logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 2

Chapter 2.
Ezra's POV.
Naka-upo na nang maayos ang lahat at pagpasok ng advicer ay nagsipagtayuan kaming lahat para batiin ito.
"Good morning sir..." Pagbati namin rito.
Sumenyas naman ito sa amin na puwede na kaming umupo kaya naman nagsipag-upuan na kaming lahat.
"Good morning student's, I will be your advicer in this school year," panimula nito.
"I just wanna let you know that for me, first impression is important... So i want to know what's your feeling attending the first day of school, how it feels?" Sertosong tanong nito.
"Walang pinagbago sir... Si crush pa rin..." Pagbibiro nang isa sa mga kaklase ko.
Nagtawanan naman ang lahat, maliban siguro sa akin. Ano bang nakakatawa ro'n?
"Nagtatanong ako nang maayos kaya sagutin niyo rin ako nang maayos." Seryosong saad ni sir.
"Introduce yourself one by one, start in this row and so on..." Saad nito.
"Hi, I'm Joanna Gaines..."
Nagsimula na ang pagpapakilala, hanggang sa dumating ang oras na ako na ang magpapakilala.
Sa pagtayo ko, maraming nagbulungan at alam ko na kung ano ang mga binubulong nila, nag-inhale, exhale na lang muna ako para mabawasan ang kaba, saka pumunta sa harapan.
"Good day everyone, I'm Ezra Aire Diaz. 17 years old, I'm a transferee. I hope we will be friends." Nakangiti ngunit seryosong saad ko.
Tumingin muna ako nang ilang segundo sa kanilang lahat ng may biglang nagtaas ng kamay.
"Can I ask her, sir?" Paghingi nang isa sa mga kaklase ko nang permiso.
"Bakit ako tinatanong mo? Tanungin mo siya, tsk!"
"Galit yarn sir?"
Natatawang saad ni Cris, dahilan para matawa rin ang ilan.
"Hi Ezra, ako si Laxus." Pagpapakilala nito.
Tumango lang ako at hinhintay ang tanong niya.
"May jowa ka na ba, puwede mag-apply?"
Tanong nito na ikinakunot ng noo ko, tsk... Biro ba 'yon?
"Tumahimik ka nga Lakus! Magtanong ka kaya nang seryoso..." Sita naman ng babae naming kaklase.
"Luhh nagseselos si ateng..." Natatawang saad ni Cris.
"Anong Lakus? Laxus... La...Lax...sus..." Pagtatama no'ng lalaki sa pagbigkas ng pangalan niya.
"Hanapin mo pake ko!" Sigaw naman no'ng babae.
"Kung wala na kayong itatanong na matino sa kaniya, pa-uupuin ko na siya." Saad ng advicer.
"Ako sir meron," seryosong saad no'ng babae sa likod.
Naka- eye glasses siya at mukhang siya 'yong tipo nang tao na seryoso na may pagka-misteryoso.
"Proceed..."
"Hindi ba ikaw 'yong nag-viral?" Seryoso nitong tanong sa akin.
Nagbulungan naman ang ilan sa mga kaklase ko habang sina Cris, Shania, Akhira at Joharra ay nakakunot noong nakatingin sa akin. Habang 'yong lalaking tinitigan ko kanina ay nakatingin sa akin habang mahihinuha sa kaniya na ang namumutawi sa mukha ay ang kyuryosidad...
"Luhhh... Anong viral 'yan?" Nagtatakang tanong ng lalaki sa likod.
"Ayaw ko munang sagutin 'yong tanong na 'yan," seryosong saad ko.
Bumalik naman agad ako sa kina-uupuan ko habang sa bawat lakad ko pabalik doon ay nararamdaman ko ang mga matang nakatingin sa akin, isa na ro'n ang katabi kong si Shania.
Siya na ang susunod na magpapakilala, kaya naman tumayo na siya at sinumulan ang pagpapakilala sa sarili. Pagkatapos niyang magpakilala ay agad siyang umupo sa kaniyang kinauupuan, sabay tanong sa akin.
"Anong viral ang sinasabi ni Astrelle?" Takang tanong nito sa akin.
Imbis na sagutin siya ay yumuko na lamang ako... Gusto kong umiyak, hindi ko alam bakit hindi ko kayang kalimutan ang mga pangyayaring 'yon. Hindi ko rin inaasahan ang pagtatanong nila sa akin no'n.
Kaya lang naman ako lumipat ay dahil sa pangyayaring 'yon. Dahilan din para mapagpasiyahan ng papa ko ang pag-resign sa pinagtatrabahuhan niya na malapit na siyang i-promote.
Ilang subject pa ang lumipas at gano'n pa rin ang ginawa namin, pagpapakilala...
Ilang oras ang lumipas at nag-bell na, hudyat ng break time o recess, tumayo na ako at nagpasi-unang lumabas sa classroom. Ang bigat ng nararamdaman ko na sa tansya ko ay ilang segundo lang ay papatak na ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan...
Mabilis akong naglakad papalayo, hindi ko alam kung saan ako pupunta, kung saan mapapadpad ang mga paa ko...
Habang naglalakad ay may mga ilang luha nang pumatak at dumaloy sa mukha ko, na pinagsawalang bahala ko lang... Ng may makita akong parang isang liblib na lugar, tahimik at may ilang kahoy din doon. Sa tingin ko ito 'yong garden ng school, at mukhang ito na ang tamang lugar para sa akin...
Lumakad na ako papunta roon at umupo sa ilalim ng malaking puno.
Tila nawala ang mabigat na nararamdaman ko, dahil sa mga bulaklak nasa paligid kung saan makakakita ka nang iba't ibang klase nang bulaklak... Kahit saan madapo ang mata mo ay may makikita kang bulaklak...
Ilang oras ang lumipas at bigla ko na namang naisip ang mga alaalang gusto ko nang burahin sa utak ko, lalo na sa buong buhay ko... Gusto ko na lang magka-amnesia, kung saan totally deleted na ang mga nangyari...
Ilang sandali pa ay hindi ko na namalayan ang mga luha kong tumulo at dumaloy sa mukha ko hanggang sa mapahagulgol ako...
"Bakit kailangang mangyari 'yon sa buhay ko? Ano bang kasalanan ko? Mabait naman akong tao ah..."
Mga salitang pumasok sa isipan ko na nakapagpa-iyak sa aking lalo...
Ilang minuto akong umiyak, at ng mag-n-nap na ako ay bigla kong natanaw ang oras sa suot kong relo. Nakita kong limang minuto na lang para magsimula ulit ang klase.
Pinunasan ko na ang mga luha sa mga mata ko at mga luhang bumakat sa mukha ko, saka tumayo at inayos ang sarili, saka lumakad palabas...
Pagkalabas ay para akong nalula at maisip na naliligaw ako, dahil hindi ko na matandaan pa ang daan pabalik...
Inilibot ko ang mga mata ko nagbabakasakaling may makita akong kaklase, tinanaw kong mabuti ang paligid at ng wala akong makitang maski isang kaklase ay tiningnan ko agad ang relong suot ko at doon nakita kong tatlong minuto na lang ang natitira...
Kinakabahan na ako... Baka dahil dito 'di na ako makabalik at maka-attend sa ilang subjects at baka ma-guidance pag may makakita sa akin na naglalakad lakad sa oras ng klase.
Tiningan ko ulit ang relo ko at doon nakitang dalawang minuto nalang ang natitira... Ano nang gagawin ko?
Nagdadalawang isip akong lumakad at baka ma-ubos lang ang natitirang minuto sa paghahanap ko sa classroom.
Nakatayo lang ako habang nakatingin sa malayo, nang may maramdaman akong humawak sa balikat ko.
Naramdaman ko ang takot, at mga pangyayaring kinatatakot ko na mangyari ulit... Ramdam ko ang pangangatog ng mga tuhod ko, pati na ein ang mga luhang namumuo na naman sa mga mata ko...
Dahan-dahan akong lumingon at doon nakita ang isang pamilyar na lalaki...

Bình Luận Sách (32)

  • avatar
    Christian Napoles

    Wow

    10d

      0
  • avatar
    Diane Alcosaba

    good

    07/07

      0
  • avatar
    Adriane Deang

    pogi nga ako eh.

    05/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất