logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 3

Kanina pa ako nakaupo rito sa ilalim ng malaking puno ng santol. Nakatanaw sa kalangitan at umaastang may hinahawakan. Kung titignan lamang ako rito sa aking pwesto ay maaaring mapagkamalan akong isang taong nasisiraan ng bait. Kanina ko pa kase iniisip ang nangyari kanina nang manggaling kami sa palingke at naglalakad pauwi ni nanay.
Hindi ko magawang pumermi sa isang anggulo dahil sa kaiisip sa mga taong aking nakita kanina lang.
Lalo na sa kanya...
Ang bawat anggulo ng mukha niya na animo'y isang taong sobrang laki nang galit sa mundo dahil sa talim ng bawat parte no'n.
Ngunit sobrang lambot kapag sa kanya nakabaling...
Aakalaing kasalungat ng isang tigre pag nakatingin ang mga mata niyang iyon sa kanya.
Ang mga mata niya...
Kung paano iyon tumitig na akala mo'y isa akong taong nagkasala. Salang dahil sa paninitig.
Ang kanyang kulay...
Na tamang-tama lamang para sa isang lalaki. Hindi kaputian ngunit hindi rin naman itim. Moreno kumbaga.
Ang kanyang ilong...
Sobrang perpekto nang pagkakahubog. Ang tangos at laki ay katamtaman lamang.
At ang kanyang mga labi...
Na animo'y nang-aakit. Gustong mahawakan at dampian ng mismong labi rin.
Labi ko siguro...
"R-Rie!" Sita ko sa aking sarili dahil sa ideyang pumasok bigla sa aking isipan.
Hindi ko inakalang magiging ganoon ang epekto noon sa akin gayung wala naman akong ni katiting na interes sa kalalakihan. Kahit taga rito rin sa amin ay hindi ko nga nagugustuhan.
Ngunit bakit siya...
Bakit iba ang epekto ng mga mata niyang iyon sa akin? Nagawa akong pakabahin sa loob lamang ng ilang segundo? Bakit parang gusto akong tunawin ng mga matang iyon sa kabila ng tindi ng lamig na nakita at naramdaman ko? Anong mayroon sa mga mata mong iyon? Sayo? Anong mayroon ka na hindi ko nakita at naramdaman sa ibang kalalakihan?
"What's with you, Vaughn?" Biglang bulalas ng aking bibig.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagawa akong bagabagin ng isang tao. At isa pang lalaki. At hindi ko pa kilala! Ni hindi ko nga alam kung taga saan nga ba talaga!
Tanging ang ideyang taga siyudad ito, sa Maynila, ang alam ko tungkol sa kanya. Hindi ko nga alam kung anong pakay nila sa bayan namin, sa probinsya, gayung halatang hindi naman sila taga rito.
At teka, bakit ko nga ba naman kailangan alamin kung sakali man? Ni kakikita ko pa nga lang sa mukhang 'yan dito!
Pero babae...
Isa pa pala. Ang tungkol sa babaeng nakalingkis sa kanya.
"Marahil nobya niya iyon..." Wala sa sarili kong sabi.
Maputi, matangkad, unat at mahaba ang buhok, balingkinitan, chinita, maganda, at higit sa lahat mukhang may kaya.
Hindi ko alam kung bakit tila nakakaramdam ako ng inggit doon sa babaeng nakita ko. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako no'n ngunit ibang lebel yata ang ngayon? Bakit kahit ito ang unang beses na nakita ko siya ay tila sobrang tindi naman yata kaagad ng pagkainggit na 'yan?
Inggit sa kung saan lang...
"Bagay siguro nila kung sakali..."
Inggit sa kung paano siya magsalita, kumilos at higit sa lahat, sa kung paano siya tignan ni Vaughn. Kumikislap ang mga mata niya nang makita ko siyang nakatitig sa kanya. Kakaibang kislap. Kagaya ng kung papaano kumislap ang mga mata ni tatay sa tuwing nakatitig kay nanay.
Sa tagal ng pag-iisip ko tungkol doon ay napili ko ring isawalang bahala na lamang iyon. Tutal naman ay sigurado ako na hanggang doon lamang ang mga iyon. Wala ng iba pa.
Dahil sino nga ba naman ang taong maghahangad ng mga bagay na hihigit sa kaya niya lamang abutin? Mga bagay na alam mong may sariling mga limitasyon pagdating sayo?
Wala kahit na sino.
Kahit pa ako...
Dahil alam ko ang limitasyon ko pagdating sa mga bagay-bagay. Limitasyon kahit sa nararamdaman. Sa tao. Sa isang kagaya ko na lumaking mulat sa tunay na hagupit ng buhay, sa ikot ng mundo, ay hindi na imposibli ang matuto kung paano ang lumugar. Kung saan ba dapat at hindi dapat pumasok, kung saan dapat at hindi dapat tumigil, at higit sa lahat, kung saan dapat ang lumugar.
Nabubuhay ako sa pamamagitan ng paglalabada at pangingisda ng aking mga magulang, nakakapag-aral din dahil doon.
Kulang na lamang na maging isang kayud at isang tuka ang maging sistema kung bababa lamang ng isang hagdan.
Ngunit dahil sa puno ng determinasyon ang aking mga magulang para mailayo ako mula sa sistemang gano'n ay nakakaiwas ako. Kahit kunti at pansamantala. Kaya naman imposibli ang bagay na naiisip ko ngayon lang. Masyadong malayo sa reyalidad na aking ginagalawan.
Mga senaryong hindi ko maiwasang isipin at ipagbakasakali na mangyari. Ngunit alam kong wala iyon patutunguhan. Higit kung tungkol sa bagay na iyon.
Pilitin ko man na isa walang kibo na lamang iyon ay di ko rin magawa ng tuluyan. Kaya pinilit ko na lamang alisin iyon sa aking isipan. Patayin ang nabubuhay na imahinasyon. At ipagsawalang bahala ang posibilidad na iyon.
Sa pag-iisip kong 'yon ay di ko na namalayan pa ang oras, at kung hindi pa kumulo ang tiyan ko, senyalis na gutom na ako ay maaaring nakaupo pa rin ako doon at hindi na tatayo pa. Kaya naman dali-dali akong tumayo at naglakad na papasok sa bahay. Pagpasok ko ay naabutan kong naghahanda na si nanay sa lamesa para sa tanghalian. Habang si tatay ay gano'n pa rin at nakadapa nang natutulog.
"Nay..." Kuha ko sa atensiyon niya.
"Hmm?"
"Si tatay?" Tanong ko sa kanya sabay baling kay tatay.
"Hayaan mo na at nagpapahinga, tutal naman kumain na 'yan kanina pagkarating galing dagat." Litanya niya.
Matapos sabihin iyon ni nanay ay umupo na ako sa kaharap na upuan ng sa kanya. Tahimik lamang kaming kumakain ni nanay hanggang sa mabanggit niya ang mga salitang halos magpaubo sa 'kin.
"Rie anak, nakita mo ba 'yong mga batang halos kaedad mo lamang ang iba?" Tanong niya bigla sa akin.
"A-ano h-ho, .nay?" Paglilinaw ko.
"Ang sabi ko, kako kung nakita mo ba iyong mga batang halos kaedaran mo lang? Iyong mga nasa kalsada kanina no'ng pauwi na tayo?" Mahabang pag-uulit niya.
"A-ah...hindi ho kase, nay eh. Bakit?" Pagsisinungaling ko.
"Abay kay ganda-ganda talaga ni Monette ano?" Sabi ni nanay.
"Monette ho?" Kuryuso ng tanong ko.
"Oo! Iyon bang babaeng kasama no'ng. mga taga Maynila?"
Tumahimik na lamang ako at nakinig nalang sa iba pang sasabihin ni nanay.
"Kaedad mo lang siya, Rie. Buntis noon si Annette kay Monette nang malaman kong buntis din ako sayo, anak. Halos sabay lamang yata kaming magsilang noon ni Annette dahil halos sabay din lamang kaming nagbuntis..." Masayang sabi ni nanay ng may mumunting ngiti sa labi.
"...alam mo ba, Rie, matalik din kaming magkaibigan noon." Patuloy na sabi ni nanay.
Dito na tuluyang naagaw ang atensiyon ko nang sabihin iyon ni nanay. Dahil sa tinagaltagal na magkasama at nagkakausap kami ni nanay ay wala ni katiting iyong nababanggit patungkol sa ngalan na iyon.
Marahil may mga bagay pa nga talaga akong hindi nalalaman tungkol kay nanay. Halimbawa na lamang nito. Ngayon.
"...sabay pumapasok sa eskwela, umuwi, palaging sa iisang seksyon lamang ng klase, magkasama, nagtutulungan sa mga bagay-bagay. Kumbaga, package kami noon ni Annette." Pagpapatuloy ni nanay.
Pinagmamasdan ko lamang si nanay na magkwento ng tungkol doon habang patuloy pa rin ako sa pagkain.
"Kaya lamang nagbago iyon nang tumungtong na kami ng kolehiyo." Ani ni nanay.
Sa katunayan nga ay di ko inakalang nakaabot si nanay at tumungtong hanggang kolehiyo sapagkat wala naman akong makita ni kunting anino noon. Kaya masasabi kong bago ang kaalamang ito sa akin lalo't ang tungkol sa kanilang nakaraan.
" Nagsimula iyon nang minsang maisali kami sa isang kompetisyon sa aming paaralan patungkol sa mga beauty contest daw..." Bahagya pang natawa si nanay ng sabihin iyon.
'Beauty contest?'
Sa bagay, maganda naman kase si nanay, kaya lang kung tititigan ay mas matanda na ito sa tunay niyang edad.
'At kung gano'n ay maganda rin siguro ang kaibigang iyon ni nanay'. Pagsingit ko sa loob lamang ng aking isipan. Kung sa bagay, maganda kase iyong Monette. May pagka-chinita.
I wonder if she's a full blooded Filipino? Or does she have a foreign blood line?
"...doon nagsimula ang lahat. At lumala iyon nang dahil sa iisang dahilan at rason na pareho rin naming ipinaglalaban." Sabi pa ni nanay.
"Ano naman ang dahilan at rason na iyon, nay?" Kuryusong tanong ko naman.
Ang buong akala ko'y sasagutin iyon ni nanay ngunit tumayo lamang ito at uminom ng tubig bago umalis bitbit ang pinggang kanyang ginamit. Sa pag-alis na iyon ni nanay ay naiwan na naman akong lito at nagtataka sa kung ano nga ba talaga ang dahilan at rason na tinutukoy niya. Dahil alam kong may ibang bagay pa na mas malalim doon kung iyon ang naging dahilan ng pagkasira nilang basta na lamang.
At isa pa, matalik iyong kaibigan kaya imposibli kung hindi iyon labis at basta na lang. Kilala ko ang magulang ko. Si nanay, kaya alam ko kung ano ang totoo at hindi totoo sa sasabihin niya kung sakali man na nagawa niya. I've known my parents since day one. I know them. I know my mother. Kung masakit o mahirap ang isang bagay para sa kanya, ay pihadong alam ko.
Lagi.

Bình Luận Sách (31)

  • avatar
    Anthony Villarmero

    sobramg Ganda

    17/07

      0
  • avatar
    Rieshana Drua

    ilove it is so pretty story

    03/07

      0
  • avatar
    Marietta Cabase Briones

    it's so cool

    15/04

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất