Dinama ko ang simoy ng hangin na dumampi sa pisnge ko. Kitang-kita rin ang mataas na bundok at naglalakihang puno na nasa harap ko. 5months. Limang buwan simula ng namalagi ako sa cebu. Limang buwan na simula ng pakawalan ko ang lahat ng sakit na naramdaman ko sa Manila. After our last encounter I found my self in a bridge. Oo, tinangka kung patayin ang sarili ko. Tinangka kung tumalon sa tulay na 'yun, gusto ko lang naman kasing maging malaya sa lahat, sa lahat ng sakit na nasa puso ko. "Deve! Mangaon na 'ta!" (Kain na tayo.) Napalingon ako ng marinig ang boses ni Aleng Minda. Siya 'yung pumigil sa'kin ng araw na 'yun. At kinupkop niya ako, dinala niya ako rito sa Cebu para makapag simula ulit. Masaya ako, kasi may taong nagpakita ng mabuting kalooban sa'kin. Noong una ay ayaw kung magtiwala sa kanya dahil ayokong maulit ang nangyari sa'kin na muntik na akong magahasa. May-ari siya ng isang palugawan at hindi maipagkakailang patok na patok ang tinda niya. "Salamat po," umupo ako sa harap niya at nagsimulang kumain. Ako ang kasalukuyang nagbabantay sa lugawan niya habang siya'y inaasikaso ang isa niya pang negosyo. Ang baboyan. Wala na akong koneksyon pa sa kanila, maging sa sarili kung magulang. Huling narinig ko ay pumuntang ibang bansa sina Nanay at Tatay. Inaamin kung masakit pa 'rin, umalis sila na parang wala silang anak na naiwan. Ni hindi nila ako kinumusta. Minsan ko ring naiisip kung ano na kayang nangyari sa kanilang dalawa? Na engage na kaya sila? Masaya naba siya? Tahimik naba ang buhay niya? "Uy Deve, aga-aga ang ganda mo," napalingon ako ng marinig ang boses ni Buyok, isa sa mga tambay sa lugawan ni Aleng Minda. Araw-araw niya 'rin akong kinukulit pero palagi ko siyang in-snob. "Huy Buyok unsa mana! Hawa ra gyud dra!" (Buyok, ano bayan! Umalis ka nga diyan!) Hinayaan ko nalang si Aleng Minda na sitahin siya, minsan rin kasi hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. "Alen Minda naman, kahit ilang minuto lang. Gusto kung titigan 'tong si Deve 'e." Napailing nalang ako at tinuloy ang pagkain ko. *** "Kailan lalabas ang resulta sa board exam 'mo?" tanong ni Aleng Minda. Nag take ako ng board exam, education. 'Yun naman talaga ang pangarap ko ang maging guro. Natapos rin ako ng college pero pinili ko noong pagsilbihan 'siya. "Wala pa po, ang sabi 'ho ni kapitan ay sa susunod na linggo 'raw," binigyan niya lang ako ng tango at tinuloy ang pag tutupi ng mga damit. Ang sabi sa'kin ni Aleng Minda ay wala siyang anak, nag-iisa nalang daw siya sa buhay dahil ang ibang kapatid niya ay nasa ibang bansa. Kaya naman welcome na welcome 'raw ako rito sa pamamahay niya. Tinuturing niya rin ako na parang sarili niyang kadugo, pinakilala niya pa nga ako bilang pamangkin niya ng umuwi kami rito. "Hindi mo ba na mi-miss ang pamilya mo Deve?" Napatigil ako sa pagsusulat at dahan-dahang lumingon sa kanya. "Aleng Minda.....w-wala 'ho akong pamilya," simula ng araw na 'yun ay pinaniwala ko na ang sarili kung wala akong pamilya. Sarili ko lang meron ako. At handa na akong kalimutan ang mga taong nanakit sa akin. Hindi ko naman maitatanggi na masakit pa 'rin, pero balang araw alam kung mawawala din ang sakit na naramdaman ko. Balang araw gagaan din ang pakiramdam 'ko, balang araw gigising 'rin ako na malaya na sa bangungot kung nakaraan. "Meron kang pamilya, ako! Ingon ko's imo Mama nalang itawag sa akoa!" lumapit siya sa pwesto ko at mahigpit akong niyakap. "Po? H-Hindi ko po gets," "Ang sabi ko, pamilya mo na ako ngayon. Kaya dapat Mama na itawag mo sa'kin," hindi ako makapagsalita at hinayaan nalang siyang yakapin ako. "Bakit po ba ang bait niyo sa'kin? Hindi naman po kayo sigurad kung mabuting tao ba ako o hindi," tumawa siya ng mahina at hinawakan ang kamay 'ko. "Titignan palang kita ay masasabi ko ng mabuti kang tao, sa totoo lang ay nakaka proud ka pa nga. Wala akong narinig sa'yo na babalikan mo 'yung mga taong nanakit sayo, wala akong narinig na maghihigante ka sa mga taong nanakit sa'yo, 'dun palang alam ko ng mabuti kang tao," mabilis kung pinunasan ang luha kung dumausdos sa pisnge ko. Na ikwento ko naman kasi sa kanya ang nangyari sa'kin, umiyak ako ng umiyak hanggang sa maubusan ako ng luha. At oo, kahit kailan hindi ko inisip na mag higante sa kanila. Pero hindi ibig sabihin 'nun kakalimutan ko na ang nangyari. Kung sakali mang magkita kami ulit ay sisiguradohin kung siya mismo ang magsisisi sa lahat ng ginawa niya, darating ang panahon na mararanasan niya ang lahat ng paghihirap ko. Tatlong katok ang narinig namin mula sa pinto, nag presenta na 'rin si Aleng Minda na buksan ang pinto. "Hijo, hindi mo sinabing bibisita kayo," rinig kung boses ni Aleng Minda, mukang may bisita nga siya. Naglakad ako papunta sa kusina at kumuha ng juice sa ref at nilapag 'yun sa sala bago pumunta sa pwesto nila. "Yeah, Azaleah begged me," tinig ng isang lalaki. "Oh, Deve," napalingon sa'kin si Aling Minda ganun na rin ang lalaking nakausap niya. "What the..." hindi ko alam kung anong nangyayari pero mabilis na umatras ang lalaking nasa harap ko na parang bang nakakita ng multo at gulat na gulat. "Magkamukha lang hijo," tinapik ni Aling Menda ang braso niya at hinila ito papasok sa loob. Anong bang ibig sabihin nila? Akmang tatalikod na ako may biglang yumakap sa'kin. "Mommy! Mommy!" Hindi ako makagalaw dahil sa mahigpit nitong yakap sa legs ko. Para pa itong sabik na sabik. Bigla ko tuloy naalala ang anak ko, ang Steve ko. Ganito rin kaya ang gagawin niya sa'kin? Yayakapin niya rin kaya ako gaya ng ganito? "Azaleah!" Hinayaan ko ang lalaking bisita ni Aleng Minda na kunin ang bata. Masyado pa itong maliit at may hawak-hawak na lollipop. "Daddy! Its mommy! She's here! She's here!" Mangiyak-ngiyak nitong sabi habang pilit na lumalapit sa'kin pero pinigilan siya ng lalaki. 'Daddy' raw. "She's not Leah, s-she's not your mom," tumingin siya sa'kin na parang nanghihingi ng sorry dahil sa ginawa ng anak niya. "She is! Look daddy! She's my mom--" "Your mom is dead Leah! She's not your mom!" Halos mapatakip ako ng tenga nang biglang sumigaw ang lalaki. Maging ang batang babae ay unti-unting tumulo ang luha galing sa mata niya. "H-Hey, you don't need to shout...." kinuha ko ang kamay ng bata at marahan itong niyakap. Halatang nagulat 'din siya dahil sa lakas malakas na sigaw ng daddy niya. "You're my mom right? It's you mommy," sa totoo lang ay wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila, pero base sa nakita ko parang inaakala ng bata na ako ang mommy niya. "I'm sorry but I'm not your mom little girl," pinunasan ko ang luha sa pisnge niya bago tumayo. Siguro kung nabubuhay lang ang anak ko ay ginagawa ko 'rin to sa kanya, niyayakap siya. Pinaparamdam sa kanya ang pagmamahal ko. Pero wala, wala na siya at hindi ko na maibabalik pa. Parehong-pareho kami ng sitwasyon ng batang nasa harap ko. Wala na ang mommy niya, habang wala na 'rin ang Steve 'ko. Saglit pang nag tama ang paningin namin ni Aleng Minda, gusto ko siyang tanongin kung ano ang nangyayari pero umiwas lang siya ng tingin. Mas lalo tuloy akong nag taka dahil sa kinikilos ni Aleng Minda, napuno ng tanong ang isip ko. "Daddy, I want her daddy, please po....I want her po," nagsimula na akong mag lakad palabas ng may pumigil sa kamay ko. "Wait," mabilis kung inagaw sa kanya ang kamay ko at tinignan siya. Maging ang tingin niya ay katulad ng anak niya, para siyang nanabik at ano mang oras ay parang handa na akong yakapin. "What?" tanong ko. "You look like her, why do you have the same face as her," bahagya siyang yumuko na parang may kinukuha sa likuran niya. Maya-maya lang ay may pinakita siya sa'kin. Litrato. Halos manlaki ang mata ko ng makita ang babaeng nasa litrato. Kinuha ko 'yun sa kanya at nilapit sa mukha 'ko. "See? You're really look like her," babae ang nasa litrato. Babaeng kamukhang-kamukha 'ko. Pero alam ko naman na wala akong litratong ganito, kaya imposible na ako 'to. Ngunit hindi ko pa rin maiwasang magulat. "K-Kamukha ko nga s-siya....." kaya pala inakala ng bata na ako ang mommy niya, "pero hindi siya, ako." Binalik ko sa kanya ang litrato. "May kailangan ka pa ba?" "Do you....do you want to be her mom?" Ano 'raw!?
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
nice story
01/02/2025
0thank you for your blessings
28/11/2024
0nice!!
18/11/2024
0Xem tất cả