logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 01: HUNTERS

Nagising na lang ako dahil sa mahinang iyak. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at ang puting kisame ang bumungad sa akin.
"Nanay Annie..."
Pinunasan niya naman ang luha niya sa pisngi.
"Are you okay? May masakit ba sa 'yo," nag-aalalang tanong ni Nanay Annie. Nagsimula namang nag-init ang gilid ng mga mata ko.
"I'm okay po," sagot ko at pilit na umupo pero napangiwi ako dahil biglaang kumirot ang likod at tagiliran ko.
"Ingat lang, Ellesor," mahinahong untag ni Nanay Annie.
"S-si Freyja po?"
Hindi agad nakasagot si Nanay Annie at nagsimula ng nanumig ang gilid ng mga mata niya.
"Asan po siya?" tanong ko ulit.
Umiling-iling siya at tinakip ang dalawang kamay niya sa mukha.
"Nanay Annie..."
"I don't know but I'm sure hawak nila ang anak ko," aniya.
"Sino pong sila," naguguluhang tanong ko.
"I... I can't tell you," sagot niya at pinunas ulit ang luha na nasa gilid ng mga mata niya.
"Pero Nanay Annie! May nakita po ako... May karapatan naman akong malaman hindi ba? Lalong-lalong na't alam kong ako ang pakay nila, prinotektahan lang ako ni Freyja!" naiiyak kong usal.
"I'm sorry but I can't tell you, wala ako sa posisyon para sabihin sa 'yo ang lahat na nalalaman ko."
Naguguluhan na ako... Gulong-gulo na.
"Good afternoon." Tumingin naman ako sa pinto, may dalawang taong nakatayo roon; isang babae at isang lalaki.
"We're looking for Ellesor Aloira," anang ng lalaking may kulay abong buhok at bughaw na mata.
"Ako po si Ellesor Aloira," pagpapakilala ko at itinaas pa ang isa kong kamay.
Lumapit naman sila sa amin ni Nanay Annie. May inilabas na ballpen at maliit na notebook yung lalaki.
"We're detectives, I am Detective Lyn," pagpapakilala ng babae na naglahad pa ng kamay. She's beautiful at agaw pansin ang blonde niyang buhok na nakapuyod.
Tinanggap ko naman ang kamay niya. She smiled at me and I felt weird feeling towards her.
What's that? Parang kakaiba ang ngiti niya at kung paano niya ako tingnan. Parang sabik na sabik siya.
"We're here to ask you some questions about what happened two days ago," sabi nung lalaki dahilan ng pagkalas ko ng kamay ko na nakahawak sa kamay ng babae.
"Two days ago?" nagtatakang usal ko.
"Dalawang araw kang walang malay, Ellesor," ani Nanay Annie.
Tumango-tango naman ako at inalala ang nangyari ng gabing 'yon.
"What happened that night?" tanong ng babae.
"Past seven in the evening, pauwi na ako sa bahay ng mga magulang ko galing sa karenderya nila Nanay Annie nang bigla kong nakasalubong si Freyja..." Napatingin naman ako kay Nanay Annie na nagsimula na namang umiyak.
"Si Freyja... Anak siya ni Nanay Annie. Hinigit niya ako patakbo papunta sa loob ng kagubatan nang makarinig kami ng sigaw, sabi niya may tutulong daw sa amin kaya lang may mga l-lobong humarang at hindi ko alam kung ano ang pakay nila sa 'min basta pursigido si Freyja na makatakas kami pero... Nahulog kami sa hindi kataasang bangin at nagpagulong-gulong, nakapasok ako sa kumpulan ng mga ugat pero si Freyja... Lalapitan sana siya ng mga l-lobo pero may biglang dumating na nakasuot ng pulang cloak at tumalsik yung mga l-lobo. Iyon lang ang naalala ko." Napayuko ako. Hindi ko alam kung bakit pero sinisisi ko ang sarili ko kung bakit iyon nangyari.
"Red cloak?" tanong ng lalaki.
Tumango ako. "Hindi ko nakita ang mukha niya pero sigurado akong nakasuot siya ng pulang malaking damit na may malaking hood."
Nagkatinginan naman ang dalawa, tumingin din sila kay Nanay Annie na tumango naman.
"Maiwan ko muna kayo," paalam ni Nanay Annie.
"Kilala niyo ba yung nakapulang cloak?" diretsong tanong ko.
Mas lumapit ang babae sa akin at umupo sa tabi ng kama ko, hinawakan niya ang pisngi ko at dahan-dahan itong hinaplos. Napapikit naman ako.
"Sorry, I can't tell it to you now but I promise, I will tell you and explain it soon," mahinahon niyang sabi.
Nagsimula naman akong makaramdam ng kakaiba. I don't know if they are my enemy or not but...
"Do you know me?" seryuso kong tanong.
"More than you know," sagot niya at ngumiti.
"Mistress..." tawag sa kanya ng lalaki na kasama niya.
"I know Frost, I know..." usal ng babae at tumayo na.
"Sino ka?" naguguluhan na tanong ko.
Bakit parang kilala niya ako?
"Malapit mo na akong makilala, don't worry," sagot niya at ngumiti ulit saka nagsimula ng naglakad paalis.
"Kailan? Kailan kita makikilala?"
"Soon, Rose. Very soon," huling salita niya bago sinarado ang pinto.
Naiwan akong naguguluhan. I don't how I will react and I don't know where I should start to know her.
**
Nakauwi na ako sa bahay ng adopted parents ko, pinagpahinga muna ako ni Nanay Annie sa pagtratrabaho ko sa karenderya niya. Nasa lumang kwarto ako ngayon, kung saan ako natutulog ng mahigit limang taon na mag-isa.
Nakatunganga ako ngayon sa bintana ng kwarto ko kung saan may mga dumaraan na mga estudyante na nakasuot ng mamahaling uniporme, they're probably from rich family. Napabuntong hininga na lang akong umalis sa bintana at nahiga sa lumang kama ko.
Tumigil na muna ako sa pag-aaral ngayong taon dahil na rin sa hindi ko na rin kayang pag-aralin ang sarili ko, gusto rin sana akong pag-aralin ni Nanay Annie pero tumanggi ako lalong-lalo na't alam kong libre, ako kasi yung tipo ng taong ayaw magkaroon ng napakalaking utang na loob sa ibang tao, hindi ko alam kung bakit pero likas na 'tong ugali ko, ayaw kong umaasa sa iba. Ma-pride ako at alam ko 'yon lalong-lalo na't alam kong kakaiba ako.
I grew up independently especially, when my adopted parents died. Mula bata alam kong may kakaiba sa 'kin na hindi ko alam kung ano.
"Eli!"
Tumayo agad ako at naglakad pababa at binuksan ang pintuan ko.
"Nanay Annie...?" nagtatakang usal ko.
May dala kasi siyang napalaking bag na parang may pupuntahan.
"Pwede ba akong pumasok?" malumanay na tanong niya.
Tumango naman ako at tumabi sa gilid ng pintuan at nang makapasok na siya ng tuluyan ay isinarado ko na ulit ang pinto.
"Aalis kasi ako, Eli. Nandito ako para magpaalam sa 'yo."
"Nanay Annie..." Expressionless ako palagi pero mahina ako sa loob.
"Pasensya na Eli, kung iiwan kita pero kailangan ko kasing mabawi ang anak ko, ayaw ko siyang manatili sa mundong 'yon."
"Nanay Annie, hindi ko po kayo maintindihan. Si Freyja, buhay siya? Nasaan po?"
"Pasensya na talaga, Ellesor, pero hindi ko pwede sabihin sa 'yo pero huwag kang mag-alala malapit mo ng malaman ang lahat," nakangiti niyang paliwanag habang lumuluha na.
Niyakap niya ako habang nanatiling wala pa ring ekspresyon ang mukha ko at lalong-lalo na ang mga mata ko. The usually me, has always expressionless face and cold eyes.
"Ito, kaunting pera, hindi 'yan magiging utang na loob mo, utang 'yan ng loob ko sa iyo. Iniwan ko rin yung karenderya sa isang katiwala, gusto ko sana sa 'yo i-iwan pero alam kong hindi magtatagal ay aalis ka na rin. Basta tandaan mo palagi, marami kaming lalaban at tutulong sa 'yo. Mag-ingat ka palagi." Hinalikan niya ako sa noo at tumalikod na at nagsimula ng naglakad papalayo.
"Nanay Annie!"
Humarap naman siya sa akin na saktong pagyakap ko sa kanya.
"Mag-iingat din po kayo, Nanay Annie and thank you for everything," bulong ko.
Mabigat sa loob na sinunod ko siya ng tingin mula sa sinakyanan niyang bus haggang sa hindi ko na makita ito.
Mga malalim na hininga naman ang binitawan ko habang nakatulala pa rin sa daan na dinaanan ng bus na sinakyan ni Nanay Annie.
"Magsisimula na." Gulat akong napatingin sa gilid ko.
Nakatayo roon si Lola Ida na nasa likod ang mga kamay at nakatingin sa dinaanan ng bus na sinakyan ni Nanay Annie.
"Ano ang ibig sabihin niyo po, Lola Ida?"
"Ang paglalakbay mo, magsisimula na ito," sagot niya at tumingin sa akin na may kakaibang ngiti.
"Kakayanin mo kaya?" dagdag niya pa at tumalikod sa gawi ko at nagsimula ng maglakad papalayo.
"May alam ka, Lola Ida," usal ko dahilan para mapatigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin.
"May alam ako El-El, pero hindi ko sasabihin sa 'yo dahil ikaw ang nararapat makatuklas nito, magiging gabay mo lang ako," aniya.
"Kung gano'n... Makikita pa ba kita?"
"Oo, hahanapin niyo rin ako," sagot niya at nagsimula na namang maglakad papalayo.
Sino ba talaga ako?
Tatlong araw na ang nakalipas simula ng umalis si Nanay Annie at sa tatlong araw na 'yon ay mas naguluhan ako sa mga nangyari at mga pinag-usapan namin.
Napatigil ako sa malalim na pag-iisip nang biglang may pumasok na bato mula sa labas ng nakabukas na bintana ng kwarto ko.
Sumilip ako at nakita ko sa hindi kalayuan ang nakasuot ng sumbrero na lalaki, nakatingin siya sa gawi ko.
"Sino 'yon?" nagtatakang usal ko.
Hindi ko na siya pinansin at sinarado ang bintana ko.
Tanghaling tapat nambubulabog siya. Tsk!
Bumalik ulit ako sa pagkakahiga sa kama ko nang biglang may kumatok sa pintuan sa sala kaya inis akong bumaba ng hagdan at pinagbuksan ng pinto ang kumakatok. Bumungad sa akin ang lalaking nakatingin sa akin kanina. He's familiar.
"Ano ba ang kailangan mo sa akin?" diretsong tanong ko.
"Would you invite me to come inside for discussing it?" malamig niyang usal. I mentally rolled my eyes.
"Sure, but I don't have a coffee nor tea, I just have water," sabi ko.
Pumasok naman siya at naupo sa nag-iisang sofa na hindi ko pa napapabili. Pinabili ko kasi yung iba sa mga gamit dito sa bahay nung kinakailangan ko ng pera para sa pag-aaral ko noon.
"It's alright, ikaw lang talaga ang sadya ko at wala ng iba pa," aniya.
Sinarado ko ang pinto at naka-cross arms na lumapit sa harapan niya.
Inalis niya naman ang sumbrero na suot niya at bumungad sa akin ang kulay abo na buhok niya at kulay bughaw na mga mata; he's the man at the hospital, yung kasama ng weird na babae.
"Spill it out," seryusong sabi ko kahit medyo kinakabahan ako sa aura niya.
"I'm here to invite you."
"For what?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Inilahad niya naman sa akin ang isang maliit na card na may nakalimbag na mga salita.
"Hunters? Motto: Save lives first before... die?" basa ko sa nakasulat. "So...?" naguguluhang tanong ko.
"Werewolves, iyon yung humabol sa inyo ni Freyja Eindell, am I right?" he said and smirked.
"H-how...?"
"You didn't tell us about that but we know it. Why? Kasi may alam kami... marami."
Napalunok naman ako ng laway ko. "Anong alam niyo?" seryusong tanong ko.
"Accept first our invitation."
Natahimik naman ako ng ilang minuto at mariin siyang tiningnan.
"What kind of organization is this?" I asked pertaining to the Hunters.
"Let's say we are the protectors of mortal world from the other dangerous worlds."
"Another worlds," naguguluhang tanong ko.
"Are you in? Do you want to take the risk?" seryuso niyang tanong.
Huminga ako ng malalim. My curiosity kills me a lot lalong-lalo na't alam kong may kinalaman ito sa pagkatao ko.
"I am in, Frost," seryuso kong sagot at binanggit pa ang naalalang pangalan niya.
Ngumiti siya ng napakapait. "You should not."
"What?"

Bình Luận Sách (92)

  • avatar
    Marco Cristobal

    a so fast it is easy to me

    27d

      0
  • avatar
    Sudais AJ

    It so beautiful story

    28d

      0
  • avatar
    Ladylyn Punongbayan

    okay na sige

    03/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất