logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 4

"God! Ang sakit ng likod ko," napatingin ako kay Jade na kararating lang habang may mga papel na hawak. Galing sa klase niya, "lunch? Kanina kapa diyan hindi kaba nagugutom?" baling niya sa'kin.
Nandito kami ngayon sa faculty, maging ako ay sumasakit ang katawan. Wala pa kasi akong tulog simula ng magsimula ang klase, may nga papers pa akong chinicheck.
"Ah....hindi ko namalayan ang oras, tara?" kinuha ko ang bag na nasa gilid ng table ko at sumunod sa kanya.
"Hindi ka ata sinundo ng boyfriend mo?" tanong niya, tinutukoy niya ata si Bradford. Hindi nalang ako sumagot at nagpatuloy sa paglalakad.
How many years passed? It's been 4years. And now I'm a kinder teacher. 2years na ako sa trabaho ko at sinasabi kung masaya ako sa ginagawa ko.
Bradford help me for so mang things, siya 'yung nahihingian ko ng tulong sa t'wing kinakailangan ko. Azaleah is grown up so much, she's already 8years old now.
"I think I'm wrong, mukang sinusundo kana," napatingin ako sa direksyon na tinuro niya. Nakita ko doon si Ford at Leah na nakatayo at kumakaway pa sa'kin.
"Sumabay kana lang sa'min Jade," mabilis siyang umiling at bumulon sa'kin.
"Hindi na, enjoy muna lang!" Napailing nalang ako habang tinatanaw siyang naglalakad papalayo.
"Mommy!" Mahigpit na yakap ang sinalubong sa akin ni Leah. Habang si Ford naman ay nakangiting tumingin sa'min. "Mommy, we're going back to Manila na 'daw sabi ni Daddy," bahagya pa akong napatigil dahil sa sinabi niya.
"Oh, yeah. I have an emergency in Manila, Dev," hindi ko magawang magsalita at pinilit ang sarili kung ngumiti. He doesn't know anything, wala akong kinwento sa kanya about sa nangyari sa'kin.
Kaya siguro napaka clueless niya.
"Kasama kami?" Tumango siya at pinagbuksan ako ng pinto. "Baka nakalimutan 'mong guro ako Ford?" Tinaasan ko siya ng kilay pero ngiti lang ang sinukli niya. "What the? Kumuha ka nanaman ng ibang Teacher na papalit sa'kin?" Tumingin siya sa'kin na para bang sinasabing tama ako.
"Why? Leah wants you to be with us, I can't do anything about it," hindi na ako sumagot pa at pinasadahan ng tingin si Leah na inosenteng nilalaro ang tablet na hawak niya.
"Do you.....do you want to be her mom?"
I accepted that offer. Dalawang linggo silang pabalik-balik noon sa bahay nila Aleng Minda para lang pilitin akong sumama sa kanila. Palagi na 'raw kasing umiiyak si Leah at hinahanap ako.
Naawa ako sa kanya dahil iniisip niyang mommy niya ako, kaya nag decide akong tanggapin ang offer ni Ford. Kapalit ng pananatili ko sa kanila ay ang pag suporta niya sa'kin hanggang sa makakuha ako ng lisensya bilang isang Teacher.
Pero sa halos matagal naming pagsasama ay napamahal na rin ako kay Leah, tinuturing ko na siyang anak ko. Hindi ibig sabihin 'nun ay nakalimutan ko na si Steve. Sa totoo lang ay medyo nakaramdam ako ng saya ng malamang pupunta kami ng Manila.
Ilang taon na rin kasing hindi ko nadalaw ang puntod ng anak ko. At naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang nagawang bisitahin siya, pakiramdam ko kasi may chansang makita ko ulit ang mga taong sumira sa'kin. Kumabaga wala pa akong lakas ng loob, pero ngayon....ngayon susubukan ko.
Kung sakali mang makapunta nga kami ng Manila ay dadalawin ko ang anak ko. Kahit pa may posibilidad na mag cross ang landas naming dalawa.
****
"Look at you Leah, madumi na ang uniform mo," kumuha ako ng table napkin at pinunasan ang uniform niyang nahulugan ng cake na in-order namin.
"Sorry mommy," pinisil ko na lang ang pisnge niya at niligpit ang basurang naka-kalat sa mesa.
"Saturday ang flight Dev, I got 3tickets." 2days from now bago ang flight namin. Siguro mag papaalam na 'rin ako sa principal. At pati na rin kay Aleng Minda.
Aleng Minda lied to me, may anak siya. Nalaman ko lang 'nong lumipat na ako sa bahay ni Ford. That girl who have the same face as mine was her daugther, kaya pala subrang bait niya sa'kin dahil kamukha ko ang anak niya.
Her name is Faith. She killed her self, gaya ng sakin ay tumalon siya sa ilog at hindi siya nagawang pigilan ni Aleng Mindan kaya naman ng makita niya ako sa tulay ng gabing 'yun ay bumalik raw sa kanya ang nangyari sa anak niya.
At mas masaklap ay magkamukha pa kaming dalawa.
"Dev," nabalik ako sa wesyo ng hawakan ni Ford ang braso ko. Pareho silang nakatayo at handa ng umalis, habang ako ay nakatulala! "Problem?" Umiling ako at mabilis na tumayo.
"May iniisip lang, tara na?" Hinawakan ko nalang ang kabilang kamay ni Leah ganun na rin si Ford, bali nasa gitna namin siya.
"I think I changed my mind, ayos lang ba talaga sa'yong sumama sa manila?" nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa'kin at inayos ang seatbelt ko. Akala ko kung anong gagawin niya.
"A-Ah yes, ofcourse okay lang, wala namang problema," I think hiding is not the solution, masyado kung tinatago ang sarili ko na parang ako 'yung may kasalanan. Masyado na akong tumatakas sa mga sitwasyon na dapat haharapin ko.
I was too scared, I was too soft, but I think it's enough? Wala ng dahilan pa para mag tago ako. Masasabi ko na rin namang maayos na ako, na pag naiisip ko 'yung nangyari noon ay hindi na ako nasasaktan pa.
Lumipas na 'yung sakit na naramdaman ko. I finally accomplish what I want, 'yung gumising na wala ng bigat sa pakiramdam. 'Yung gumagalaw na wala ng naalalang sakit ng nakaraan.
I'm just hoping na sana nga, sana nga wala na talaga kasi ayoko ng maulit pa ang nangyari noon. It was a traumatize yesterday, that I don't want to happen again.
My life change now, handa na akong humarap sa kahit na sino. Handa na akong magpakita sa kanila, handa na akong lumabas sa pinag tataguan ko.
I think 4 years is enough?
I think it's time to make them realize for what happened?
I think it's time to meet them again.
***
"Wake up Leah we're here," tinapik ko ang kamay niya at inalalayan siyang lumabas. Sumalubong agad sa amin ang malakas na hangin.
Manila.
Halos apat na taon na 'rin simula ng umalis ako dito. Kaya medyo naninibago ako dahil may mga lugar na nag-iiba at may mga building na bagong tayo lang.
"Hey? Get in," huminto ang kotse sa harap namin.
"Saan tayo Ford?"
"Mall, Leah suggested it. Gusto niya raw pumasyal," ngumiti nalang ako at binaling ang tingin sa labas ng bintana. Siguro mamaya ay sasaglit ako kay Steve, bibili na rin ako ng bulaklak sa mall kung meron man.
Ilang minuto lang at nakarating na kami. Tinanggal ko na rin ang shade na suot ko bago lumabas at pag buksan si Leah. Kita ko rin ang excitement sa muka niya. Kaya hinayaan ko nalang siyang tumakbo papasok sa loob, suddenly a memory flash in my head.
"Steve! Sumabay ka lang sa akin anak, baka mapano ka," hinawakan ko ang kamay nito. Hindi naman siya nagreklamo at sumabay na lang din sa akin.
Naisipan ko kasing I pasyal siya para dahil masyado na kamint babad sa bahay. Gusto ko rin mag enjoy siya.
Plano ko sanang ayain si Stone kaso busy siya sa trabaho niya kaya wala akong magagawa. Isang taon pa lang si Steve pero napaka hype niya na, mommy at daddy lang 'din ang kaya niyang sambitin.
Pero makikita ko talagang matalino siya, at palagi pang masigla.
Nang makalabas kami sa mall ay hindi ko na mahanap pa ang cellphone ko kaya, halos halughugin ko na ang bag ko. Baka kasi nakauwi na si Stone at wala pa kami sa bahay, ayokong mag alala siya. Hindi namn kasi ako nakapag paalam.
Pero halos madurog ang puso ko ng matanaw si Steve habang may sasakyan na paparating sa pwesto niya. Nanlaki ang mata ko at parang hindi ako makagalaw, nakangiti pang tumingin sa akin ang anak ko hanggang sa tuloyan na siyang mawala sa paningin ko--
"Dev!" Napalingon ako ng marinig ang boses ni Ford. Ngayon ko lang namalayan na tumigil pala ako sa paglalakad at nag uunahan nanamang tumulo ang luha galing sa mata ko. "Dev, are you really okay? Look we can rest if you want, pwede namang sa susunod nalang tayo pumasyal," pinunasan niya ang pisnge ko gamit ang kamay niya.
"No, nandito na tayo Ford. At ayokong ma-udlot ang kasiyahan ni Leah," bumaba ang tingin ko kay Leah na may hawak ng ice cream, "tara na! Okay lang ako," pinilit kung maging masigla at nagsimulang maglakad ulit.
Pero ilang hakbang palang ang nagawa ko ng matanaw ko ang isang pamilyar na pigura. Naglalakad ito kasama ang isang batang babae, at patungo ito sa direksyon namin.
Parang tumigil ang lahat, ilang metro nalang ang layo namin sa isa't-isa, papalapit ng papalapit ay kitang-kita ko na ang mukha niya.
"I told you bibilhin ni daddy 'yan for you," ang boses niya...ang boses ng babaeng minsan ko ng kinamuhian.
Subrang bilis naman 'ata? Sinong mag aakalang nakikita ko sila ngayon? Ang dalawang taong sumira sa akin? Ang dahilan ng pagka-durog ko?
"Stone, I think mas maganda if sa chinese reastauran--"
Nag tagpo ang tingin namin.....ang tingin namin ni Hera, halatang nagulat siya ng makita ako. Pero nanatiling blangko ang mukha ko. At ng ibaling ko kay Stone ang paningin ko ay saktong lumingon siya sa direksyon ko.
Halo-halong emosyon ang naramdaman ko, after 4 years nakita ko na ulit siya. Pareho kaming napatigil at napatitig sa isa't-isa, pero ako na mismo ang pumutol sa tingin naming dalawa.
"D-Deve?" I looked at Hera and give her a sacrastic smile.
Oh yes dear its me.

Bình Luận Sách (160)

  • avatar
    Julieann

    nice story

    01/02/2025

      0
  • avatar
    Lope Demakiling

    thank you for your blessings

    28/11/2024

      0
  • avatar
    Yana Cornelio

    nice!!

    18/11/2024

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất