logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 1

I woke up when I heard knocking outside my room several times, I'm sure it was Mom because she was the only one who always did it whenever she was here. Bahagyang inunat ko ang aking katawan. Tumingin ako sa orasang na nasa side table ko. Alas syete na pala...
Siguro ay kagabi pa siya nakarating at hindi ko na napansin siguro dahil antok na antok na ako dahil galing ako sa Bistro. Mabilis na umalis ako sa kama ko at inayos ang higaan.
At nang matapos ay kinuha ko na ang tuwalya ko at nagtungo na sa banyo. Ilang minuto lang ako ay kaagad na ako lumabas para magbihis.
Nang matapos kong magbihis ay agad kong kinuha ang bag ko at bumaba. Naabutan ko si mommy na naglalagay ng pinggan sa lamesa.
"Good morning mommy," I greeted. She immediately looked at me and smiled.
"Good morning, Darling..." She walk towards at me and kiss my cheeks. Katulad nang ginagawa niya araw araw. "You should eat, baka malate kana sa klase mo."
Tumango nalang ako sa kaniya at naupo sa bakanteng upuan. Lumabas mula sa kusina si Mommy dala dala ang isang bowl na may lamang ulam.
Umupo siya kaharap na upuan ko at nagsimula na ring kumuha ng pagkain niya. Ganoon din ang ginawa ko.
"Did you call your Kuya Cadence?" she asked in the medial of our meal. Nabitin sa ere ang kutsarang may lamang kanin at ulam dahil sa tanong ni Mommy.
Kagabi ay umuwi rito si Kuya Cadence kaya siguro hindi alam ni Mommy dahil hindi siya nasabihan ni Mommy.
Kuya Cadence lives alone in his condo in Manila. He is currently studying law at the University of the Philippines so we rarely see each other.
"Where's Dad?" Ako naman ngayon ang nagtanong kay Mom.
"Nasa site na siya," she answered.
My dad is engineer while mom is handling my grandfather's company.
After I finished eating, I immediately said goodbye to mom. "Mauna na po ako, Ma."
"Take care, Darling," anito at dinampian ng halik ang pisngi ko.
Nang makapagpaalam na ako ay kaagad akong lumabas na ng bahay at naglakad na palabas ng subdivision. Pagdating ko na namang mamayang gabi ay wala na naman si Mommy at hindi uuwi si Daddy dahil sa trabaho nilang dalawa kaya mag-isa lang ako sa bahay.
Sa Bistro ako minsan tumatambay kung wala sila mommy dahil hindi naman nila napapansin na wala ako sa bahay dahil wala rin naman sila minsan. Kung naroon sila sa bahay ay trabaho pa rin ang inaatupag nila.
Paglabas ko ng subdivision ay siya ring pagdaan ng ilang jeep na patungo rin sa school ko. Kaagad akong nagbayad sa driver. Marami rin akong nakitang mga estudyanteng naka uniform katulad ko.
Ilang minuto nalang ay tanaw ko na ang North Fairview at nang tumigil ang sasakyan sa harap ng school ay nagsibabaan na lahat ng estudyante taga North Fairview.
Bahagyang napadaing ako ng may nakabangga ako pagbaba ko ng jeep ko pero hindi ko na iyon pinansin at nagmamadaling naglakad papasok sa North Fairview.
"Ciara!" Isang matinis na boses ang narinig ko kaya lumingon ako sa likuran ko at doon ko nakita si Sayie na tumatakbo papunta sa akin.
Bahagyang natawa pa ako ng muntikan pa itong matapilok.
"Ci, kumusta? Na miss kita. Hindi tayo nagkita kahapon, sabi Jeco maaga ka raw umalis sa Bistro," aniya at ngumuso pa.
"Alam mo naman marami akong ginagawa kaya hindi na kita inantay, at saka ang tagal mo rin, e!" sagot ko sa kaniya
Bahagyang sumimangot ang mukha niya kapagkuwan ay ngumiti rin kaagad sa akin.
"Sige na nga! Ngayon lang ito, ah? Pero sa susunod sabay na tayo para sabay rin tayong uuwi." Natatawang tumango ako sa kaniya
Kahit siguro ay paulit ulit ko siyang tanggihan ay paulit ulit niya rin akong kukulutin. Nang matapos ang usapan naming dalawa ay napagdesisyunan na naming magtungo sa room naming dalawa.
Hindi kami magkaklase ni Sayie dahil mas matanda siya ng isang taon.
Nang malapit na ako sa building namin ay hindi inaasahang pangyayari ay may nakabangga ako. Agad kong kinuha ang gamit ko at inis na tinignan ang bumangga sa'kin.
Ika-dalawang beses na ngayon na may nababangga ako, nakakainis naman.
Napanganga ako nang maayos ko ng masulyapan ang mukha niya. Ang abo nitong mata ang sumalubong sa akin. Ang makinis nitong pisngi, ang matangos na ilong niya at lalong lalo na ang mapupulang labi niya na nakatikom.
Inayos nito ang salamin niya at seryoso akong tinitigan. "It also your fault, hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo."
Mabilis na tinikom ko ang bibig ko dahil sa sinabi niya at sumimangot. So, kasalanan ko pa?
Imbes na pansinin pa siya ay umirap nalang ako at mabilis na nilagpasan siya. Baka mas lalong masira ang umaga ko kapag nagsalita pa ako.
Nasa second floor ang room ko. 11-Rose ang grade at section ko. Nag-angat ako ng tingin ng bumukas ang pinto ng room. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa 'kin. napakagat labi naman ako bago nagsalita.
"Ma'am I'm sorry, I'm late." Sabi ko at bahagyang yumuko at tinignan ko muli siya. Tumango naman siya sa'kin at niluwagan ang pintuan, napatingin naman ako sa loob. 
Nakita kong naroon na si Jillian at nagsusulat ito. Himala at maagang narito na siya sa room. Kadalasan ay mas nauuna pa ako sa kaniya sa school.
Napatingin naman siya sa akin kaaagad na ngumisi na parang nang-aasar. Umupo ako sa katabing upuan nito. Nagsimula ng magpa discuss ang teacher namin at nang matapos siyang mag-discuss ay nagpa quiz siya.
Nang mag break time agad akong tumayo at sinukbit ang bag ko, hinarap ko si Jillian. Nag aayos din siya ng gamit niya. Nang matapos siya ay hinarap niya ako.
"Late ka ata ngayon, ah," puna niya.
"May nakabangga ako sa hallway kanina at saka traffic," i answered.
Totoo naman na may nakabangga ako pero sa traffic... nevermind nalang.
"Tara canteen tayo?" Anyaya niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya.
Sabay kaming naglakad palabas. May mga nadaan pa kaming mga kilala niya at kaunting pag-uusap hanggang sa makarating kami sa canteen.
Maraming tao sa canteen at siksikan ang mga tao roon. Hindi na ako nag-abalang makisiksik dahil si Jillian na ang nag volunteer para bumili ng pagkain naming dalawa.
"Isang burger lang at saka ice tea," sabi ko, tumango naman siya at umalis na.
Naghanap naman ako ng table na puwedeng naming makainan.
Habang naghihintay ako sa kaniya ay nilibang ko ang sarili ko, kinuha ko ang phone ko at nag- scroll sa twitter ko. Napatigil naman ako sa pag-cellphone ng matanaw ko si Jillian. Napakunot ang noo ko ng makita kong ang dami niyang pagkain na dala.
"Maaubos mo 'yan?" i asked when i saw the tray full of foods. Malawak na ngumiti siya at tumango sa 'kin.
"Oo naman! Parang hindi mo naman alam na kaya kong umubos ng limang burger," natatawang sabi niya.
Bahagyang tumawa nalang ako sa kaniya at umiling nalang sa kaniya. Nagsimula na kaming kumain habang siya ay patuloy na nag kwe-kwento sa akin.
"Nakita mo ba kanina si Isaiah? Ang pogi niya!" Bahagyang napatakip ako sa tainga ko ng tumili ito.
Hindi ko naman alam kung sino ang tinutukoy niya.
"Hindi ko naman kilala ang tinutukoy mo."
"Ha? Hindi mo kilala? Bakit? Paano?" Napangiwi ako sa sunod sunod na tanong nito sa akin.
Anong magagawa ko? Hindi ko naman talaga kilala ang lalaking iyon.
"I'm not interested," I answered.
Nang matapos ang break time namin ni Jillian ay nauna na siyang umalis dahil tutungo pa siya sa banyo dahil mag re-retouch pa siya habang ako naman ay patungo sa room ko.
Paliko na sana ako ng sa ikatlong pagkakataon ay may nakabangga na naman ako. Sa isang araw ba ay Ilang beses akong mababangga?
Tila malas ata ako ngayon araw. Imbes na sa sahig ako bumagsak ay may isang brasong pumulupot sa baywang ko. Nanlaki ang mata ko ng maramdaman kong may dumampi sa labi ko.
Mabilis na hinampas ko ang dibdib nito at nagpumiglas na umalis sa braso niya. Nabitawan naman kaagad niya ako.
Tinignan ko kung sino ang nadampian ng labi ko. Bahagyang umawang ang labi ko ng magtama muli ang abo nitong mata. Parang nang-aakit ang mga mata niya habang tinitigan. Pero mas umusbong ang inis ko sa kaniya kay sa paghanga.
"Ikaw na naman?" Sabi ko sa inis na boses
Pinatitigan ko siya ng mabuti. Dito kaya siya nag-aaral? Naka civillian ito kaya hindi ko alam kung dito ba siya nag-aaral o hindi.
"You're so noisy," mahina ngunit supladong sabi niya sa akin.
Napaamang ako dahil sa sinabi niya. Ako pa ngayon ang maingay? I'm just asking! Tapos eto pa ang matatanggap ko galing sa kaniya.
Masamang tinititigan ko siya. "Nagtatanong lang ako sa'yo! Hindi ako maingay, p*ste!"
Nakita ko ang pagtaas ng gilid ng kaniyang labi. I saw he licked his lips and looked away.
"You're just asking pero parang gusto mo na akong sigaw," he sarcastically said.
I gritted my teeth. Sa tono palang ng boses niya ay nang-aasar siya.
"Sinisigawan kita. Bakit may reklamo ka, Kuya?" Inirapan ko siya pero mas lalo lang siyang ngumisi sa akin kaya napapadyak nalang ako.
"Don't call me Kuya. You're not my sister."
"Wala akong pake. Tatawagin ko kung ano ang gusto ko. Makaalis na nga, naiimbyerna ako sa mukha mo!" inis na sabi ko sa kaniya
"What? Because I accidentally kissed you?" Namumuro na ako sa lalaking ito.
Binabawi ko na guwapo siya, ang pang*t niya... pati na rin ang ugali niya!
Imbes na sagutin ko pa siya ay sinamaan ko nalang siya ng tingin at nag martsa na papaalis. Kung sasagutin ko pa siya baka mas lalong lumaki ang away naming dalawa.

Bình Luận Sách (177)

  • avatar
    CJ Sydney Fabunan

    5 star sana kaso bitin, may book 2 ba to?

    19d

      0
  • avatar
    Sean Venice Puedivan

    fill

    28d

      0
  • avatar
    Merlinda Marcelo

    Good, its easy to understand

    17/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất