logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 4

“ate, bakit hindi parin umuuwi sina mama, mag se-second week na oh, siguro naman tapos na 'yong operasiyon 'diba.” tanong ko habang nakatitig kay ate na kumakaing mag-isa. Wala akong ganang kumain kahit na pilitin niya pa ako. Miss ko na talaga si mama. Si papa naman ay hindi na tumawag sa' min para mangamusta this past three days.
“wala pang update, pero hindi naman 'yon aabot ng one month.” sagot nito at nilagay sa sink ang pinag-kainan.
Two days narin akong hindi pumapasok sa school. Hindi rin nakakapag-open ng social media at tinigil ko muna ang pagsusulat. Kasi nga hindi ako okay, kahit na anong pilit ko ay nababagabag parin ako.
“ate, pwede bang 'wag ka munang mag trabaho ngayon?” I uttered in my softest voice. Hindi nagsalita si ate, ngunit agad naman akong niyakap nito.
“I know na nahihirapan ka, but let's just wait okay?” ani nito habang hinahagod ang likod ko. “mag star gazing tayo, para hindi ka malungkot.” she continued.
we went to the rooftop at nagdala ng carpet. While looking at the stars, I remembered those nights habang nagsasampay si mama dito ng mga nilabhan niya, kahit minsan gabi na maglalaba talaga siya pagkatapos ay dito niya isasampay dahil daw mas mabilis matuyo dahil mas malakas ang hangin dito sa itaas.
“just imagine na pareho kayong dalawa ni mama na nakatingin sa itaas, sa ganoong paraan mararamdaman mong konektado kayo sa isa't-isa.” sambit ni ate.
“ano ba 'yan, naiiyak ako ate.” this time ay bumagsak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Agad naman akong niyakap ni ate.
“bakit kasi, ang lungkot.” dugtong ko, at hindi parin tumigil sa kakahikbi. There are just moments that we feel so alone especially if we misses someone. Kailan kaya sila uuwi? ilang tulog pa bago ko kaya ulit sila makikita? Hindi ako sanay na mag-isa, hindi ako independent lalo na sa pamilya ko at higit sa lahat kay mama, siya 'yong nasasabihan ko ng problems pero ngayong wala siya, I am slowly loosing my hope too.
nagising nalang akong nakasilak na ang araw. bumangon ako at tiningnan ang mukha sa salamin. I looked so stressed.
‘You know what? nahirapan akong buhatin ka kagabi at ilagay sa kwarto mo. You're sleeping with a dry tears again. Cheer up bunso, luv u <33.’ I smiled when I read ate's message written on sticky note, nakatapik pa ito sa kape na ginawa niya.
I decided to go to school kaya nag-ayos ako ng gamit at naligo na. When I arrived at the university, late na ako sa unang subject so I need to wait for the next one. Masyado ko nang napapabayaan ang school simula noong umalis sina mama, you know loosing interest on something when you lose your inspiration too. Well, kahit kailan naman hindi talaga ako interesado sa POLSCI kaya mas lalo na ngayon.
“ you okay bes? akala ko hindi ka na naman papasok ulit.” bungad na tanong sa' kin ni Nephtalie pagkatapos kong umupo sa tabi niya while we are waiting for our next professor.
“I actually don't have plan, sana. But yes I am doing this for my sake too.” I answered. Mabuti pa siya, kahit na busy sa business nila still her parents won't let her absent at school. What am I even doing with my life now?
“We made a video presentation regarding with our political views last day, sinubukan kitang tawagan but it looks like your phone was silent, or off?” saad niya ulit.
“lowbat, I didn't bother to charge it, kapag tumawag sina mama, kay ate sila tatawag, I am lost.” I replied. Siguro this time, awang-awa na siya sa' kin but that's life we can't avoid problems. It's like a game na habang takbo ka nang takbo to be able to escape habol naman nang habol ang problems sa' yo. Might as well face it at the moment, and wait for the time that you'll be healed.
I couldn't focused with our class, I am taking notes pero wala naman akong may naiintindihan.
“Ms. Mendoza? you okay?” nabalik ako sa wisyo nang tawagin ni prof' ang apelyido ko. I just nodded and smiled awkwardly.
“spill it.” I looked at Nephtalie looking at me too seriously.
“We still don't have updated about mom's situation, nababagabag ako.” I sighed. We are here at the cafeteria taking our lunch, pero wala akong ganang kumain.
“maybe they're busy, or they just want to surprise you at saka ni ate mo.” saad naman niya trying to comfort me. I raised my shoulder twice. I don't have an idea.
“halika, let's go somewhere where I can forget my problems for awhile.” ani ko. She raised her brows.
“you should not do that, oo makakalimutan mo na may mabigat kang dinadala, but what after? you can't escape.” she said convincin me to stay at school.
hindi ko siya pinansin at tumayo na, sinubukan akong pigilan nito pero wala din siyang may nagawa. I escaped. Sumakay ako ng taxi hanggang sa makarating sa bar.
“Miss, bawal po kayo dito hindi pwede ang minors.” tumaas ang kilay ko sa sinabi ni kuyang guard.
“I'm 18, papasukin mo 'ko.” I uttered. Ilang sandali pa ay napansin kong ayaw parin niya akong papasukin kaya pinakita ko nalang ang ID ko.
when I entered inside, parang nanibago ako sa mood. Ang daming umiinom, maraming sabog na, at 'yong iba naman ay mag-isa lang din katulad ko.
I asked for a drink even if I haven't drink before. Hindi ko alam kung kaya ko.
“wtf—” I cursed when someone tapped my shoulders. Hindi ko kilala ang lalaking 'to.
“you know what, dito mo marerealize na hindi lahat nang nandito ay para lang magwalwal, they just have a lot of problems they want to forget.” ika niya at tumabi sa upuan ko, umusog naman ako no'ng maramdaman kong masyado siyang malapit.
“no harm.” he smiled at tinaas pa ang dalawang kamay. Hindi ko na siya pinansin at uminom nalang. Ang pait.
“ikaw ba, can you tell me your problems?” nabaling ulit ang tingin ko sa lalake nang magsalita ito.
“you don't need to know, you're out of this.” I seriously said but he just chuckled.
tahimik ako habang iniisip ang lahat ng pinagdadaanan ko, kung anong mangyayari bukas.
“alam mo, I'm too young to be messed up, I suppose to enjoy my life, but look at me now.” sambit ko at ramdam na ang pagkahilo.
“Si mama, miss ko na siya, I couldn't focused on my school and in writing dahil wala siya to motivate me.” pagpatuloy ko at ito namang nasa tabi ko ang siyang tahimik na nakatingin sa' kin.
“I am ready to fall apart, I want to forget unwholesome moments, but how?” habang nagsasalita ay agad namang nagsilabasan ang mga luhang pinipigilan ko. The guy offered me a tissue na agad ko namang tinanggap.
“you're too broke.” sambit niya bago ko maramdamang nakayakap na ako dito habang umiiyak.
we talked, I cried more while he's busy comforting me. hinayaan lang ako nitong umiyak hanggang sa tuluyan kong naramdaman ang antok.
“Zayella?” huling pamilyar na boses ang narinig ko bago nakatulog sa bisig ng estranghero.

Bình Luận Sách (4)

  • avatar
    Joshua Quierre

    Good story

    06/08/2023

      0
  • avatar
    Ariaaaaan

    Support! Keep on writing. More stories to come 🥺❤️

    04/05/2022

      0
  • avatar
    JungcoJohn

    good story

    03/05/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất