logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

ILMLFY: 7

Tinaasan niya ito ng kilay. “Orion, hindi ikaw ang type ko.”
“Naku! Hayan na naman kayong dalawa. Diyan nagkatuluyan ang lolo’t lola ko,” tukso ni Vic-Vic. “Huwag mong sungitan si Orion. Kita mo naman walang biyahe ngayon ng pumpboat pero nagrenta pa siya para lang sunduin ka.”
“Tita, tikman po ninyo ang kare-kare. Luto na po,” sabi ni Joanne Jean na lumabas ng bahay. Simpleng duster lang pero maganda ito. Pantay ang morena nitong balat, mahaba ang itim at tuwid na tuiwd nitong buhok at asset din nito ang malalim na dimples. “Ratchelle, nandiyan ka na pala! Naku! Sobrang saya ko na bumalik ka na. Magkakasama na ulit tayo. Alam mo bang ipinagluto kita ng masasarap na pagkain. Puro mga paborito mo.”
“S-Salamat… Ate,” wika niya at tipid na ngumiti. Masama ba siya dahil naiirita pa rin siya dito? Mukha naman talagang mabait si Joanne Jean. Sa sobrang bait nito ay nakukuha nito ang loob ng maraming tao. No matter what she did, it wasn’t good enough.
“Pumasok na tayo sa loob,” yaya ni Aling Maureen. “Orion, sumabay ka sa aming maghapunan.” Hinaplos nito ang buhok niya. “Welcome home, anak.”
Huminga siya ng malalim. Kailangan niyang maging kampante. Hindi siya insecure dito. Malayo na ang narating niya. Marami siyang achievements. At sa pagkakataong ito ay mas secured na siya sa lugar niya sa pamilya niya.
HINDI maubos-ubos ang mga tanong kay Ratchelle tungkol sa buhay niya sa Maynila at ang mga kwento ng mga ito tungkol sa mga kababaryo nila at mga kaibigan. Masyado nang maraming nangyari. May mga nag-asawa na at nagkaanak pagka-graduate pa lang ng high school. Umiikot na ag ulo niya sa mga kwento. Subalit naaaliw din siya. She was hungry for information. Masaya din siyang ikwento ang buhay niya pati ang mga hirap na pinagdaanan niya. Hindi naman niya mararating ang kinalalagyan niya kundi dahil sa mga pagsubok na iyon.
“Anak, hindi ka ba kakain?” tanong ng tatay niya.
“M-Medyo pagod pa po kasi ako.” Parang wala siyang ganang kainin ang luto ni Joanne Jean. Kuntodo kasi ang puri dito ni Vic-Vic. Kaya din naman niyang lutuin iyon. Nag-aral siya culinary class para naman maipagmalaki din ng mga ito na masarap siyang magluto.
“Naku! Baka diet ‘yan. Di uso ang diet dito, anak. Ang payat-payat mo. Kailangan mo talaga ng lalaking mag-aalaga sa iyo. Dapat talaga mag-asawa ka na," sabi ni Mang Fredo na di iisang beses ang tungkol sa pag-aasawa niya.
“Kaya ko naman pong alagaan ang sarili ko," katwiran naman niya.
“Mas bagay sa iyo ang may konting laman," komento ni Vic-Vic. Itong sweet and sour na lapu-lapu na luto ni Aling Maureen ang subukan mo.
“Wala po pala halos nagbago dito sa La Carmella,” komento niya nang dumungaw sa bintana matapos ang hapunan at napansin na karamihan ng kapitbahay nila ay naglalakad-lakad sa tabing-dagat at namumulot ng lamang-dagat na pwedeng maihain sa hapag kaysa manood ng balita sa TV. Hirap pa rin ang signal ng TV doon at mga may kaya lang ang nakakapagpakasasa sa benepisyo ng sattelite TV.
“May kaunti namang pagbabago pero mas gusto naming panatilihin ang simpleng buhay. Mas nakakaakit kami sa turista kapag ganoon. Hindi naman pwedeng lahat na lang ng lugar ay pasukin ng sibilisasyon. Nasisira ang kalikasan.”
“Pero sayang naman po…”
“Anak, nabuhay ang mga ninuno natin na di naman kailangan ng modernong teknolohiya. Saka masaya na kami sa simpleng buhay.”
“Hindi mo ba nami-miss ang ganito?” tanong ng nanay niya. “Walang ingay, walang polusyon, kabi-kabilang patayan, traffic at kung anu-anong di magandang balita. Pwede mong ipahinga ang isip mo. Wala kang dapat alalahanin.”
Natawa siya. “Siguro lang nasanay ako sa buhay sa Maynila.” Convenient ang lahat ng bagay. Lahat ng pangangailangan niya ay naroon. Habang sa La Carmella ay kailangan niyang pagsumikapan ang lahat kasama na ang pag-iigib ng tubig.
“Anak, sa anniversary party namin ng Papa mo tiyak magkakagulo na ang mga binata sa panliligaw sa iyo. Sana tagadito sa atin ang mapangasawa mo. Mababait ang mga kalalakihan dito sa atin at mapagkakatiwalaan.”
“Naku! Ewan ko lang kung basta-basta may papasa sa anak natin. Nakita mo naman ang mga tropero. Cum laude ka pala, anak. Sayang at wala ako para magsabit ng medal sa iyo,” anang tatay niya at hinaplos-haplos pa ang bronze medal niya.
“Sabi po kasi ninyo busy kayo noon dito dahil may problema si Joanne Jean. Nasaan po pala ang college diploma niya?” tanong niya.
“Hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Joanne Jean dahil tumulong siya sa family business natin,” malungkot na kwento ng nanay niya.
“Maliit na sakripisyo lang po iyon, Tita. Di naman po masama ang loob ko dahil ginusto ko naman po iyon,” anang si Joanne Jean na nagpupunas ng pinggan.
Parang may tumamang matigas na bagay sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay wala siyang silbing anak dahil pinili niyang magpakalayo-layo at tinupad ang pangarap niya habang si Joanne Jean at naiwan para magsakripisyo para sa pamilya niya. Pabida na naman ito. Nakakainis.
Niyakap niya ang mama niya. “Huwag kayong mag-alala, Ma. Ngayong nandito na ako, ako na po ang mamamahala sa restaurant natin.”
May lungkot sa mga mata nito at pilit na ngumiti. “Saka na natin pag-usapan ‘yan. Magpahinga ka na. Alam ko naman mahaba ang biyahe mo.”

Bình Luận Sách (21)

  • avatar
    Kathelene Mae Albao

    maganda

    30/01

      0
  • avatar
    Mateth Madelo

    Wow ganda!

    24/01

      0
  • avatar
    JM Ody

    excellent

    13/08/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất