logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter One

My whole life is a mess. Nagulo ang buhay ko simula ng dumating sa school namin ang brusko at mayaman na lalaking si Mr. Edson Santiago Bayer. Ang dating tahimik at payapa kong collage life ay nasira sa isang iglap lang.
"Shan-shan!!" Sigaw ng tumatakbo kong bestie.
Napakunot ang noo ko ng makalapit sya sa akin na puno ng pag- aalala ang mukha. Para syang binagsakan ng langit at lupa. Pawisan at balisa.
"Bakit?." Tanong ko.
"Sa likod na tayo dumaan." Sabi nya. "Pa- para mas madali at less hassle. Tara!."
Hindi magaling magtago ng iniisip ang babaeng ito. Hindi din sya marunong magsinungaling. Kaya naman, halata na kaagad na may tinatakasan kaming kung ano. Dahil sa wala naman akong pakialam doon, nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Shan, doon na tayo dumaan!." Sabi nya habang pinipigilan ako.
Hindi ko naman sya pinakinggan. Pero ng oras na tinapak ko ang aking mga paa sa mahabang hallway ay bigla na akong kinabahan. Kumabog bigla ang dibdib ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Isa lang ang pumasok sa utak ko ng may mga matang sumalubong sa amin. Mag- uumpisa na naman ang kalbaryo ko. Lahat ng madaanan naming mga estudyante ay masama ang tingin sa akin. Nagbubulungan pa sila at paminsan- minsan ay natatawa. The hell. Alam ko na ito.
"Shan, pwede pa tayong bumalik at doon dumaan dahil may gusto sana akong bilhin sa cant_~~......"
Naputol ang sasabihin nya ng huminto ako sa paglalakad. Napatingin sya sa maliit na bulletin board na tinititigan ko. There was a poster na ako ang laman. "The bitch" pa ang caption. Para akong nasa isang wanted list na hanggang balikat lang ang picture and my crime case?. Being a bitch. Ramdam ko na ang pangingilid ng luha ko ng biglang hablutin ni Jem isa- isa ang mga papel.
"Whoever did this to you will pay. I'm gonna ruin their family and life reputation!." Galit na sigaw nito habang pinupunit ang mga poster.
Hindi sya tumigil sa pagpipira- piraso nito at ng hindi pa sya nakuntento ay tinapakan pa nya ang mga punit na papel. Nitong mga nagdaang araw, I am so grateful na naging best friend ko sya. Palagi syang nasa tabi ko whenever I need help and shoulder to lean on. Bumaliktad na din ang lahat dahil kung noon ay ako ang nagtatanggol sa kanya, ngayon naman ay siya ang nagawa noon para sa akin. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na syang humarang sa harapan ko kapag may babato o susugod sa akin. She's a heaven's gift for me. Napatingin ako sa kanya ng hawakan nya ang kamay ko.
"Tara na?" sabi nya habang may naka-ukit na mga ngiti sa labi.
Tumango ako sa kanya. Isang ngiti lang nya, pakiramdam ko ayos na lahat. Nagpaanod ako sa paghatak nya sa akin. Sa tuwing may mga makakasalubong kami na mga estudyante ay umiikot ng 360° ang mata nya sa pag- irap. Pagkatapos ay titingin sya sa akin para bigyan ako ng matamis na ngiti. Nakadating kami sa classroom namin ng ganun ang sitwasyon. Pinatigil pa nya ako sandali at umuna sya sa pagpasok. Madalas kasi, pagbukas ko ng pinto ay may bubumuhos sa akin na isang timbang tubig. Nang masigurado nyang ligtas ako sa mga kagaguhan ng mga kaklase ko, tsaka nya ako hinatak papasok ng room. Pinagpagan nya din ang upuan ko, baka kasi may super glue o bubblegum. Kahapon kasi, umuwi akong punit ang palda dahil hindi ito natanggal sa upuan ko. Hinintay pa namin na mag uwian lahat ng mga estudyante dito bago kami umalis. Naka- kahiya kapag may makakita sa akin sa ganoong sitwasyon. Mabuti na lang din at hindi nahalata nina Mama kun’di, lagot ako.
Nakahinga ako ng maluwag ng makaupo ako ng maayos. No pranks and disaster today, maliban doon sa posters. Goodness gracious. Thank G.
"Shan, nakausap ko na si Mommy and she'll pay all of our expenses para sa paglipat natin ng school sa Stanford University." Sabi nya sakin na parang kinikilig pa.
"Jem, you don't have to do this." Ani ko.
"Dont be stubborn, Shan. Para din ito sa iyo." Dipensa nya.
"Jemimah, this is my problem. Hindi ka dapat nadadamay."
"No. You're my best friend." Pagtataray nya.
"Please..." Pagsusumamo ko.
Huminga sya ng malalim. "Fine!. Pero kapag may nangyari ulit sayo na hindi maganda, kahit ayaw mo, lilipat na tayo."
Napatango na lang ako. Kapag kasi sumagot pa ako, hahaba lang ang usapan. Hindi kasi magpapatalo ang babaeng ito. May kapangyarihan kasi ito ng gigil, ehh. Hanggang may ikakatwiran sya, dadaldal at dadaldal pa din yan. Hayyst.. Aaminin ko, nahihirapan na ako. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip. Hindi na din ako makapag focus sa pag- aaral. Tss. Buset na buhay ito. Psh. Sa sobrang stress ko, napa- ubob na lang ako sa desk ko. Jusko. Bakit kasi ako pa ang napiling pagtripan ng Mr. Bayer na yon. Nakakainis!
"Hey you, bitch!." Boses ng babaeng higad na kaklase ko.
Sinipa nya ang paa ng desk ko dahilan ng pag- galaw nito kaya napabangon ako. She was with her two assistants na puro pintura ang mukha. The self proclaimed queen, Shellarina De Torres.
"Talagang may gana ka pang pumasok, nuh?. Ang kapal naman ng mukha mo." Sabi nya na may pag- flip pa ng hair.
"Pwede ba, Rina... Umupo ka na lang sa upuan mo at mag- aral. Baka sakaling tumaas ang grade mo at mapansin ka ni Sir." Dire- diretsong bwelta ni Jem na nakatayo na at any minute ay handa ng makipag sabunutan.
"Ohh.. The Rich-mouthed girl na matapang lang dahil Governor ang ama at mapera ang ina. How pathetic." Balik nya dito.
"So what naman kung ganon?. At least ako, may ibubuga, ehh ikaw ano?. Ang tapang tapang mo nga, wala ka namang maipagmamalaki. Panget ka na nga, bobo pa." Natatawang ani ni bestie.
Halata sa mukha ni Rina ang inis at galit. Nakakuyom na ang kanyang mga kamay kaya naman, alam kong susugodin na nya si Jem. Para maiwasan ang gulo, pumagitna na ako sa kanila.
"Maupo ka na, Jem." Sabi ko sa kaibigan ko. Then I turned to the higad. "Ikaw din, Rina."
"And why would I ?." Balik ng bubuyog.
Itinuro ang pinto na ngayon ay bukas na. Nakatayo na dito ang teacher namin na kinaiinisan ko. Tiningnan nya kami or should I say, me. Napahinga na lang ako ng malalim at umupo. Tumikhim naman muna ang mga higad bago magtakbuhan sa kani- kanilang pwesto. Ganun din ang ginawa ni Jem. Patay malisya namang naglakad papunta sa gitna si Mr. Bayer. Ang lakas talaga ng loob nito.
"Good morning." Bati nya.
Bumati naman sa kanya pabalik ang mga kaklase kong walang bisa. Pagkatapos ay nagsimula na syang magturo. About sa designing and  structural graphics ang topic nya. Oo, nakikinig na ako ngayon dahil ayaw ko pang mamatay. Nagsusulat na din ako ng mga mahahalagang details sa notebook ko. Itatapon ko na nga dapat into, ehh. Kaya nga lang, naisip kong wala akong ipapalit. Nakakainis kasi ang lalaking yan. Kaya pala wala akong makitang sulat kamay niya ay sa likod nya inilagay. Pero mas nagagalit ako sa sarili ko dahil naisulat ko pala ng hindi ko namamalayan ang iniisip ko noong mga araw na yon. The worst is, nabasa pa nya. "Gusto kong makapangasawa ng katulad ni Sir". Grrrrr.... Tapos may "Edson Santiago Bayer. Nice name" pang kasama. And ang mas nakakagulat ay ang sagot nya.
"I will going to marry you. Mrs. Lexshawna Ariella Delfin Bayer. Nice surname. It suits you."
"Miss. Delfin, are you listening?"
Napatingin ako kay Jem ng bigla nya akong sikuhin. Sumenyas sya na humarap ako sa unahan na ginawa ko naman. Nakatingin sa akin ang tatlong higad and our Professor is looking on me seriously. Bakit ba?. Ano na naman ba ang ginawa ko?.
"Again. Are you listening, Miss. Delfin?." He asked in a low voice.
Tumango ako. "Yes, Sir."
Bumalik na syang muli sa pagtuturo. Yong tatlong animal naman, umirap muna bago humarap sa unahan. Wow, ahh. Dukutin ko mga mata nila, ehh. Mga buset. Impakta!. Tss.
Running from highest honor ako. Mula elementary ay naiuuwi ko sa mga magulang ko ang top 1. Umaakyat sila sa entablado upang magsabit ng medalya sa akin. Pero ngayon, mukhang hindi ko yata maibibigay 'yon. Hindi magtatagal ay tatawagin na ako ng Principal sa office para paulanan ng mga tanong. No to teacher and student relationship policy. Ewan ko nga kung bakit hindi pa ako pinapatawag. Sabagay, wala naman kasing kami. Issue lang ang lahat. Isang balita na nagsimula sa picture. Litrato namin ni Mr. Bayer noong inihatid nya ako sa bahay dahil sa insidente sa site. May nakakita pala sa amin and in an instant, boom! Kinabukasan, laman na ako ng balita.
Mabilis natapos ang klase. Magkasama naman kami ni Jem na tinahak ang likod na daan papunta sa site. Iwas bugbog na din. Pagdating namin sa field, himalang nandoon ang adviser naming si Mrs. Himala. Kadadating lang namin pero masama na kaagad ang tingin nya sa akin. Saulo ko na ang mga ganyang tingin. May balak na naman silang masama sa akin. Yes. Nakikisali pa sya sa mga nambu- bully sa akin. Isang matandang balo si Mrs. Josefina Goma Himala. Asawa sya ng namayapang AFP general kaya naman, may natatanggap syang pera bilang sustento. Dahil diyan, nangangarap na din sya na mapansin ni Mr. Bayer. Nakakadiri.
"All of you, tumulong kayo sa mga trabahador. Paano nyo matatapos ang final project na ito kung nakatunganga lang kayo dyan?!" Sigaw nya.
See? She already planned everything. Designs, instructions and floor plan lang ang gawain namin dito. Kaya nga nya kami pinahanap ng mga construction workers para sila yong gagawa, ehh. Bakit ngayon, gaganyan ganyan na sya? Tss. Matandang balyena. Napailing na lang ako sa kadesperadahan ng guro namin. Nakakadiri. Hayysst. Pumasok ako sa loob ng building na hindi pa fully fixed. Maghahanap ako ng magagawa or maitutulong. Not until may maramdaman akong presensya sa may likod ko. Kaagad naman akong humarap, only to found out the four guys na mula sa ibang section. Bakit sila nandito?.
"Kagaya nga ng sabi nila, you're pretty." Sabi ng lalaking semi- kalbo na tawagin nating boy1.
"Gusto mo bang sumama sa amin?." Saad naman ng isa na may suot na salamin na si Boy2.
Kinabahan ako bigla. Hindi normal na nandito sa sarili naming site project and ibang section dahil magkakaiba naman kami ng mga task. And kung sasabihin nyong napadaan o nagka- cutting classes lang sila, imposible dahil kung dito sila magtatago ay mahuhuli at may makakakita sa kanila. Kaya naman, buo na ang isip ko sa ideyang ako talaga ang sinadya nila. Another pranks? Tss.. Napa- atras ako ng biglang umabante ang isa sa kanila na medyo may kahabaan ang buhok na tatawagin kong boy3. Si boy4 naman, ay ang nag- iisang naka white T-shirt sa kanila.
"H'wag kayong lalapit. Sisigaw ako." Pagbabanta ko.
Napatawa si Boy3. "Iniisip mo bang tutulungan ka nila? Galit sila sayo, remember?"
"So, kahit magwala ka pa dito, marinig man nila o hindi, wala silang pakialam sayo." Nakangising ani ni Boy4.
May point sila. Isa lang naman ang tiyak kong tutulong sa akin, ehh, si Jem. Ang problema, pati sya madadamay. Ano bang laban ng dalawang babae sa apat na lalaki?. Kaya naman, tatlong hakbang paatras sabay talikod sa kanila ng mabilis at kumaripas ng takbo ang ginawa ko. May heels ang sapatos ko dahilan kung bakit nahihirapan akong tumakbo. Pero at least nakalayo ako sa kanila kahit paano. Nang mapagtanto kong hindi na sila sumusunod sa akin ay huminto na ako. Sumandal ako sa isang poste upang makabawi ng hininga at lakas. Nakakapagod kaya, hindi naman ako runner para maging basics lang ang ilang metrong layo. Ayaw ko nga ng P.E, ehh. Hayystt.
Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa upang magpunas ng pawis. Pero natigilan ako ng may biglang humawak sa magkabila kong braso. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong ang apat na lalaki kanina ang ngayong nakapalibot na sa akin.
"Pinagod mo lang ang sarili mo." Sabi ni Boy1.
"Ang utos sa aming apat ay pagkaisahan ka. Gawin daw namin lahat ng gusto namin sa'yo. Naiisip mo na ba kung ano ang mangyayari sa'yo?" Saad ni Boy4 na matalas ang tingin sa akin.
"Gagapang ka sa sahig..." Biglang bulong naman ni Boy3 na siyang may hawak sa kaliwang braso ko.
Goodness gracious. Heaven, please be merciful. Namumuo na ang aking mga luha. Konti na lang at tutulo na. Pangarap kong humarap sa lalaking mamahalin ko ng buo. Wala man akong yaman na maipagmamalaki sa kanya, malinis at maingat ko namang ibibigay ang sarili ko. Kaya, please. Have mercy on me. Napasigaw ako ng bigla na nila akong hatakin. Mas isinandal pa nila ako sa poste at gamit ang mga paa nina Boy3 na nasa kaliwa ko at Boy2 na nasa kanan ay sapilitan nilang pinaghiwalay ang mga hita ko.
"Mga hayop! Pakawalan nyo ako!" Galit kong sigaw sa kanila.
Pero wala akong nakuhang sagot kun'di ang mga tawa nila na nagpabagsak sa mga luha ko. Binalot na ng takot ang buong siatema ko ng magsimula ng maglakad palapit sa akin si Boy4. Nakangisi ito sa akin na parang asong takam na takam sa pagkain.
"P-Please...." I said, almost a whisper.
"Enjoy ka na lang." Natatawang bitaw ni Boy1.
Sa lahat ng mga ginawa nila sa akin dito sa school, ito ang pinaka worst. Okay lang sakin na ilang beses akong mapahiya. Kakayanin ko lahat; umuwi ng butas ang palda, may bubblegum sa buhok o sa uniform, mabuhusan ng tubig na may yelo at batuhin ng kamatis. H'wag lang ganito. Isang beses nga lang ito mangyayari pero habang buhay ka ng madumi. Mawawala lahat ng pinaghirapan ko. Heaven, have mercy on me. Hindi na ako kakain ng ice cream tuwing 12 ng gabi. Promise. Iligtas mo lang ako.
Mas napaiyak na lang ako ng hawakan ni Boy4 ang pisnge ko. Pilit nya akong ihinaharap sa kanya. Kahit ayaw kong makita ang pagmumukha ng animal ay wala akong magawa dahil marahas nyang itinunghay ang ulo ko.
"HANDS OFF."
Hindi. Bakit sya?. Sa dami ng pwedeng magligtas sa akin, bakit sya pa? Ang taong may dahilan ng lahat ng ito. Kung hindi nya ako pinaiwan sa room, iniligtas sa bumagsak na kahoy at palaging tinatawag sa klase nya, hindi mangyayari sa akin ang lahat ng ito. Kasalanan nya!.
Napasalampak ako sa sahig ng mawala na ang mga kamay at paa na humahawak sa akin. Pakiramdam ko namanhid ang mga binti ko. Hindi ko magawang makatayo. Pati ang pag- agos ng aking mga luha ay hindi ko mapigilan. Hindi ko na nga alam ang nangyari. Basta dumating si Mr. Bayer. Speaking of him. May pair of shoes ang lumapit sa kinaroroonan ko. Alam kong sya yan. Naaamoy ko ang pamilyar na pabango na araw araw nyang gamit tuwing papasok sa room. Nakatungo ako kaya naman, hindi ko alam kung anong ginagawa nya.
"Ariella." He said.
Hindi ko alam kung bakit napaiyak ako lalo ng tawagin nya ako. In an instant, para akong bata gustong magsumbong sa kanya. Hanggang sa bigla na lang nya akong yakapin.
"I'm here." He murmured. "I'm going to protect you, Ariella."
And with that, parang may kung anong humaplos sa puso ko. Nawala lahat ng takot at pangamba ko. Pakiramdam ko, safe ako. Bakit? Hindi ko maintindihan.
Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon. He never stop telling me sweet words hanggang sa kumalma ako. Pagkatapos ay tinulungan nya akong makatayo at mag- ayos ng sarili. Simula pa kanina ay wala pa akong nailalabas na salita para sa kanya. I dont want to say thank you dahil kasalanan nya naman 'to. Pero ayaw ko namang maging rude.
"T-thank y-you...." Mahina kong sambit.
"Are you okay?" Tanong nya na ikinatango ko. "Sigurado ka bang papasok ka pa sa next subject mo?" Dagdag pa nya.
"Oo." Sagot ko.
"Okay." Ani nya. "Go ahead. Ako na bahala sa mga gagong 'yon."
Tumango ulit ako. Konti na lang at magiging bubble head na ako. Pwede na akong ilagay sa mga kotse katulad ng mga aso at pusang nagalaw ang mga ulo habang umaandar ang sasakyan. Iniwan ko na nga sya doon. Pagbalik ko sa labas, wala na ang mga classmate ko. Tumunog na pala ang bell ng hindi ko na namalayan. Recess time na. And sure akong nakabalik na sila sa room o kaya ay nasa canteen na.
Paakyat na ako sa second floor ng building namin ng makasalubong ko si Jem. Hayyst. Parang gusto ko ulit umiyak.
"Saan ka galing? Okay ka lang? May nangyari ba?" Sunud- sunod nyang tanong.
Umiling ako. "Okay lang ako. Nakatulog ako sa site." Pagdadahilan ko sabay kamot sa ulo.
Tiningnan nya ako na para bang sinusuri nya kung tunay o hindi ang sinabi ko. Pagkatapos ay ngumiti sya at inakbayan ako. Sabay kaming umakyat papunta sa ikalawang palapag. Bigla naman akong na-guilty. Hindi ako sanay na magtago ng kung ano kay Jemimah. No secrets policy kami and itong hindi ko pagsasabing ito ng totoo ay tiyak kong ikasasama ng loob nya.
"Dont mind me." Bigla nyang saad. "Okay lang na hindi mo sabihin."
Nababasa ba nya isip ko?.
"Basta, nandito lang ako for you, ahh. Alam mo namang love na love kita." Dagdag pa nya.
"Oo. Alam ko." Ani ko. "Thanks."
Ganoon talaga kapag magkakaibigan. Isang tingin mo lang, alam mo na kaagad kung may problema at itinatago sya. Nababasa nyo ang isip ng isat isa, kalokohan man yan o hindi. Komportable kayo sa sikreto ng bawat isa at naiintindihan nyo kung kailan dapat magsabi ng totoo at magsinungaling. That's how best friend works. Patience, care, love, and understanding are the keys. Minsan lang dumating ang mga kagaya nya. Kaya naman, if mayroon na kayong kaibigang ganito ngayon, h'wag nyo ng pakawalan pa.
Nakadating kami sa classroom ng walang nangyayaring masama. Pagkaupo naming dalawa ay kaagad nya akong inabutan ng tinapay at bottled juice.
"My treat." Sabi nya ng nakangiti. "Kaininin mo na yan. Kaunti na lang ang oras."
She was like that all the time. Napaka bait at generous nya. Tatalunin na nya talaga si Ellen the Generous. Nailing na lang akong sinabayan sya sa pagkain. Balang araw, makakabawi din ako sa babaeng ito.

Bình Luận Sách (149)

  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice

    10d

      0
  • avatar
    MartinezRenzzee

    verrygoods

    15d

      0
  • avatar
    Mariafe Ilao

    hi kamosta ayos lang ba ikaw

    22d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất