logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 6

"EJ! Bumangon ka na diyan, may pasok ka pa."
Napabalikwas ako nang marinig ang sunod-sunod na katok at sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto. Holy crap! Lunes na pala ngayon at anong oras na nga ba? Tiningnan ko ang orasan and guess what? 6:40 am na at 50 minutes na lang magsisimula na ang klase namin. Ibig sabihin, male-late na naman ako.
Dinalian ko ang pagbangon at dumiretso sa banyo. I did my routin there, ginawa ko talaga ang best ko para bilisan ang pagkilos. Pero dahil ako ito, kahit anong bilis ang gawin ko ay hindi parin yata ako aabot sa tamang oras.
7:25 am no'ng matapos akong magbihis kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Kinuha ko ang mga kagamitan ko at saka bumaba na para makaalis.
"EJ, almusal ka muna." Saad ni mama nang makita akong pababa ng hagdan.
"Hindi na po, ma. Mahuhuli na ako sa klase." Nilapitan ko siya para mahalikan sa pisngi, gano'n din ang ginawa ko kay papa. "See you later po," paalam ko sa kanila.
"Naku! Magugutom ka niyan," tugon ni mama.
"Mag-ingat ka, anak," Si papa naman.
Lakad takbo ang ginawa ko nang makarating ako sa school kaya naman hiningal ako pagkarating sa senior high building. Napagalitan pa ako saglit ni Miss Evangelista dahil nahuli na naman ako ng dating.
Mabilis lumipas ang oras at hindi ko namalayang last period class na pala namin para sa umaga, which is History. Nakatuon ang atensyon ko sa kaklase kong si Grace na nag-uulat sa unahan nang maramdaman kong may kumalabit sa akin mula sa likuran. Hindi ko na kailangang lumingon para kumpirmahin kung sino siya, iisang tao lang naman ang epal na palaging nambubwiset sa akin. Nakailang ulit pa itong kalabitin ako bago ko siya lingunin.
Sinalubong ako ng nakakairitang ngisi niya pagkaharap ko sa kanya, gusto ko tuloy magsisi na nilingon ko siya. Nakakaasar! Tinaasan ko siya ng kilay pero kinindatan niya lang ako at saka inabot sa akin ang isang maliit na papel.
Pabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa papel na binigay niya. "Open it," he mouthed nang makita niya siguro ang kuryosidad sa mukha ko.
"May offer ako sa'yo." Pagbasa ko sa nakasulat sa papel.
Nag-angat ulit ako ng tingin sa kanya and mouthed, "What?"
Hindi siya sumagot, bagkus nagsulat ulit siya sa papel at muli itong inabot sa akin.
Kumunot ang noo ko nang mabasa ang nakasulat dito. "Eat lunch with me."
I don't know what made him think na papayag ako sa gusto niya.
"A-YO-KO," I mouthed again.
"You have no choice but to say yes," confident niyang saad, almost a whisper.
Kumunot ang noo ko. "And what made you think that way?"
"Kasi gusto mong tumigil na ako sa pang-aasar sa'yo." Tinaas niya ang kanyang kanang kamay na animo'y nangngako. "Oo, magiging behave na ako kapag pumayag ka."
Napaisip ako sa sinabi niya. Mapagkakatiwalaan ba ang lalaking 'to? Dapat ba akong magtiwala sa kanya? Totoo kayang hindi na siya manggulo 'pag pinagbigyan ko siya?
Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang dumagundong na boses ng teacher namin.
"Samoza! La Questa!"
Sa gulat ko ay agad ako napatayo. "S-sir," utal kong saad, kinakabahan.
"Anong pinagbubulong-bulungan niyo diyan sa likod? Maari niyo bang ibahagi ito sa amin?"
Oh great! What now? Lahat na lang yata ng kamalasan ay mararanasan ko ngayong school year, dahil sa lalaking ito. Badluck talaga ang hatid niya. Kasalanan niya ang lahat ng ito.
Nilingon ko si Rayne na prenteng nakaupo sa likuran ko. Kalmadong-kalmado ito na parang walang nangyari. Pinanlakihan ko siya ng mata pero nginisian niya lang ako. Ang sarap niyang murahin. Nakakabwiset.
"Ano na? Magtitigan na lang ba kayo diyan?" our teacher shouted again.
Binalik ko ang paningin ko sa unahan, kung saang naroon ang teacher namin. Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita.
"Ah, kasi po-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang magsalita ang lalaking nasa likuran ko, nilamon ng kanyang boses ang akin.
"Wala po 'yon, sir, may tinanong lang ako kay Samoza na hindi ko aintindihan sa report ni Grace," palusot niya.
Gulat akong napatingin sa kanya pero muli niya lang akong kinindatan kaya napairap ako. Laking pasasalamat ko na lang na naniwala sa palusot niya ang teacher namin at hindi na kami pinagalitan pa.
No'ng matapos ang klase namin sa umagang 'yon, dumiretso kami ni Anica sa Cafeteria. Medyo mahaba-haba ang pila kaya natagalan kami sa pag-order ng makakain.
"Salamat po." sabi ko sa cashier, pagkaabot ng sukli.
Hinintay kong matapos si Anica sa pagbayad saka kami pumunta sa usual table namin.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang nagtilian ang grupo ng mga junior high student na naroon sa cafeteria. Nang lingunin ko sila, tila kinikilig ang mga itong nakatingin sa may pintuan kaya napatingin din ako roon. Nakita ko ang papasok na si Rayner Dane, luminga-linga pa ito na animo'y may hinahanap. Ngumisi siya nang saglit na magtama ang paningin namin.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain nang makitang nagtungo siya sa pilahan para makabili ng makakain. Pero maya-maya lang ay narinig ko na ang boses ni Apple na tinatawag si Rayne.
"Rayne, dito ka," Anito.
"Sorry pero may kasama na ako and she's waiting for me," Rayne responded.
Ano daw? May kasama siya na naghihintay sa kanya? Wag niyang sabihin ako ang tinutokoy niya. Siraulo talaga.
"Hi, ladies."
Hindi ako nagkamali, kami nga ang tinutukoy niya. Sabay kaming nag-angat ng tingin ni Anica.
"What now, La Questa?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hello." bati naman ni Anica sa kanya.
Nilapag niya ang pagkain sa lamesa namin.
"Buti pa itong si Anikka, alam ang tamang sagot sa Hi." Aniya saka humila ng upuan sa kabilang lamesa at nakiupo sa table namin.
Ang alam ko, pandalawahan lang ang table na ito, pero bakit ngayon pangtatluhan na?
"Akala ko ba sabay tayong maglunch?" Tanong niya nang makaupo sa tabi ko.
"Um-oo ba ako?" balik tanong ko.
"Hindi mo rin sinabing hindi ka papayag, so I took it as a YES." He simply answered saka nag-umpisang kumain. Hindi na lang ako sumagot.
"So saan ka pagkatapos dito?" Tanong sa akin ni Anica, patapos na kaming kumain.
"Baka sa library. Samahan mo ako?"
"Naku! Kailangan ako sa dance club, baka may practice kami," aniya kaya napatango na lang ako. Mukhang mag-iisa na naman ako mamaya.
"I can go with you," Rayne voluntered.
"Hindi na," agad kong tanggi.
"Okay." Tumango siya saka nag-isip. "Hmm, what about 'yong proposal natin para sa event? Kailan natin umpisahan 'yon?"
Now that he mentioned it, ngayon ko lang naalala ang tungkol do'n. Kailangan nga pala naming gumawa ng proposal at ipasa sa principal for approval.
"Sige, gawin na lang natin mamaya." Tila naliwanagan naman ang mukha niya pagkasabi ko noon.
Matapos naming kumain, agad ng humiwalay sa amin si Anica. Kailangan niya raw puntahan ang mga kasamahan niyang naghihintay na sa gym. Samantalang kami naman ni Rayne ay piniling tumambay sa ilalim ng isang malaking puno na malapit sa field, ito rin ang lugar kung saan siya nahulog no'ng isang araw. Bahagya pa akong natawa nang maalala ang itsura niya noon.
"Why are you laughing?" Agad niyang puna sa bahagyang pagtawa ko.
Umiling ako. "Wala, may naalala lang."
Parehas kaming umupo sa damuhan at nakaharap sa laptop, kung saan namin ginagawa ang proposal. Buti na lang talaga at palagi niyang dala sa kanyang backpack ang laptop niya.
Nang matapos kami sa gawain ay saglit pa kaming nanatili doon, dinadama ang bawat pag-ihip ng sariwang hangin. Napakasarap nitong damhin, nakakarelax. Idagdag mo pa ang katahimikan namin, wala ni isa ang nagsasalita. Parang hinihintay na lang na matapos ang oras.
Napalingon ako sa kanya nang marinig ko ang kanyang pagbuntong hininga. Nagulat pa ako nang makitang nakatitig na pala siya sa akin.
"Hindi ko alam kung alin ang mas gusto ko," aniya, hindi inalis ang paningin sa akin.
"B-bakit?" wala sa sariling tanong ko.
"Ang patuloy kang asarin at mainis ka sakin, o yung ganito," pagpatuloy niya.
Mas lalo naman akong naguluhan. "Anong ibig mong sabihin?" Pero hindi siya sumagot kaya muli akong nagtanong, "Bakit ba gustong-gusto mo akong asarin?"
"Alam mo na ang sagot diyan." Nakangising saad niya na ikinatahimik ko at tinuon na lang ang paningin sa mga nagliliparang ibon sa kalangitan.
Pero makalipas ang ilang sandali ay muli rin napatingin sa kanya nang magsalita ito, "Can we just stay like this?"
Marahil ay nakita niya ang pagtataka sa mukha ko kaya dinugtugan niya ang naunang tanong.
"I want you to be my friend, will you?"
Hindi niya inalis ang kaniyang paningin sa akin kaya napatungo ako. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng uneasiness dahil sa mga titig niya.
"Depende." Ang tanging nasagot ko.
"Depende saan? Kung magpakabait ako?" Napatingin ako sa taas, kunware nag-iisip at saka umiling. Kahit na ang totoo, y'on naman talaga pagbabasehan ko.
"Eh, saan?"
"Kung perpekto mong maisayaw ang LOVE SHOT ng EXO?" Napapanganga siya sa sinabi ko, marahil ay hindi niya inasahan ito. Alam ko ring wala siyang ideya sa kantang sinabi ko, kaya natawa na lang ako sa reaksyon niya.
Kinabukasan, pinatawag kaming dalawa sa principal's office. Doon malalaman kung approved or rejected ba ang proposal na ginawa namin. Kinakabahan pa ako habang papalapit kami doon, kapag rejected kasi kailangan namin umulit. Hindi namin ito titigilan hangga't hindi nila nagustuhan.
Tatlong beses kaming kumatok pagkarating sa princinpal's office bago tuluyang pumasok. Bumungad sa amin ang napakalinis na opisina ni Sir Vasquez, ang principal namin. Sinenyasan niya kaming umupo sa magkaharap na upuang nasa harapan ng kanyang lamesa, magalang kaming tumango at sumunod dito.
"We had a meeting yesterday," panimula niya, "regarding the proposal that you've submitted." Huminto siya at tinanggal ang ang kanyang salamin.
Hindi ko naman inalis ang paningin ko sa kanya, kinakabahan ako sa kung anumang sunod niyang sasabihin.
"And majority of the faculties had approved it." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Tumango siya. "Yes, nagustuhan nila ito. So, congrats."
Napatakip ako sa bibig ko, hindi ako makapaniwala na nagustuhan nila 'yon. Akala ko uulit na naman kami, pero shocks! Totoo ba 'to? Napalingon ako kay Rayne at nakita ko ang napagandang ngiti niya.
"Did you hear that, Jane?" tanong niya sa akin. First time niya yata akong tinawag sa second name ko, usually kasi Samoza ang tawag niya sa akin. At ito rin ang unang pagkakataon na may tumawag sa akin sa pangalang ito and I admit, it's cute.
I smiled while nodding at him, saka binalik ang paningin sa principal. "Maraming salamat po." Magalang kong saad.
Sinabi sa amin na marami naman daw kaming katulong sa pag-oorganisa ng event, nandiyan naman daw kasi ang mga art club members kaya hindi namin kailangang mangamba.
"So kumusta naman kayo ni Rayne? Mukhang bati na kayo, ah?" usisa ni Anica, isang araw habang kumakain kami sa cafeteria.
"Hindi na niya ako inaasar pa, kaya baka ayos na kami," simpleng sagot ko.
"Mukhang napapadalas ang pagsasama ninyo tuwing wala ako, ah! Baka mamaya niyan, makalimutan mo na ako niyan." Nakangusong aniya, nagtatampo kunware pero may bahid ng panunukso ang boses. Nabatukan ko tuloy siya.
"Aray!" reklamo niya.
"Sira ka, eh! Alam mo namang ginagawa lang namin ito bilang parusa." Inis kong saad na ikinahalakhak niya.
"Relax! you're so defensive, girl." Halakhak niya, umikot na lang ang mata ko.
"Oh! Speaking of the lover boy." Aniya na nginuso ang likuran ko. Nang lingunin ko ito, nakita ko ang naglalakad na si Rayne, palapit sa pwesto namin.
"Hi, girls." Bati niya, sabay hila ng upuan sa kabilang lamesa.
"Hello," bati naman ni Anica.
"Oh nga pala, may inimbita akong kaibigan." Sabay na kumunot ang noo namin ni Anica.
"Imbita? Saan?" tanong ko.
"Lunch," tipid niyang sagot.
Wow! Nagawa niya talagang mag-imbita ng kasama, samantalang hindi rin siya invited dito. Tsk!
"What? Don't tell me si Russel itong tinutukoy mo?" bayolenteng tanong ni Anica. Basta talaga usapang Russel, kumukulo agad ang dugo niya.
Rayne nodded. "Kawawa eh, walang kasama."
"Okay, tapos na ako." akmang liligpitin na ni Anica ang kanyang pagkain kahit hindi pa ito tapos. Kaya agas ko siyang pinigilan.
"Anong ginagawa mo? Hindi ka pa tapos kumain, Anica." Hindi niya ako maaring iwanan dito, noh.
"Wala na akong gana, girl."
"Kahit na. Alam mo ba kung gaano karaming Pilipino ang nagugutom araw-araw dahil wala silang makain? Tapos ikaw, nasa harapan mo na ang pagkain, aayawan mo pa," I said to make her feel the guilt..
Pero totoo naman, hindi natin alam kung gaano karaming pilipino ang nagugutom sa bawat araw, mga batang lansangan na palaboy-laboy at umaasa sa mga tapon na pagkain, mga pulubing kung kani-kanino na lang humihingi ng pera para lang may maipakain sa pamilya, minsan kinukutya pa sila. Pero hindi natin alam kung anong hirap ang pinagdadanan nila, kung may choice lang siguro sila, malamang hindi nila gustuhing tahakin ang gano'ng klaseng pamumuhay. Kaya wala tayong karapatang ayawan ang mga nakahain sa harapan natin.
"Okay! Okay!" Tinaas ni Nica ang kanyang dalawang kamay. "You and your philosophies. Nakakaguilty!"
Natawa ako sa reaksyon pinakita niya, umupo ulit ito at pinagpatuloy ang pagkain. Nahagip naman ng mata ko si Rayne na nakititig sa akin. Ayan na naman siya sa nakaka-concious na titig niya. Tinaasan ko tuloy siya ng kilay.
"What?" tanong ko, umiling siya at saka uminom sa bottled water na hawak niya.
"Here's your order, sir." Nilapag ni Russel sa harapan niya ang isang tray ng pagkain, good for two ito.
"Get your own seat, bro..." Tinuro ang kabilang lamesa. "and join us here."
Pero imbes na upuan lang ang hilahin, hinila na rin ni Russel ang lamesa which is good thing rin naman, kasi the last time I checked, pandalawahan lang itong lamesang namin, kaya sobrang sikip na pag ginawang pang-apat.
"Hi, EJ," maligayang bati ni Russel pagkaupo.
Nginitian ko lang siya para hindi ako magmukhang snob.
Pinagmasdan ko si Anica habang tahimik na kumakain. Medyo nakakapanibago lang, usually kasi sobrang daldal niya kahit kumakain pa kami, pero dumating lang si Russel, tumahimik na agad siya. Samantalang sina Russel at Rayne naman ay tuloy ang kwentuhan habang kumakain.
"Tapos na ako," Anica said, ngayong lang umimik. Kumuha ito ng tissue at saka pinunasan ang kanyang bibig.
"Ako rin," tugon ko, "shall we?" Tumango naman siya.
"Oy teka, patapos na rin ako," singit naman ni Russel, puno pa ang bibig.
"Ulol! Lamunin mo muna 'yong pagkain bago ka magsalita." Natatawang saad ni Rayne, binato pa ng tissue ang kaibigan.
"Wag niyo akong iwan," pagmamakaawa ni Russel, busangot na ang mukha.
"Una na kami, Rayne. Ikaw na ang bahala sa kaibigan mo." paalam ni Anica, saka hinila ako palabas ng cafeteria.
"Anong ako ang bahala? Kaya na nito ang sarili niya, noh!" Sigaw ni Rayne at agad kaming nahabol, iniwan talaga ang kaibigan.
Napahinto kami sa paglalakad pabalik sa classroom dahil sa mga nagkukumpulang estudyante sa hallway, may kung ano silang tinitingnan sa bulletin board na naroon at mababakas rin ang excitement sa mukha nila.
"Hindi yata tayo makakaraan," komento ko, siksikan kasi ang mga tao dito sa hallway.
"Oo nga," ani Anica, "Ba't ang daming tao?"
"Excited lang sila doon sa nabasa nila." Sabay kaming napalingon ni Anica sa lalaking nagsasalita sa likod. Oo nga pala, kasama pala namin siya.
"Nabasa?" kuryosong tanong ko.
He nodded. "Student Night!"
"Ay oo, sa Monday na 'yon diba?" Si Anica, maging siya ay tila naexcite na rin.
"Rayne!" tawag ng isang babae from somewhere. Boses pa lang nito, kilala ko na.
"Oh?" Si Rayne nang makalapit sa banda namin sina Apple at mga kaibigan nila.
"Where's Russel? Kanina pa namin kayo hinahanap." Aniya at kumapit sa braso ni Rayne. "Lunch tayo, gutom ako."
"Oo nga, nasaan na ba ang ugok na yon?" sabat ni Tobby, pagkasabi niya no'n ay siya namang pagdating ni Russel.
"Ako ba ang tinawag mong ugok? Gago ka, ah!" Anito.
"Oo, kanina pa namin kayo hinanap, gutom na mga ako eh." Bulyaw ni Tobby, hinimas pa ang tiyan.
Napatingin ako kay Rayne na ngayon ay hindi na makatingin sa akin. Akala ko ba sinama niya si Russel kasi walang kasam? Tsk, boys and their lies.
"Sorry pre, pero kakatapos ko lang kumain eh." Hinimas din ni Russel ang kanyang tiyan.
"Ano? Kumain ka nang wala kami?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kenneth.
"Oo. Hindi niyo naman dala ang kamay at bibig ko." singhal ni Russel.
"Tara na nga guys, tapos na naman pala ang mga yan." Iritang saad ni apple saka hinila ang mga kaibigan niyang babae.
"Hoy, wag kang madaya. Sasamahan mo pa rin kami kahit tapos ka na." Hinila ni Tobby si Russel kaya wala itong nagawa kundi sumama.
Pasimple akong lumapit kay Rayne pagkaalis nila at bumulong, "Akala ko ba walang kasama si Russ kaya mo inimbita?"
Hindi siya sumagot, ngunit tinuro niya si Anica at sumenyas na 'wag akong maingay. Hmm! I can smell something. Nawala na ang mga kumpulang estudyante sa hallway, kaya nagpatuloy na kami paglalakad.
"Oy, anong pinagbubulungan niyo?" biglang singit ni Anica.
"Wala. Pinuri ko lang ang kagandahan ng kaibigan mo." Palusot ni Rayne, I blushed and felt the wild beating of my heart. Ano bang meron sa sinabi niya at ganito ang epekto sa'kin?
"Gago ka, La Questa." inis kong bulyaw, hindi sigurado kung bakit ako naiinis. Nang mapabaling ako kay Anica, nakita ko ang pagbago ng tingin niya sa'kin, parang nanukso na ito.
"Taray! Ang haba ng hair." She teased.
Pinanlisikan ko siya ng mata. "Isa ka pa! Tigilan niyo nga ako." Tinawanan lang nila ako kaya inis akong naglakad.
"Hey saan ka pupunta? Wait for us." Anica shouted, pero hindi ko na ito pinansin.

Bình Luận Sách (10)

  • avatar
    Alyza Jenine

    this story is so beautiful

    05/07

      1
  • avatar
    Shahanna Javier

    thanks

    11/06

      1
  • avatar
    LimJean Rose

    Guys read this because its really amazing story.

    11/04

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất