Ang sumama sa ibang babae ay ayos lang sa'kin. Ang makipaghalikan sa ibang babae ay ayos lang sa'kin. Ang umuwi sa ibang babae ay ayos lang sa'kin. Ang iwan ako at piliin ang ibang babae ay ayos lang sa'kin. Ang saktan ako para sa ikakasaya ng ibang babae ay ayos lang sa'kin. Pero ang makabuntis ng ibang babae habang kasal pa siya sa'kin? Hindi ko na 'yung matatanggap. "Alam ko Stone nagkamali ako! Pero ang saklap naman ng kabayaran! Nanatili ako sa relasyon natin dahil akala ko maayos pa!" Hindi ko maiwasang sumigaw hanggang sa pumaos na ang boses ko. "I got Heraya pregnant, and I'm willing to be with her," "I don't love you anymore, from the very start I didn't Love you." sasampalin ko na sana siya ng mahawakan niya ang kamay ko at mabilis akong tinulak dahilan para bumagsak ako sa sahig. "Tiniis ko lahat.....tinanggap ko.....subra na 'to! Subra-subra na ito Stone," He looked away and walk away like nothing happened. Iniwan niya akong punong-puno ng galit at hinagpis. I love him so much, we're married for almost 3years. But one mistake ruin our relationship, mistake that I made, I regret it. Walang araw na hindi ko 'yun pinagsisihan. Pero subra na 'to. Fine, if that is what he want, pagbibigyan ko siya. I suffer too, I'm the one who suffer the most. ***** Deve POV Sa relasyon pala hindi porke kasal na magiging masaya na kayo habang buhay. I was 19 when I marry him, it was arrange marriage, but I love him. No'ng nalaman kung ikakasal kami ay saya lang ang naramdaman ko. Noong una ay galit siya sa'kin, pero habang tumatagal ay naging malambot rin. Nagpakasal kami dahil ginusto naming dalawa. Of course our parents was proud, hindi nila inakalang magkakasundo kami ni Stone sa mabilis na panahon. Our marriage is one of the special event that happend into my life, not until I made a mistake.....Our 1 year old son died. Pinagsisihan ko 'yun. Walang araw o gabi na hindi ko pinagsisihan ang nangyari. Simula ng mangyari 'yun Stone change. Galit na galit siya sa'kin, punong-puno ng pagkamuhi ang mga mata niya na halos patayin niya ako. Pero nag pakumbaba ako, kasi kasalanan ko. Kung sana hindi ako tumalikod at hinanap ang cellphone ko ng araw na 'yun ay hindi sana nasagasaan ang anak namin. I'm careless, Alam ko 'yun. That's why ng malaman kung may ibang babae si Stone ay tiniis ko, he's cheating on me but I choose to endure the pain. Isa lang 'yung hindi ko matanggap, ang mabuntis niya si Heraya. Mas lalong masakit dahil alam kung si Heraya ang unang babaeng minahal niya. That time na nagkakilala kami, he was broken because Heraya left her and choose her career. Ako yung nakasama niya ng mga oras na 'yun kahit pa galit siya sakin dahil ipapakasal nga kami. I stay by his side hanggang sa unti-unti niya akong mahalin, at unti-unti niya akong tanggapin. Pero mukang naniniwala na ako sa sinasabi nilang 'Talo ka pag bumalik yung nauna.' Because I experience it. Tinatanong ko rin sa sarili ko, if ever ba na hindi namatay ang anak namin hindi kami aabot sa ganito? Kung naging maingat ba ako, hindi ito ang kahahantungan namin? Kung maibabalik ko lang 'yung araw na 'yun babaguhin 'ko. Ipapangako kung babantayan ko siya ng maayos, at hihilingin kung sana ako nalang at hindi siya. Napangiti ako ng mapait habang nakatanaw kay Stone na ngayon ay hawak-hawak ang kamay ni Heraya. Do I deserve this pain? Siguro kung saksakin ako ngayon, babarilin ako, o kung ano pa 'ay wala akong mararamdamang sakit kasi 'umiiral yung kirot sa puso ko. Nagkasala ako 'e alam ko 'yun. Pero bakit ganito? Bakit kailangan mabuntis niya pa si Hera? Bakit!? Pinunasan ko ang luha ko at mabilis na naglakad papunta sa pwesto nila. Bahagya pang bumigat ang pakiramdam ko ng itago niya sa likuran si Hera na para bang pinoprotektahan. "Can't you see? We're busy," napayuko ako at nilapag ang papel na hawak 'ko. I think 6 months of suffering was enough? Panahon na siguro para sarili ko naman? Sarili ko 'yung unahin ko? Kasi napapabayaan ko na yung sarili ko 'e. "I'm done signing it. Nakausap ko na rin ang attorney-" "Annulment paper? And you have a confident to file an annul? I should be the one who's doing this, but don't worry I will sign it." Mabilis akong tumalikod kasabay 'nun ang pag patak ng luha galing sa mata 'ko. "Remember this Deve, you're a nightmare in my life. You're my biggest nightmare." Ang sakit. *** Bawat damit na nilalagay ko sa malita ay para ring pagtapon ng ala-ala naming dalawa. Ang dating masaya naming pagsasama ay nawala, mabigat para sa'kin ang mag file ng annulment. Pero anong magagawa ko? Hahadlang paba ako? Isisiksik ko pa rin ba ang sarili ko? Subrang sakit na, ayoko ng dagdagan 'yung sakit na nararamdaman ko. "I'm sorry baby, mommy is tired....I'm so sorry because I failed I didn't save our marriage," hinaplos ko ang litrato ng anak ko at nilagay 'yun sa loob ng malita. Kaagad na rin akong lumabas sa kwarto at muling pinunasan ang mukha 'ko. I stopped when I saw Stone standing behind the door. Walang emosyon siyang nakatingin sa'kin. "Leaving me doesn't mean that I'm already done. Hindi pa natatapos ang galit ko sayo Deve, you will suffer until you beg for your life," hindi ko man masyadong maintindihan ang sinabi niya tumatak pa rin sa'kin ang salitang 'yun. "I'm sorry Stone, siguro nga nagkamali ako. But don't forget that I'm his mother, kung nasaktan ka ay nasaktan rin ako," malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Matagal akong tumitig sa kanya, gusto kung haplosin ang muka niya pero hindi ko magawa. "Sana maging masaya ka, s-sana mabigay ni Heraya ang mga pagkukulang ko." *** "Bayad po," inabot ko sa driver ang pamasahe ko bago bumaba sa taxi. Napasulyap pa ako sa bahay namin at naglakad papasok. Alam kung magugulat sila nanay sa pagbalik ko, pero sana maintindihan nila ako. Kasi ngayon gusto ko ng taong masasandalan, gusto ko ng taong mapaglalabasan ko ng sama ng loob. Pinihit ko ang doorknob at dahan-dahan itong binuksan. Pero halos mamanhid ang buong katawan ko ng maramdaman ang malakas na pwersang sumampal sa'kin. "Walang kwenta!" Napahawak ako sa pisnge ko habang nakatingin kay tatay na ngayon ay galit na galit. "T-tay..." tatayo sana ako pero malakas na sampal ulit ang natanggap ko. "You always dissapoint me! Bakit kapa umuwi rito!? Ang lakas ng loob mong magpakita sa'min!?" Tumayo ako habang punong-puno ng pagtataka. "T-tay..." "Wala na Deve! Yung companya natin wala na! Pinutol na ng mga Dravilla ang koneksyon sa atin!" Hindi ako makapag salita. "Pati ang bahay natin ay kinukuha na nila! Kaya ano pang ginagawa mo rito!? Kung sana inayos mo ang relasyon mo sa kanya ay hindi aabot sa ganito!" Akmang sasampalin niya ulit ako ng may pumigil sa kanya. Nay, Humarap si Nanay sa akin at hinawakan ang magkabilaang braso ko. Akala ko yayakapin niya ako pero- "Lumayas kana rito Deve!" Sinampal niya ako. Dahil sa gulat ay hindi ko nagawang gumalaw. Parang ang hirap paniwalaan na nagawa akong sampalin ni nanay. "Nay, h'wag naman pong ganito," winakli niya ang kamay ko at hinila ako papalabas. "Nay! Please h'wag niyong gawin sakin 'to!" "Umalis kana lang Deve, total hindi na sa'tin ang bahay na ito. Wala ng natira sa atin dahil sa katangahan mo," namamanhid ang katawan ko at parang tinusok ang puso ko. Akala ko may pamilya akong uuwian. Akala ko may pamilya akong masasandalan. Akala ko may pamilya akong mayayakap. Pero ano 'to? Bakit ganito? After what happened, at the end I only have my self **** Wala akong dalang kahit ano. Para lang akong lantang gulay habang naglalakad sa gilid ng kalsada, sa isang iglap nawala lahat sa'kin. Paano nila nagawang itakwil ako? Ngayon pa na kailangan ko sila? Ito na ba? Kabayaran ko ba 'to dahil sa pagiging pabaya ko? Hindi ba subra na? Hindi ko na 'to kaya, saan ako pupunta? Saan ako hihingi ng tulong? Simula ng magsama kami ni Stone ay palagi nalamang akong nasa bahay ang aasikaso sa kanya at sa anak namin. Hindi ko na nagawang lumabas para pumasyal, gumala o kung ano pa. Naging responsable naman ako, para sa'kin naging ina rin ako kay Steve at naging mabuti akong asawa kay Stone. Aksidente ang nangyari. Hindi ko ginusto, bakit hindi nila maintindihan 'yun? Subra din akong nadurog ng mawala ang anak ko. Pero ni isa sa kanila walang nag tanong kung kumusta ako, o kung maayos paba ako? Wala! Dahil ang tingin nila sa'kin 'pabaya, iresponsable at walang kwenta. Kahit pamilya ko tinakwil ako. At sumabay pa talaga ang malakas na kulog at unti-unting pag patak ng ulan. Pati ba naman ulan nakikisabay na rin? Hindi ba pwedeng mag pahinga muna ako? Hindi ba pwedeng tama na? Hindi ba pwedeng tigil na *** Basang-basa na ako, at halos manginig na ako dahil sa subrang ginaw. Wala akong ibang choice kundi ang tumigil muna sa isang gilid. Unti-unti na ring dumidilim ang kalangitan at tanging malakas na tunog ng ulan lang ang naririnig ko. Niyakap ko ang sarili ko at hinayaan ang sarili kung umiyak. Wala na akong pakialam kung may maka-kita sa'kin, sawang-sawa na akong mag tapang-tapangan. Sana....matapos na ang lahat ng 'to. Sana....malagpasan ko lahat, kasi kaunti nalang susuko na ako. Kaunti nalang bibigay na ako. Hindi ako kasing tigas ng bakal, may kahinaan rin ako. *** Maka ilang ulit ko ng narinig ang tiyan kung tumutunog. Kanina pa ako nagugutom pero wala naman ako pera dahil naiwan ang bag ko sa bahay. This is the first time I experience this kind of situation. Wala akong nagawa kagabi kundi ang matulog sa gilid ng kalsada. Kaya naman ngayon ay ramdam ko ang lagkit ng katawan ko. "Ano miss bibili kaba o hindi!?" Nabalik lang ako sa wesyo ng biglang sumigaw 'yung tindera. Nakatayo pala ako sa harap ng bakery niya. "P-pasensya na 'po." Halos mamula ang pisnge ko dahil sa kahihiyan at mabilis na tumakbo papalayo doon. Beep**beep** "Ano ba yan! Tanga ka? Kung gusto mong magpaka matay huwag mo akong idamay!" Napayuko ako ng sigawan ako ng isang driver. Pero ng muli kung I-angat ang tingin ko ay ramdam ko nanaman ang sakit sa puso ko. Hindi dahil sa sermon ng driver sa'kin kundi sa isang poster na nakasabit sa malakong building. 'STONE DUINE DRAVILLA AND HERAYA MAFFEL SOON TO BE ENGAGE!' Ilang ulit pa akong kumurap at kinusot ang mata ko. Nagbabakasali akong mali ang nakita ko. Pero hindi, dahil malinaw na malinaw ko 'yung natanaw. Ang saya niyo naman, Habang ako ito, Nahihirapan.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
nice story
01/02/2025
0thank you for your blessings
28/11/2024
0nice!!
18/11/2024
0Xem tất cả