logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Ang Una At  Huling Tagpuan

Ang Una At Huling Tagpuan

Minionshere


Chương 1 Unang yugto

Maaliwalas, maganda ang sikat ng araw at bughaw ang kulay ng kalangitan. Masarap pagmasdan ang mga punong sabay sabay na sumasayaw sa ihip ng hangin.
Malinis na tubig at sariwang hangin na nagbibigay ginhawa sa bawat isa. Umihip ng sobrang lakas ang hanging kasabay ng pag daan ng mga kalesa sa harap ng aming bahay.
Kitang kita mo ang mga taong nagsitabi upang bigyan daan ang mga kalesang ito. Nandito ako ngayon sa bintana ng aking silid. Hanggang dito lang ang kayang punatahan ng aking paa. O di kaya ay sa sala namin. Madalang lang ako makalabas dahil nga batid ko na hindi raw pwedeng lumabas ng bahay ang mga dalaga lalo sa panahon ngayon.
Umihip muli ang hangin at tinatangay nito ang buhok kong nakalugay. Pilit ko mang iipit sa aking tenga ay kusa pa ring kumakawala at sumasabog sa aking mukha.
Narinig ko ang tinig ng aking ina na si Mariela Marquez nagmamadali siyang lumapit sa tatlong kalesa na nakahinto sa aming harapan. Kasunod nito ang aking Ama at si Ate Franches na ngayon ay nasa likod ng aking magulang.
Mabilis ang tagpong iyon at nakita kong may tatlong lalaki ang inanyayahan ng aking magulang para pumasok sa aming bahay. Hindi naman gaanong malaki ang bahay namin ngunit sapat na para sa aming lahat. Hindi ko manlang natanaw kung sino ang mga iyon. Nagkibit balikat nalamang ako at nagpasya ng isara ang bintana.
Bubuksan ko na ang pintuan ko upang pumunta kela ina at makilala kung sino ang panauhin namin sa ganitong oras ng siyesta. Ngunit bago ko pa ito buksan ay bumungad agad sa akin si Manang Mamita na aming kasambahay.
"Señorita, pinababatid po ng inyong ama na manatili muna kayo dito sainyong silid. Sapagkat ang mga panauhin nila ay ang mga heneral."
"Ano naman kung mga heneral iyon Mamita, ako'y gusto ko lamang makilala o makita ang mga nagiging panauhin nila ama at ina."
"Alam ko señorita, pero iyon ang pinag-uutos ng inyong ama. Manatili ka dito hanggat hindi pa nakakaalis ang mga bisita." kitang kita ko ang pagkaawa ni Manang Mamita sakin. Imbis na mangulit pa gaya ng ginagawa ko noon ay hinayaan ko nalamang dahil hindi naman ako magwawagi.
"Salamat Mamita, sabihan ninyo nalamang ako kung pwede na akong lumabas." lintanya ko at ngumiti ng bahagya.
"Paumanhin Señorita Marife." at tuluyan ng isinara ang pintuan ang aking kwarto.
Nilibang ko nalang ang sarili ko sa pag sulat sa aking talaarawan. Ganito lagi ang eksena kapag hindi nila ako pinalalabas ng may panauhin. Hindi lang isang beses o dalawang beses nila ito ginagawa sa akin. Kung minsan ay nagtatanamin ako ng sama ng loob sa aking Ama at ina sa ginagawa nila sa akin. Hindi nila ako binibigyan ng laya upang harapin ang mga taong nakakasalamuha rin nila.
Samantalang si Ate Franches na malayang nagagawa ang mga nais niya sa buhay. Kasama sa lahat ng lakad nila ama at ina. Nakikita ang mga bagay na hindi ko pa nakikita. Ngunit isinasaisip ko nalang din, mabigat siguro ang kanilang dahilan upang gawin ito.
Nakalipas ang isang oras at narinig ko ang pagbukas ng aking kwarto.
"Marife, Marife." galak na tawag sa akin ni Ate Franches.
Sandali kong sinara ang aking talaarawan at tinabi sa tukador. Lumapit ako sakanya at binigyan siya ng matamis na ngiti.
"Ano ang iyong kwento, mukhang masaya ka." Bati ko dito.
"Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin, dahil hanggang ngayon ay kinikilig pa din ako." aniya habang pinagmamasdan ako.
"Ano ba iyon? pinagkasundo kana ba ni ama kay Rodolfo?"
"Hindi Marife, at wag mo na sanang banggitin pa ang pangalan na iyan." aniya at naging masama pa ata ang kanyang timpla.
"Paumanhin, ano ang tunay na dahilan ng pagkagalak mo?" tanong ko agad para maibsan ang kanyang dismaya.
"Hayy.. Ito na nga aking kapatid, ang panauhin kanina ay tatlong heneral na magkakaibigan." Panimula niya ngunit nagulat ako ng kanya akong hampasin ng mahina.
Bakit ganito nalamang ang kilig ng aking Ate, siguro ay isa sa mga Heneral na iyon ang kanyang napupusuan.
"At hindi ko maitatanggi na lahat sila ay may taglay na kakisigan at kagwapuhan. Ngunit may isa doon na nagpabihag sa aking puso."
Humakbang siya papunta sa aking bintana at kanya itong binuksan.
"Napaka kisig, at kay gwapo ng kanyang mukha. Ngunit may pagkasuplado pero ayos na rin. Pakiramdam ko ang iniibig ko na siya ng lubos." aniya na parang nahihibang.
Nilapitan ko siya at mariin na tinitigan.
"Ate, unang beses mo palang siya nasilayan ngunit ganyan na ang iyong tinuturan.."
"Manahimik ka, matagal ko na siyang nakikita. At ngayon lang siya napabisita sa ating bahay. Dahil ininbitahan siya ni ama at ina."
"Palibhasa ay hindi ka naman gaano nakakalabas kaya't hindi mo kilala o nakikita ang mga tao sa labas." aniya at tinalikuran ako.
"Iyo rin bang hiniling kay ama na anyayahan ang heneral na iyon dito?" tanong ko.
"Oo Marife, lubos na alam ni ama na gusto ko si Heneral Agustino." sabay non ang pagsara ng aking kwarto. Lumabas na siya na may ngiti sa labi at ako naman ay lugmok sa kalungkutan.
-
Kinaumagahan maaga akong bumangon, pasado alas kwatro palang ay kita ko na si Mamita na naghahanda ng aming pagsasaluhan sa agahan.
"Magandang Umaga Mamita." bati ko dito at umupo sa harap ng hapag.
"Oh Señorita, magandang umaga rin, ako ay naghahanda palamang ng inyong almusal."
"Ayos lang Mamita, makapaghihintay naman. Siya nga pala, kamusta at anong nangyari kahapon sa mga panauhin nila ama."
Humarap siya sakin at inilapag ang isang basong tubig.
"Mga heneral iyon dito sa ating lugar. Naparito sila dahil inimbitahan sila ni Don Florentino. Batid kong kinukuha na iyong ama ang loob ng isang heneral doon." aniya.
Tama ang iyong batid Mamita, sapagkat anong mang hilingin ng aking Ate ay kanyang ibibigay. Gusto ko man iyon isaboses ngunit hindi ko maaring pangunahan ang ama at ang ate ko.
"Nais kong sumama saiyo sa pagpapalengke mo Mamita."
Napahinto ito sa ginagawa at humarap muli sa akin. "Ngunit Señorita hindi ka papayagan ng iyong ama na lumabas ng pamamahay. Batid ko ring alam mo iyon." Napabuntong hininga nalamang ako.
Bakit ba ang hirap para sakanila na ako'y lumabas at masilayan ang mga mayroon sa lungsod ng Bulacan. Samantalang ang aking Ate na si Franches ay malaya at nagagawa ang gusto.
Samantalang ako ay palaging nakakulong sa pamamahay na ito. Palaging sinusunod ang kagustuhan nila.
"Ipagpapaalam kita Señorita, wag ka lamang malumbay dyan." aniya at napa-angat ako ng tingin sakanya at mabilis siya nilapitan upang yakapin.
"Maraming salamat Mamita, maari na ba akong magpalit ng aking susuotin sa ating paglabas." Galak kong sabi.
Tumango lamang ito na may ngiti sa labi at nagmadali nakong kumaripas ng takbo papunta sa aking silid. Hindi ko alam ang aking susuotin. Batid niyo naman na ito ang unang labas ko sa buwan ng Setyembre.
Napili ko ang aking makulay na saya at kinuha ko rin ang isa sa paborito kong abaniko, itoy inayos ko ng mabuti upang maging maganda sa paningin ng lahat. Inilugay ko rin ang aking buhok at sa gilid nito ay iniipit ko sa isa kong tenga. Masaya akong sinusuklay ang mahaba kong buhok.
Napahinto nalang ako ng may kumatok sa aking kwarto. Bubuksan ko palamang ay binuksan na ito ni ama.
"Magandang Umaga ama." bati ko.
"Nagpaalam sakin si Mamita na isasama ka niya sa pamamalengke niya?" tanong nito at pinagmasdan ang ang aking kasuotan.
"Opo ama." nahihiya kong sagot. Hindi niya kaya napayagan si Mamita. Nakagayak nako at mukhang hindi ako makakasama.
"Wag kang lalayo sakanya, hindi mo kabisado ang lugar natin. Baka maligaw at hindi ka makauwi." aniya at hindi ako makapaniwala na pinayaga niya akong sumama.
Mabilis kong niyakap si ama sa galak na aking nararamdaman. "Maraming salamat ama." naramdaman ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking ulo. "Mag-iingat kayo anak."
Hindi pa rin ako makapaniwala na ngayon ay nasisilayan at naririnig ko ang mga tao sa bayan namin.
Nandito kami ngayon sa pamilihan ng bayan kung saan dinadagsa ito twing umaga dahil nga sariwa pa at kakahango lang ng mga isda at gulay sa pinagkukunan. Habang nakasunod ako kay Mamita ay hindi ko pa rin lubos na maisip na halos hawak ko na ang kalayaan na gusto ko.
Isa isa kong nilapitan ang mga nakahilerang nagtitinda ng iba't ibang abaniko at sumbrerong gawa sa banig, mayron din na makukulay na baro't saya na nagbibigay aliw sa mga taong namimili.
"Mamita, Titingin lang ako ng abaniko doon." paalam ko sakanya at mabilis na hinakbang ang daan patungo sa mga nakahilerang paninda.
"Magandang umaga, magandang binibini." bati ng ale sa akin. Ngumiti lamang ako at isa isa ng hinipo ang abaniko na kay gaganda.
"Ngayon lamang kita nakita rito, Ikaw ba ay isang dayuhan sa bayan na Ito?" tanong ng tindera.
"Hindi po, hindi lang po ako gaano pala labas." sagot ko at iniabot na sakanya ang limang abaniko na napusuan kong bilhin. Buti nalang at may dala akong salapi na nagkakahalaga ng tatlong piso. Iniabot ko iyon at sinuklian pa ako ng 75 sentimo.
"Maraming salamat binibini."
"Maraming salamat din po ginang." bati ko at binalikan si Manang Mamita na ngayon ay namimili ng mga prutas.
"Ano ang iyong hawak Señorita?" bulong na tanong nito sa akin.
"Abaniko Mamita, sa katunayan ay binili rin kita, at si Ate at Ina." masaya kong balita sakanya.
"Nako, nag abala kapa."
"Tulungan ko na po kayo mamili ng magandang prutas." hinayaan naman ako nito at nagpasya na mamahinga sa isang Parke dito sa Bayan.
Tapat nito ay ang simabahan ng St. James Parish Quingua. Maraming nag gagandahang kalesa ang dumaraan at mga taong nagsisipakad bitbit ang kani-kanilang bayong.
"Simula noong Marso ay ngayon ko lamang muli nasilayan ang ganda ng simbahan na iyan." tukoy ko sa simbahan na nasa tapat lang ng parkeng ito.
"Marami rin ang nadagdag na pamilihan sa gilid nito, ganito pala kapag hindi nakakalabas ng silid." tawa ko pa.
"Marahil din ay may mabigat na dahilan sila ama kung bakit ganito nalang ang pinamulat nila sa akin. Ang manatili sa bahay."
"Intindihin mo nalang si Don Florentino. Bibigyan kita ng kalahating oras upang libutin ang gusto mong puntahan. Dito lamang ako upang hintayin ka."
"Talaga po Mamita? Maraming salamat po."
"Mag-iingat ka lang Señorita." sabi nito na at binigyan ako ng isang siguradong ngiti.
Mabilis ko tinahak ang simbahan at hindi ko na alam kung ano ang aking uunahin na lapitan at hawakan sa sobrang daming palamuti at mga batang may bitbit na sampaguita.
Nilapitan ko ang batang pinaka maliit sakanila at tsaka kinausap.
"Munting ginoo, magkano yang tinitinda mo?" giliw kong tanong dito.
"limang sentimo po, kada isang supot." aniya.
Bumunot ako ng salapi sa aking bulsa at iniabot ang 75 sentimo. Nanlaki ang kanyang mata sa iniabot ko, natawa naman ako dahil ang munting bata ay naluha pa sa kagalakan.
"Iyo na 'yan. Bigyan mo lamang ako ng isang supot at ang iba naman ay maari mo ng ipagbili pa." Hinawakan ko ang kanyang ulo upang himasin.
"Napaka buti niyo po Binibini. Maari ko po bang malaman ang inyong ngalan?"
"Ako nga pala si Marife, Ikaw munting ginoo?" Ligalig kong tanong rito.
"Ako po si Noni, kinagagalak ko po kayong makilala magandang binibini." hinimas ko ulit ang kanyang ulo. Ang batang ito ay sanay na sa ganoong lintanya.
Pero bago pa ako muling sumagot ay bigla bigla nalang siya tumakbo papalayo kasama ang mga batang kasama niya. Marami rin ang nagbalikan sakani-kanilang pwesto. Isang kalesa ang huminto sa aking harapan.
Isang lalaking may suot pang heneral ang bumaba sa kalesang iyon. May sumunod naman sakanyang mukang kutsero nito.
Bahagya akong umatras upang bigyan ng daan ang mukhang heneral. Diretso ang kanyang tingin sa daanan tila hindi niya batid ang aking presensya. Inilibot niya ang kanyang paningin hanggang sa mahagip niya ako ng tingin.
Dahan dahan itong lumakad sa gawi ko at nakaramdam ako ng kaba sa mariin nitong pagtanaw sa akin. Ngunit bago pa man siya nakalapit sa akin ay may tumawag na sakanya.
"Lopez, kaibigan. Hindi ko akalain na--" Hindi na niya ito natuloy ng bigla siyang hitakin sa kwelyo ng lalaking tinawag niyang Lopez.
Hindi ko na narinig ang kanilang pagtatalo ng may ginang na humawak sa aking kamay at ngumiti sa akin.
"Napaka gandang binibini naman nito." tukoy niya sa mga taong nasa likod namin. Dinala niya ako sa kanyang tindahan at ipinakita sa akin ang mga porselas na kanyang paninda.
Kumuha siya ng isang kwintas na sumisimbolo sa butuin.
"Binibini, bagay sa'yo ang kwintas na ito, lalong lulutang ang iyong kagandahan." aniya at hinayaan ko siyang ikabit iyon sa aking leeg.
"Mura lamang iyan. 1 peso." at ngumiti ng napaka laki. Hinawakan ko agad ang kwintas na nakasuot sa akin.
"Ngunit ginang, wala na po akong salapi dito. Paumanhin po at babalikan ko nalang sa susunod." Sabi ko rito at tinanggal na ang kwintas.
"Dalhin mo na 'yan. Sa pagbalik mo nalang ang bayad." aniya pa. Gusto ko man, pero hindi ako nakakasiguro na makakabalik pa ako o kaylan na ulit ang labas ko.
"Osige hija." sabay kuha ng kwintas sa aking kamay.
Lumakad na ako palabas ng simbahan ngunit narinig ko ang isang tinig.
"Nais kong ipabatid sainyo na sa susunod na linggo ay may gaganapin ditong isang kasalan ng kataas taasang Gobernador Luis at ang kanyang mapapangasawa. Nais kong inyong linisin ang bawat lugar ninyo at kapag sumapit ang araw na 'yon ay hindi ko na dapat kayo maabutan pa para lang paalisin kayo." Matapang at malakas ang kanyang boses. Ang lalaking nakasuot na heneral na tinawag na Lopez.

Bình Luận Sách (88)

  • avatar
    HernandezWheng

    ganda ng kwento

    17/05

      0
  • avatar
    Quillosa Shane

    Good quality at maganda pa ang pagkasunod²

    16/05

      0
  • avatar
    Junrey Decatoria Salsona

    ggyg

    16/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất