logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

YATOFM: 7

Pakiramdam ni Sandy ay mababali ang balikat niya sa bigat ng lalaki. Malayo pa ang Mahal na Araw pero parang nagpenitensiya na siya. Mula sa baba ng siyudad ay kinaladkad niya ang lalaki papunta sa apartment niya. Mababali ang likod niya at hingal na hingal siya nang makaakyat sa taas ng bundok. Di na siya nag-abalang mag-taxi pa. Sobrang mahal ng taxi at ang natitira niyang pera ay para sa pamamasyal niya bukas.
Nakasubsob pa rin ang mukha ng lalaki sa leeg niya. Ilang beses niyang tinangkang iangat ang mukha nito palayo sa leeg niya pero umuungol ito bilang pagtutol at lalo siyang hinahapit palapit.
"Konti na lang," sabi ni Nikka Jean na nahihirapan na rin.
Napausal siya ng pasasalamat nang makita ang gate ng apartment na nagsilbing tahanan niya sa loob ng dalawang buwan.
"Buti na lang mabango ang lalaking ito." At pinisil pa ang pisngi ng lalaki.
"Puro ka pa kalokohan," asik niya dito. "Pabukas ng gate."
Gusto na lang niyang bumagsak at matulog nang sa wakas ay makarating sa maliit na apartment na inuupahan. Pag-aari iyon ng kaibigan niyang artist na nakilala niya sa Cambodia. Doon muna siya nito pinatuloy habang dalawang buwan ito sa Brazil.
"Mabuti naman nandito na tayo," usal niya at akmang ibababa ang lalaki.
"Lumayo ka man sa akin at ako'y iyong limutin...Hik! Masakit man sa damdamin…Hik!" kanta ng lalaki.
"Anong kanta 'yan? Uso ba 'yon sa Pilipinas?" tanong ni Nikka Jean.
"Parang familiar ang lyrics pero iba ang tono." Ngumiwi siya nang ma-realize na wala sa tono ang lalaki. Buti na lang gwapo ito.
Maliit lang ang apartment niyang iyon sa Seoul. Kasing laki lang ng kuwarto niya sa Pilipinas. Ni wala ngang kama. Futton mat lang ang mayroon siya. Maayos na iyon kaysa naman sa mga tinuluyan niyang dormitoryo dati sa ibang bansa. Sira ang kama at may naghahabulan pang mga ipis at daga minsan.
Ipinaglatag ng futton mat ni Nikka Jean ang lalaki saka siya tinulungang ihiga ito. Pinagtulungan nilang tanggalin ang coat ng lalaki. "Wow! Italian designer ang gumawa ng coat niya. Madatung ang lalaking ito. Kung wala lang akong asawa, pipikutin ko 'to. Ikaw na kaya ang pumikot. Chance mo na 'to."
Nakakunot ang noo niyang tinanggal ang Italian handmade shoes nito. "Malay mo kung may asawa na 'yan."
Itinaas nito ang kaliwang kamay ng lalaki. "Look. Walang wedding ring. Huwag mo nang pakawalan ang isang 'to."
"Umuwi ka na nga. Antok lang 'yan," aniya at ihinatid ito sa may pinto.
"Mukhang hunkilicious siya," sabi nito at kinagat ang labi.
Tumirik ang mata niya. "Ewan ko. Di ko pa naman nakikita ang katawan niya." She tried to block her mind. Ayaw niyang isipin kung anong pakiramdam ng matigas nitong kalamnan sa ilalim ng damit nito. Pero nakakadaya ang pandama. Malay ba niya kung ano ang itsura nito sa loob.
"E di tingnan mo. Hubaran mo," udyok nito.
"Heh! Huwag mo nga akong demonyohin."
Humalakhak ito na parang nakakaloko. "Hay! Twenty-three ka na pero pa-virgin ka pa din. Sa dami ng adventure mo sa buhay, wala ka man lang bang romantic involvement kahit minsan?"
Umiling siya. "Di ako interesado." Namamasyal lang siya sa iba't ibang bansa para paligayahin ang kaluluwa niya. She wanted to experience life. Alam niyang kapag nag-asawa siya ay maaring di na niya magawa iyon. Di rin siya nagka-interes sa mga lalaki... Maliban ngayon.
"Then its time to do something outrageous. Nakakita ka na ba ng nakahubad na lalaki?"
"I have a male cousins..."
"Pwera sa mga 'yon. Wala pa 'no? Bakit di mo subukan ngayon?"
Itinulak niya ito palabas ng gate. "Umuwi ka na nga. Kung anu-anong ipinapasok mo sa utak ko."
"Paano kung iyan na ang huling pagkakataon mo para gumawa ng isang bagay na daring? Ngayong gabi lang naman 'yan. Bukas wala nang ganyan."
"Tutulong lang ako. Di ko pagsasamantalahan." Siya nga mismo naguguluhan sa atraksiyon sa lalaking iyon. Hindi nga niya maintindihan ang sarili niya. Tapos ay dadagdagan pa nito ng kalokohan.
Humalakhak lang si Nikka Jean saka naglakad palayo. Isinara niya ang pinto. Huminga siya nang malalim at ipinilig ang ulo para mawala ang tukso sa isipan niya. Narinig niya ang pag-ungol ng lalaki. Malamang ay di maganda ang pakiramdam nito dahil sa kalasingan nito. Pumunta siya ng kusina para kumuha ng maligamgam na tubig. Pupunasan niya ito para mapreskuhan.
At huhubarin din niya ang damit nito...Natigilan siya sa pagpindot sa buton ng thermos. Huhubaran niya ito. Makikita niya ang katawan nito. Katawang baka malagyan niya ng malisya.
"Lalaki lang siya. Kahit gaano pa siya kaguwapo, di ko siya pag-iinteresan. I am just being a Good Samaritan. Good Samaritan. Walang malisya kahit na hubaran ko pa siya. Kahit na hot pa ang body niya," paulit-ulit niyang sabi sa sarili habang pabalik sa kuwarto niya dala ang palanggana ng maligamgam na tubig.

Bình Luận Sách (126)

  • avatar
    ScarletHeart

    It impressed me when I read the sypnosis of the story. So, this book is highly recommended to everyone who wants to relate and fall inlove with the characters. 😊💖

    11/06/2022

      1
  • avatar
    Ma Theresa dela Cerna

    I hope na ok sya

    19d

      0
  • avatar
    Eil Maurice Perez Dudass

    godjob

    20d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất