logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

The Devil Got An Angel

The Devil Got An Angel

Lady Eros


Chương 1 Maikling Simula Lang

***
Ang istoryang ito ay may halong pagmumura at karahasan, kaya kung sensitive ka at hindi sanay sa pagbabasa ng ganitong genre o istilo, mag-next story ka na lang muna. Salamat!
***
Sabi nila, ang mundo ay hindi patas. Kahit mahirapan ka, hindi ito hihinto para sayo. Kahit na masaktan ka patuloy lang ito sa pag-ikot. Kahit mawala ka sa mundo, wala itong pakialam sayo. Tanging mga taong nakapaligid lang sa’yo ang makakaalala, hanggang sa maging sila ay mawala na rin ng tuluyan.
Kaya bakit pa ako magseseryoso?
Para saan pa para maging matino?
“Hindi ko na kaya, Manuel! Hindi ko na kaya ang paglalasing mo! Lagi ka na lang ganyan! Ano na lang ang mangyayari sa mga anak mo?! Ni hindi mo nga ako mabigyan man lang ng pambili ng gatas! Nakuha mo pang humarap sa mga baharang ‘yan! Ayoko na!” sigaw ng nanay ko habang buhat-buhat ang halos tatlong taon ko pa lang na kapatid at halos magliyab ang mga matang nakatingin kay tatay.
Ni wala man lang pag-aalalang mababanaag sa mga mata ng tatay ko. Blangko lang ang tingin nitong kay nanay na hindi ko alam kung paano nagagawang magligpit nang mga gamit sa sirang bag habang buhat-buhat ang kapatid ko.
“Eh, anong geste mo? Hik! Ikaw nga diyen… Hik! Laging nakaharep sa bingguhan! Hik!” ganting sigaw naman ng tatay kong hawak-hawak ang isang bote ng alak saka muli pang lumaklak nito.
Para bang wala lang rito ang nangyayari at nakuha pang uminom habang tinitingnan ang nanay kong nag-e-empake habang ang kapatid ko naman ay iyak nang iyak.
Yan ang tatay kong lasenggero at sugarol. Walang sinasanto. Walang pakialam. Kaya hindi na ako nagtaka pa kung bakit nagdesisyon ang nanay kong umalis na ng aming bahay – o kung bahay bang maituturing ito.
Nagtataka nga ako kung paano pa nitong natagalan ang tatay ko.
Mabuti nga rin at dalawa lang kaming magkapatid. Kahit papaano ay nakasunod ang nanay ko sa family planning. Kung tulad nila Aling Maring na taon-taon nabubuntis, ay ewan ko na lang!
“Nay, hindi niyo po ba ko isasama? Sama ako, Nay.” Nagmamakawang sabi ko kay nanay habang paalis na sila ng kapatid ko sa aming bahay.
Halos tumulo na nga ang uhog ko dahil sa lungkot at takot na manatili sa tabi ng tatay kong nambubugbog kapag lasing o talo sa sugal.
Tiningnan lang ako ng nanay ko saka nito tiningnan ang tatay kong tulog na sa lapag dahil sa kalasingan. Ni hindi na nito nalabanan pa ang antok at sinamantala naman ito nang nanay ko para umalis.
Napabuntong hininga muna ito bago tumingin sa akin. Wala akong mabasa sa mga mata nito. Ni wala akong alam kung nalulungkot ba ito sa magiging desisyon nito o ano.
“Uno, samahan mo na lang ang tatay mo. Kawawa naman siya dahil mag-isa na lamang siya, hindi ba? Tutal naman magkamukha kayo. Hindi ko rin naman kakayanin na dalawa pa kayo na ang aalagain. Tutal naman pitong taong gulang ka na. Kaya mo na ang sarili mo.” Yan ang sabi nang nanay ko bago siya umalis.
Saklap noh?
Kawawa ang tatay kong mag-isa, pero paano ako? Hindi ba ako kawawang maiwan kasama siya? Anak rin naman ako ‘di ba?
Pero bakit parang pakiramdam ko kasalanan ko pang maging kamukha ng tatay ko? Bakit parang kailangan ko pang magpasalamat dahil pitong taong gulang na ako? Sa edad ba na ito, kaya ko na bang alagaan mag-isa ang sarili ko?
Sa mura kong edad ay hindi ko lubos na maunawaan ang mga salitang binitiwan ng nanay ko?
Ngunit tila nawalan na ako pagkakataong mag-isip o magtanong pa sa kung ano ang karapatan ko o kung anuman ang dapat sa hindi. Ang kailangan ko na lang ay gawin ay ang mag-isip ng paraan para mabuhay.
Mabuti na lang din at sinama ng nanay ko ang kapatid ko, at least wala na akong kailangang alagaan. Mahirap kayang mag-alaga ng kapatid lalo pa at maliit pa lang ito. Siguro iyon na lamang ang inisip kong panghugas ng mga sugat sa pag-alis ng nanay ko nang hindi ako kasama.
Ngunit sa loob-loob ko ay hindi ko pa rin talaga lubos maisip kung bakit at paano niya akong naiwan na lang ng basta-basta.
Kaya naman heto, mag-isa na lang ako sa buhay. Iniwanan ko na ang tatay kong hindi ko alam kung anong pumasok sa utak para manakit at ginawa ng tubig ang alak at bahay ang sugarulan ni Mang Enteng. Ni hindi ko nga alam kung alam pa niya ang salitang ‘hangover’ dahil lagi naman niyang lasing. Hindi pa nga nakakapagbaba ng tama, hayan na naman at naglalasing.
Kaya para sa akin, wala na akong pamilya.
Nag-aaral kapag trip lang at dahil na rin sa mga katropa. Nagtatrabaho dahil kailangan. Nakikitira sa kung saan-saan. Nambubugbog dahil gusto lang. Naninigarilyo at umiinom rin ng alak kapag nagugutom at wala nang pera. Nagnanakaw kung kinakailangan. Tumakas kapag nahuli ng mga pulis. At gagawin ulit ang lahat ng ginagawa dahil patuloy ko pa rin namang nakikita ang sinag ng araw.
Buhay pa rin ako kaya tuloy lang ang buhay.
Wala nga lang direksiyon. Walang kwenta. Walang kahit na ano.
Yan ang buhay ko.
Wala daw akong puso. Gangster. G*go. T*rantado. Walang silbi. Walang patutunguhan sa buhay.
In short, walang kwentang tao.
Pake ko naman sa kanila.
Hindi naman ako mabubuhay sa mga salita nila. Matira ang matibay sa mundong ito. Kung asar ka, edi, ikaw ang talo.
Pero tulad ng isang kwento, nagbago ang lahat dahil sa isang tao.
I met her.
Naks, naman ang pag-e-english ng drama ng g*gong ‘to no? Hayaan niyo na. Ganyan talaga kung may biglang dumating na milagro.
Ang anghel na kasing-puti ng White Lady.
Saan ka pa? Pwede kaya siyang ibenta sa perya? Malay niyo kumita pa ako sa kanya di ba? Kahit limang piso lang bawat taong gustong makakita sa kanya? Pwede kaya?
Ang anghel na self-declared best friend ko daw.
T*ng-ina lang di ba? Kaibigan? Wala ako nun tsong! Napakakulit at nakakainis na talaga.
Nakakinis lang kasi kahit pala isang demonyong tulad ko pinadalhan pa rin ng tagabantay na anghel na tulad niya para bigyan ng pagkakataong magbago.
Nakaka-t*nga lang di ba?
Ako may pagkakataon pang magbago? Para saan pa? Bakit pa?
Okay naman na ako sa buhay ko. Okay na ako sa kung ano ako.
O okay nga ba?

Bình Luận Sách (9)

  • avatar
    RoxasAriel

    ganda nang story write more

    6d

      0
  • avatar
    Adrian Franco

    iohs

    17/06

      0
  • avatar
    Margie Agustines

    it's so pretty

    29/01

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất