logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

chapter six

6
LETICIA POV
Week passed matapos yung weekly test namin. Si Miss Camilla lang ang nag sabi ng scores namin and the rest ay hindi sinabi kung anong nakuha namin, kaya naman hindi ko alam kung bukod sa English ano pa kaya ang naipasa ko. Actually malapit na ang semester test dahil malapit na kaming mag-one month dito sa school.
Ang sabi ay every month ang semester test dito dahil every month din at nag iiba ang mga rank.
One more thing na nagpapakaba sa akin ay ang rank. Pag nailabas na kase ang rank ay mas lalong lalabas ang hierarchy sa school na 'to. Ang mga trato nila sa mga estudyante ay hindi pantay pantay. Hindi ko ma-imagine kung ano nalang mararamdaman ng mga mababa ang rank. Mas lalong maglalakihan ang ulo ng mga estudyante dito. Paano nalang ang mga mahihina. Hays, ako ang nalulungkot para sa kanila.
Last Saturday ay nagpunta ako sa library pala maghanap ng book about sa school na ito. And lucky me, nakita ko ang isang book. Entitled 'Hernan History'. And up until now ay binabasa ko pa din s'ya. May kakapalan ang libro kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa tapos.
But still, may nalalaman na ako. Like, ang school na ito ay isa ngang hierarchy school. Ang mga estudyante ay naka classify ukol sa kanilang mga rank o mga kayang gawin.
Ang school na ito pala ay priority ang utak kaysa sa estudyante. At base sa pagkakaintindi ko, ang iniisip lang nila ay kung pano magkakaroon ng estudyanteng matalino, and the rest na hindi katalinuhan ay tinuturing lang nilang basura. Ganiyan kabulok ang school na ito.
At first I wonder kung bakit dito pa pinag aral ng mga magulang na iyon ang mga anak nila dahil imposible naman atang hindi nila alam ang patakaran sa school na ito. Pero kalaunan ay naintindihan ko din. Gusto nilang maging matalino ang anak nila. Gusto nila ng maipagmamalaking anak. Sino ba naman kase ang hindi magagalak kung isa kang matalinong tao hindi ba? Kaya lang ay mali ang paraan nila. Hindi naman robot ang mga estudyante.
Nag aral kami para matuto at hindi magpataasan ng marka o grado. Ang gusto namin ay madagdagan ang kaalaman namin at mahalin ang lahat ng asignatura hindi ang makipag agawan para maging pinaka mataas.
Matatalino kami, lahat, syempre. Sinukat ang IQ namin noon bago pumasok dito kaya alam kong may kakayahan kaming lahat.
Siguro ay kaya lang may bumababa ay dahil sa pressure. Mahirap mag aral kung may pressure na nakadagan sayo. Mahirap umintindi dahil ang iisipin mo lang ay makuha ang gusto nilang mangyari. Mahirap mag aral ng tahimik kung sa tuwing malalaman mong test or quiz ay may pressure na sumusunod sa iyo.
Ang hirap kase maging estudyante at isang anak. Ang mga magulang ay umaasa sa anak. Syempre ang anak ang pag asa ng magulang. Ang anak nag magtutuloy ng mga hindi nagawa ng magulang. Ang anak ang bahala sa kinabukasan niya at nandyan ang magulang para tumulong at gumabay.
At bilang isang anak at estudyante kailangan mong pagbutihan hindi ba? Pero hindi ba puwedeng mag aral lang kami? Enjoy ang pagiging estudyante? May mga isip ng kami. Alam namin ang tama sa mali pati na ang mga limitation. Ang hirap kase ay walang tiwala ang mga magulang sa mga anak nila. Lagi nilang iniisip na magbubulakbol ang mga anak nila kapag niluwagan nila ang hawak sa mga ito. Pero hindi nila alam na habang hinihigpitan nila ang hawak sa mga ito ay tumataas ang kagustuhan nilang makawala. Nagiging mataas ang curiosity nila.
"Leticia Mariz."
Crap. I forgot may klase pala kami ngayon about araling panlipunan.
I drowned on my own thoughts. Again.
"Define society," sabi ni Mrs. Nakalimutan ko na yung name n'ya. I'm bad at names.
"Can I borrow your pen and board Ma'am?" I asked her. Alinlangan siyang tumango. Nagtatanong ang mga mata kung ano ang gagawin ko.
Kinuha ko ang pen at nagsulat sa board.
2x2=4
2x3=6
2x4=7
2x5=10
2x6=12
2x7=14
2x8=16
2x9=18
2x10=20
Hinarap ko sila at nakita ko silang nag pipigil ng tawa. Maya maya pa at humalakhak ng tawa si Leslie kasunod ng mga kaibigan niya.
"Tanga Mali yung 2x4 mo. It's should be 8 not 7," sabi niya at mas lalong nag tawanan ang iba. Hinarap ko si Miss at alanganin ang mga mata niya pero ngitian ko lang siya.
"This is society Miss," sagot ko sa kanya. Natahimik ang mga kaklase ko at maging si Miss ay napakunot ang noo. Siguro ay hindi nila nakukuha ang gusto kong ipahiwatig.
"This is our cruel society. No matter how many right things you do. Just once. Just only one wrong and they'll laugh at you," sagot ko sa kanya. Napasinghap si Mrs. sa sagot ko. Marahil ay hindi niya inaasahan na sa ganoong paraan ko sasagutin ang tanong niya.
"Dito po tayo lumaki at nagka isip. Ang society natin, habang tumatagal ay hindi nagiging maka tao. Mahilig mangmata ng mga mas maliit sa kanila at ginawang hobby ang pagmamayabang gayong wala naman silang maipagmamalaki. Mas piniling mag maliit ng mga taong mas malaki pa sa kanila. Mas ginustong umupo at panooring mag hirap ang iba kaysa piliing tumulong at sabay sabay ng umahon," sagot ko sa kanya at umupo sa na upuan ko. Hanggang sa maka upo ako ay tahimik silang lahat.
Hanggang sa narinig ko ang isang palakpak galing kay Raymond, sumunod si Angela at hanggang sa nagsunod sunod na. Maging si Miss ay naki sabay sa pagpalakpak. Tanging sila Leslie at kaibigan niya lang ang hindi naki sama at mas piniling irapan lamang ako.
Napangiti ako sa nangyari. Ang akala ko ay hindi nila tatanggapin ang sagot dahil lahat kami ay kabilang sa society na sinabi at binatikos ko.
Not bad...
***
"As you can see. Two days from now magaganap ang inyong first semester test.." panimula ni Miss Camilla sa amin, regarding about our semester test.
"You better study hard okay? Ang semester test n'yo ay mangyayari at matatapos lang sa loob ng isang araw. And the day after i-po-post na ang inyong rank," I heard some gasp from ng classmate. Siguro ay tulad ko kinakabahan na 'rin sila. No one knows kung paano ang mangyayari sa araw na iyon at kung ano ang mangyayari pagka tapos ng araw na iyon. That's our first semester test at sa kauna-unahang pagkakataon ay malalaman at makikita na namin kung sino ang rank first. Pati..makikita ko na ang kalagayan ng school na ito kapag lumabas na ang ranking. Gusto kong makita ko gaano kabulok ang mga mindset ng officials ng school na ito.
I have this feeling na may masamang mangyayari after or before our test. Tsk. Huwag naman sana. Sana ay matapos ang test ng tahimik at matiwasay.
Umalis din si Miss Camila matapos niyang sabihin iyon.
Nag kanyan kanyang bulungan ang mga kaklase namin.
"Gosh I wish na sana man lang ay hindi mababa ang rank ko"
"Same sis"
"Lagot ako sa parents ko kapag mababa ang nakuha ko"
"Baka kunin ni mom ang credits ko kapag mababa ako"
Ani ng iba. Ang iba ay inaalala ang mga assets nila habang ang iba ay iniisip kung paano magagalit ang parents nila kapag mababa ang nakuha nila.
"Of course. Sino pa ba ang makaka kuha ng first rank kung hindi ako lang naman," narinig kong pagmamayabang ni Leslie.
"You sure?" Alanganing sabi ng isa niyang alipores
"Pinagdududahan mo ba ako?" Malditang sabi ni Leslie
"N-No its just that--"
"You fool! Sino pa ba ang sa tingin niyong makakakuha ng rank first kung hindi ako," no one dared to talk. Hinayaan nalang nila ito.
"Letica, kung sabay kaya ulit tayong mag aral?" Suddenly, out of the blue Angela ask me. By the way we're having our lunch. Ang nangyari lang kanina ay ang mga pagpapaliwanag ng mga teachers namin about sa mangyayaring semester test, na mas lalong nakapagpakaba sa aming lahat.
"Oo nga Leticia. Sabay nalang ulit tayo, mas makakagana kaseng mag enjoy mag review kapag may kasama," Raymond said.
I let out a big sigh as I agreed to them. Mas gusto ko pa naman mag review mag isa. Para sana mas maging tahimik.
"Huuuu, baka kamo mas enjoy kapag ako yung kasama mo!" Angela teased him
"Ha! Asa ka! Baka kamo ikaw 'yung bad luck ko kaya muntikan na akong bumagsak sa weekly test noon kay Miss Camilla," ganti niya kay Angela. Oo nga pala. Both of them scored 35 sa weekly test namin noon kay Miss. I honestly feel good noong nalaman ko na maging sila ay pumasa sa weekly test. Not bad.
"Tanga, ako nga yung lucky charm mo. Imagine naipasa mo iyon"
"You wish! Ang panget mo para maging lucky charm ko"
"Aba't—Hoy, sa ganda kong ito?" sabi ni Angela habang nakaturo sa sarili niya.
"Asan? Nasaan ang maganda sa'yo?" Pang aasar ni Raymond.
I don't mind. Ganyan naman sila every day and every minute. Parang bomba, ang bilis sumabog. Parehas kasing pikon.
Nagpatuloy lang sila sa pag aasaran habang ako ay tinuloy ko ang pagkain.
I paused for a moment when a stranger guy suddenly sat in front of me— no, what I mean is, the three of us were sitting in a four seat table in our cafeteria and this I-don't-know-guy suddenly sit on the available chair in front of me-—the side of Raymond, you get it do you? Never mind.
"U-Uy Nigel," bati ni Raymond pero tinanguan lang siya nito.
"Who are you?" I suddenly ask him. He paused and lift his head to face me.
"Why'd you ask?" Sagot niya. This guy is—oh well. I admit his good looking.
"I ask first," sabi ko
"Hmm. Answer me first then. Why'd you ask Leticia Mariz Santiago," he smirked. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Is he even one of my classmate? Hindi ko siya napapansin don. Though I know I never give them my attention but hell, who is this guy.
"How did you--"
"You ask so many question," he cut my words. How dare he.
"Okay. Why did I ask? I ask because you—suddenly—out of the blue sit in front of me--"
"In front of you?" Nanunuyang sabi nito sa akin. Nanlaki 'yung mata ng mapagtanto ang iniisip niya.
"N-No. What I mean is..Y-You sit in front of me--I mean you sit in that chair--that chair is in front of me!" fudge. What the freeze am I saying to this jerk.
"Uhuh," aniya na para bang hindi kumbinsido sa sinabi ko.
"Look. I'm just asking kung bakit sa dinami-daming available chair at bakit sa harapan ko pa ikaw umupo. With my friends I mean."
"Hmm..just because..I like here," wait what?
"I like the spot okay? What's the problem?" Dagdag niya. Phew..I thought..argh never mind.
"Okay lang, Nigel. Upo ka lang. Available naman 'yan e," sabi ni Raymond
"Oh by the way this is Angela," pagpapakilala nito kay Angela. Inabot ni...Nigel 'yung kamay niya kay Angela na tinanggap naman niya ito. He gave small smile to her..marunong palang ngumiti ang isang 'to.
"And she's--" bago pa matapos ni Raymond ang pagpapakilala nito sa akin ay inunahan na niya ito.
"Leticia Mariz, of course I know her," sabi niya na nakatingin din sa akin.
Tumayo siya at noon ko lang napansin na tapos na pala siyang kumain. Humarap ito sa akin at mauling nagsalita.
"Nigel Montereal," sabi niya at tuluyan ng umalis.
Tsk. The h*ll I care.

Bình Luận Sách (109)

  • avatar
    Reaaaddd

    I've been re-reading this for the second time and yet I still feel amused. this is a masterpiece

    15/07/2022

      0
  • avatar
    Gladys Reyes

    I really love to recommend this story. it remind me to study well. Kasi madami pa pala akong di Alam as I read this. not just in education matters but also life situation matter. thank you author for this awesome story .good job !😊💜

    05/07/2022

      0
  • avatar
    Erl Jay Montillana

    💔🩵❤️🤩💝💔🩵😂💝💔💟😚💛💔🩵💝🤩💔🩵💝🤩💝😂😍❤️‍🔥💝🤩🩵🧡💝😂🩵🧡😚😂🤎💔💝😂💟💔💝😂😚😂💔🩵💝😂💔🩵😚🤩❤️💔😚😂💔❤️💝😂❤️💔😚🤩❤️💔💝🤩❤️💔💝😂🩵💔🩵🩵💔❤️❤️‍🔥💓💜💟💜🤎💜💓💜❤️💜💟💓🖤💟💜🤎💜😝🖤😝😁😚💜💝💜😚❣️🤎💝💛💟😂♥️💘😝🧡😍❤️❤️‍🔥💙😂🩵❤️‍🔥💝😂🩵❤️‍🔥😂🩵❤️‍🔥💝💛💘❤️‍🔥💝💛🩵💔😚😂🩵💔💝💜❤️💔💙💜❤️💙♥️🤩💓💔❤️💝🤩❤️💔💓💔💓♥️💔😂❤️💝❤️💔💓🤩❤️💔😍💝🤩💙💜💙😂💟💔💛🩵😂😚😚💜💟❤️‍🔥💟❤️‍🔥💟🧡💓💜❤️💛💟💜💓💜💓🧡♥️😝💟💜😚🤩💙😘💝😘💙🧡♥️💜💝💜💟🤩💝🤩💙😁💝😝🤣😁😂😂💓😂😂❤️‍

    11/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất