logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter Three: Blood.

Parang nawalan ng lakas ng katawan ko. Namalayan ko na lang ang sarili ko na inalalayan ni Rosh paupo sa kama.
Nakatitig lang ako sa kawalan.
So it's real...
I reincarnated as Roxanne from the novel.
Pero teka... if I really reicarnated in her body. Does that mean... kung ano ang nangyari sa libro, 'yon din ang mangyayari sa 'kin?
Lumaki ang mga mata ko.
"No, no, no..." bulong ko. "I don't wanna die yet."
"What are you whispering?" Napalingon ako sa nagsalita. Nakapameywang si Rosh habang nagtatanong ang mga matang nakatingin sa 'kin. I almost forgot na nandito pa rin pala siya.
Hindi ko siya sinagot.
Ayoko pang mamatay. Masyado pa akong bata, may mga pangarap pa ako. I still have a lot to do. I haven't even fallen in love yet.
Nakasabunot ako sa buhok ko habang palakad-lakad sa kwarto. Si Rosh ay nakamasid lang sa 'kin. Halos maluha na ako nang may maisip ako.
I'll change the story. Tama... babaguhin ko ang takbo, I'll love someone else and not the prince.
But how? Hindi ko pa siya nakikita. What if he hates me? Oh wait, he already hated me- I mean, Roxanne. So why did he fell in love with her? What happened that made him change his heart? Wala na akong masyadong naaalala sa istoryang iyon.
Ah, basta. Iisa lang naman ang goal ko... ang mabuhay. Gagawin ko ang lahat, just to not meet my death bed. Same goes for Prince Akihiro.
Great, same name pa sila ni Hiro ampucha.
But first, kailangan ko munang pag-aralan lahat tungkol sa mundong 'to. I'll start from the royal etiquette, the imperial palace and it's history along with the imperial families, noble ranks, to mages, wizards, and mana.
Pero pa'no? Walang nakakaalam na hindi ako ang totoong Roxanne. Except...
Mabilis kong nilingon si Rosh na mukhang nagulat pa sa paglingon kong 'yon.
"What?" he asked.
"Teach me everything," seryoso kong saad.
"About what?"
"Everything!"
He clicked his tongue and smirked, "Geez, no need to be feisty." Umayos siya ng tayo. "If I'll do that, what will I get?"
"Gold, money, whatever ya'll call it," I stuttered. "So, ano? Payag ka ba?"
"No."
I whined. "Sige naaa. 'Di ka ba naaawa sa 'kin?" I gave him my puppy eyes. "I don't know what to do, baka malaman nila na hindi ako ang totoong prinsesa. I might get killed!"
"Not my problem."
"Tang ina mo."
Mukhang nagulat pa siya sa pagmura kong iyon, pinipikit-pikit niya pa ang kaniyang mata bago ngumisi. "Damn, why did it sound sexy?"
I gasped at his statement. "Excuse me!?"
"You're excused."
Bumuntonghininga ako. Maybe it's not a good idea asking him.
Sabay kaming lumingon sa pinti nang bumukas ito. Pumasok si Faith, may nakasunod sa kaniyang lalaki na naka-armored suit at brunette ang buhok.
Nilagay niya ang kaniyang kanang kamay sa dibdib at yumuko. "I am in joy to see that you are now well, Your Highness."
I looked at Faith with my head leaned to the side. Nagtatanong ang mga mata.
"Ah! This is Caleb, you're Knight," she introduced him. "Her Highness lost some of her memories because of the accident," rinig ko pang pagdadahilan niya sa lalaki. The latter just nodded in understanding.
Maya-maya pa ay pumasok na rin si Lily sa kwarto. "Your highness, His Majesty is asking for your presence."
Bigla akong kinabahan. I looked at Rosh but he already disappeared.
Now where the fuck did that arrogant wizard go?
Kabado akong naglalakad sa hallway. Nakasuot ako ng white dress na off-shoulder, about hanggang sahig. Meron itong blue outlines at isang malaking blue ribbon sa gitna ng neckline nito. Naka-braid ang buhok ko at nilagyan ng golden rose na headress sa likod ng buhok ko.
Parang nanginginig ang paa ko. Dagdag pa na hindi ko alam kung saan ang daan patungo sa hardin, doon ko daw kasi kikitain ang tatay ko, i mean tatay ni Roxanne. Plano ko na nga lang na sundan ang Imperial Knight pero nasa likuran ko siya at nakasunod. I asked him kung bakit hindi siya mauna and said na it's disrespectful raw to the royalty.
"Huh?" Nalito ako nang umilaw ang suot kong bracelet. Ang gitna nito na gawa sa diyamante ay may gumuhit na arrow.
Is this Rosh?
Wala sa sarili kong sinundan ang tinuturo ng arrow. Hanggang sa nakalabas na kami ng palasyo.
Nakita ko agad ang isang may katandaang lalaki na nakaupo sa isang upuan sa circular table. Nakasuot siya ng royal clothes at nakatingin sa lawa malapit sa kinauupuan niya.
Judging by his black hair and red eyes, he must be the Emperor.
Naramdaman niya yata ang presensiya ko dahil lumingon siya sa direksiyon ko. I lightly flinched.
Lumapit ako sa kaniya. Nang nasa harapan na niya ako ay hinawakan ko ang magkabilang gilid ng damit ko at yumuko.
"I greet the light of our Empire, Your Majesty," bati ko sa kaniya while silently thanking Rosh in my mind for helping me. Buti na lang rin at naalala ko pa kung paano bumati sa isang royalty sa novel.
I froze when I felt a hand caressing my head.
"My lovely child, you do not need to do that." Nagulat pa ako sa malambot niyang pagkakasabi nito. "Do take a seat."
Sumunod ako at umupo sa bakanteng upuan sa kanan niya.
"Caleb," tawag niya sa royal knight na nakatayo sa ilalim ng puno malapit sa amin. "Where is Akihiro?"
"The prince might be late for a few minutes for what I see, Your Majesty."
Tahimik lang akong nakamasid sa hardin. Maraming naggagandahang bulaklak na makikita mo saan mang sulok ng hardin. Ang lawa na nasa likuran ko ay meron ding naglulutangan na lilies at lily pads. May nakapatong na mga palaka sa ibabaw ng mga ito.
Meron ding dalawang swan na nasa gitna ng lawa. Iniikot nila ang isa't isa na para ba silang nagsasayawan. Maya-maya pa ay idinikit nila ang kanilang ulo sa isa't isa, forming a heart. Napangiti ako sa nasaksihan.
Sana all.
"Father."
Sabay kaming lumingon ni Dad nang may magsalita. Halos lumabas na ang mga mata ko sa nakita.
Like me, he also had black hair. Although wala siyang freckles, pula ang kaniyang mga mata at makapal ang kaniyang kilay. But what caught my attention was his dimples. Hindi siya masyadong kita dahil hindi siya nakangiti, pero mapapansin mo pa rin ang medyo paglubog ng kaniyang pisngi.
Inaayos niya ang kaniyang suot na puting gloves. Yumuko siya bago umupo sa upuan sa harap ko.
May dumating na tatlong maid na may dalang trolly. Lumapit sa amin ang isang maid at inilagay ang tatlong tasa sa harap namin bago ito nilagyan ng tsaa. Sunod na lumapit ang nasa likuran niya at inilagay ang dala nitong tatlong slice ng blueberry cheesecake. Ang panghuling maid ay may dalang dalawang box at inilapag niya ito sa harap namin ni Akihiro.
"First and foremost, I hope you'll like my gift for you two," sabi ni Dad.
Sabay naming binuksan ang box. Tumambad sa 'kin ang isang gintong hairpin na hugis paruparo. Merong nakadikit na mga pulang diyamante o ruby na nagsisilbing outline ng butterfly. Ang loob ng pakpak nito ay may tigdadalawang malalaking ruby. Pati ang magkabilang dulo ng antenna nito'y may ruby din.
Tiningnan ko si Akihiro at ang natanggap niya. It was a gold rectangular box. Meron ding nakadikit na mga diyamante rito pero hindi tulad ng sa akin, sapphire ito. May apat na maliliit na sapphire sa apat na magkabilang corner ng box. Sa gitna nito ay isa pang mas malaking sapphire. Hindi tulad ng apat, mas pigmented ang asul nito.
Pinindot niya ang malaking bato at muntik pa akong mahulog sa upuan ang may biglang lumabas na matulis na espada sa magkabilang dulo nito.
Halos hindi na ako huminga. Nakatutok ang isang dulo ng espada sa 'kin. Mabuti na lang no'ng pinindot ulit ni Akihiro ang malaking sapphire ay pumasok ito sa loob ng box.
"Damn. Thanks, Father," he said to our father before drinking the tea. I slightly frowned at hisi informality. "I appreciate it," dagdag niya pa kahit wala namang bakas na pasasalamat sa mukha niya. "I do not want to waste my time for I still have some training to do, so why did you summoned us here?"
Ay, ang bastos.
Dad chuckled, "I just want to see my lovely children."
"Apologies, Your Majesty, but I do not intend to stay longer like what you expected." Tinapos niya muna ang tsaa bago tumayo. Yumuko muna siya bago naglakad paalis dala ang iniregalo sa kaniya.
"Still the same," kumento ni Dad at umiling. "So, I heard what happpened yesterday, Roxanne. Are you now well?"
Napainon ako ng tsaa sa biglaang tanong. Tumikhim muna ako bago sumagot.
"I forgot a few things, father. Maybe because of the explosion but worry not, I am now okay for the royal wizard has helped me during my healing," kaswal kong sagot.
Putcha, napasobra ba ako sa pagiging pormal?
"Roxanne." Nilingon ko siya. "I know you are not in good terms with your brother, and I know you both wanted to take the throne. But please, even for this day until my last breath, love each other."
Hinawakan niya ang kaliwa kong kamay. "I know your brother despise me and Riana so much for hurting his Mother, my wife. And I did not expect such hatred to be passed down to our daughter. He must've loathe us so much that he almost ended his own sister's life."
Para akong nakakita ng multo sa narinig.
"What do you mean, Father?"
He sighed. "Your brother was the cause of the explosion."
"W-What?" Akihiro... tried to kill Roxanne?
"This must be one of the things you have forgotten because of the explosion. But you and your brother fought yesterday."
"It was actually normal to see you two fight, but yesterday got out of hand when both of you used your mana to attack each other," dagdag niya pa.
"The Knights tried to stop the both of you, but they failed. Until Akihiro suddenly used almost all of his mana and targeted it on your center, where all your mana is being kept."
"With that, his mana merged with yours. And because of it's uncontrolable power, it eventually dominated your body until it can't take the mana anymore, causing the explosion."
He rested his nose bridge on my hand. Nagulat ako nang maramdaman kong namamasa ang kamay ko.
He's crying...
"I'm sorry... for not being able to protect you, my child," nanginginig niyang sabi. "Please, forgive me."
Hindi ko namalayang nay tumulo na palang luha sa gilid ng mata ko. Ang bigat ng dibdib ko. Habang pinapanood ko siya.
Ang emperor na hinahangaan ng lahat... ay humahagulgol sa harapan ko.
"F-Father," I called him. "It is not your fault. So please, do not put the blame on you for it is not you who caused the explosion."
Mas lalo siyang napaiyak sa sinabi ko. Without a doubt, I hugged him. Hinayaan ko lang siyang umiyak sa balikat ko hanggang sa magsawa siya.
Ngayon ay naglalakad ako pabalik sa silid ko. Hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga sa mga nadadaanan ko.
The place screams luxury. Of course, it is a palace after all.
Nagulat ako nang may biglang humila sa 'kin sa isang madilim sa sulok. Akmang sisigaw na sana ako nang tinakpan niya ang bibig ko. I tried to remove his hand but he's too strong.
"Xandra, it's me."
Lumaki ang mga mata ko. Muli akong kumalas sa kaniya na nagawa ko naman. I stared at him, surprised.
"Hiro!?"
Putang ina, nandito rin siya?!
"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa 'kin pero tinaasan ko lang siya ng kilay.
"I believe I'm the one who's supposed to be asking that, Hiro. Or should I say, Prince Akihiro?" I said sarcastically.
He tsked. "Hindi ko rin alam, nagulat na lang din ako. Paggising ko, nasa katawan na 'ko nito."
"Wow, pa'no ka napunta riyan? Tumalon ka ng building? Nagpasagasa kay truck-kun?" I mocked him.
"I ended up here trying to save you, idiot."
"Ha?"
"Hakdog."
"King ina mo." Inirapan ko siya. "What should we do now? We don't have any idea about this place. And I'm pretty sure by now that you knew we reincarnated as the main characters of the book we just debated on."
"I know. And I'm pretty sure we both know how this would end."
Napalabi ako. He's right, we both know na mamamatay kami sa huli dahil sa naging relasyon ng orihinal na Roxanne at Akihiro.
"I have a plan, actually."
Tinaasan niya ako ng kilay. "And what is that?"
"Huwag tayong mahulog sa isa't isa."
Tinawanan niya ako. May mali ba akong nasabi?
"It's not like I'm Akihiro. I'm not gonna fall in love with you. Hindi ka naman kamahal-mahal."
I felt something breaking inside me after his statement.
"Is that why you left me?" bulong ko. I didn't expect na maririnig niya pala iyon dahil pati siya ay tumahimik.
I laughed bitterly, "Silly me. Muntik mo pa nga akong mapatay kahapon eh."
Nakita ko ang pagdaan ng kalituhan sa mukha niya. He was about to ask me something but I waved my hand, silencing him.
Agad kong pinahid ang tumulong luha sa gilid ng mata ko. Huminga ako ng malalim bago ko siya ulit tiningnan.
"Nevermind what I said, let's just focus on what we should do for our future to change." Patagilid akong sumandal sa dingding na nasa kaliwa ko. "A week from now, there will be a grand banquet happening as a celebratuon for our father's birthday."
"Knowing the Emperor and how influential he is, for sure, a lot of high ranking nobles will attend the said ceremony. We can make our move there." I raised my pointer finger. "The invitations are now ready and are waiting to be sent to every part of the Nation as well as the neighboring ones. Which means, maraming iba't ibang klase ng mga nobles ang makikita natin."
Tahimik lang siya at nakatingin lang sa 'kin. I'm not sure if he's listening to what I'm saying or not but I still continued talking.
"We will be introduced of course and will be seated in both sides of Father's throne. Doon tayo kikilos, socialize to every lady you encounter. Find someone your comfortable with, talk to her, flirt, or whatever you want, anything just to make yourself fall in love with her and vice versa. I will do the same thing," paliwanag ko. "Mataas ang pwesto kung saan tayong tatlo uupo, for sure madali ka lang makakakita ng naggagandahang dilag." I didn't mean it to sound bitter.
"Gets mo ba?" tanong ko after I explained everything.
Ilang minuto siyang hindi nagsalita bago unti-unting tumango.
"Yeah... I understand."
"Good. And please, let's not fuck this up. I don't want to die, yet. Hindi ko pa nasubukang ma-in love."
"Hmm..." sagot niya lang at dinala ang kaniyang kamay sa labi niya bago ito marahang hinihimas. Napalunok ako.
"Can you stop doing that?" kunwari'y naiirita kong tanong. "It's too distracting."
"Oh? Do you want a taste?" Lumaki ang mga mata ko.
Marahas ko siyang tiningnan. "Gago ka ba?Gusto mo ba talagang mamatay, ha?"
"Chill out, woman," sabi niya at ngumisi. "I'm just joking."
"Pwes, hindi nakakatuwa," galit kong saad bago bumuntonghininga. "Nahihilo ako sa 'yo," dagdag ko bago hinimas ang noo ko.
I didn't lie, I really do feel nauseous. Mas lalong umikot ang paningin ko at halos hindi na ako makatayo ng maayos dahil sa kawalan ng balanse. Hiro was about to help me but I raised my hand, stopping him.
Tinalikuran ko siya at tumingin sa labas. Kitang-kita mula rito ang isang greenhouse. Sa glass roof nito ay nakaupo ang isang ibon.
Kakaiba ang itsura nito dahil para siyang isang agila pero mini version. Ang balahibo niya ay kakulay ng papalubog na araw. Its tail was as long as a peacock's tail. Ang mane nito'y deep red ang kulay. Ang mata niya ay kasing kulay ng dugo, much more of a deeper red than its mane. And its golden beak that shines when being hit by the light.
Parang may kung anong koneksiyon ang naramdamdaman ko sa mula sa kaniya. Kasabay no'n ay ang paglingon ng ibon sa akin. It tilted his head before spreading its wings and fled, disappearing from my line of sight.
Tsaka ko lang napansin ang anino na nakatago sa likuran ng isang puno na katabi ng greenhouse. Nakasilip ito sa amin. Hindi ko siya maaninag ng maayos dahil nasa madilim ito na parte ng puno.
Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ang pananakit nito. Maya-maya pa ay lumipat ang pagkakahawak ko sa ulo patungo sa dibdib ko, roon sa parte kung nasaan ang puso ko.
Naging malalim ang aking paghinga. Para akong kinakapos at hirap na hirap sa kakulangan ng hangin. My hand clenched my chest harder than earlier. I felt like my heart is about to burst.
Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng likido mula sa ilong ko. Dahan-dahan ko itong pinahid bago tiningnan.
Dugo.
Unti-unti akong umikot upang harapin si Hiro. Lumaki ang mga mata niya nang makita ang dugong dumadaloy mula sa ilong ko.
"H-Hiro..."
Ang pagsigaw niya sa pangalan ko ang siyang huli kong narinig bago bumagsak an talukip ng aking dalawang mata at tuluyan na akong kinain ng kadiliman.
"Xandra!"

Bình Luận Sách (6)

  • avatar
    Melleyah Reyes

    Ganda so much

    25/06

      0
  • avatar
    MarIz Tamboboy Endita

    Nahhhhh super like it❤️❤️

    06/05

      0
  • avatar
    JhouielSharina

    Good story

    20/12

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất