadong akupado ang isip niya sa mga problema niya, nagbalik lang ang ulirat niya ng may magsigawan sa di kalayuan sa karenderya kung san siya nakikain.
"Yung magnanakaw, pigilan niyo!"
"Harangin niyo, kawawa naman yung may-ari ng bag!"
"Mga tao talaga ngayon, gagawin ang kahit na masama magka pera lang"
"Ano pa nga ba aasahan mo sa mga mahihirap"
Kunot noo na tumayo siya sa upuan niya. Mga mamayaman nga naman, umangat lang sa buhay mababang uri na ng tao ang tingin sa mga katulad niya. Malapit na sa kanya ang magnanakaw ng harangin niya ang paa niya dahilan kung bakit natalisod at bumagsak ito sa lupa. Walang gana niyang kinuha ang kulay itim na bag na ninakaw ng lalaki.
"Sa susunod, kumita ka ng pera sa malinis na paraan, hindi ikaw lamang ang minamata ng mga mamayaman kundi pati kaming mahihirap na nagpapagod makahanap ng trabaho na makukuhanan namin ng pera sa malinis na paraan" Sinalubong niya ang dalawang pulis kasama ang isang ginang.
Tuwang-tuwa na kinuha ng ginang ang bag na nakuha niya sa magnanakaw. " Maraming salamat sa iyo, mahalaga ang laman nito dahil sa kwentas na regalo ng aking anak" Tumango lamang siya at tipid na ngumiti.
Hindi niya rin naman masisisi ang ginang na nagdala ng mamahalin na kwentas dahil wala naman nagsabi sa kanya na mananakawan siya sa araw na ito.
"Bibigyan kita ng pabuya, pasasalamat ko sa pagtulong mo sakin" Sa bag na inabot niya sa ginang ay humugot siya dito ng wallet.
Buntong hininga na umiling siya dito. "Hindi na po." Pilit na ngiti na sabi niya. Gusto niya sana dugtungan ang sasabihin niya. Gusto niya lang ipakita sa mga tao na nakasaksi sa pangyayari na hindi lahat ng mahihirap ay sa masasama kumukuha ng pera, meron parin naman katulad niya na nagsusumikap makahanap ng paraan para magka pera sa maayos na paraan.
Nagpaalam ang dalawang pulis bitbit ang kawatan na nahuli nila. Hindi niya na pinansin ng magpasalamat ito sa kanya.
"Mommy!" Lumapit ang tumatakbong lalaki sa pwesto nila. Hingal na hingal ito, tumutulo ang pawis na galing sa kanyang noo. " What happened? Are you okey? Why do you need to get your bag again? Your life is more than important than those money and cheque!" Galit na galit itong pinagsasabihan ang ginang na nasa harap niya. Ni hindi manlang siya napansin dahil sa sobrang pag aalala ng binata sa kanya Ina.
Kinilatis ni Aynna ang bagong dating na lalaki. Kulay abo ang buhok nito, ang katamtamang kapal ng kilay at bilugan niyang mata na kulay brown, mahihiya din ang pilik-mata niya sa haba ng pilik-mata ng lalaki, ang matangos nitong ilong at hugis puso na labi. Mas matangkad ito sa kanya, siguro kung susukatin ay aabot ng 6'11 ang height nito. Bumagay din ang suot niyang business attire na kulay gray. Sa madaling salita ay gwapo at may ipang mamayabang ang anak ng ginang na nag mamay ari ng bag.
"Huwag kana mag alala sa akin, dahil sa dalagang ito ay nakuha ko ulit ang bag ko. Bukod pa dun ay hindi lang naman tungkol sa pera at cheque ang habol ko sa bag ko kundi pati ang kwentas na niregalo mo sa akin nung naka raang taon." Maaliwalas ang mukha ng ginang na nasa harap niya, ware ba ay hindi nito dinibdib ang nagyare kanina.
Doon palamang siya napansin ng binata. Tinitigan siya ng lalaki sa paraan na para bang kinikilatis din siya nito. Kunot ang noo nito na naka tingin sa kanya. Huwag naman sanang pagbintangan siya nito na kasabwat niya ang magnanakaw.
Hinarap niya ulit ang ginang. "Mauna na po ako, mag ingat po kayo sa susunod" Tunalikod siya sa mag-ina at bumalik sa mesa kung nasan ang gamit niya. Binalik niya sa bag ang baunan niya, hindi niya tuloy naubos ang tanghalian niya. Nawalan na siya ng gana dahil sa nangyare, bukod pa dun ay kailangan niya na bumalik sa paghahanap ng trabaho. Wala dapat siyang sayangin na oras. Time is gold, ika nga ng mga mayayaman.
"Wait!" Nilingon niya ang binata na pumigil sa kanya sa paglalakad palayo sa karenderya. "What do you want for helping my mother?" Umiling siya dito. Ayaw niya sa paraan ng pagkakasabi nito, para bang ang lahat ng sasabihan niya ay maibibigay sa kanya sa isang pitik lamang ng kanyang mga kamay.
May taglay talagang kayabangan ang mga mayayaman.
"Wala. Sa susunod ay bantayan mo ang Nanay mo, mayaman ka naman kaya siguradong magagawa mo yun" Napa awang ang bibig ng binata sa kanyang sinabi. Sa huli ay sumilip ang ngisi sa kanyang labi. Hindi niya inaasahan na may tatanggi pa sa kanyang offer.
"Hmm... I will make it sure" Tumango lamang siya at nagsimula na maghanap ng trabaho. Hindi matatapos ang araw na ito na hindi siya makakahanap ng mapapasukan. Kahit ano, wala naman siyang karapatan mag hanap ng mataas dahil hindi naman siya nakapag tapos ng koliheyo, wala siyang maipag mamayabang na degree sa mga pinupuntahan niyang restaurant, hotel, company at kahit ang coffee shop na nadaanan niya kanina.

Bình Luận Sách (83)

  • avatar
    Siomai Rice

    good

    7d

      0
  • avatar
    Kian Patrick Sasa

    it's is nice to

    8d

      0
  • avatar
    Cris Coyagbo

    people is coming

    17d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất